FALLING SLOWLY

fedejik által

1M 10.9K 226

Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya... Több

Synopsis
Author's Note
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 22

15.1K 275 6
fedejik által

CHAPTER 22

ESTELLA

Matapos ang rebelasyong iyon ni Raphael tungkol sa amin ay walang araw na hindi kami pinag-usapan sa social media. Gayon pa man, kabaligtaran ang inaasahan naming mangyayari dahil mas dumami ang bilang ng mga fans ni Raphael dahil sa paninindigan nito sa akin.

At para makahinga nang kaunti sa mga negatibong ibinabalita tungkol sa amin ay nagdesisyon kaming magbakasyon sa ibang bansa.

"Ang ganda rito, 'no, Hubby?" Nakangiti kong nilingon si Raphael na noo'y mahigpit ang yakap sa akin galing sa likod.

We're in a cruise ship traveling the ocean of Singapore.

"Yeah, it is," tumatango pang aniya sabay halik sa aking sentido.

Kahit na saglit ay malaking bagay na nakalalayo kami sa mundo ng showbiz.

Humarap ako sa kanya at niyakap ito sa baywang.

"Sobrang gwapo mo talaga, Hubby." Hindi ko na naman mapigilan ang magpaka-fangirl dito. At kahit pa girlfriend niya ako ay hindi ko pa rin niya maiwasan ang kiligin sa kagwapuhan nito.

"You always say that..." Nangingiti pang sabi niya. "Remember during WGM days? No'ng first-time na sinabi mo sa akin 'yan, I was too shy."

"Kinilig ka naman..." tukso ko.

"Why not? Coming from the leader of Girl's Unite? It was such a privilege."

Tumawa ako sabay manipis na umirap. "Sus! Hindi mo nga ako feel no'n."

Humalakhak siya. "Yeah, but I made a good choice naman na."

"Good choice na talaga ako, ha?" Ngumuso ako.

"Sobrang good choice, Buin..." aniya sabay banayad na hinalikan ang aking mga labi.

Buo ang loob niyang gawin iyon dahil wala namang nakakakilala sa amin. Alam kong gusto lang din niyang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

"You're damn sexy!" gigil pang aniya sabay sulyap sa katawan kong tanging two-piece bikini ang suot.

"Hindi ka galit? Ang daming tao rito..."

"It's okay. Kasama mo naman ako..." Iginala pa niya ang tingin sa paligid bago ibalik iyon sa akin. "Besides, marami naman kayong ganyan ang suot. But I think you're the sexiest here..." sabay kagat sa labi niya.

"Talaga lang, ha?"

"Mas okay 'yan. Madaling tanggalin mamaya," pilyo pang aniya na nagpatawa sa akin.

"Sira!" sabay tapik sa puwitan nito.

"Don't do that. Baka mas mapaaga tayo nang pasok sa cabin natin."

I rolled my eyes. Ibang klase rin ang hilig nitong si Raphael!

"Naku, Mister, puro 'yan ang nasa utak mo."

"Bakit ayaw mo ba?" nagtatampong himig pa niya.

"G-gusto..." sagot ko sa maliit na boses.

Nangingiting hinapit niya ako sa baywang at buong gigil akong hinalikan sa labi.

Dahil sa kasabikan na iyon ay wala na ring inaksayahang panahon si Raphael at agad akong ipinasok sa cabin. Sobrang init ng pakiramdam ng kanyang balat. Para bang nilalagnat!

"Kanina ko pa gustong hubarin 'to..." bulong niya sabay hiklat sa suot ko.

Mariin niya akong hinalikan habang ang mga kamay ay humahaplos sa aking dibdib. Ibababa na lang sana niya ang halik nang biglang tumunog ang cell phone niya.

Si Madam Liliane!

Wala sana siyang balak sagutin iyon kundi ko lang pinilit. Baka kasi emergency iyon.

"What is it now?" Irritable siyang umalis sa pagkakadagan sa akin at sinagot ang tawag. Inilagay niya iyon sa loudspeaker at tamad na sumagot.

"Tita..." bungad niya.

{Where are you?! Mag-iisang lingo ka nang hindi sumisipot sa shooting mo?!}

"I'm on vacation..." tipid na sagot niya sabay nakangising pinisil ang dibdib ko.

Sira-ulo talaga!

{Vacation?! Ito ba ang tamang panahon para sa bakasyon?!}

"I just needed to relax a bit. We'll be back tomorrow."

{We? Si Estella na naman ba ang kasama mo?! Hindi ka pa ba nakukuntento na nagsasama na nga kayo?!}

Agad niyang inalis iyon sa pagkaka-loudspeaker. Mapait akong ngumiti at nagpamukhang hindi apektado. Alam ko namang hindi ako gusto ng handler niya dahil balakid ang tingin nito sa akin.

Saglit siyang natahimik. Mukhang mahaba pa ang nilitanya ng handler niya.

"I'm sorry, Tita..." Makahulugan pa itong tumingin sa akin.

Mabilis na natapos ang pag-uusap nila. Bumuntonghininga pa ito bago bumaling sa akin.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.

