PEP2:The Dark-Eyed Prince (Co...

By Ms_Teria

5.5M 196K 51.3K

Is he as dark as his eyes? More

TEASER
Chapter 1 "Miss Me?"
Chapter 2 "Riot"
Chapter 3 "Transferees"
Chapter 4 "Deal"
Chapter 5 "The War"
Chapter 6 "Red in Fire"
Chapter 7 "New Almante"
Chapter 8 "A Day with Pscho"
Chapter 9 "Her Bad Side"
Chapter 10 "The Mission"
Chapter 11 "Dark and Light"
Chapter 12 "Hall Monitor (part 1)"
Chapter 13 "Hall Monitor (part 2)"
Chapter 14 "Reunion"
Chapter 15 "The Cursed Duty"
Chapter 16 "Alyana"
Chapter 17 "Trapped"
Chapter 18 "Siblings"
Chapter 19 "Resign"
Chapter 20 "Birthday Plan"
Chapter 21 "Cortez"
Chapter 22 "Rejection"
Chapter 23 "Cold"
Chapter 24 "At The Party"
Chapter 25 "Flashback"
Chapter 26 "Be Mine"
Chapter 27 "Officially Yours"
Chapter 28 "Closer"
Chapter 29 "L Couple"
Chapter 31 "Test Paper"
Chapter 32 "Lovers Quarrel"
Chapter 33 "Kidnapped"
Chapter 34 "Betrayal"
Chapter 35 "Malison"
Chapter 36 "Blackmailed"
Chapter 37 "Epic Day"
Chapter 38 "Kurt Says"
Chapter 39 "Remembrance"
Chapter 40 "Young Servantes"
Chapter 41 "Disperse"
Chapter 42 "Purple"
Chapter 43 "Gunshot"
Chapter 44 "Escapee's Partner"
Chapter 45 "Tracking Device"
Chapter 46 "Target's Location"
Chapter 47 "Target's Location (part 2)"
Chapter 48 "Unexpected Reunion"
Chapter 49 "Requested Gift"
Chapter 50 "Rival Revealed"
Chapter 51 "Sweet Talks"
Chapter 52 "Waking the Prince"
Chapter 53 "Dark vs. Purple"
Chapter 54 "Last Chapter"
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1: "Proposal"
SPECIAL CHAPTER 2: "Family Dinner"

Chapter 30 "Secrets"

82.4K 3.2K 674
By Ms_Teria

Kenneth's POV

This is awkward.

"W-what are you doing here?"

Tanong sa 'min ni Louie habang buhat nya si Lillian.Napatingin ako sa seryosong mukha ni Ryu bago ko ulit tinignan si Louie.

Nakatingin din sya sa 'kin at basang-basa ko sa mga tingin nya ang gusto nyang sabihin.

'Lagot ka sa 'kin,Ken.'

Pleaaassseee...Hindi ko naman talaga sasabihin kung hindi lang nila ako blinackmail gamit ang mga chocolate ko.

"You didn't tell us about this.Bakit hindi ka pumapasok?"-Ryu

Napaiwas ng tingin si Louie.I'm serious.This is really awkward.Yung atmosphere sa paligid namin,hindi gano'n kaganda sa pakiramdam.

"I'm looking for a job."-Louie

*facepalm*

"Job?For what?"-Mirco

Bumuntong-hininga sya.Ibinaba nya ang mga dala nyang gamit at ipinasa nya kay Lexie si Lillian.

"Sa kwarto muna kayo,"rinig ko pang bulong nya sa kapatid nya.Agad na tumango si Lexie at dumertso sa kwarto.Lumapit sa 'min si Louie na parang problemado talaga.

Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi pinapakita na nya ngayon sa wakas kung ano talagang nararamdaman nya.

"I need money.Kailangan kong magtrabaho para mabuhay ko ang mga kapatid ko."

"Then what?Titigil ka sa pag-aaral?"-Ryu

"Hindi...Mag-aaral pa rin ako.Gusto kong makatapos."

"Working student."-Mirco

"That's exhausting,Louie,"nag-aalalang sabi ko sa kanya kahit alam ko na ang tungkol do'n.Nginitian nya lang ako.

Hay...gusto kong tumulong.Gustong-gusto ko talaga syang tulungan.Mahirap makitang dinadala nya ang ganitong kabigat na problema ng mag-isa.

