Killer Game

By Penguin20

2.4M 88.1K 26.8K

Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016 More

Killer Game
Teaser
Chapter 1: Unknown Lady
Chapter 2: Mysterious Invitation
Chapter 3: Game Rules
Chapter 4: Tactics
Chapter 5: Night 1
Chapter 6: Trial Phase 1
Chapter 7: Judgment Phase 1
Chapter 8: Night 2
Chapter 9: Trial Phase 2
Chapter 10: Judgment Phase 2
Chapter 11: Night 3
Chapter 12: Trial Phase 3
Chapter 13: Judgment Phase 3
Chapter 14 :Night 4
Chapter 15: Trial Phase 4
Chapter 16: Judgment phase 4
Chapter 17: Night 5
Chapter 19: Judgment Phase 5
Chapter 20: Night 6
Chapter 21: Trial Phase 6
Chapter 22: Judgment Phase 6
Chapter 23: Night 7
Chapter 24: Trial Phase 7
Chapter 25: Judgment Phase 7
Chapter 26: Night 8
Chapter 27 "Trial Phase 8"
Chapter 28: Judgment Phase 8
Chapter 29: Night 9
Chapter 30: Trial Phase 9
Chapter 31 "Judgment Phase 9"
Chapter 32: Night 10
Chapter 33: Trial Phase 10
Chapter 34: Judgment Phase 10
Chapter 35: Night 11
Chapter 36 "Trial Phase 11 part 1"
Booksigning
Chapter 37: Trial Phase 11 part 2
Chapter 38: Judgement Phase 11
Chapter 39: Final Night
Chapter 40: The Escape
Author's Note
February 2019 booksigning
Booksigning Davao 2019
Booksigning megamall 2019

Chapter 18: Trial Phase 5

42.7K 1.7K 720
By Penguin20

Chapter 18: Trial Phase 5
Tomy

Hindi ko inaasahan na sobrang masasaktan si Nick this time. Kaya pala siya kumaripas ng takbo kagabi dahil alam niya ng isa si Kim sa mga susunod na target ng killer. Baka naman si Nick ang pumatay kay Kim at pinalabas niya lang na inosente siya?

Nakakaawa nga sina June at Nick, dalawang kaibigan nila ang nawala sa nakaraang dalawang araw. Batid kong malaki ang impact 'yon para sa kanila. Hindi madali ang mawalan ng kaibigan.

Nabaling ang atensyon ko kay Phil na mag-isang kumakain, he's a total weird. He prefer to be alone, pero sa kabila ng lahat nang ito, hindi naman siya pinaghihinalaan ng iba naming kasamahan. Nakikita ko minsan na kinakausap niya si Raven pero sa ibang players, parang ang ilap niyang kausapin.

"Natulala ka na naman Tomy," Mahinang tinapik ni Coby ang aking pisngi dahilan upang mabaling ang aking atensyon sa kanila ni Cedric. "Ang dalas mong wala sa sarili lately."

"Wala lang, nami-miss ko lang si Stacy wala akong mabwisit" Pabiro kong sagot sa kanya.

"Madalas hinahanap? Naku Tomy iba na 'yan," Naiiling na sabi naman ni Cedric.

"Mga baliw." Nasabi ko na lamang. Pero pansin ko nga, hindi ko pa nakikita si Stacy ngayon. Kapag ganitong umaga kasi ay kamalditahan niya agad ang bubungad sa akin.

"Shane, asan yung kaibigan mong magaling?" Pagtatanong ko kay Shane na kumakain.
"Hindi ko alam, hindi pa rin kami nagkikita ni Stacy ngayong araw," Sabi ni Shane.

Biglang kinuha ni Shane ang upuan at tumabi sa amin nina Coby. Seryoso niya kaming tinitigan sa lahat. "Alam niyo ba, nagbalak akong magbigti kagabi,"

Seryosong sabi ni Shane kaya naman bigla kaming kinabahang tatlo. "Buti naman at hindi natuloy, anong naisip mo?" Pag-uusisa ni Cedric.
“No’ng itatali ko na kasi yung lubid, hindi ko pala abot yung kisame. Ang tagal kong sinubukan kaso ay na-bored ako, kaya natulog na lang ako.” Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa walang kwentang kwento ni Shane, seryoso pa siya habang nagkekwento.

Magsasalita sana ako ng biglang may malakas na batok akong naramdaman. Iisang tao lng naman ang gumagawa no'n sa akin... Si Jessie. "Mga pare kumusta?"

Imbes na sagutin siya ay nabaling na lang ang aking atensyon sa wall clock. Malapit na palang mag-8:30. Ibig sabihin lamang nito na malapit na naman magsimula ang trial. Sa ngayon ay may isang tao na agad na pumasok sa isip ko kung sino ang gumawa ng pagpatay, si Nick.