"I'm okay, Buin," matamlay pang sagot niya sabay dagan ulit sa akin.

"Hinahanap ka na, 'no?"

Bahagya siyang tumango. "Yeah. Pagbalik natin, magiging sobrang busy ako. Baka may mga panahong hindi ako makauwi dahil medyo malayo ang location ng shoot."

"Okay lang. I understand. Basta palagi mo lang ako ite-text, ha."

Tumango siya bago muling ipinagpatuloy ang naumpisahan namin kanina.

Sobrang bilis nang naging takbo ng panahon. Sino bang mag-aakalang malalampasan namin ni Raphael ang pagsubok na dumating sa aming dalawa? It was a rough road but he never left me.

May kung ilang araw na hindi nakauwi si Raphael. Sobrang busy niya sa trabaho at puro out-of-town pa. At kahit pa sobrang pagod ay hindi naman niya magawang tanggihan dahil sayang rin daw ang kikitain sa mga events na 'yon.

"Hey, sis, parang medyo maputla ka yata..." Mataman pa akong tinitigan ni Ayen.

Kinuha ko na siyang assistant dahil araw-araw naman din siyang dito tumatambay. At kahit pa ayaw niya ng ideyang babayaran ko siya ay ipinilit ko pa rin ang akin. Alam ko namang mayaman siya, pero kahiya-hiya pa ring magtrabaho siya ng libre sa akin.

"Ako?" Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. "Hindi naman, a."

"Iba kasi ang kulay mo lately. Parang maputla na ewan."

"Really?" Muli kong tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. "Oo nga, 'no? Pagod lang siguro? Tapos puyat na rin? Naninibago kasi akong wala si Raphael."

"Can you hold still..." aniya sabay mahigpit na hawak sa mga balikat ko at may kung anong sinipat sa leeg ko. "Dito tayo sa office mo," seryoso pang dugtong niya.

Tumango ako at tahimik na sumunod. Bakit? Ano'ng mayroon?

Pagpasok namin ay agad siyang nag-lock ng pinto at ilang saglit akong tinitigan.

"Bakit?" Kumunot-noo ako.

"Are you pregnant?"

"W-what?!" Hindi ako makapaniwala sa tanong niya.

"You're pregnant, right?"

"I-I'm not—" Umiling-iling ako at kabadong ngumiti. "Lakas ng tama mo..."

"When was your last period?"

"Seriously, Ayen?"

"Just answer, Estella!"

I rolled my eyes. "Fine."

Saglit akong nag-isip at sumulyap sa kalendaryong nakasabit sa pader. Pero agad din akong napakunot-noo nang walang maalala...

"Last month? Before kami mag-Star Cruises ni Raphael..." nalilito kong sagot.

"That should be when? Around 15th?"

"Yeah, parang gano'n..."

Agad akong kinabahan nang matanto ang pinupunto nito. Shit.

"30th na ngayon, 'di ba? Nagkaroon ka ba no'ng 15th?"

She frowned and ask me to sit.

"Nakapag-take ka ba ng pills before kayo magbakasyon?"

"I-I did not—" Mariin akong napapikit at natutop ang aking noo.

Dapat ay nagkaroon ako no'ng 15th! But no! We were making love nonstop... Hindi ako nagkaroon no'ng time na 'yon.

Shit. Shit. Shit.

"Estella!" Napabuntonghininga siya. Para bang nahuhulaan na rin kung anong nangyayari sa katawan ko. "We need to confirm this. Let's go. Samahan kitang magpacheck-up!" aniya sabay hila sa kamay ko.

"P-paano ang resto?"

"Saglit lang naman tayo. Iwanan muna natin kay Chef. Wala rin namang masyadong tao pa!" Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko.

"Ayen..." Pigil ko sa kamay niya. "I am not pregnant, right?" Hindi pa man ay umaagos na ang luha ko.

"Let's go..." Banayad lang niyang tinapik ang pisngi ko.

Sa kakilalang OB-Gyne ni Ayen kami nagpunta. Hindi rin kami puwede kung saan-saan lalo pa nga't pahupa pa lang ang isyu sa amin ni Raphael.

"Eto ang mga vitamins na i-take mo para lumusog ang baby mo, okay? Tapos bisitahin mo ulit ako. Same date next month para sa regular check-up mo."

Hindi ko ma-absorb ang sinasabi ng Doctor. Lutang na lutang ang utak ko.

I'm pregnant!

"Dra. Arlene, nandito po si Ma'am Cortez," singit pa ng assistant nito.

"Sige, papasukin mo na. May ibibigay lang naman ako sa kanya," nakangiting sagot ni doctora. "It's okay, right?"

"O-opo..." tumatangong sagot ko habang si Ayen ay panay lang din ang himas sa kamay ko.

"Dra. Arlene! Pasensya ka na—"

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ang mukha nito. Si Madam Liliane!

"Estella, w-what are you doing here?" kunot-noo pa nitong tanong.

Pakiramdam ko ay nalulon ko ang dila ko.

"She's pregnant." Si Dra. Arlene ang sumagot. "Ang ganda niyang buntis, 'di ba?"

