Operation: Destroy Thomas Tor...

By TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 25

9.8K 143 31
By TeamKatneep

Chapter 25

Ara

 

“Excuse me po Maam Ara, Sir Thomas pero pinapatawag na kayo ng mga lolo ninyo.” Interrupt sa’min ng isa sa mga waiter.

“Thank you. Pwede bang ikaw muna ang mag-alaga kay Mara?” Tanong sa kanya ni Thomas.

“Uhm Sir, may trabaho pa kasi ako. Kailangan kong bumalik sa loob.”

“Ako na ang bahala sa’yo basta alagaan mo siya nang mabuti.” Utos sa kanya ni Thomas.

“Yes, Sir.” Buti na lang nakumbinsi ni Thomas ang waiter.

“Take good care of her, okay?” Dagdag ko.

“Let’s go.” Ewan ko ba pero parang nasasanay na yata si Thomas na hawakan ang kamay ko kahit saan kami magpunta.

Nang pumasok kami sa venue  ng debut ko, nakita kong nakatayo na pala sina Lolo Guille at Lolo Teodoro sa may stage.

Nagsimula nang mag-speech si Lolo Guille. “I would like to thank you all for coming to my granddaughter’s 18th birthday. This day was indeed a joy-filled day 18 years ago, when my dear daughter-in-law gave birth to Victonara. Sa mga old friends ko, alam niyo naman kung gaano kahirap magbuntis si Victorina before that’s why the birth of our dear Ara, is the greatest blessing we received from God. She’s our greatest treasure and any parents would be very lucky to have her.”

Grabe naman maka-speech si Lolo, nakaka-touch. Halos maluha-luha na nga ako dito.

“Tonight, we are not only celebrating my granddaughter’s 18th birthday. Because tonight, we’re happy to announce na after more than five decades of friendship, magiging tunay na magka-pamilya na rin kami ng aking bestfriend na si Teodoro. Ladies and gentlemen, I’m so proud and happy to announce the engagement of our granddaughter and grandson, Thomas Christopher Torres and Victonara Galang! A round of applause please!”

Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao pero hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa aking paligid. Oh no. Oh no, no, no, no….. this can’t be happening! Lolo just announced to everyone that I’m engaged? Oh my gosh! Ano na lamang ang sasabihin nila? Paano ba ‘to? Tumingin ako sa mga bisita at saka ko lang napansin na nakatingin na pala sila sa’ming dalawa ni Thomas dahil may spotlight na nakatutuok sa’min. Hindi panghuhusga ang nakikita ko sa kanilang mga tingin bagkus kilig at kasiyahan. Nahagip rin ng aking mata si Mika at ngiting-ngiti naman siya samantalang ang ibang teammates ko ay halatang nabigla sa anunsyo pero mukhang masaya at kinikilig rin sila dahil sumali rin sila sa palakpakan. Mula sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay bumaba ang mga mata ko sa magka-holding hands na mga kamay namin ni Thomas. Kaya ba ganun ang reaksyon nila? Hindi rin ako makatingin nang derecho kay Thomas.

“Minamahal kong mga apo, pwede ba kayong pumunta dito sa stage ngayon?” Narinig ko ulit anng boses ni Lolo at saka lang ako natauhan.

Iginiya ako ni Thomas palapit sa stage pero iwinaksi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong tumakbo palabas. Wala na akong pakialam kung gumagawa man ako ng eksena ngayon o kung sa akin nakatuon ang atensyon ng lahat. Ang gusto ko lang ay umalis at lumayo sa lugar na ‘to. Gusto kong lumayo para makapag-isip-isip.

Akala ko ba mahal ako ni Lolo? Bakit ba niya inanunsyo sa marami ang lihim namin? At sina Mommy at Daddy, kasali rin ba sa plano nila ang gagawin ni Lolo ngayong gabi na i-anunsyo ang nahihibang na engagement namin ni Thomas?

Thomas

 

Whoa. Did I hear that right? Did Lolo Guille just announce to the public our crazy engagement? Napatingin ako sa paligid at mukhang hindi pa naman ako nabibingi. Lolo Guille DID announce our engagement. Hindi ko alam kung paano mag-react. Parang na-delay yata ang pag-travel ng motor neurons ko patungo sa aking buong katawan. Basta nabigla talaga ako. Napansin ko rin ang biglang pag-freeze ni Ara dahil hawak-hawak ko nga ang kanyang kamay. Mukhang pati rin siya ay nabigla sa speech ni Lolo Guille.

