Bastos Mo!

Por Ponkaaan

3.7K 74 42

[Cover by: Omoshiroi] UTANG NA LOOB, hindi po bastos ang istoryang ito! Tunog bastos lang, pero pramis, hindi... Más

Prologue
Ikalawang Kabanata, Part 1
Ikalawang Kabanata, Part 2
Ikatlong Kabanata

Unang Kabanata

856 15 9
Por Ponkaaan

*Unang Kabanata*

= Liz speaking =

(Ang 'speaking' ay version ko ng 'POV'. Pauso lang, bakit ba? Lol)

"Damn. Just look at her body!"

"Yeah man. Ang hot. Shit!"

"I'd love to lick those mountains."

"Ang sarap. Tangina!"

Ayy, ang babastos naman ng mga ito! Ang aga-aga, umiinom ng Tang ang mga ina. Grabe lang ang mga bunganga, parang hindi estudyante ng Briarwood High.

Bakit hindi na lang nila gayahin si Boo Bear ko? Gwapo, mabait, gentleman at higit sa lahat, hindi bastos!

Syempre mabait siya sa akin dahil bestfriend ko siya at bestfriend niya ako. Walang problema doon. Ang problema lang, hanggang doon lang ang turingan namin.

Nothing more, nothing less.

Tama kayo ng iniisip. In-love nga ako sa bestfriend ko. At naiinis akong tanggapin ang katotohanang iyon. Siya naman kasi eh. Ang bait, ang gwapo, ang ganda ng ngi--

"Huy Best!"

"Ayy bastos ka!" Napasigaw ako dahil sa gulat nang may biglang sumulpot mula sa likod ko. Muntik ko na tuloy maihagis ang iPad ko.

Nang lingunin ko kung sino, ang walangyang bestfriend ko lang pala.

Pero wait, ibang best friend ang tinutukoy ko. Si Boo Bear ang aking boy best friend. Itong bruhildang nasa likod ko ngayon ay ang aking BFFE (best friend for eternity). Pauso lang namin. Hehehe. Overused na kasi ang BFF kaya ayan, BFFE na lang daw. Bongga 'di ba? Ako naka-isip n'yan.

"Hahaha. Hindi ako bastos Best. Ikaw nga ang bastos d'yan kasi namboboso ka na naman." Natatawa niyang hayag habang iniaabot sa akin ang aking melon shake. May utang kasi siya kahapon kaya't ito na lang ang kabayaran.

"Tumitingin lang, namboboso agad? 'Di ba pwedeng sight seeing muna?" Ipinasok ko na sa aking bag ang iPad at sinimulang inumin ang shake ko. Charap ng melon!

"Hmmm," Nag-isip muna siya at saka naupo sa tabi ko. "Pwede naman, kaya lang nagugustuhan mo naman ba ang nakikita mo? Enjoyable ba ang sight seeing mo? Hmmm?" Nang-aasar na tanong niya.

Nandito kasi kami ngayon sa parte ng bleachers kung saan kitang-kita  ang view sa kabilang wing ng school building. Hinding hindi ko kailanman magugustuhan ang eksenang nakikita ko ngayon. Sana talaga may laser beam ako para matunaw ang kasama niyang babae ngayon. O kaya naman maging kasing galing ako ni Jackie Chan sa martial arts para mabigyan ko siya ng flying kick. Mas enjoyable siguro makita ang sight ng pagkamatay ng babae niya. Gusto ko 'yung brutal na kamatayan!

"Masaya ako na nakikitang masaya rin ang mahal ko." Tugon ko sa kanya. Pero syempre, hindi ako masaya. Sino'ng bobo ang sasaya kung makikita mo ang taong gusto mo na may kasamang iba? Kung wala lang siguro akong kahihiyan, baka kanina pa ako sumugod at ipinalamon sa kasama niya ang dala kong portfolio.

Hindi ako masokista pero parang gano'n na nga ang sitwasyon ko ngayon. Ayaw at nasasaktan man ako sa nakikita ko ngayon, 'di ko magawang maialis ang mga mata ko sa kanila. Ewan ko ba. Muntanga na tuloy ako.

Masakit na, pero sige pa rin.... Ayy! Ang bastos! Hahaha.

"Hoy Hannah Elizabeth Daez, 'wag mo nga akong pinagloloko! Masaya ka pa sa lagay na iyan? Kung tao lang siguro iyang straw ng shake mo, malamang kanina pa iyan nakipagkita kay San Pedro. 'Di ka naman masyadong galit noh?"  Pabirong sabi niya. Kanina ko pa kasi nginangatngat itong straw bilang pagtitimpi. Napakababaero kasi niya eh, 'yan tuloy, wala na akong straw at no choice ako kundi ang lagukin ang shake ko.

Oo babaero siya. Iba-iba ang girlfriend every week. Ang landi niya eh. Lahat ng babae nilalandi, except sa akin. What's wrong with me? Maganda at sexy naman ako sabi ng nanay ko. Aish!

"Kailangan talaga full name, Maria Victoria Virtucio?" Ganting asar ko naman. Ang bantot kasi ng pangalan niya eh. Hahaha.

"Ewwww!" Tili niya. Bigla tuloy nagtinginan ang mga tao sa paligid, maging ang mga malilibog na lalaki na mahihilig sa Tang ang mga ina ay napatingin rin sa amin.

"Kadiri talaga Best!" Sigaw pa ulit niya.

