It Started In The Bus [BoyXBo...

נכתב על ידי blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... עוד

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
2: Roommate
3: Bwiset
4: Pasukan
6: Kakambal
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
10: Paglago
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
13: Kumag VS Hambog Part 2
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
30: Man
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

5: Alaga

3K 46 0
נכתב על ידי blackfoxsenpai

~=Zarex=~

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa labas upang umuwi na.

Hinanap ko si hambog para may makasabay akong umuwi pero nakita kong kasama niya si Ford. Somehow, I was struck by jealousy.

Nakita ko silang magkasama, nagngingitian, nagtatawanan, samantalang ako dito, mag-isa.

Ugh! Ano ba itong pinagsasabi ko!

Napagpasyahan ko nang umalis at maglakad na lang pauwi kasi gusto ko rin namang malibot tong lugar namin.

Kinuha ko ang phone ko, pinunta sa music at sinalpakan ng earphones ang tenga ko.

Nawiwili rin naman ako sa paligid. Marami rin palang establishments dito. Makapunta nga dito minsan.

Habang naglalakad, may nadaanan akong eskinita, at may naririnig akong sigawan doon.

Dala ng curiousity, tinahak ko ang eskinitang iyon at nang maramadaman kong malapit na ako sa sigawan ay nagtago na muna ako.

Sumilip ako. May nakita akong babae, umiiyak at parang pinipilit na gawan ng kahalayan ng tatlong lalaki.

Dahil sa nakita, agad akong lumabas sa pinagtataguan at hinarap ang tatlong kulugo.

"Hoy! Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo ha!?" galit na sigaw ko sa mga ito. "At sino ka naman, wala kang pakealam!" bulyaw naman sa akin ni kulugo 1.

"Mali yang ginagawa niyo! Dapat rinerespeto ang babae hindi giagawan ng kahalayan!" sigaw ko ulit sa kanila.

"Aba matapang ka ah!" sabi naman ni kulugo 2. Siguro mga nasa 20's na sila. "Upakan natin to pre, para maleksiyonan." Sabi pa ni kulugo 3.

Mukhang makaksabak ako sa bugbugan ah! Ba! Kala niyo hindi ako marunong lumaban? Nag aral kaya ako ng jujitsu, wushu, at kungfu nang minsan kaming pumunta sa Japan at Korea.

Bigla namang sumugod si kulugo 1. Umilag ako at sinikmuraan siya. Ayun sapul! Napahaiga pa siya.

Sunod naman na sumugod si kulugo 2. Ganun ulit ang ginawa ko but this time sinuntok ko naman sa mukha. Putok ang labi niya haha!

Si kulugo 3 naman ang sumugod. Iilag sana ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay, the sinikmuraan. Ang sakit! Namanhid tyan ko dun ah!

Bigla namang may humawak sa dalawa kong kamay. Pagtingin ko si kulugo 1 pala.

Tiningnan ko yung babae na kasalukuyang nanunood lang sa amin na may takot sa mga mata. "Miss! Umalis kana! Ako nang bahala dito!" pagtawag ko ng pansin sa kaniya.

"Sa-salamat!" agad naman siyang tumakbo palabas ng eskinita. Lalaban pa sana ako ng may sumuntok nanaman sa mukha ko.

Napahiga ako dahil doon. Lumapit naman si kulugo 2 at sinipa ako sa tyan. Ginaya rin nung dalawa yung ginawa ni kulugo 2.

Sipa sa tyan, sipa sa paa, sipa sa hita, sipa sa mukha, at sa ibat ibang parte pa ng katawan ko.

Dahil na rin sa sobrang sakit na nararamdaman ko at sobrang panghihina ay hindi na ko na nagawang lumaban pa.

Bumibigat na ang mga talukap ko sa mga mata. Narinig ko pa silang magsalita bago umalis.

"Wala naman palang binatbat eh, ang yabang yabang! Buti nga sayo!" sabi nang isa at dinuraan pa ako!

"Tara na! baka mapatay ko pa yan eh!" may nagsalita pa at umalis na sila.

Masakit ang buong katawan ko! Hindi na rin ako makakita ng malinaw. Pero kaya ko pa namang tumayo.

