It Started In The Bus [BoyXBo...

Od blackfoxsenpai

57.3K 911 167

Ang buhay ng tao ay parang byahe sa bus. Minsan payapa ang byahe, minsan may nadadaanang lubak, minsan may su... Více

It Started In The Bus [BoyXBoy]
1: Simula
3: Bwiset
4: Pasukan
5: Alaga
6: Kakambal
7: Bago
8: Iba
9: Apoy
10: Paglago
New Portrayers.
11: Dr. Z
12: Kumag VS Hambog
13: Kumag VS Hambog Part 2
14: Kumag VS Hambog Part 3
15: Parang Tayo na Hindi.
16: Prank
17: Ewan
18: Biglaan
19: Kunware
20: Surpresa
21: Regalo
22: Kaibigan
23: Sandali
24: Gitara
25: Sagot
26: Aligid
27: Mr. Carrots
28: Huli
29: Bakit
30: Man
Note
31: Sapat
32: Bestfriend

2: Roommate

4.2K 57 11
Od blackfoxsenpai

~=Khyron=~

Pagkababa ko pa lang ng bus ay tinawagan ko na agad si Ford. Ni hindi ko nga tinapunan ng tingin yung nakaaway ko. Wala akong pakialam sa kanya.

Sabi ni Ford, itetext niya na lang daw yung address ng boarding house na tutuluyan namin. Kaya hinintay ko naman yung text niya.

Umupo muna ako sa tables dito sa isang coffee shop. Umurder muna ako ng milk shake nila. Hinintay ko yung text niya ng mga 15 minutos.

Sa wakas, nagvibrate na yung phone ko. Pagtingin ko, text nga ni Ford kaya tiningnan ko yung laman nito.

Hindi nga ako nagkamali, ito nga yung address na sinabi niyang ibibigay niya. Umalis agad ako sa coffee shop at sumakay sa taxi.

Sinabi ko kay manong driver yung pupuntahan ko. Agad naman niya pinaandar ang taxi at umalis na kami.

Bumaba ako sa isang napakalaking bahay. Isang malaking gate, may mga ibang taong nagtatawanan sa labas ng gate, may iba rin namang nagiinuman.

May terrace sila. May mangilan-ngilan ring tao doon at agad ko naman nakita si Ford na may kausap sa phone niya.

Agad naman niya itong ibinaba at tumingin sa kalsada. Kinawayan ko siya at nakita naman niya ako agad. Sumenyas siya na saglit lang daw at bababa siya.

Hinintay ko siya ng mga limang minutos. Sa mga oras na iyon, napansin ko agad na all boys boarding house ito dahil puro lalaki ang nakikita ko ditto.

Maraming gwapo katulad ko, may matatangkad, may pandak, may matataba, may payat, may matitipuno ang katawan at meron ding di kaaya aya ang mukha. Mukhang kami ni Ford ay nasa gwapo at matitipuno ang katawan na kitang kita naman talaga.

Lumabas na si Ford ng gate na may kasamang babaeng may edad na. Sinalubong ko naman sila at nakipag apir pa kay Ford.

"Aling Vangie, ito po pala si Khyron. Siya po pala yung sinasabi ko sa inyong lilipat rin po dito." pagpapakilala sa akin ni Ford.

"Magandang hapon po sa inyo. Khyron Mark Reyes po pero Khyron nalang po" magalang ko namang pagpapakilala. "Magandang hapon rin sayo. Ako si Vangie. Mayari ako ng boarding house naito. Naikwekwento ka na sa akin ni Ford. Hoy Ford! Hindi mo naman sinabi na napakagwapo pala nitong kaibigan mo at ang yummy yummy pa!" ani nito at hinampas pa sa braso si Ford. Naku! Mukhang hindi kami ligtas ni Ford dito ah!

"Ah eh, salamat po!" ang tangi ko na lang nasabi. Umakyat na kami sa hagdan ng boarding house at kinausap si manang Vangie about sa rent.