Suddenly, naramdaman kong sa’ming dalawa na pala nakatutok ang spotlight. Looks like people are expecting what would be our reaction. Narinig kong pinagpatuloy ni Lolo Guille ang kanyang speech and he wants us to come forward sa stage. Nakita kong tiningnan ako ni Lolo Teodoro and he gave me that scary stare na nagsasabing sundin ko ang sinasabi ni Lolo Guille that’s why I guided Ara papunta sa stage but unexpectedly, bigla na niyang binitiwan ang aking kamay at nagmamadaling tumakbo palabas ng room.

The next thing I knew, tumatakbo na rin pala ako palabas para sundan si Ara. I’m worried for her. Baka kung ano ang mangyari sa kanya. She’s upset  and I know her emotions are ruling her right now. I need to be there for her.

Nakita kong tuloy-tuloy siya sa pagtakbo palabas ng hotel. Sobrang bilis pala niyang tumakbo… binilisan ko na rin ang aking takbo sa that I could catch up with her.

“Ara, wait!” I tried to reach for her hand nang medyo naabutan ko na siya.

“What are you doing here? Leave me alone!” Pilit niyang iwinawaksi ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak.

“Please, I’m worried about you!”

“Oh yeah? Then do me a favor at iwan mo na ako!” Tumigil na siya sa pagtakbo at pumara ng taxi. Binuksan niya ang pinto ng taxi at sinubukang pumasok pero hinarang ko ang aking kamay sa pinto.

“Ano ba? Hayaan mo na ako!” Sigaw niya sa’kin.

“Hindi kita pwedeng pabayaan! Gabing-gabi na. Baka may masamang mangyari sa’yo.”

“Wala kang pakialam! Excuse me.” Pilit niyang binubuksan ang pinto but I won’t let her.

“Sasakay ka ba Miss?” Tanong ng taxi driver na halatang naiirita.

“Yes.”

“No, hindi siya sasakay.” I said firmly. Naniwala naman ang taxi driver at humarurot na palayo.

“Look what you did! Now I’ll have to find another taxi!” Galit na sabi ni Ara.

“You don’t have to.”

“I said I want to be alone!”

“Kung gusto mo talagang umalis dito, then I’ll go with you. Hindi ako papayag na may masamang mangyari sa’yo.” Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta sa parking lot kung sa’n naka-park ang aking kotse. Binuksan ko ang passenger’s seat at pinapasok siya pagkatapos ay umikot ako papunta sa driver’s seat.

“Saan mo ba gustong pumunta?” Tanong ko kay Ara habang nakatingin pa rin ako sa daan.

“Malayo sa kanila.” Sagot naman niya.

Buti na lang hindi ko siya hinayaang umalis dahil wala naman pala siyang specific na lugar na gustong puntahan. Pag nagkataon, malamang maraming tarantado ang magte-take advantage sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at nang medyo malayo na kami sa hotel, tinigil ko ang kotse sa labas ng isang park. Lumabas si Ara ng kotse at sumunod naman ako. Dahil gabi na, kaming dalawa na lang ang tao doon.

Tahimik na naglakad si Ara at umupo sa isang bench malapit sa slide. Nakatalikod siya sa’kin at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong umiiyak siya.

“I’m sorry with what happened, okay? Believe me, kahit ako nabigla din sa mga sinabi ni Lolo Guille.” I went near her.

“I want to be alone.” Yun lang ang sinabi niya.

“Ara, I’m your friend. I’ll listen to you. I’m sure sa lahat ng friends mo, ako lang ang makaka-relate sa’yo dahil pareho tayong nalagay sa alanganing sitwasyon.” Hindi siya sumagot sa sinabi ko. I’ll take that as a good sign. Umupo ako sa tabi niya.

“Thomas, tama ba ‘yung ginawa ko kanina?”

“You mean running away? No.”

“But…”

“Ara, running away from your problems is never an option. You should’ve gone with the flow kanina at sumunod na lang. Afterall, announcement lang naman ‘yun.”