Hindi niyo ako masisi kung si Nick ang pinagbibintangan ko. Malay niyo ay umaarte lang siya kagabi. Kung kay Terrence nga ay nahirapan kami dahil sa galing niyang umarte, hindi malayong gano'n din si Nick.

Biglang pumasok si Stacy sa loob ng restaurant, mukhang bagong gising pa lang ‘tong babae na ‘to. “Good morning, babe, buo na ang araw ko.” Nakangiti kong biro sa kanya.

“Masakit ang puson ko ngayon, ha! ‘wag mo ‘kong simulan.” Inis na naman ang maldita na ‘to.

I raised my both hand as a sign of forfeiting. Sa hitsura ni Stacy ngayon ay parang kayang-kaya niya talaga ako suntukin.

Lumabas na lamang ako sa restaurant matapos ko kumain. Habang naglalakad ako ay nakita kong magkakasama sina Caleb, Raven, Mario, Crystal, at Owen. Masaya silang nagtatawanan sa may malawak na damuhan ng park. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata na tiwala sila sa isa't-isa.

As I suspected, hindi malayong si Owen ang detective pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang identity ng police, pwedeng si Stacy, pwede rin si Raven, o kaya naman si Phil. Who knows?

Habang pinagmamasdan ko sila ay narinig ko na ang pagtunog ng bell.

"Players! The trial is about to begin, please proceed to the trial court!”

Pagkarinig ko sa mga salitang iyan ay agad na akong naglakad papunta sa basement ng Hotel... 'diba nga yung basement na 'yon ang nagse-served as our trial court.

No'ng nakaupo na ako sa aking puwesto. Doon ko lang napansin ang napakaraming tao ng nawala sa larong ito, in the first place mapa-killer o innocent ka man may iisang tanong na gugulo sa iyong isipan. Bakit kami pa? Bakit kami pa ang mga taong napili para laruin ito?

Pansin ko ang mga mukha ng aking kasamahan, wala ng takot sa kanilang mukha. Maybe they're thinking 'nandito naman si Owen'. Like what the fuck! Owen can't do miraculous things! Hindi niya agad-agad mahuhulaan ang sunod na pumapatay.

"Okay Owen break your legs!" Malakas na sigaw ni Shane at napailing na lamang ako.

“Break a leg ‘yon, boba! Sana nga next time, kung sino man ang silencer, eto ngang boba na ‘to ang patahimikin ninyo! Wala na ngang naitutulong, nagkakalat pa nang katangahan,” Mahabang sabi ni Stacy kaya napatawa ako.

"Trial 5 start!"

Buti na lang at si June ang napiling patahimik ng silencer, mababawasan ang mga players na mema lang. May masabi lang.

"Okay let's start and end this trial. Si Nick ang pumatay," Seryosong sabi ni Jenny at pansin pa sa mga mata nito ang mga luhang namumuo. "Sila ang laging magkasama ni Kim tuwing gabi, kung may tao man na dapat sisihin dito siya 'yon!"

Pansin ko ang galit sa mata ni Jenny. Pero mali pa rin ang mga nangyayari, magkakaibigan sila... Simula unang araw ay sila ang magkakasama pero ba't gan'to ang nangyayari? Sila-sila pa mismo ang nagsisisihan sa pagkakataong ito?

"'Wag muna tayong mag-resume na si Nick nga ang may kasalanan guys. Ba't hindi na'tin simulan sa unang step na parati nating ginagawa? Hanapin muna natin ang killing weapon." Sabi ni Shane at sa wakas ay may nasabi ring matino ang babae na 'to.

“Assume ‘yon, boba. Hindi natin agad-agad malalaman ang weapon na ginamit. Bukod sa hiwa-hiwalay na ang katawan ni Kim at maliliit na sugat sa pisngi, wala ng iba pang nakitang sugat sa katawan niya. Hindi natin masasabi kung anong matulis na bagay ang ginamit na pagpatay sa kanya,” Stacy is back in the game.

“Si Nick ‘yon! Siya ang pumatay sa kaibigan ko!” Sigaw ni Jenny, mukhang nilamon na siya ng kanyang galit.

Wala pa ring imik si Nick at tuloy-tuloy lang na dumadaloy ang luha sa kanyang mata. Ito na yata ang pinakamasakit na trial na nakikita ko. Sariling magkakaibigan na ang nagbibintangan sa pagkakataong ito, sa pagkamatay ni Kim ay nasira na rin ang kanilang pagkakaibigan.

“Tatahimik ka na lang ba riyan? Wala ka bang balak na ipagtanggol ang sarili mo?” Sigaw ni Stacy. Hindi halatang may period si Stacy ngayon, hindi talaga.

Nag-angat ng tingin sa amin si Nick. "Oo, ako nga... Ako nga ang pumatay kay Kim."

"Hayop ka Nick!" Malakas na sigaw ni Loren sa ginawang pag-amin ni Nick. Napalingon ako kay June at pansin ko ang padiin na pagkuyom ng kanyang mga palad dahil sa galit.