3,000 Php daw yung gagastusin ditto every month, at every 30th of the month daw kami magbabayad. "Nasan po yung kwarto ko?" tanong ko kay aling Vangie. "Oo nga pala! Halika dali. Dito tayo!" pagsagot niya.

Binaybay naming ang napakahabang hallway ng bahay niya. Marami rami na rin kaming nadaanan na pinto bago kami makarating sa kwarto ko na talagang na sa dulo pa ng hallway.

"Dito yung kwarto mo. Dalawang tao sa isang kwarto. Mamaya o bukas pa darating yung kasama mo diyan. Kumpleto na gamit diyan. May aparador, may sariling banyo na laging may tubig, may dalawang kama, may table na rin diyan na dalawa at mga monoblocs." Pagsasalaysay niya.

"Salamot po!" ani ko at binuhat na ang bag. Tinulungan naman ako ni Ford sa pagbubuhat ng gamit ko at isinara na ang pinto. Nakita kong wala ang mga gamit ni Ford sa loob at may iba rin raw akong kasama kaya nagtaka ako at naisipang nagtanong.

"Teka nga Ford, bakit wala ang mga gamit mo at bakit iba ang kasama ko rito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti muna ito at saka sumagot. "Kasi, diba nga mas nauna na ako dito kaya nakapag board ako agad." "Ahhh..." ang tangi ko lang sagot.

"Sige na bababa muna ako para makapagpahinga ka na muna. Kung may kailangan ka itext o tawagan mo lang ako ha!" sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot saka ito lumabas nan g kwarto.

Naiwan ako sa loob at nagmuni muni muna. Medyo walang kabuhay buhay ang kwarto. Puti lang ang pintura at konti lang din ang gamit. Kaya nakaisip ako ng paraan. Ibinaba ko muna ang gamit ko at kumuha ng coupon bond at lapis sa bag ko. Total magaling naman akong magdrawing ay pupunuin ko muna ng sketches ko ang dingding nito.

Pumunta ako sa study table na nasa tabi ng napili kong kama at saka nagtingin ng maaring idrawing sa phone ko. Dahil mahilig rin ako sa anime ay nakahanap ako agad ng picture. Nakita ko yung picture ni Kaneki Ken ng Tokyo Ghoul.

Nagsimula na akong magdrawing. Mas sanay ko naman magdrawing ng tahimik lang kasi nawawala ang focus ko pag masyadong maingay.

Rinig ko naman ang ingay na nanggagaling sa ibaba ngunit hindi naman ito distraction para makdrawing ako.

Pagkatapos ng ilang minute ay natapos ko na rin si Kaneki. Fininalize ko na ito saka dinagdagan ng shading, pirma ko at date. Pagkatapos ay dinikit koi to sa pader na malapit sa kama ko.

Medyo nabobored na ako at nagugutom na rin kaya naisipan kong maglibot muna dito total gusto ko rin naman makabisado ang lugar na ito.

Inayos ko muna ang aking mga gamit saka lumabas. Habang bumababa ako sa hagdan ay nagtext ako kay Ford na lalabas na muna ako . paglabas ko ay nakita ko pang maynagiinuman ring mga kalalakihang mas matanda naman ng unti sa akin. Siguro na sa twenties na sila.

Lumibot ako dito at ang unang hinanap ng aing mga mata ay pagkakainan. Sakto may nakita akong makakainan sa malapit lang. tiningnan ko ang oras sa phone ko. 6: 45 na pala. Kakain nanga ako total gabi naman pala.

Ayos naman itong karenderiang ito. Mura na nga ang pagkain, masarap pa. Kaya ng matapos akong kumain ay itinuloy ko ang paglilibot at bukas magpapasama ako kay Ford para sabay na kaming magpapaenroll.

Around 9:36 pm na ako nakabalik sa boarding house. Medyo nawala na rin yung mga ingay, siguro tulog na yung iba. Pero may mga naririnig pa rin akong mga ingay.

Agad akong umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Pagpasok ko rito ay madilim na kaya agad kong binuksan ang ilaw. Maliligo muna ako bago matulog.

