Buying Love (Published Under...

Por fraeraine

5.5M 54.1K 1.7K

Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na la... Mais

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Ninety Two
Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Epilogue
Shameless Plug!
Grab a copy of BUYING LOVE now!!!
Wanna read BOOK 2?

Forty Nine

56.9K 434 11
Por fraeraine

"Saan ang date mamaya, Ate Hana?" ani Gem sa kanya. Nasa classroom sila at hinihintay ang professor sa subject na 'yon.

Umismid siya.

"Wag mong sabihing wala kayong plano ni Ram?" ani Chloe.

Muli lang siyang umismid sabay buga ng isang malalim na buntong hininga.

"Aw, that's sad. Ram despised Valentine's Day, as well? But you already influenced him into celebrating monthsaries, bakit ayaw pa rin niyang mag-celebrate ng V-day?" ani Gem.

"Hindi naman niya sinabing ayaw niya. Ano lang, wala lang siyang sinabi," aniya.

"Deadma lang?" Si Chloe.

"Parang ganoon na nga," aniya.

"That's really sad." Gem pouted.

"Well, at least 'di ako mag-iisang magpapabaril ngayong gabi sa Luneta, 'di ba? May karamay akong date-less sa Valentine's Day," ani Chloe. "Buti pa 'yong ibang tao diyan, mukhang magiging makulay ang Valentine's Day."

Ngumisi si Gem. Abot-tenga.

"I hope so. Jerome invited me to have dinner with him. He says he's gonna take me to Tagaytay," anito na ang tinutukoy ay ang bago nitong boy friend. They had been together for only a month now.

"Tagaytay? Seryuso?" Si Chloe.

"Yup! We're gonna use their private plane."

"Wow! Ikaw na, teh. Ikaw na ikaw na," ani Chloe.

Mayaman din kasi ang pamilya ni Jerome. Sa katunayan ay anak ito noong kasosyo sa negosyo ng Daddy ni Gem.

"May surprise din daw siya sa akin pagdating namin doon. And guess what, alam ko na kung ano ang surprise niya for me. His sister had told me already." She giggled. "May binili daw siyang kuwentas for me which is worth thirty-five thousand pesos. And he bought it from his very own savings. Ain't that sweet?"

"Hay, iba na talaga ang mayayaman. Thirty-five thousand pesos? Ipinamimigay nalang? And to think na isang buwang mahigit palang kayo, ha? Pano pa kaya kung one year anniv niyo na? House and lot na?"

Humagikhik lang si Gem sa sinabi ni Chloe. Tila kilig na kilig.

"Ikaw na ikaw na talaga. Grabe ang haba ng hair mo, umabot na ng moon," ang dagdag pa ni Chloe.

Ngumisi si Gem bago muling nagsalita. "And here's more ---"

"Sige pa, inggitin mo pa kami. Konting-konti nalang talaga at magbibigti na kami," ang putol ni Chloe sa sinasabi nito.

Tawanan ang dalawa, except sa kanya. Wala, eh. Medyo malungkot lang talaga siya. Hindi naman siya nag-i-expect ng bonggang Valentine's Day celebration, pero first time nilang mag-celebrate ng Valentine's Day nang magkasama, 'di ba? Mag-effort man lang sana ito ng konti. Kahit kwek-kwek lang sa tabi-tabi, solved na siya. Ang importante, eh, naalala nito.

"Well, in fairness to Ram, Ate Hana, baka naman wala lang talaga siyang ideya kung anong araw ngayon. Maybe he just don't have a clue kung anong meron today," ani Gem pagkuwan.

"Ay, hindi na rin ako magugulat kung hindi niya alam na may "Valentine's Day" tayong tinatawag. Baka hindi talaga iyon nag-i-exist sa vocabulary niya," ang wika naman ni Chloe.

"True that!" ani Gem at naghagikhikan ang dalawa.

"Baka nga. Baka nga wala talaga siyang ideya kung anong araw ngayon," she agreed but she's not laughing with them. She couldn't even bring herself to smile.

In fairness naman kay Ram, ang laki ng ipinagbago nito nitong nakaraang mga buwan. Hindi na ito nakakalimot sa monthsaries nila, nag-i-effort na din itong magbigay ng regalo. At take note, hindi siya nito tinitipid pagdating sa mga gifts. Iyon nga lang, ayaw pa rin nitong magbigay ng flowers. Not practical daw. Pero ganoon pa man, kahit na wala talaga itong ka-romance-romance sa katawan, ayaw pa rin niyang magreklamo. Sa laki ba naman ng ipinagbago nito, may mahihiling pa ba siya?