Madilim na tumitig sa akin si Madam Liliane. Halatang hindi nito nagustuhan ang narinig na balita. "Really? Wow... Congratulations, Estella." She faked her smile.

"Aalis na po kami, Doc." Si Ayen na taranta na ring hinawakan ang kamay ko. "Thank you po."

"Wait, reseta ni Estella," paalala pa nito. "Ibigay n'yo sa assistant ko."

"Ay, opo! Sige po." Si Ayen na tuloy kuha sa inaabot nitong reseta.

Mabilis niya akong hinila palabas para kumuha ng gamot at magbayad ng consultation fee.

Pero hindi pa man kami tuluyang nakalalayo sa clinic ay narinig ko na agad ang pagtawag sa akin ni Madam Liliane.

Kinakabahan akong huminto at nahihiyang tumingin dito.

"Alam na ba ito ni Raphael?"

Umiling ako. Parang nahuhulaan ko na ang mga susunod niyang sasabihin at natitiyak kong hindi ko iyon magugustuhan.

"How could you be so careless!" pigil ang galit na sabi nito habang matalim ang titig sa akin. Mahina man pagkakasabi nito ay halata sa boses ang sobrang galit at pagkadismaya.

"Halos katatapos pa lang ng issue tungkol sa inyo, ngayon eto naman!" Iiling-iling nitong tinutop ang noo.

"Pag-uusapan na lang po namin ni Raphael..." sabi ko sa maliit na boses. Naiiyak na ako hindi pa man.

"You're not telling him!"

Gulat lang akong napatitig dito. Seryoso siya sa sinabing iyon.

"His career is already suffering because of you! And now, you're still really risking it! You are such a selfish person!"

Napayuko lang ako sa sinabi niya. Naramdaman kong magsasalita sana si Ayen pero pinigilan ko na agad siya. Hindi lang din makabubuti kung may isa pa sa aming sasagot.

"Alam mo kung gaano kamahal ni Raphael ang trabaho niya, right? Gusto mo bang mawala na ng tuluyan iyon sa kanya?"

She's right. Alam ko, kahit na hindi nagsasabi noon si Raphael ay nahirapan siya. May mga events at endorsements siyang na-cancel dahil sa issue naming dalawa. Hindi lang niya ipinahalata dahil ayaw niya akong mag-alala. Pero alam kong nalulungkot siya kapag may mga taong pumupuna sa kanya.

"Don't you think it's time na ikaw naman ang magparaya para sa kanya?"

"Paano naman ang baby nila?! Alangan namang si Estella lang ang kumargo sa responsibilidad?!" gigil na singit ni Ayen. Alam kong kanina pa rin siya nagpipigil.

"Ayen, please," pakiusap ko.

"Leave the country, Estella."

Napaawang ang mga labi ko sa request niyang iyon.

"Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nabuntis! Hindi ka nag-ingat!"

Tuluyang bumagsak ang luha ko. At kahit pa gusto kong kontrahin ang sinabi niya ay wala akong maikatwiran.

"If you truly love Raphael, you'll let him do what he truly loves. Gagawin mo ang lahat para lang matulungan mo siyang maabot ang mga pangarap niya. You do get my point, right, Estella?"

Hindi ko nakuhang sumagot. Kuhang-kuha ko ang ibig niyang mangyari. Iiwanan ko na si Raphael at wala akong kailangang sabihin sa kanya tungkol sa pagbubuntis ko.

Wala.

"Pag-isipan mong maigi ang sinabi ko sa 'yo, Estella. 'Wag mong sayangin ang buhay ni Raphael. Malayo pa ang puwede niyang marating. Malayong-malayo pa. 'Wag mo sana ipagkait sa kanya 'yon," aniya sabay talikod.

"Aba'y salbahe..."

Hinarangan ko ng kamay si Ayen na mukhang manunugod pa. "Are you kidding me, Estella? Gano'n-gano'n na lang sa kanya 'yon? Bata 'yang nasa tiyan mo! Hindi pagkaing mabubulok lang!"

"She's right," umiiyak kong sabi. "Ayokong maging hadlang sa mga pangarap ni Raphael... Kami ng baby namin..."

"P-pero, Estella—"

"I need your help, Ayen. Please, help me get out of the country..."

"P-pero, Estella?"

"Please..." pakiusap ko pa.

"S-sige..." Napilitan siyang tumango sabay mahigpit akong niyakap.

Natatakot ako sa gagawin kong paglayo at parang ikamamatay kong mawala sa akin si Raphael. Pero mahal na mahal ko rin siya para ipagkait ang isang bagay na nakapagpapaligaya rin sa kanya. Ang pag-arte at pagkanta. At kami ng baby ko ay isang malaking hadlang. 

Olvasás folytatása

You'll Also Like

70.7K 1.6K 35
Formerly Twisted Happiness (Season 2). Book 2 of the #SanLie Trilogy. #THS2. "Falling in love is easy. Staying in love is a challenge. Letting go is...
28.3K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...
22.5M 508K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
357K 12.5K 37
When men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published...