“But everybody was there! I didn’t expect that. Isa pa, ayokong isipin ng lahat na magpapakasal na ako!”

“Wag mo nang problemahin kung ano ang tingin ng mga tao sa’yo. Let them! Don’t let them define who you are dahil hindi ka naman nila kilala at ikaw lang ang lubos na nakakakilala sa iyong sarili. Ara, I honestly think that you are a beautiful person inside and out.”

Hindi siya sumagot. Tumahimik lang siya at tumingin sa kawalan. I took off my coat at sinuot ko sa kanya. Alam ko kasing nilalamig na naman siya. I secretly texted her parents to let them know na magkasama kami and that we’re both safe. Siguro’y kailangan niya lang ng oras para mag-isip. I stayed silent and left her and her thoughts.

Ilang oras siguro ang lumips bago unti-unting nakatulog si Ara. I carried her towards the car at hinatid ko na siya sa kanilang bahay.

Ara

 

“Nasan sina Mommy at Daddy?” Tanong ko sa aming katulong habang nagse-serve siya ng aking breakfast.

“Maaga silang umalis para sa isang business trip.” Sagot sa’kin ng katulong.

Nakahinga ako nang maluwag sa kanyang sinabi. Hindi pa rin kasi ako handa na makaharap sila pagkatapos ng lahat ng mga nangyari kagabi.

“Maam Ara, pinapatanong po ng driver kung babalik ka ba daw ngayon ng Maynila.”

Hay nako… may pasok pala kami ngayon. Kahit ayaw kong pumasok, wala pa rin akong choice dahil may exams kami ngayon.

“Oo. Pakisabi na lang kay Manong na i-handa na ang kotse.” Sagot ko sa kanya.

@School:

 

Mabuti naman at hindi nakalat sa school ang nangyari kagabi. Mukhang normal naman ang pakikitungo ng lahat sa’kin at parang walang big announcement. Sa bagay, hindi naman siguro ipagkakalat ng Lady Spikers ang mga narinig nila kagabi at exclusively close family at friends lang ang invited kagabi; pati nga media walang invited. Now that idea made me feel a little guilty. Mukhang nag-overreact ako kagabi.

“Excuse me, you’re Ara right?” Isang petite na babae na may mahabang buhok ang biglang humarang sa’kin.

“Ako nga. Bakit?”

“Pwede bang makausap kita? Importante lang talaga.” Mukhang urgent na urgent yata ang gusto niyang sabihin kaya tumango na lang ako.

Pumunta kami sa isang area kung saan konting studyante lang ang nandun. Umupo kami sa isang bench na may mesa.

“I’m sorry, nakalimutan kong ipakilala ang aking sarili. I’m Meliza Grace Elcarte.” Nilahad niya ang kanyang kamay sa’kin at tinanggap ko naman ‘yun.

“Victonara Galang, Ara na lang.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Ara, I don’t mean to be chismosa or anything pero is it true?”

“Ang alin?” Naguguluhan kong tanong.

“Na engaged na kayo ni Thomas Torres?” Oh my gosh. Sinaabi ko na nga ba may mga chismosa pa rin dito sa campus.

“Please answer me Ara, I’m serious. My parents were invited sa party mo last night and they heard your Lolo’s announcement. I just want to hear it personally from you.”

“I, I guess… pero please, wag mong ipagkakalat sa iba.” Napilitan na akong umamin.

“Makakaasa ka. Do you love him?” Tanong niya muli. Grabe naman kung makatanong, sunod-sunod. Hindi man lang ako winarningan. Mahal ko ba talaga si Thomas? Hindi ko alam. Pero pinapangiti at pinapakilig niya ako. Enough na ba ‘yun? Teka lang Ara! Hindi! Hindi mo mahal si Thomas. Tama, infatuation lang siguro to.

“Of course not. Magkaibigan lang kami.”

“Mabuti naman.”

“Excuse me? What do you mean? I’m sorry pero you’re kind of confusing me.” Na-weweirduhan na talaga ako sa inaakto niya.

“Then that means na may chance pa na magkabalikan sila ni Thomas.” Really? Is she talking about…

“Ka-ano-ano ka ba ni Arra?” I asked her. Mukhang siya naman ang nabigla sa tanong ko.