Kaya yun ang ginawa ko. Kumuha muna ako ng mga gamit sa aparador ko saka pumasok na sa banyo. Nagshower ako habang kumakanta ng "God Gave me You". Pagkatapos kong maligo at magtoothbrush ay tinungo ko na aking kama.

Nagbrowse muna ako ng internet at facebook total free wifi naman itong kwarto na kasami rin sa babayaran namin.

Nakipag chat lang din ako sa mga old highschool friends ko at ng mapagod ay pinaty ko na ito. Inilapag ko sa tabi nng unan koi to at pinatay ang switch ng ilaw.

Nahiga na ako sa kama at sinubukang matulog.

~=Zarex=~

Alas onse ng makaalis ang sinakyan kong bus papuntang Manila. Sumakay ako dito and there is this one teenage boy like me na nakaaway ko along the way.

Buti na lang at inawat kami ng kundoktor ng bus kaya natigilan at naupo na lang kami. Siya lumipat nan g upuan at at nagpalit na ng damit na natapunan ko.

6:45 ng makarating ako sa Manila. Dinaanan ko muna yung friend ko na madaldal upang kamustahin. Matagal na kaming hindi nagkikita.

Last kaming nagkita nung graduation ng elementary. Ngayon nga ay dito na siya nakatira sa Makati kaya dinaanan ko muna siya since dadaanan ko naman yung house nila pagpupunta ako ng boarding house.

Tamang chit-chatting lang ang ginawa naming. Pinakilala niya rin ako sa girlfriend niyang nakilala daw niya nung highschool.

Nang natapos kami ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Dala dala ang aking bag ay lumabas na ako sa bahay nila, pumara ng taxi at umalis na.

Anyways, I'm Zarex John Villafuerte,18, galing sa mayamang angkan. Matalino, gwapo, pero ni isang gf, hindi pa ako nagkakaroon. Hindi ako mayabang katulad ng ibang mayayamang gwapo diyan. I'm half Filipino, one fourth Japanese and one fourth Korean. Kaya ganun nalang magkandarapa ang mga girls sa akin. My mom is half Japanese and half Korean, and my dad is pure Filipino,but my dad is in the states because of work at iniwan ako dito with my kambal and mommy. Fluent na rin magtagalog si mommy dahil 17 years na sila dito sa Philippines.

Tama na siguro yang pagpapakilala ko!

Dumating ako sa boarding house mga quarter to twelve na kasi napakatraffic sa EDSA. Siyempre may kwarto na agad ako kasi dati palang eh, naginquire na kami dito at kakilala ni papa yung may ari ng boarding house na ito.

Binati ako ni Aling Vangie sa pagpasok ko. Nakipagkwentuhan ako sa kanya saka napagisipang umakyat na. Nasabi niya ring andun na sa kwarto ko yung ka roommate ko.

Pagpasok ko ay patay ang ilaw kaya binuksan koi to. Pagbukas ko ay nakita ko nga ang ka roommate ko nan aka side view at nakaharap sa pader kaya hindi ko siya nakilala.

Hindi ko narin siya ginisiing baka magalit sa akin eh. Kaya ang ginawa ko ay nagpalit na lang at natulog na maaga pa ako gigising bukas at mageenroll pa ako sa university.

Nahiga na ako at natulog na.

---

Nagising ako sa alarm ng phone ko. Pagtingin ko dito 5:30 na kaya agad akong naligo at nagpunta na sa school.

Tulog pa rin ang kasama ko. Ngayon naman ang kanyang unan ay nakatakip sa mukha niya. Nakita ko rin na may coupon bond na nakadikit sa pader niya kaya agad koi tong nilapitan.

Sketch ito ng picture ni Kaneki Ken. One of my favourite anime. Kumakalam na ang sikmura ko! Mamaya na nga lang ako kakain pagkatapos mag enroll!

~=Khyron=~

Nagising ako sa katok ng pinto. "Khyron, gumising kana. Punta na tayong school para makapagenroll!" sigaw mula sa labas ng pintuan ni Ford.

Agad naman akong bumangon at sinagot siya. "Oo na. hintayin mo na lang ako sa labas. Magbibihis lang ako." Ang sabi ko habang nagpupunas pa ng mga muta.

