It Started In The Bus [BoyXBo...

By blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... More

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
2: Roommate
3: Bwiset
4: Pasukan
5: Alaga
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
10: Paglago
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
13: Kumag VS Hambog Part 2
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
30: Man
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

6: Kakambal

2.8K 42 1
By blackfoxsenpai


~=Zarex=~

Maganda naman ang mga dumaang araw sa amin, or sa akin. Little by little, gumaan na rin ang loob k okay Khyron.

Sumasaya ang araw ko pag nandiyan siya eh. Tapos, pag hinahawakan ko yung kamay niya may parang kuryente na dumadaloy sa akin.

In know it sounds ridiculous, but yun talaga yung nararamdaman ko.

When he smiles, there is these butterflies in my stomach that I can't even explain.

Though may pag ka masungit nga siya pero paminsan minsan naman ay hindi. Ewan ko ba. Bipolar ata tong taong to eh.

Hindi ko na masyadong binigyan ng pansin yung ganung feeling na nararamdaman ko.

I thought that maybe, dahil lang sa mas nagiging close kami as friends.

Meron rin palang ibang side ng Khyron itong taong to. May caring side rin pala siya.

Simula nung nabugbog ako, siya ang nagalaga sa akin. I never thought na gagawin niya sa akin yun, although hindi pa kami masyadong magkakilala.

And I am really thankful to him because of that. At nung sinabi nyang "'wag ka nang mahiya, nakita ko naman na yang tinatago mo eh." Aaminin ko, namula ako dahil doon.

Siya pa lang kasi ang ibang nakakita dun eh.

Mas naging close ko na rin yung Ford na kaibigan ni Khyron. Sumasama na rin naman ako sa kanila sa lunchbreak.

Ngayon nga ay biyernes na, apat na araw na ang nakalipas simula nang mabugbog ako.

Nakakahiya nga eh, second day palang ng school, bugbog na ako agad. Pero andyan naman si Khyron. Tinulungan niya pa rin ako hanggang sa school.

But during that time, napansin ko naman si Ford na masama ang tingin sa akin at hindi sya ganun kadaldal that time. Ewan ko lang kung napansin yun ni Khyron.

Well, I shake that thought out of my head kasi di ko na rin naman alam ang dahilan.

"Hoy, bumangon ka na diyan. Malalate na tayo!" sigaw ka agad sa akin ni Khyron. Hindi na siya ganun kasungit though masungit pa rin siya. Hehehe.

"Good morning din!" sabi ko naman sa kanya sabay ngiti. Sinimangutan lang niya ako ng mukha saka pumasok sa banyo.

"Bibili lang ako ng pagkain natin!" sigaw ko sa kanya. "Bahala ka." Yan lang ang sagot niya. Hay Khyron talaga oh!

Kumuha na ako ng pera at dali daling lumabas ng boarding house. Nakita ko pa si aling Vangie na nakikipagharutan sa ibang borders niya.

Yung matandang yun talaga!

Bumili ako ng kanin at ulam sa carinderia diyan sa malapit sa kanto. Pagkatapos ay bumalik na ako sa room namin.

Katatpos lang din pala ni Khyron na maligo. Inihanda ko na ang mga pinamili ko tsaka nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa banyo. Naligo na ako at nagbihis.

"Sabay na tayo." Walang kareareaksyong pagkakasabi ni Khyron bago lumabas ng pinto.

Ako naman nagbihis na. Siyempre, papogi dito, papogi doon. Kaya nga kami pinagtitinginan at pinagtitilian kaming tatlo nila Khyron at Ford ng mga babae at bakla kasi sa aming angking gwapo.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako. Nakita ko pa si Ford at Khyron na naguusap at nagtatawanan.

And there it goes again, my jealousy. Kasi naman sa akin hindi tumatawa si Khyron samantalang kay Ford eh ang saya saya niya.

Anu nanaman tong pinagiiisip ko!

Sinalubong naman ako. Magaan naman ang loob ko sa dalawa. Kaso anddun pa rin talaga yung pagka 'out-of-place' ko sa ibang pinaguusapan nila.

Sumakay kami ng jeep. Mabilis naman ang byahe kasi wala pang traffic.

Pagpasok sa gate ng Wilson University ay pinagtitilian nanaman kami. Yung dalawa kong kasama, todo ngiti. Samantalang ako, hiyang hiya.

Paano ba naman eh sa dati kong school hindi naman ganto yung mga bakla at babae duon. Mga manhid ata yung mga yun!

Dumiretso kami sa Engineering Department. Agad kaming pumasok sa room namin.

Pagkaupo pa lang sa upuan ko ay napaisip ako agad. Nasan na kaya yung kakambal ko. Anu kaya yung course niya.

