Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 44 (September 06, 2011)

968K 10.1K 916
By forgottenglimmer

DATE POSTED: September 06, 2011


Chapter 44

Nagulat si Harley nang marinig ang boses ni Kent.

"I'M ASKING YOU!! WHO ARE YOU?!!?! " sigaw na naman nito mula sa kabilang linya.

Shit! Bakit nakay Kent ang cellphone ni Isabelle?!

Nag-end call na siya.

"Bakit?" tanong ni Philip. Kasama niya ito.

Nagkita kasi sila ni Philip dahil marami na itong nakuhang litrato ni Elisa. At gusto nilang ipakita ito kay Phoebe.

"Si Kent ang sumagot."

"Huh? Ang aga-aga pa ah. Magkasama na agad sila." Hindi pa din kasi alam ni Philip na mag-asawa sila Kent at Phoebe at nakatira ang mga ito sa iisang bubong.

"Di ko nga alam eh..." Nagmaang-maangan na lang si Harley. "Sana naman hindi nakasama yun tawag ko."

"Psss. Bakit ba kasi si Kent Fuentabella ang sumagot." Iritableng tanong ni Philip.

" I don't know. So... ano nang gagawin natin sa mga pictures?" pagiiba ng usapan ni Harley.

"As I was saying... kailangang makita ito ni Phoebe.  Dahil ang ilan sa mga nakuha kong picture  ay magbubulgar sa kasamaan ni Elisa."

Tinignan pa ulit ni Harley ang mga pictures. Ang mga ilan sa kuha dito ay nasa isang coffee shop. Kasama ni Elisa ang may-ari ng The Envoy. Ang iba ay nasa harapan ng main office nito. At ang iba ay mga kuha sa loob ng pub at disco bar.

"Paano mo nakuha ang mga ito?" tanong niya ulit kay Philip

"I tailed her. Tska alam ko na naman yung mga pinupuntahan niyang iba eh. Sinabi niya na rin naman sa akin na may gusto sa kanya yung CEO ng broadsheet na yun."

"Kailangan na ba talaga itong makita ni Isa.. ni Phoebe?"

"Linggo na kasi ngayon. Para makita niya na agad itong mga ebidensya na may koneksyon talaga si Elisa tska yung broadsheet na nagpakalat ng mga pictures." Mariing sabi ni Philip.

"You do realize what we are doing Philip. Isa ka sa damay sa ginagawa natin dahil ikaw talaga ang kumuha ng pictures."

"I know... Alam ko may kasalanan ako. Pero kaya nga ako umaasa na kakausapin na ni Phoebe si Elisa at marecord natin ang pag-amin niya ng kasalanan."

"Okay... Sana macontact natin siya mamaya..."

At sana wala namang mangyaring masama kay Isabelle. Tsk! Bakit kasi nakay Kent ang cellphone.

***

"DAMN IT! SINO BA YUN?!?!" Galit na galit si Kent. Huling huli niya. Lalaki ang nagmamayari ng contact number ni KATE.

Hindi niya alam ang gagawin. Naasar siya at naiinis.

Kausap siya ni Phoebe kahapon. Tapos, ang sabi ni Phoebe pinsan niya! What the hell! Kate? Tapos Lalaki?

Ibabato niya n asana ang cellphone ni Phoebe dahil sa sobrang inis niya.

Nang magring ulit ito. Tinignan niya.

|Calling... Papa|

Napaisip siya.

Damn it! Baka hindi si papa ito ah! Baka iniba na naman ni Phoebe kunwari tatay niya.

Nagiging sceptic na si Kent.

Sinagot niya ang tawag. Pero hindi siya nag-hello. Hinintay niya lang itong magsalita

"Ah.. Hello.. Phoebe.. Anak.. Hello Anak, naririnig mo ba ako?"

Aish si papa pala talaga.

"Ah Pa! Si Kent po ito. Nag-aayos pa po si Phoebe eh." Pinipilit niyang maging masigla.

"Oh Kent? Nasayo ang cellphone ni Phoebe? O siya. Babatiin ko lang naman siya ng happy anniversary."

"Ah naiwan niya po kasi." Pagdadahilan niya.