Pahirapan akong tumayo ngunit nangangatog pa rin ang tuhod ko. Pinilit kong maglakad hanggang sa boarding house.

Pinagtitinginan na ako ng ibang makakasalubong ko sa daan eh. Hindi ko na lang sila pinapansin.

Pagdating sa boarding house ay pinagtinginan pa ako ng ibang kasama ko dito.

Lumabas si Aling Vangie mula sa isang kwarto at nakita ako. Bigla naman siya lumapit.

"Diyosmiyo santisima! Anak, anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong nito sa akin. "Wala po ito! Napagtripan lang diyan sa may kanto." Sagot ko naman at pilit na ngumiti.

"Sigurado kang ayos ka lang ha! O siya, magpapabili na lang ako ng gamut para gamutin iyang mga sugat mo. Ipapahatid ko nalang sa kwarto niyo." Sabi pa nito.

"Sige po, salamat po!" sagot ko naman. Tinungo ko na rin ang kwarto ko.

Kinapa ko sa bulsa ko yung duplicate key sa room namin. Buti nandito pa!

Agad akong pumasok sa loob. Inilapag ko na rin ang aking bag sa lapag at kumuha ng damit sa cabinet ko.

Wala pa rin si Khyron dito.

Ngunit pagkatayo ko ay agad akong nakaramdaman ng pagkahilo. Hindi ko nakayanan ito at bumagsak ako sa sahig.

Dumilim ang paligid ko pero nakakarinig pa naman ako.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Siguro si Khyron na iyon.

"Oh shit!!" rinig ko pang sabi nito. Naramdaman kong lumapit sa akin si Khyron at tinanong ako.

"Ano bang nangyari sa iyo ha!?" tanong nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot dahil hirap ko na ring ibuka ang bibig ko dahil sa mga sugat dito.

"O sige, tara dito ka sa kama mo!" sabi pa nito sa akin.

Natandaan ko pang inalalayan ako nito papunta sa kama ko pagkatapos ay linamon na ako ng dilim.

~=Khyron=~

Shit! Shit talaga! Ngayon naman magaalaga pa ako ng nabugbog.

"Huy! Anu ba talagang nangyari sayo ha!" tanong ko pa ulit dito pagkalapag ko sa kaniya sa kama. Ngunit hindi na ito nakasagot siguro nakatulog na.

Hinayaan ko muna siyang matulog. Nagbihis na ako ng pambahay.

Nakarinig pa ako ng katok sa pinto. Agad ko naman itong binuksan. Si aling Vangie pala.

"Oh iho andito ka na pala. Heto ang bulak, band aid at mga gamut para diyan sa kasama mo." Pagbungad naman nito sa akin.

"Salamat po!" at inabot niya ang mga ito sa akin. "Teka nga, anu ba talaga ang nangyari dyan sa kasama mo?" tanong nito sa akin.

"Ahy, hindi ko rin po alam eh. Nakita ko nalang po siyang nakahandusay dito sa sahig kanina. Hindi rin kami sa bahay ng uwi. Parehas pa naman kami ng school at course." Mahabang sagot ko kaya ling Vangie.

"Ah ganun ba? O sige, basta pag may kailangan pa kayo, tawagan niyo nalang ako ha!" sabi nito bago umalis.

"Salamat po ulit." Pahabol ko pa sa kanya.

Pagkaalis ni aling Vangie ay agad akong pumunta sa banyo. Kumuha ako ng bimpo, plangganang maliit at mainit na tubig.

Nang maihanda ko na ang lahat ay tinungo ko na ang kama ni Zarex. Kinuha ko na rin ang mga ibinigay ni alingVangie sa akin.

"Paano ba to?" tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ng bugbog saradong lalaki sa harapan ko.

No choice ako kundi hubarin ang damit niya t punasan siya ng maligamgam na tubig. Argghh! Kaya ayoko ng ganito eh.

Bago ko gawin yon ay linock ko muna ang pinto para makasigurong walang papasok agad dito. Baka mamaya isipan pa nilang ginagawan ko ng kahalayan si kumag eh.

Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago ko gawin ito. Para bang napakadelikado tong gagawin ko eh.