"Then you should have dropped him a hint or two," ang muling pukaw ni Gem sa kanyang atensiyon. "Dapat binigyan mo siya ng clue. Nagparinig ka sana."

"Ginawa ko naman, eh. Tinatanong ko siya kaninang umaga kung may plano ba siya mamayang gabi. Wala daw," aniya.

"Or maybe he just wanted to surprise you! Baka may binabalak, Ate Hana!" Gem exclaimed.

Umiling siya. She doubted it. Ayaw niyang umasa. Imposible iyong mangyari. Ram hated surprises. Hindi ito magaling sa mga ganoong bagay.

"Kung wala, eh, 'hayaan mo na, Ate Hana. Hindi pa naman matatapos ang mundo dahil lang hindi naalala niyang asawa mong i-date ka ngayong Valentine's Day. You don't have to feel so bad about it, may next year pa naman, 'di ba?" ani Chloe to cheer her up.

"And years after that, too," Gem seconded.

Sasagot pa sana siya nang pumasok na ang professor nila. Agad silang umayos ng upo at itinigil na ang chikahan.

Nang matapos ang huling subject niya nang araw na iyon ay t-in-ext niya si Ram. Nagpapasundo siya. He said no, busy daw ito. Lalo lang siyang nalungkot. Ngunit hindi na niya sinabi ang mga iyon sa mga kaibigan niya, she didn't want to bother them any longer. Ayaw din niyang sirain ang mood ni Gem. Excited na excited na din kasi ito sa Tagaytay date nito kasama ang boyfriend.

Papauwi na sana siya nang may ideyang biglang pumasok sa kanyang utak. Eh, kung siya nalang kaya ang gumawa ng surprise para sa asawa? Kung hindi nito maalalang Valentine's Day ngayon, eh, 'di ipapaalala niya. Siya na ang magsi-setup ng Valentine's date nila. Maghahanda siya ng surprise dinner para dito.

She checked her wristwatch, wala na siyang time para magluto pero pwede naman siyang bumili ng food. Kaya't sa halip na dumeretso sa condo ay nagpahatid siya sa kinalululanang taxi sa isa sa mga paboritong Italian restaurant ni Ram. Nag-take out siya ng food. Bumili din siya ng mamahaling wine, iyong paborito ni Ram. Dumaan na din siya sa isang sikat na cake shop at bumili ng isang maliit na layer ng heart-shaped chocolate cake. At talagang itinudo na niya, bumili na din siya ng madaming scented candles. At pagdating na pagdating niya ng bahay ay excited niyang inayos ang lahat ng iyon. First time niyang maghanda ng surprise para sa asawa kaya't wala talagang mapaglagyan ang excitement niya. She wanted everything to be perfect.

Ngunit naihanda na niya lahat, nakaligo na rin siya't nakapagbihis, ay wala ni anino ni Ram ang dumating. She checked the time and it's past eight already. Kaya pala medyo gutom na siya.

She decided to call him up nang biglang nag-beep ang kanyang cell phone. It was a text message from an unknown sender, kinabahan siya. May nangyari ba kay Ram? Dali-dali niya itong binasa and was shocked by what the message said.

Ur husband is havng an affair wd anodr woman. F u wana catch dem, go 2 ds place ryt now. Hurry up!

At nakalagay sa ibaba ang pangalan ng isang mamahaling hotel na malapit lang sa kanila. May nakalagay ding room number.

Itinapon niya ang kanyang cell phone sa may sofa. Hindi niya alam kung anong dapat niyang isipin. To say that she was shocked was an understatement.

No, this can't be true. Ram couldn't cheat on her! Ni hindi nga ito nagkaroon ng affair with another woman before, ngayon pa kayang okay na sila? Hindi totoo ang mensaheng nabasa niya. That was just a prank. Na-wrong send lang yata.

Her heart was hammerring against her chest. Pakiramdam niya'y mabibiyak na ito sa sobrang lakas ng kabog. Nasaan na ba kasi si Ram? Bakit hindi pa ito umuuwi?

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng sala. Nang hindi na siya makatiis, she grabbed her phone from the couch and dialled Ram's number. It was unattended. Mas lalo pang dumoble ang tibok ng kanyang puso.