"Ah.. Nasaan ba ang anak ko? Nag-aayos kamo? May date ba kayo?"

Tamang-tama lumabas na si Phoebe mula sa kwarto nito.

***

"Ahh. Opo pa..." narinig ni Phoebe na may kausap si Kent sa cellphone pagkalabas niya ng kwarto.

"Sino kausap mo? Si tito James?" tanong niya dito. "Ai wait... cellphone ko yan ah!!"

Kinabahan siya. Tuluyan niya na kasing nakalimutan ang cellphone niya. Hindi niya ito hinahanap simula pa kanina.

Iniabot sa kanya ni Kent ang cellphone niya.

"Papa mo." matabang nitong sabi.

Kinuha niya agad ang cellphone.

"Papa!! Kamusta po!!!" excited siyang sabihin dito na magde-date sila ni Kent.

"Oh may date daw kayo ni Kent ah. Happy anniversary sa inyo ni Kent anak." Sagot ng tatay niya.

"Ah haha oo nga po!" kinikilig siya iniisip niya pa lang na makikita siya ng publiko na kasama ni Kent Fuentabella.

"Oh sige na.. Ikaw anak, hwag masyadong magpasarap diyan sa bahay ah. Hwag papahirapan si manang... Gumawa ka din diyan ng ilang gawaing bahay, hwag puro si manang. Naiintindihan mo ako anak? May asawa ka na. Hwag din papahirapan si Kent."

"Ahh. Opo papa."

"Oh siya sige. Ingat kayo ni Kent. I love you anak. Ay teka. Paki-bigay sa kanya ang telepono"

"Ahh. Sige po. I love you too. Wait lang"

Inextend niya ang kamay niya sa kinaroroonan ni Kent. Seryoso itong nakatayo.

"Kausapin ka daw ulit!!!" sabi niya dito.

Lumapit si Kent at kinuha ulit ang cellphone niya.

"Pa?.. Ahh. Opo opo s-syempre naman po... Sige po kayo din po ingat.... Sige po..."

Pinagmamasdan lang ni Phoebe si Kent habang kausap nito ang tatay niya sa cellphone.

Wahaha! Ano kayang pinapagusapan nila? Sweeeeet hahahaha.

Maya-maya. Binigay na sa kanya ni Kent ang cellphone. At nanuna na itong bumaba.

"Kent wait!!!"

Pero tuloy-tuloy lang ito sa pagbaba ng hagdan.

Problema na naman nun? Aish Paano ba napunta sa kanya tong cellphone? Buti na lang si papa lang pala ang kausap niya.

Sumunod na rin si Phoebe sa pagbaba. Nakita niyang pumunta si Kent sa may kusina. Sumunod si Phoebe. Nakita niyang umiinom si Kent ng tubig mula sa pitsel na parang nilulunod na nito ang sarili.

"Di ka naman uhaw niyan?" bati ni Phoebe dahil napansin niyang hindi na nagabala si Kent na kumuha ng baso at diretso na itong umiinom sa pitsel.

Pero di sumagot si Kent. Binalik nito ang pitsel sa ref at naglakad.

"Sinusumpong ka na naman ng kasungitan mo????" sigaw ni Phoebe dito nang lampas lang siya ni Kent.

"Bilisan mo. Magdala ka ng shades!" sabi lang ni Kent at lumabas na ng bahay.

"Nangyari dun?? Pssh okay lang haha at least magde-date kami weeeeee first time to!!"

Palabas na sana siya ng nagsalita si manang.

"Ang ganda ganda mo naman ngayon anak!"

"Uy hindi naman manang." Nahihiya pa din si Phoebe kay manang Lourdes.

"Saan ka ba daw dadalhin ni Kent?"

"Ah eh haha manang di ko nga po alam. Tumawag pa nga po kanina si papa, kinausap pa niya si Kent, di ko po alam kung anong pinagusapan nila wahahaha."

"O sige na! Lumakad ka na kanina pa yata lumabas si Kent."

"Oo nga po hindi na nakapagpaalam sa inyo. Bye manang."

"Ingat kayo anak ha!"

Kinuha niya ang shades sa ibabaw ng mesa at lumabas na rin si Phoebe ng bahay. Nakita niyang naghihintay na si Kent sa labas ng kotse nito.