'Eh, delikado naman talaga eh, mamaya magising iyan tapos baka isipin pa niyan na gumagawa ka ng kababalaghan sa kanya eh.' Sabi ng isang side ng isip ko.

'Anong delikado? Eh, tutulungan lang naman yung tao eh. Paano kung ikaw yung nasa kalagayan niya ngayon?' sagot naman ng isa pang side ng utak ko.

Nakakalito!

Inayaos ko muna siya ng pagkakahiga. Una kong tinangal ang kaniyang t shirt. Ang puti talag ng kumag na ito. Come to think of it na meron pala siyang six pack abs!

Maganda naman ang korte ng katawan ni kumag eh. Pero siyempre mas maganda yung akin at may abs din ako noh!

Pinunasan ko muna ang katawan niya ng maligamgam na tubig. Then linagyan ko ng betadine at bandaids ang mga sugat niya.

Pagkatapos noon ay dumako ako sa pang ibaba niya. Tinanggal ko muna ang pantalon niya. Nakaboxers nalang ito ngayon.

Pinunasan ko rin ang mga hita niya hanggang sa may paa. Linagyan ko rin ito ng betadine at bandaids.

Pero nagaalangan ako kung pati iyon ay tatanggalin ko. Naaawa din naman kasi ako sa kaniya. Baka hindi siya makatulog ng maayos.

Sa huli ay napgdesisyunan ko rin na tanggalin nalang iyon.

Una kong tinanggal ang boxers at ng underwear niya nalang ang natira ay napalunok ako.

Pinagpapawisan na rin ako. Dahan dahan kong tinanggal ang brief na. napakislot pa siya nang ginawa koi yon. Tss.

May ipagmamalaki rin naman si kumag eh. Malaki rin naman ang pagkalalaki niya kahit hindi pa erected.

Anu ba tong iniisip ko! Erase, erase! Tanggalin sa isip!

Pinunasak ko muna ang paligid nito. Pagkatapos ay nag hanap na rin ako ng damit niya.

May nakita akong t-shirt at shorts sa lapag kaya kinuha koi to. Hindi naman sa akin ito kaya baka sa kanya.

Underwear na lang ang kulang. Hinalungkat ko pa ang cabinet niya para makahanap ng brief niya. Sakto meron naman akong nakita.

Agad akong lumapit sa kaniya at sinuot na lahat ng damit niya.

Pagkatapos ay tinungo ko na ang banyo para ilagay ang mga ginamit ko sa paglilinis sa kanya. Nagtooth brush muna ako bago lumabas.

Mahimbing naman ang tulog ni kumag. Pumunta na ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Hindi naman ako nagugutom kaya naisipan ko nalang na matulog na.

---

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha at sa pakiramdam na parang may kumakalabit sa akin.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko na ang napakalpit na mukha ni Zarex sa mukha ko.

"P*uchangin*!" sigaw ko ng napabalikwas ako sa kama.

Naring ko pang tumatawa si kumag. Grabe, super lapit naman ng mukha niya sa akin.

But at that split secong time, nakaramdam ako ng kiliti sa dibdib. Huh? No, no no. hindi ka bakla Khyron, hinde!

"Bangon kana para sabay na tayong pumasok. Kumain ka na rin. Andyan na yung pagkain sa mesa. Maliligo lang ako." Pagagaw pansin niya sa akin.

Tango lang ang sagot ko sa kanya. Bago siya pumasok sa banyo ay narinig ko pa siyang nagsalita.

"Uhm... Khy, salamat sa pagtulong sa akin kagabi." Sabi niya sa akin saka ngumiti.

"Wala yon, siguro naman gagawin rin yon sa yon g ibang tao. Tsaka 'wag ka nang mahiya, nakita ko naman na yang tinatago mo!" ang sabi ko sa kanya. Agad naman syang namula dahil doon.

"Tado!" yan lang ang nasabi niya sa akin bago siya naligo.

Ako naman bumaling sa pagkain ko tsaka kinain ito.

*********

Si Zarah po pala ang nasa multimedia section. :)

המשך קריאה

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
11.3M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
757K 40.9K 103
an epistolary
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...