At bago pa siya nakapag-isip ay natagpuan na lamang niya ang sariling sakay na ng elevator pababa ng condo building. At dahil walking distance lang ang kinaroroonan ng nasabing hotel, naglakad lang siya papunta doon. Lakad-takbo, actually, ang ginagawa niya. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya but she couldn't help herself. She has to know!

Parang wala sa sariling pumasok siya sa nasabing hotel. She was surprised how her already wobbling feet managed to bring her to the floor where the supposed to be Ram's room was located. And to her surprise, the door was open na tila ba ini-expect talaga ang kanyang pagdating. She pushed it wide at tumambad sa kanyang paningin ang nakahandang romantic dinner for two. All complete with food, wine, flowers and candles. Hindi man lang nabawasan ang mga iyon.

Walang tao sa paligid kaya't nagkusa na siyang pumasok. Abot-abot pa din ang kanyang kaba. Anong meron? Talaga bang narito si Ram sa loob ng kwartong ito? Sino ang kasama nito?

Natuon ang kanyang paningin sa nakapinid na pintuan ng silid. Katulad noong pintuan ng mismong kuwarto, hindi din ito naka-lock. It was ajar. Tila nang-iimbita.

Her feet brought her there. And pushing the door with her trembling hand was the worst decision she ever made. Because it brought her to her own death. There she saw Ram on the bed, lying naked. And he was not alone. He was with someone --- Roanne!

Roanne was there, lying naked beside him. Both of them were fast asleep kaya walang nakapansin sa ginawa niyang pagpasok. She automatically brought her hand to cover her mouth as to prevent her cry from escaping. She was overpowered by a horrible mix of emotions --- shock and disbelief and pain and all the other emotions she couldn't give name to. She choked back her tears as she ran out of the room and out of the hotel.

Hindi niya alam kung papano siya nakababa ng hotel. Natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad sa kalsada. Tears were running down her cheeks, ni hindi na niya halos makita ang daraanan dahil hilam na hilam na ang kanyang mga mata. Nanginginig ang buong katawan niya, mula ulo hanggang paa. She wanted to cry out loud, gusto niyang sumigaw nang pagkalakas-lakas upang maibsan ng kahit na konti ang sakit na nararamdaman niya.

Wala sa loob na tumawid siya ng kalsada nang makarinig siya ng malakas na busina mula sa kung saan. Huli na nang ma-realize niya ang nangyayari. Natigil siya sa paglalakad at saka bumaling sa direksiyong pinanggagalingan ng malakas na tunog ng businang iyon. Ang nakakasilaw na liwanag mula sa headlight ng paparating na sasakyan ang bumungad sa kanya. She automatically covered her eyes with her own hands and braced herself for the impact that is sure to come. She was as sure as hell that she is going to die at the moment!

Ngunit hindi nangyari ang kanyang inasahan, walang impact na naganap, wala siyang naramdamang anumang sakit sa katawan. She was alive and unharmed!

"Hana!? Hana, ikaw ba 'yan!?"

That familiar voice made her open her eyes. There stood a man in front of him. Hindi niya maklarong mabuti ang mukha nito dahil sa nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa nakahimpil na kotseng nakabukas ang pintuan sa may driver's seat.

"Hana! Ako 'to, si Andrei!"

"Andrei?" It was her turn to get surprise.

"Oh, my God, ikaw nga! What are you doing? Bakit bigla ka nalang tumawid? Magpapakamatay ka ba?"

Hindi siya nakasagot. Hilong-hilo pa rin kasi siya sa mga nangyayari.

Inisang hakbang nito ang distansiyang namamagitan sa kanila at saka kinabig siyang payakap.

"I'm so glad you're safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nabunggo talaga kita," anito habang hinimas-himas ang buhok niya sa nanginginig na kamay.

And she automatically found comfort on his embrace. Yumakap din siya dito at saka malakas na humagulhol habang ibinabaon ang mukha sa balikat nito. Noon nagsimulang magsibusinahan ang mga nakasunod na sasakyan.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at saka siya iginiyang pasakay sa naghihintay nitong kotse. Nagpatianod naman siya.

Continuar a ler

Também vai Gostar

186K 3.6K 21
Dice and Madisson
84.4K 398 5
(COMPLETED) Lying is beyond our control, making it a habit is a choice.
67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv
6.2M 108K 44
Cheng is a very serious lawyer who crosses paths with an easy-going Fabio due to a case she's handling. She must win the case against the JE Telecomm...