"I'm ready!!!"

Pinagbuksan siya ni Kent ng pintuan.

Pero nang umaandar na ang sasakyan. Nafi-feel ni Phoebe ang coldness nito.

"Kent... Uy Kent..." tinutusok tusok pa niya ang pisngi nito.

"Umayos ka nga Phoebe nagmamaneho yung tao eh!" nakasinghal agad ito.

Hala!! Monster mode na naman ang asawa ko?? Bakit?

Hindi na lang umimik si Phoebe. Umaasa siya na baka mamaya kapag nagde-date na sila maging sweet na ulit si Kent.

Pagbaba nila. Nagsuot si Kent ng shades. Sinuot na rin niya ang sa kanya.

Pagpasok nila ng mall. Humawak siya sa braso ni Kent. Todo ngiti siya.

"Si kent.. si kent.."

"Oo Kent and Phoebe."

Marami pa rin ang nakapansin sa kanila. Syempre sila lang naman ang naka-shades sa loob ng mall kaya mas lalo silang tinitignan. Pero hanggang tingin lang naman ang mga ito.

Napadaan sila sa isang variety store for couples at napatigil si Phoebe.

"Kent!! Kent bili tayo couple shirt!!! Please sige na!!" sabi niya habang hinihila si Kent.

"Hwag na! Ang corny! Kumain na tayo sa restaurant ng makauwi na!"

"Di wag!"

Kainis tong si Kent. Brr. Buti na lang walang nakarinig. Bakit ba ang sungit-sungit na naman.

Nandoon na sila sa parte ng mall na maraming kainan.

"Jollibee na lang!!!" sabi ni Phoebe.

"Jollibee? Dun tayo sa hindi masyadong matao. Tsk!" sabi ni Kent.

"Haie ikaw na nga bahala!" unti-unting naba-badtrip si Phoebe.

Sa huli. Napili ni Kent ang Italian restaurant na kaunti lamang nag tao.

Yeeeeeh!!!! Naalala ko ang Italy!!! >///< Ngumingiti si Phoebe mag-isa. Kinikilig siya kahit naalala niya lang naman.

Binigay ang menu.

"Ikaw na umorder..." sabi ni Kent.

"Bakit ako?" naiirita na si Phoebe.

"Bahala ka na. Ikaw naman may gusting magdate eh!"

"Ganun?? So wala ka talagang kagustuhan dito sa mga nangyayari ngayon?!?!" lumalakas na ang boses ni Phoebe.

"Phoebe hinaan mo ang boses mo umorder ka na lang..."

"Ewan ko sayo Kent. Di na naman kita maintindihan!" tumayo na si Phoebe.

Mabuti na lamang at kaunti lang ang tao sa restaurant. Hindi nila masyado napansin ang pagtayo ni Phoebe.

***

Ayaw talaga magsungit ni Kent. Lalo na't binilinan siya ng tatay ni Phoebe na sana ay mabigyan ang anak nito ng magandang anniversary date kapalit sa pagkasira ng debut nito.

Tsk! Naiinis kasi ako eh.

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa mukha.

Pero maya-maya ay tumayo rin siya. Nakita niyang mabilis na naglalakad si Phoebe sa gawing kaliwa.

Hinabol niya ito. Lalo tuloy siyang napansin ng mga tao.

"Wui si Kent si Kent Fuentabella!!!"

"Excuse me, excuse me!" sabi niya dahil kalat kalat ang mga tao. Hindi siya makatakbo ng maayos.

Naabutan niya rin si Phoebe. Inunahan niya ito at hinarang.

"Get out of my way!" nagtataray na rin ito.

"No Phoebe. Saan ka pupunta?  Uuwi ka mag-isa?"

"Hindi! Hindi na ako uuwi!"

"Bakit? Saan ka pupunta?! Kay KATE?!!?!"

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

91.6K 2K 13
Megan Elizalde, an independent woman who loves to play with people's feelings. She loves to see them suffer because of love. She's merciless, she's c...
11.8K 127 5
In a family of Lawyers, Zephyr took his own path and found himself studying Medicine in Southwestern University. He studied so hard to maintain being...
251K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.