“Alam mo ang tungkol sa relasyon nina Arra at Thomas? But it’s supposed to be a secret…”

“Oo, nalaman ko nang hindi sinasadya. Narinig ko kasi silang nag-usap at naikwento na rin sa’kin ni  Thomas.”

“Then I guess it’s right for me to tell you everything.” Mas lalo tuloy akong na-confused sa sinabi ni Meliza.

“What do you mean?”

“I’m Arra’s bestfriend. We’ve been bestfriends since kindergarten. Actually, kaya kita tinanong tungkol sa engagement dahil na rin sa aking bestfriend. You see, Arra might have broken up with Thomas but she still loves him so much.”

“I don’t understand. Kung mahal niya si Thomas, bakit siya ang nakipaghiwalay?”

Biglang lumungkot ang mukha ni Meliza. “Arra is suffering from a congenital heart disease. Ever since we were kids, sobrang weak niya at hindi siya pwedeng mapagod nang sobra-sobra. That’s the reason kaya napaka-overprotective ng parents niya sa kanya. She has always been homeschooled until high school kaya sobrang nauwa siya nang pumayag na ang kanyang parents na pag-aralin siya dito sa university. Siguro dahil matagal na rin mula nang huli siyang inatake ng kanyang sakit at dahil na rin magkaklase kami. Words cannot describe kung gaano siya kasaya habang nag-aaral dito but the unexpected happened. She met Thomas and she fell in love. They both fell in love.”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon.

“I’d never seen Arra so happy at lively nung maging sila ni Thomas. I’m really happy for my bestfriend. I thought everything is finally falling into place for her. But something unexpected happened. Suddenly, bigla na lang hinimatay si Arra. When they went to the doctor, nalaman nilang her heart is getting weaker everyday. The only solution is to have a heart transplant. Her parents will do anything to save her life pero ayaw ni Arra. She said someone deserves to live more than her since she already has everything. She doesn’t want anybody to sacrifice his or her life in order for her to live. With that, she slowly accepted her fate. Ayaw niyang masaktan si Thomas kaya nakipaghiwalay siya dito that very day.”

Bigla kong naalala ang gabi ng date/paghihiganti ko kay Thomas na hindi natuloy dahil sa sobrang lungkot niya nang makipag-break sa kanya si Arra.

“Thomas loves Arra very much. Halos hindi nga siya makapag-move on nang hiniwalayan siya ni Arra.” I said.

“Do you think he still feels the same for her ngayon?” Tanong sa’kin ni Meliza.

“Yes.”

“Ara, can I ask you a favor? Pwede bang pa-puntahin mo si Thomas sa hospital? My bestfriend doesn’t know this but I want to do this for her. Hindi ko alam kung mapapatawad ako ni Arra sa ginawa kong pag-amin ng kanyang totoong kondisyon sa’yo but I’m sure my bestfriend would be very happy kapag nalaman niyang mahal na mahal pa rin siya ni Thomas. I can see it in her eyes na heartbroken talaga siya nung naghiwalay sila ni Thomas.” Meliza looked at me hopefully.

“S-sure. Thomas will be there tomorrow.”

“Thank you so much Ara! Hindi pala totoo ang sinasabi ng iba na malidta ka daw. In fact, ang bait-bait mo pala!” Niyakap ako ni Meliza.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero bakit sobra-sobra na lang ang lungkot ko nang malaman ko ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Thomas? Halos pigilan ko na nga ang aking mga luha na kanina pa nagbabantang tumulo mula sa aking mga mata.

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

458K 8.2K 75
Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. Ito ay sa kabila ng pagtatagumpay niya sa...
717K 13.3K 61
isang pasaway na anak si mika kaya naman ipinaubaya na siya ng kanyang mama sa kanyang tiyahin at dahil sa wala ng tumatanggap sa kanyang eskwelahan...
1.3M 18.1K 56
[Book 2 of "To.get.her Back Again"] A Thomas Torres - Ara Galang Fan Fiction. "You know you're in love when you can't fall asleep because reality is...
1M 9.8K 58
Regrets and mistakes... Will there be a happy ending for them? This is just a fan fiction, made for KaRa shippers. I do not know any of the character...