Sabi niya kasi architecture daw ang gusto niya pero sabi niya rin gusto rin daw niya ang civil engineering.

Hindi rin niya sinabi kung saan siya mageenroll na school.

Nawala ang pagiisip ko ng dumating ang prof namin.

"Okay class, bago tayo magsimula. I like you to meet your new classmate." Pagbungad ni maam sa amin."Iha, pasok ka na." pahabol niya pa.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Speaking of the devil.

"Hello. Goodmorning sa inyong lahat! Ako nga pala si Zarah Jane Villafuerte. 18 na rin. I hope we can be friends." Yan lang yung sinabi niya.

Yung ibang kaklase ko namang lalaki ay nakanganga na. Hindi ko naman sila masisisi. Maganda rin naman kasi sya eh.

"How are you related to mister Zarex Villafuerte, miss Zarah?" tanong pa naman ni maam dito. Tss, tsismosa talaga si maam.

"Uhm...actually he is my twin brother!" masayang pagkakasabi niya sa aming mga kaklase.

Nakita ko naman yung iba naming classmates parang hindi makapaniwala sa narinig. Yung iba napatingin pa sa akin pati narin si Khyron at Ford.

"Okay. You may take your seat miss." Agad naman siya nakakita ng bakante sa tabi ni Khyron.

So bale ako yung nasa right side, sa gitna ay si Khyron, at si Zarah ay sa left side ni Khyron.

Ayun nga, nagsimula na ang klase namin hindi na ako nakapagfocus sa klase. Tumingin ako kay Zarah.

Tiningnan rin niya ako at ngumiti. "Maguusap tayo mamaya!" pabulong kong sigaw sa kanya. Nagthumbs up lang naman ito.

Nagpatuloy ang klase at nakinig na rin ako sa lecture ni maam.

---

Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayon nga ay lunchbreak na namin. Kasabay kong pumunta sa cafeteria si Khyron, si Ford, at si Zarah.

Umorder na kami agad ng lunch namin sakanaghanap na ng puwesto namin.

Pagkaupo pa lang ay inenterrogate ko na agad ang kakambal ko.

"Anung ginagawa mo dito!?" tanong ko sa kaniya.

"Wow interrogation agad. Hindi mo pa nga ako pinapakilala dito sa mga gwapo mong friends oh!" sabi niya sa akin saka ngumiti.

Agad ko naman pinakilala sila Khyron at Ford kay Zarah. Nakipagkamayan naman agad ang mga ito.

"Sagutin mo na ang tanong ko." Sabi ko sa kanya. "Gusto ko kasi magkasama tayo. Miss na kita eh so pinilit ko si Mama na papuntahin na ako dito. Nung una ayaw niya pa kasi daw wala daw siyang kasama until nung Monday eh dumating si Renjie, yung pinsan nating bakla kasi daw magaaral daw siya doon sa Clark. Wala naman daw siyang matutuluyan kaya naisip ni mama na doon na lang tumira sa atin. Diba siya rin naman yung katulong ni mama dati sa resto niya. Tsaka mabait naman yun. So yun nga, pumayag na si mama na dito ako magaaral unless kasama daw kita kaya pinili ko na rin tong civil engineering." Mahabang litany nito.

"Eh bakit ngayon ka lang pumasok? Tsaka san ka nakatira ngayon?" tanong ko ulit dito. Sila Ford at Khyron naman ay mataman lang na nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Mlaman bumyahe pa ako then naghanap ng boarding house. Buti nga nakahanap ako ng boarding house diyan lang malapit sa tinitirhan mo. Tsaka nagenroll pa ako. Buti nga pwede pang magenroll kahit pasukan na eh." Sabi pa nito habang kumakain kami.

"Okay last na. Paano mo nalaman kung saan ako nakatira at siguraduhin mong all girls yung pinasukan mong boarding house ha!" pinakahuling tanong ko sa kanya.

"Uso na ngayon ang magresearch, bro. oo, all girls yun kaya wala pang makakuha ng virginity ko noh!" sabi nito sabay tawa.

"Ahh..." nasabi ko nalang.

"Wow, overprotective na kuya." Sa wakas nagsalita na rin si Khyron. "Actually mas matanda ako sa kanya ng 5 minutes." Sabi pa ulit ni Zarah.

Ayun nga. Nakipagkulitan pa si Zarah kila Khyron at Ford. Likas naman kasing madaldal itong kapatid ko.

Ako naman dito ou of place nanaman. Kaya ang ginawa ko, kinain ko nalang yung lunch ko.

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
761K 41K 103
an epistolary
136K 11.3K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...