Destiny's Game (Revising-- Ch...

By notesfromthequeen

22.3K 187 40

You have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's y... More

Destiny's Game
Chapter 1: Meet Xander
Chapter 2: Getting to know him better
Chapter 3: Am I Inlove?
Chapter 4: Is this the Happy Ending?
Chapter 5: Heartbreaks
Chapter 6: Realization
Chapter 7: Flashback
Chapter 8: Letting Go
Chapter 9: Life
Chapter 10: A Brand new Day
Chapter 11: The Chikboys
Chapter 12: Cat and Dog
Chapter 13: Sossy Girls
Chapter 14: Hater's Thingy
Chapter 14: Part II
Chapter 15: Hater's Move
Chapter 16: Know the Enemy
Chapter.17: Secret
Chapter.18*Love Moves*
Chapter.19*Evil Plan*
Chapter.20*Confrontation Part II*
Chapter.21*The Rescue*
Chapter.22*The Come Back*
Chapter.23*The Conversation*
Chapter.24*huwaaat???*
Chapter.25*Playing Cupid*
Chapter.26 *Happy Hearts*
Chapter.27*Who's that BOY???*
Chapter.28*Emotions*
Chapter.29*First Day High*
Chapter.30*Unforgettable*
Chapter.31*New Friend*
*Chapter.32*Jealousy
Chapter.33*Simply I LOVE YOU*
Chapter.34*New Found Love*
Chapter.35*Reminiscing*
Chapter.36*Sunset Moment*
Chapter.37*It's a Date*
Chapter.38*No more Barriers*
Chapter.40*Acceptance*
Chapter.41*Totally Free*
Chapter.42*Barkada Moments*
Chapter.43*Burdens*
Chapter.44*Catch Me*
Chapter.45*Perfectly Inlove*
Chapter.46*When Jealousy Attacks*
Chapter.47*First Fight*
Chapter.48*Never Say Sorry Again*
Chapter.49*Christmas Love*
Chapter.50*High School Valentine*
Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*
Chapter.52*Game Over*

Chapter.39*Barkada Outing*

235 2 0
By notesfromthequeen

[A/N: picture ng chikboys, ni spade, mish, pinky, xander at elise at the side]

[Mish POV]:

“Spade” katok ko sa pinto ng guestroom kung san natulog si spade. Nakaka ilang katok na ba ko? Napaka tulog mantika naman nito. Sabi niya maaga alis? Hmp!

“HOY SPADE! LUMABAS KA NA JAN. SABI MO MAAGA TAPOS TULOG ---“ nabitin sa hangin ung kamay ko na kumakatok sa pinto niya tapos bumungad sakin si spade na naka towel lang

“ano ba yan mish, ang ingay ingay mo. Hindi ka ba nahihiya sa lola mo?” napanganga naman ako pero ng marealized ko yun, inayos ko ang sarili ko at nagsalita

“bat kasi hindi ka sumasagot? Akala ko tuloy tulog ka pa” sagot ko

“naliligo kaya ako, hindi pa nga ako tapos kasi ang ingay mo eh” sagot niya, uu nga naka towel lang siya. Namula ako bigla ng mapa tingin ako sa abs niya. Oh my! High school mish, wag masyado malandi.

“tapos ka na tumingin? Pwede na ko maligo ulit?” sabi ni spade

“hoy kapal mo, hindi kita titignan, maligo ka na tas bumaba ka na para kumain” sabi ko sabay takbo pabalik sa kwarto ko. Nakakahiya ka talaga mish >.<

--

Van daw nila spade ang gagamitin tsaka sasakyan ni kuya dion para kasya ang lahat. Sa tapat ng school na kami magkikita kita, may contest kasi na sinalihan yung school naming at sa ibang campus gaganapin kaya walang pasok. Pag dating naming nandun na si kuya dion, gino at pinky. Maya maya dumating na din si kuya Anthony, kuya Alvin at ken.

“tropa asan na daw sila?” tanong ni kuya ken

“malapit na daw, hinitay lang daw si elise” sagot ni kuya dion

“teka, anong sila? Anong si elise? Kasama? Teka” sunod sunod na tanong ko kaya napatingin ako kay spade

“ano kasi bebe mish” biglang nagsalita si pinky.

“ahhh… so lahat pala kayo may alam, ako wala? Ang galing! Ang saya!” sarcastic kong sabi

“teka, ayan na pala sila” biglang sabi ni gino. Napatingin ako, at wow… talaga ngang kasama sila. Sila xander at elise. Okay lang naman na kasama si jhake eh, pero bat kasama pa si elise at xander?

