Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 175K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 46 (September 11, 2011)

963K 10K 972
By forgottenglimmer

DATE POSTED: September 11, 2011


Chapter 46

"Dito???" di makapaniwalang sabi ni Kent ng marating na nila ang gustong puntahan ni Phoebe.

"Oo Kent!! Sige na! Masarap mga pagkain dyan sa kalye na yan!!"

Maraming turo-turo at street foods ang nagkalat. Pinipilit ni Phoebe na bumaba si Kent at kumain ng mga favorite niyang kwekwek, isaw etc.

"Baka hindi yan malinis! Ano ka ba pinagpalit mo ang Italian food sa... street foods? Eto ba ang better idea?"

"Ano ka ba kumain na kami diyan ni Jhone! Masasarap yan. Hindi naman kami namatay nung kumain kami eh. Tska tignan mo ah! Ang dami-daming kumakain!"

Tumingin muna si Kent sa dami ng tao.

"Aish sige na nga!!"

"YAY!!!!!"

"Ang ganda naman masyado ng damit ko... para sa kalyeng yan. Dyan mo lang pala gusting mag-date. Pa-mall mall ka pa kanina."

"Eh eto yung naisip ko ngayon eh."

"Magpapalit lang ako ng damit... lalo tayong pagtitinginan dyan eh." Sabi ni Kent.

"May extra kang damit??"

"Syempre marami akong damit dito..." lumipat si Kent sa likuran at naghanap ng damit.

"Ahh. Bilisan mo ha..."

"Halika nga dito ikaw magbihis sa akin ang sakit ng katawan ko pa rin eh."

"Baliw!! Haha sumusobra ka na ha!! Bilisan mo dyan."

Natatawa-tawang nagbihis na nga si Kent.

"Ikaw... natatandaan ko... Yan yung sinuot mo nung gumala tayo sa Italy." Sabi ni Kent mula sa backseat.

"Ahh. Oo haha. Eto lang yata pinakamatino kong damit eh. Buti natatandaan mo?"

"Phoebe... Phoebe..!!!" tinawag ni kent si Phoebe ng matapos siyang magbihis. Nakaharap lang kasi ito sa bintana.

"Baki-mmhmmmhhng"

Sinalubong niya ng halik si Phoebe pagkaharap nito.

"Para kang adik... Nakakainis ka!"

"Nakakainis ka?" ginaya ni Kent si Phoebe.

"Gaya-gaya!"

"Hahaha! Kaw kasi sabi sabi ng nakakainis ako pero nakangiti naman. Nakakainis ka!" inulit pa ulit ni Kent ang pagmimic kay Phoebe.

"Tsss! Tama na Ken Tomas!"

"Tomas ka na naman dyan! Gusto mo talagang hinahalikan kita nuh?!" mataas na naman ang boses ni Kent.

"Lika na kasi sa labas oh! Takam na takam na ako eh!"

"Hmmm. Hwag na tayong lumabas. Dito na lang tayo sa kotse!" sabi ni Kent habang bumabalik sa driver's seat.

"Ehh!!! Hindi pwede! Daya mo!"

"Joke lang... Ano pwede na ba to??" pinapakita ni Kent ang damit.

Pinagmasdan ni Phoebe si Kent.

Ehh... Kahit ano namng isuot ni Kent mukhang magara pa din. Kent na Kent pa rin ang dating...

"Shades??" sabi ni Kent. Takot pa rin siyang pagkaguluhan.

"Haha! Oo na magshe-shades na. Tara baba na tayo??"

Naunang bumaba si Kent at mabilis na pinagbuksan si Phoebe ng pintuan.

"Kakain ka niyan ah!"  sabi ulit ni Phoebe ng nakababa na sila.

"Eto nga oh naglalakad na tayo." isinuot pa ni Kent ang hoodie niya

"Mukha tayong magjowang bulag." Natatawa-tawa na sabi ni Phoebe. Ang lalaki kasi ng shades nila.

"Ang gwapo ko namang bulag. Biro ni Kent. Tska magjowa ka dyan... Nahawa ka na kay Jhone sa pagsasalita."

Mukhang busy naman ang mga tao sa pagkain ng kung anu-anong tinitinda sa kalye kaya hindi masyado sila napansin. Sinuot din ni Kent ang hoodie na kasama ng damit at nagpadag-dag sa disguise nito.

Bumili si Phoebe ng maraming-maraming isaw.

"Tikman mo na!!"

>///<

"Bituka??


"Masarap toh Kent!! Say ahhh!!" akmang sinusubo ni Phoebe ang isang stick.

>O<

"Hmm." Ngumunguya ito.

"Aminin mo na masarap to." Pinagmamasdan lang ni Phoebe si Kent habang nginunguya ang isaw.

"Hmmmm."

"Ano nga? Puro ka hmmm eh!"

Tumango-tango si Kent.

"Haha!!! Masarap diba..."

Kinain pa ni Kent ang isang stick.

"Uyy nasarapan. Dahan-dahan lang." Pang-aasar ni Phoebe.

"Okay lang siya... nagugutom na kaya ako. Di naman tayo kumain kanina eh, kaya kahit anong kainin ko masarap."

"Sus! Aminin mo na kasi na masarap yan."

"Nakakauhaw naman to eh."

"Eh di bumili tayo ng gulaman... O gusto mo buko??"