Sa pagkakataong ito gusto kong magsalita pero bakit hindi ko magawa. Siguro ay dahil sa sobrang intense ng mga nangyayari ngayon.

“Iyon ang gusto ninyong marinig, ‘diba!? Patayin ninyo na ako!” Sabi ni Nick.

“Talagang papatayin ka nami—“

“Sandali lang,” sa wakas at nakapagsalita na rin ako. “Hindi si Nick ang may gawa no’n.”

Madali lang din naman para sa akin na ituro ang aking mga daliri kay Nick pero mas pinili ko siyang ipagtanggol. Kung bakit? Simple lang, nasa trial kami... Kaya nga kami nandito para linisin ang mga pangalan nang sa tingin namin ay inosente at patuloy na pagbibintangan ang mga may kasalanan.

"Nagkasalubong kami ni Nick kagabi 20 minutes bago i-announce na patay na si Kim," Sabi ko at lahat nang tingin nila ay nakapako sa akin. "Kung yung karumal-dumal na nangyari kay Kim ang pagbabasehan, walang tao ang makakagawa ng ganoong klaseng krimen sa loob lamang ng dalawampung minuto,"

"Okay, let's say na may makakagawa nga, pero kung isasama mo pa yung time na lilinisin ng killer ang mga ginamit niya and magpapalit pa siya ng suot, hindi ba't kapos sa oras?" Pagpapatuloy ko pa.

"Sinungaling ka Tomy! Ipinagtatanggol mo lang si Nick!" Malakas na sigaw ni Jenny.

“Baka naman ikaw ang may sala, Jenny?” Biglang nagsalita si Owen. “Ba’t ang laki ng galit mo kay Nick? Magkaibigan kayo, ‘diba?”

“Walang kinalaman si Jenny ditto! Ako ang may kasalanan!” Sigaw ni Nick.

“Stop it, nick!”

Biglang umiyak si Nick sa harapan namin. “Nangako ako kay Kim na magtutulungan kami pero sa ginawa kong pag-iwan sa kanya… parang ako na rin ang pumatay sa kanya,”

“’Wag na kayong mandamay, ako na lang ang patayin ninyo dahil ako ang may kasalanan ng lahat.” Pagpapatuloy niya pa.

“Hindi ba’t kahina-hinala ka, Jenny?” Itinuloy pa rin ni Owen ang pandidiin niya kay Jenny. “Wala ka nga na kahit anong ebidensya pero pinagbibintangan mo agad si Nick.”

“At isa pa, ba’t atat na atat kang mamatay si Nick, bakit kaya?” Sabi pa ni Stacy. “I think, kumukuha ka lang ng simpatya sa amin.”

15 minutes before the trial ends!”

Hindi ko na kailangan nang paliwanag pa. Isinulat ko ang pangalan ni Jenny sa placard at iniharap ito sa kanilang lahat.

Sa ginawa kong iyon ay ganoon na rin ang ginawa ng aking mga kasamahan Majority ang pangalan ni Jenny pero si Nick ay isinulat ang kanyang sariling pangalan. Masyado niya talagang dinadamdam ang pagkamatay ni Kim.

May isang tao na lamang ang hindi pa bumoboto—si June. Pinagmasdan naming siya at hinintay ang kanyang desisyon. Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan niya ng magsulat sa board. And you know what is funny? Ang pangalan ko ang isinulat niya at pinukulan ako ng masamang tingin.

I just tried my best para tumulong sa trial na 'to and yet... he's still accusing me "Alam mo June masyado kang nabubulag sa salitang 'pagkakaibigan'. Tandaan mo, putting too much trust on specific person might kill you." Nakangisi kong sagot sa kanya.

Sa huli ay si Jenny ang taong ipapadala sa judgment.

"Jenny Cruz you have 30 seconds to defend yourself"

"You. are. all. pathetic. Si Nick ang pumapatay, siya ang uubos sa inyong lahat."

"Do you believe that Jenny is the responsible for killing Kim? Press the green button for "Yes" while Red Button for "No."”

Maikli lamang ang kanyang naging mensahe ngunit hindi ako naging kumbinsido rito. I pressed the green button upag sabihin... "Yes" Naniniwala ako na si Jenny ang gumawa ng bagay na iyon.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(Assasin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(Nurse) [X]
10. Kim Gomez(Innocent) [X]
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(Innocent) [X]

Survivors left: 18

Continue Reading

You'll Also Like

1M 30.6K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.
2.5K 219 27
Natatala sa kasaysayan ng Pilipinas ang madilim nitong kabanata na sa mahabang panahon ay tinakpan ng mapanlinlang na kabayanihan. Ang yugto kung sa...
951K 8.2K 5
HUTSOM SEQUEL Do not read this book if you haven't read Harrison University: The School of Monster.. (SLOW UPDATE) Date started: June 2017 Date end...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...