“spade, mabuti pa tayong apat nila pinky at mish dito na sa sasakyan ko. Ung pito nalang jan sa van mo, alam naman ni manong yung pupuntahan db?” sabi ni kuya dion

Pero bago pa sila maka sagot nauna na ko sa loob ng sasakyan niya, sinundan naman ako agad ni pinky.

“mish, ano nanamang problema mo?” tanong niya

“wow pinky, anong problema ko? All this time may plano kayo pero wala man lang akong ka alam alam” sabi ko

“yun lang ba mish? Wala din namang alam si xander at elise tungkol dito, ang alam lang nila may outing ung chikboys at sinasama sila” paliwanag ni pinky

“eh bakit sinama niyo pa sila? Wala naman silang kinalaman sakin at sa barkada ah” maktol ko

“ano ka ba mish, lahat tayo ditto may kinalaman. Db sabi ni spade itong outing na toh para maayos na lahat ng issue? Kasama na dun ung kay xander at elise, hindi mo sila pwedeng iwasan buong buhay mo mish, si xander pinsan ni jhake at classmate natin, si elise classmate natin lahat tayo nasa iisang school lang. pinapadali na naming sainyo ung mga bagay bagay. Makisama ka nalang” sabi pa ni pinky

“pano pag hindi ko kaya?” tanong ko

“nasa’yo na yung problema mish. Hindi ka marunong magpatawad. Alam kong nag reach out na sayo si xander nung una pa lang, pero tumanggi ka. Pinili mong umiwas. Si elise, matagal ng nagbago si elise, inalila mo pa nga siya db. Ginawa yun ni elise kasi nagsisisi na siya” sabi ni pinky

“ginawa niya yun para hindi siya ma-kick out” depensa ko

“bahala ka nga. Isipin mo ang gusto mo, pero gamitin mo tong bakasyon na toh para pag isipan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Kung galit ka pa ba talaga? O iniisip mo nalang yun. Baka ikaw nalang yung naiiwang nabubuhay sa past, baka lahat naka-move on na. ikaw nalang nahihirapan, sa sarili mo pang kagagawan” sabi ni pinky. Hindi na ko naka pag salita, sakto naming pumasok na si spade, dun siya umupo sa tabi ng driver’s seat. Si kuya dion magda-drive.

--

“mish, mish gising” nagising ako sa mahihinang tapik sa braso ko. Naka tulog pala ko

“asan na tayo?” tanong ko

“andito na tayo sa bulacan, may nirentahan na kaming bahay. Dun tayong lahat mag.i-stay ng 2 nights and 3 days” paliwanag niya

“okay. Asan na sila?” tanong ko, pansin ko kasing dalawa nalang kami dun

“naghanap ng pagkain, ung iba naman nasa bahay na” sagot niya

Medjo malayo ung bahay sa kalsada. May maliit lang na sementadong parte ng lupa ang daanan kaya hindi na naipasok ung mga sasakyan. 11 na nang makarating kami kaya gutom na din ako

Naglalakad kami papunta dun sa mismong bahay na nasa gitna pa nung lugar. Walang kapit bahay tapos puro puno at damo sa paligid. Maganda naman ung bahay, hindi siya mukang creepy, mas mukha siyang relaxing. Nakaka wala ng stress.

“mish, sorry ha” sabi ni spade na bumasag sa katahimikan naming. Hindi naman ako nakasagot kasi wala din akong masabi, ayoko ng magalit. Naisip ko kasi na bat ba ko talaga nagagalit? May dapat ba kong ikagalit? Tama naman kasi ung mga sinabi ni pinky, ako nalang ata ang naiwan sa past, lahat sila naka move on na.

“mish, galit ka ba?” tanong niya. Huminto pa siya para harangan ung dinadaanan ko

Nakayuko lang ako, hinawakan niya yung mukha ko para iharap sakanya pero iniwas ko ung mga mata ko

“galit ka nga?” tanong niya

“hindi” tipid na sagot ko

“eh bat ayaw mo kong kausapin?” tanong niya

“kinakausap na kita” sagot ko

“mish naman, bat ayaw mo ko tignan?”

“oh” tinignan ko siya ng inis “ayan na, naka tingin na, ano pa ba?” inis kong sabi

“ano ba mish? Bat ka ba nagagalit?” tanong niya

“bat nga ba ko nagagalit?” tanong ko din. Iritado na ko, kasi ako mismo hindi ko alam ung dahilan

“yun na nga mish, hindi ko makuha yung point mo kung bat ka nagagalit. Apektado ka ban a nanjan sila? Hindi mo sila kayang Makita? Nagseselos ka? Mahal mo pa?” tuloy tuloy na sabi ni spade

Biglang tumulo ung luha ko, dahil sag alit.