"Wala bang softdrinks?? Hindi tayo nakakasigurado dyan kung mineral ba yung ginamit dyan eh." Sagot ni Kent.

"Naku naman! Kumain ka na nga ng isaw eh!" sabi ni Phoebe at hinila si Kent sa nagtitinda ng palamig.

"Manong manong pabili nga po dalawang gulaman!" sabi ni Phoebe.

"Ako din po isang gulaman."

Parang narinig ko na yung boses na yun...

Tumingin siya sa katabi na bumili din ng gulaman.

Tinignan din siya nito. Mula ulo hanggang paa.

"Hello!! Phoebe??? Ikaw si Phoebe diba???"

Naramdaman ni Phoebe na humigpit ang kapit ni Kent sa kamay niya.

"Ikaw yun!! Yan na yan yung damit mo nung nasa Italy ka!!"

"Alex!!" tska niya lang narecognize ito.

"Naalala mo pa?? Haha. Oo ako yung sinapak nito..." turo nito kay Kent. "Ikaw talaga yun eh ikaw talaga si K----"

Tinakpan na ni Phoebe ng bibig nito.

"Hwag ka ngang maingay!!"

"Eh di ikaw nga yun? Ikaw nga yun hindi ba!"

"TSK!" tanging sagot ni Kent.

"Peace men! Hwag mo na akong suntukin."

"Tara na nga Phoebe..." bulong ni Kent.

"Teka-teka!" awat ni Alex, mukhang narinig nito ang bulong ni Kent

"Bakit ka ba nandito?" tanong ni Phoebe kahit hinihila na siya ni Kent

"Halika na Phoebe." Bulong na naman ni Kent.

"Hah? Eh diba sabi ko nga sayo noon, kung natatandaan mo pa, magbabakasyon nga kami dito? So eto na yun! Small world. Sabi ko na nga ba pamilyar yung damit na yan eh."

"Ahh eto ba? Onga nuh. Etong damit din yun." Nahihiyang sagot ni Phebe

"Oo! Saan ka ba nagsstay?" tanong ni Alex.

"Pwede ba dude, please excuse us." Nagsalita na ng malakas si Kent.

"Teka.. teka lang talaga. Kahit number lang... Number niyo?" makulit talaga si Alex.

"I can't give my number. It's very private." Sagot ni Kent.

"Ako—ako na lang!" si Phoebe ang nagprisinta.

"PHOEBE!" sigaw ni Kent ng lumapit ulit si Phoebe kay Alex.

Naging dahilan ito para mapatingin ang mga ibang tao.

"Shit." Nasabi na lang ni Kent.

Nagsimula na kasing magbulung-bulungan ang mga tao. Pilit na kinikilatis kung sino sila.

Si Phoebe ay busy sa pagbibigay ng number kay Alex ng hilahin siya ni Kent.

"Teka.."

"Ghad Phoebe. Ibinigay mo ang number mo?"

"Si Kent nga yata yan!"

"Oo tska si Phoebe!"

Madami na naman ang nagkukumpulang tao.

"Tsk! Sabi ko na sayo eh! Halika na nga!!" naiinis na hinila ni Kent si Phoebe pabalik ng sasakyan.

Nang makasakay sila. Pinaandar agad ni Kent ang sasakyan.

"Holo! Kawawa naman si Alex." Tinanaw pa ni Phoebe ang paliit ng paliit na bulto ni Alex ng umaandar na ang sasakyan nila.

"Magpalit ka na ng number." Sabi ni Kent.

"Bakit?"

"Basta magpalit ka na ng number!!!"

"Grabe toh! Selos ka na naman dyan. Natuwa lang kasi biruin mo, out of all places nagkita kami ulit.!"

"EH ANO NGAYON!?"

"Eh bakit ka ba ganyan Kent... Love na love naman kita! Ikaw pa ipagpapalit ko? Ngayon ka na nga lang naging sweet eh. Kahit minsan masungit ka pa din at least nagiging sweet ka na. Hwag ka ngang ganyan."

"Natatakot lang naman ako... lalo pa ngayon..."

"Aysus! Anong kinakatakot ng Mr. Sungit ko? Di naman tayo magkakahiwaLAAAAY! ANO ba yan!"

Biglang kasing nagbreak si Kent. Mabuti at naka-seat belt sila.

"Hala, hwag ka namang magalit...

"Seryoso ako Phoebe Isabelle! Natatakot akong mawala ka sakin."

Kahit nako-cornihan si Phoebe. Kilig na kilig siya.

"H-ha?? Sus... Si Alex lang yun. Ambata naman n-"

"Hindi yun Phoebe... Naalala mong nagmeeting kami kahapon?"

"Ha? Yung meeting niyo bakit? Anong kinalaman nun?"

"Mawawala ako ng ilang Linggo. Napagdesisyunan kasi ni direk na... sa Paris ituloy ang natitirang shooting day ng movie namin ni Elisa."

"Huwat!! Paris??"

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

49.7M 950K 73
│PUBLISHED│ Tigers #1 Kyle Shinwoo
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
4.8K 445 15
Paano kapag nagtagpo ang hindi kasikatang writer na si Gypsy at ang 'wattpad legend' na si Lloyd? Magkakasundo kaya sila lalo pa at puno ng kabittera...
105K 3.1K 45
[COMPLETE✓] Prequel will be out soon (It's about how they meet how they love each other before Noah left her). Posted: May 24, 2019 End: July 30, 2019