Agad akong tumayo, kumuha ng damit at naligo na. tiningnan ko muna ang phone ko. 6:45 am na. marami na rin akong naririnig na ingay sa labas. Siguro mga gising na ang mga tukmol!

Pagkatapos kong maligo ay may napansin kaagad akong bagay na pumukaw sa aking atensiyon. May isang packbag at isang travelling bag. Siguro gamit ito ng roommate ko.
Nakaalis na siguro siya. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos magenroll. Agad akong bumaba at nakita si Ford na nakaayos na rin at naghihintay sa pintuan.

"Musta tulog tol!" pagbungad nito sa akin. "Ayos naman. Teka nga, dumating na pala yung roommate ko. Siguro kaninang madaling araw o kaya kagabi kaya hindi ko lang napansin." Tumango lamang siya."Andyan pa ba siya?" tanong nito ulit sa akin. "Wala na. siguro umalis nung natutulog ako. Anyway, tara na! baka malate pa tayo sa pagpila." Sabi ko naman sa kanya.

Agad naman kaming nagpara ng taxi. Sinabi naming sa driver ang address ng university. Pagdating naming doon ay kinilabutan ako. Nandito na ako ngayon, magcocollege na!

"Wilson University." Pagbanggit ko sa napakalaking sign sa harap ng school. "Tara dun tol! Medyo may kahabaan na rin ang pila. Baka maunahan pa tayo."pagkuway sabi ni Ford.

Agad naman kaming pumunta sa enrolment area para pumila. Tama nga si Ford. Mahaba na rin ang pila. Mga 15 minutes pa kaming naghintay ay biglang nakaramdam ako ng panunubig.

"Tol, cr lang ako ha! Bantayan mo yang puwesto ko!" abg sabi ko kay Ford. Tumango lamang ito kaya agad akong pumunta sa cr.

Pagpasok doon ay may lalaking umiihi sa urinal. Hindi niya ako napansin pero yjng hubog ng katawan niya, parang nakita ko na dati.

Since bago pa lamang ako sa lugar na ito ay pinagkibit balikat ko na lamang ito at pumasok na sa isang cubicle.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako. Hindi ko na rin makita yung lalaki kanina marahil ay lumabas na ito. Naghugas lang ako sa sink saka bumalik na sa pila namin.

After 30 mins pang paghihintay ay nakapag enroll na rin kami. Kinuha naming ang schedule naming at tiningnan.

Since pareho namn kami ng course na Civil Engineering ay parehas rin kami ng schedule. Pero nagkahiwalay kami sa isang subject, Math.

Napagdesisyonan rin naming maglunch na lang sa fast food kaysa umuwi pa ng bahay. Kaya ayun, kumain nga kami sa McDo.

Pagkatapos ay naisipan naming magmall. Sa Trinoma kami pumunta kasi maraming mabibili.

Naglibot libot kami sa loob ng mall. Ako, bumili ng mga damit kong bago kasi hindi naman recquired ang uniform doon. Si ford naman ay bumili rin ng damit at sapatos niya.

Nang napagod kami ay kumain naman kami sa isang restaurant sa loob ng mall. Masaya naman kami, nagkukuwentuhan, nagtatawanan. Yung iba nga napapatingin na sa amin. Akala siguro nila magsyota kami.

Umuwi na rin kami pagkatapos noon kasi mga 7: 25 na non. Pagpasok ko palang sa kwarto ay may nakita akong nakaupo sa kabilang study table. Diba nga dalawa yung study table rito. Nakatalikod ito at parang nagdradrawing o nagsusulat.

Lumapit ako at kinausap siya. "Tol, andito kana pala. Ako nga pala si Khyron, roommate mo" pagpapakilala ko rito. Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya.

Ngunit nalaki ang mga mata ko nang lumingon siya. Ang masaya kong mood ay napalitan ng pagkainis.

"Ikaw!?" sabay naming pagkasabi.

-------------

Si Khyron naman po ang nasa multimedia section....:)

Pokračovat ve čtení