“paki mo ba? Mas marunong pa kayo sakin! Bat niyo ko kailangan pangunahan? Ako nga hindi ko alam ung nararamdaman ko, tapos kayo puro na kayo satsat, feeling niyo mas kilala niyo ko kesa sa sarili ko” sigaw ko

“tumigil ka nga mish, ginagawa ko toh para sayo, para mapadali sayo yung lahat. Para sa tuwing tatawa ka, totoong Masaya ka” galit na din si spade. Nakaramdama ko ng takot

Yumuko nalang ako at hindi na sumagot pa

“sorry mish” hinawakan niya ko sa balikat pero iniwas ko yun. Tsaka ako naunang maglakad, tumabi naman siya sa daanan at pinauna ako. Pagka pasok ko sa gate imbes na tumuloy sa loob, nag ikot muna ko sa paligid ng bahay, hanggang sa naka kita ako ng duyan na nakatali sa dalawang puno. Umupo ako don at tahimik lang na nilasap ung sariwang hangin, hanggang sa unti unti na kong nakaramdam ng antok.

--

Nagising ako sa haplos ng mainit na palad sa kamay ko. Pag mulat ko ng mata si spade, hawak niya yung kamay ko at nakatingin siya dun kaya hindi niya napansing gising na ko.

Pinagmasdan ko muna siya, ang lungkot niya, biglang may gumuhit na lungkot sa dibdib ko. Malungkot siya kasi galit ako. Hinawakan ko ung kamay niyang humahaplos sa kamay ko at kinulong yun sa dalawang palad ko

“gising ka na pala” sabi niya

“gutom ka na ba? Tara, may pagkain na sa loob. Alas dos na hindi ka pa nanananghalian” dagdag pa niya

Umiling lang ako tsaka ngumiti. Tinignan niya lang ako ng may pagtataka kaya umupo na ko sa duyan at sinenyasan siyang tumabi sakin

Pagkaupo niya sa duyan, umunan ako sa balikat niya

“sorry” sabi ko

“bakit ka nag so-sorry? Ako nga ang dapat—“ pinutol ko ung sinasabi niya

“hush.. wala kang kasalanan, OA lang ako, nag react ako ng ganun, kahit hindi naman dapat” sabi ko

“sigurado ka?” tanong niya

“ou, pipilitin kong buksan yung sarili ko sakanila. Ito naman talaga purpose nitong bakasyon natin db, ang maayos lahat. Tsaka ayoko masayang yung effort mo” nginitian ko siya

“thank you mish” sagot naman niya

“gutom na ko, tara” niyaya ko na siyang pumasok para kumain

Pag pasok naming sa bahay, inabutan naming ung buong chikboys. kasama si pinky, elise at xander.

“oy san kayo galing? Kakarating lang nag date na kayo agad?” bungad na biro ni kuya Alvin

“duma-the moves ka na tropa ah” tukoy ni kuya Anthony kay spade

“nagpahangin lang” naka ngiti naming sagot ni spade

“woooh.. pahangin, kumain na kayong dalawa, nasa kusina yung pagkain” sabi naman ni gino

Napatingin ako kay spade, binantayan niya ko? Hindi pa din pala siya kumakain.

“bat di ka sumabay sakanila kumain?” tanong ko

“eh napasarap kasi tulog mo sa labas, baka lamukin ka kaya binantayan nalang muna kita” sagot niya

“huh! Next time wag ka papalipas ng gutom” sabi ko

“opo, basta gusto ko sabay tayo lagi kakain” sabi niya

“okay, sabi mo eh” sagot ko tapos pinagsandok niya na ko. Para kong prinsesa na pinagsisilbihan

--

Pagkatapos kumain nag agawan pa kami kung sino maghuhugas ng plato

“ako na ksi mish, umupo ka nalang dun” sabi niya

“ako na kasi, Gawain ng babae yan” sabi ko naman

“ayoko, dun ka na. isa” aba lokong toh binilangan pa ko

“dalawa!” pang hahamon ko

“louie mish!” may banta na sa boses niya

“spade. Kasi!” inagaw ko na yung plato. Tsaka ko sinabon agad. Tumayo naman siya sa tabi ko

“ang kulit mo, sabing ako na e” sabi niya

“parang dalawang baso, plato, kutsara at tinidor. Wala naming mahirap ditto kaya ako na dapat” sagot ko

“kahit na. pag mag asawa na tayo hindika pwede gumawa ng gawaing bahay. Gusto ko prinsesa lang kita” napatigil naman ako sa sinabi niya. Asawa talaga? Hindi pa nga kami eh

“oy kinilig ka na jan” sabi niya. Hindi kasi ako agad nakasagot

“oy assuming, hindi ako kinikilig nuh” sagot ko

“eh bat ka nangingiti?” tukso niya

“hindi kaya” pero wala na. napangiti na ko ng tuluyan. Ako na, ako na kinikilig. Kainis naman, bat sa harap pa niya?