Nakakahiya talaga ang babaitang ito.  Bakit ko ba ito naging bestfriend? Sarap niya palunukin ng sapatos para manahimik.

"Gago ka pare, itago mo na nga iyang cp mo!"

"Oo nga, nakita yata n'ong babae."

"Takte. Baka isumbong tayo n'yan sa guidance. Burahin mo na!"

Rinig kong bulungan ng tatlong lalaki sa gilid namin. Naantala marahil ang panunuod nila ng porn. Yuck! Ang bastos!

Mabilis naman silang kumaripas ng takbo. Nang humupa na ang bulungan at pagbabato sa amin ng nagtatakang tingin ng mga tao ay hinarap ko ang bruha.

"Hoy Victoria! Kahit kailan talaga, nakakahiya ka." Singhal ko.

"Eh ikaw naman kasi Best eh. Don't ever call me Victoria, it's so kadiri. Kaasar talaga si Mudrabelles. Named me after my Lola. Who the heck still does that? It's so medieval." Maarte niyang sabi.

"Pfffft! Hahaha." Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "'Di bagay sa'yo mag-inarte Best. Parang kang promdi na conyo!" Natatawa ko pa ring sabi sabay hampas sa braso niyang mataba. Hahaha. Ang sama ng ugali ko sa bestfriend ko.

"Aah basta. 'Wag mo akong matawag-tawag na Victoria. Just call me Tori. Ilang daang taon na tayong mag-bestfriend, 'yun pa rin ang tawag mo sa akin. Banas lang ah." Inis niyang hayag. Babies pa lang kasi kami, magkakakilala na kaming tatlo nina Boo Bear ko. Oha? Pagkakaibigang 'di natitinag ang drama namin. Sana sa susunod, pag-iibigang 'di natitinag naman. Chos!

Trio dapat kami, pero hindi magawang magkasundo ng dalawa kaya hati ang oras ko sa kanila. Para silang mantika at tubig, 'di pwedeng pagsamahin dahil paniguradong World War Z ang hantungan namin.

"Okay lang 'yan Best, kapangalan mo na naman ang mommy ni Boo Bear ko eh." Biro ko pa ulit. Victoria Vega kasi ang pangalan ng mommy niya. Ang soon to be mom-in-law ko. Wahahaha. Ang ambisyosa ko talaga.

Victoria talaga ang tawag ko sa kanya dati pa man. Pero late last year, marahil ay napagtanto niya na ang baho pakinggan ng pangalan na iyon para sa kasing edad niya, binago niya at ginawa niyang Tori. Pero mas sanay pa rin ako sa Victoria dahil ito ang kinalakhan ko.

"Ewan ko sa'yo. 'Di na ulit kita ililibre ng shake." Pikon niyang sabi.

"Utot mo! May utang ka kaya sa akin kahapon. Even lang tayo. Libre pinagsasabi mo d'yan?"

"Ganun na din 'yon noh! And wait, speaking of Boo Bear, nasaan na si Dylan James Vega your love mo? Nawala silang dalawa ng kerida niya." Pag-iiba niya at inilibot pa ang tingin sa school ground.

"Wow Best! Kerida, gusto ko iyan. Ako kasi ang legal wife. Hahaha."

"Tsk! Lakas talaga ng tama sa 'yo ni Dylan noh? Kahit alam mong hanggang bestfriends lang kayo, umaasa ka pa rin. Tantanan mo na kasi 'yun, sayang ang ganda mo. Umaasa ka sa wala." Umiiling pa niyang sabi.

Tama siya. Umaasa ako sa wala. Pero ayaw kong mawalan ng pag-asa. Madalas kasi sa mga nababasa at napapanood ko, nagkakatuluyan ang mga mag-bestfriends. Who knows? Iyon na lang ng tanging pinanghuhugutan ko ng pag-asa.

Hay naku! Ang laki kong tanga. Tsk. Ayaw kong mag-drama. Chapter 1 pa lang, drama na agad? Next chapter na lang pwede?

"Tigilan mo ako sa pambobola mo Best. Wala akong pera." Biro ko.

"Ay gano'n? Sayang naman. Hahaha." Gaga talaga ito.

"Tara na Best. Five minutes na lang." Yaya ko sa kanya. Malapit na kasi magsimula ang unang subject namin. Masyado na yata kaming nag-eenjoy sa pagtambay sa bleachers. Patay kami sa teacher namin sa Trigo 'pag na-late kami!

Nagsimula na kaming maglakad papuntang classroom habang isinusuot ang aming backpacks. Masaya lamang kaming nagku-kwentuhan tungkol sa eksena ng isa naming kaklase kahapon. PE kasi namin at napag-diskitahang magpalaro ng basketball ng aming teacher. Bunga ng tuwa ng isa naming kaklase dahil sa pagkapanalo ng team ng crush niya, ay bigla siyang napasigaw ng "Ang galing mo!! I love you Andrei!!"

Walang ibang nakakaalam na crush niya iyon bukod sa mga kaibigan niya, kaya naman palakasan kami ng tawa kahapon ang buong klase dahil sa epic fail niyang confess--

"Ayy Best!!" Sigaw ni Tori nang may bumangga sa akin dahilan para matapon ang shake na dala ko sa damit ko.

Ang uniform ko! Ang magandang uniform ko!

Tiningnan ko ng masama ang lalaking bumangga sa akin.

"'Di tumitingin sa daanan. Bastos mo!" Bulyaw ko.

------

Siya po si Liz, mga kaibigan. :) --->

Seguir leyendo