“ayeeh kinikilig siya sakin. Wag ka mag alala, totoo naming gagawin kitang prinsesa” sabi niya

“tantanan mo ko spade, asawa kagad? Hindi pa nga tayo” sabi ko habang nilalagay na yung plato sa lagayan. Nag punas ako ng kamay sa hand towel, pag harap ko konting distansya nalang meron kami. Napa atras ako pero hinawakan niya ko sa bewang

“edi kung gusto mo, tayo na” tapos ngumiti siya ng nakakaloko

“oy spade, tigilan mo ko” sabi ko, pinatong ko ung dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya para hindi siya makalapit ng sobra

“ano? Will you be may girlfriend?” nakakaloko ung ngiti niya, pero ramdam ko ung pag init ng pisngi ko. Mish, wag kang magba-blush

“uy namumula na siya, kinikilig” lalo pa siyang lumapit

“hoy hindi kaya, mainit kasi. Lumayo ka nga sakin” tinutulak ko siya pero walang epek

“ayoko nga, be my girlfriend muna” sabi niya. Lalo pa siyang lumapit

Napa bend naman ako palikod, dahil dun dumulas ung paa ko at natumba ako kaya napasigaw ako

“AHHHHHHH” sigaw ko. Nasalo niya naman ako agad. At sobrang lapit na ng mukha naming sa isa’t isa. 1 inch nalang ata o wala na >////<

“MISH ANONG---“ biglang may nagsalita galing sa pinto ng kusina, pag tingin namin si Gino at kasama pa lahat. At worst, nasa ganung posisyon pa din kami ni spade, bigla kong nakitang nag ngisian ung mga chikboys

“akala ko naman kung ano na, may naghaharutan lang pla” panunukso ni kuya dion sabay akbay kay pinky “my labs, kainggit nuh?”

Siniko naman siya ni pinky sa tagiliran “che”

Nagtawanan naman lahat

“hoy lalaki, naaliw ka masyado. Itayo mo kong maayos” utos ko naman kay spade

“ay sorry” bigla siyang ngumiti ng napakalapad tsaka ako itinayo ng maayos sabay akbay

“ang sweet talaga, ako na kinikilig” nag iinarteng sabi ni kuya ken

“baliw” sagot ko naman at nagtawanan nalang lahat

Nakita kong natatawa na din pati si xander, jhake at elise.

Bumalik na kaming lahat sa sala para mag hatian ng kwarto at mga Gawain

“girls kayo na bahala sa pag luluto, kaming mga boys na bahala sa iba pang gawaing bahay, basta pagluluto kayo na” sabi ni gino, tumango tango nalang kami. May leadership skills talaga tong si gino

“5 lang yung kwarto, okay lang ba kung kayo mish, pinky at elise sama sama na sa iisang kwarto? Ibibigay naman naming sainyo ung pinaka malaking kwarto dito sa bahay” sabi pa ni gino. Napatingin sakin si pinky. Um-Oo nalang ako, wala naman akong magagawa eh

“tayo namang mga boys, bunutan tayo kung sino sino magiging room mates, ano?” tanong ni gino

“sige sige” sagot naman nila, kaya gumawa na siya ng numbering tapos nag bunutan na

“sinong nakakuha ng #1?” tanong niya

Nagtaas ng kamay si kuya dion at Anthony

“okay kayong dalawa room mates, #2?” tanong niya

Siya at si jhake naka kuha ng #2 kaya sila room mates, #3 si xander at spade, #4 si kuya alvin at ken

“okay, everything is settled. Ayusin na mga gamit na tin, may activity tayo later” sabi pa ni gino, ung totoo? Ano siya dito? Organizer? Haha

--

Tahimik lang na nag aayos ng gamit si elise sa isang sulok, napa tingin ako sakanya. Si pinky naman tinignan ako ng patanong, ako din naman nag dadalawang isip, lalapitan ko nab a siya? Mamaya nalang kaya? O kaya bukas? O kaya wag nalang muna. Hmp!

“ay elise, dito mo nlang ilagay gamit mo, sobra ng isang drawer. Tas mga sapatos nlang jan” sabi ni pinky

“uhm.. sige, thanks” tas nilipat niya na dun mga gamit niya

“ikaw mish, balak mo?” tanong ni pinky

“maliligo, geh” sabi ko sabay diretso sa banyo

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

kahit sino nakaka experience ng ganito, ung nahihirapan ka kasi hindi mo makalimutan yung past. sabi nga nila "Ok lang balikan ang nakaraan pero wag kang mananatili dun"

some votes and comments please ^______^

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
32.4K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...