"I can't understand.Madaming naiwan si Tito at Tita.Hindi mo kailangang magtrabaho."-Liryu

Naikuyom ni Louie ang dalawang kamao nya.

"Si Tita Erin...kinuha nya sa 'min lahat."-Louie

"Kaya ba kayo lumipat?"-Mirco

"Yes..."-Louie

"We can help you with this.You know,we can."-Ryu

"No,Liryu.This is my problem.Ayokong maabala kayo."

"Abala?"

Tumayo si Ryu kaya napalunok ako.Nakakunot ang noo nyang lumapit kay Louie.Wala sa sariling napahawak ako sa balikat ni Mirco sa kaba.

"Ilang taon na tayong magkakaibigan.Alam mong handa kaming tumulong sa kahit anong problema.Nag-aalala rin naman kami sayo.Hindi mo ba naiintindihan 'yon?Kung trabaho ang hanap mo,tutulungan ka naming maghanap.Kung pera ang pinoproblema mo,sama-sama tayong poproblemahin 'yan.'Wag mong solohin."

Yumuko si Louie na parang nahihiya.Tumayo na rin si Mirco at lumapit sa kanila kaya gano'n din ako.Hinawakan ni Mirco sa isang balikat si Louie.

Nakahinga ako ng maluwag habang nakatingin sa kanila.Ang tagal kinimkim at tinago ni Louie ang mga problema nya kila Ryu pero tignan mo nga naman,kung sino pang pinagtaguan nya ng sikreto,sila pang handang-handang tumulong sa kanya.

Handa akong tumulong...Tumutulong ako hangga't kaya ko.Kapag aalis sya at walang maiiwan kila Lily,ako ang nagpupunta dito at nag-aalaga sa kanila.Tinutulungan ko rin syang maghanap ng trabaho pero sadyang hindi pasok sa schedule nya ang mga nakikita ko.

"One month ago,Mirco and I started searching for your parents.May nagsabi sa 'king huli silang nakita sa Davao.Nagpadala na kami ng tao do'n para hanapin sila.Sorry if we didn't tell you."-Liryu

Ginulo ni Ryu ang buhok ni Louie na parang bata ang kaharap nya.Nanatili lang nakayuko si Louie.

"Don't act like a tough guy now,Louie.We're always here to give you strength when you're in your weakest point."-Ryu

"Hindi man tayo magkakadugo,parang magkakapatid na rin tayo.Kaya ang problema ng isa,problema na rin ng lahat."-Mirco na tinapik-tapik pa ang balikat ni Louie.Napansin ko na lang ang tubig na pumapatak sa paanan ni Louie.

Umiiyak sya...

"Louie..."

Mahinang tawag ko sa kanya.Rinig na rinig namin ang pagsinghot at paghikbi nya.Parang pinipigilan nya pa nga eh!

Lagi ko syang nakikitang nakangiti at nakatawa.Ngayon ko lang sya nakitang umiyak.Kakaiba pala kapag si Louie na ang umiyak.Kahit ayaw mo,madadala ka ng emosyon.

"S-salamat...Salamat sa inyo..."

Halos pabulong na sabi nya habang umiiyak.Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at inalog-alog sya.

"Dre,'wag ka ngang umiyak!Nahahawa ako!Ang bakla ampucha!"

Sigaw ko saka ko sya niyakap at tinapik-tapik sa likod.Narinig kong tumawa sya.

"Peste.Ikaw 'tong mukhang bakla eh.May payakap-yakap pang nalalaman."-Ryu

Sabay-sabay kaming tumawa.Pinunasan na ni Louie ang luha nya at ngumiti sa 'min.Isa siguro 'yon sa mga ngiting masasabi mong maganda at natatangi.Yung hindi mo basta-basta makikita sa ngiti ng iba.

"Thank you...Nagkamali akong itinago ko sa inyo ang mga problema ko.Masaya akong nakahanap ako ng mga tunay na kaibigan tulad nyo."-Louie

Bumulong ako kay Mirco.

"Mirco,heart to heart talk na 'to.Wala ka bang sasabihin?"

"......"-Mirco

"Hanep,Mirco.Wala ka talagang puso!"-Ako

"May puso ako kaya nga humihinga ako ngayon dito sa harap mo."

"Oy,Ken.'Wag mo nang kausapin yan.Masasaktan ka lang sa mga sagot nyan."-Ryu

"Kung ako sayo Ken,pader na lang kakausapin ko.Hindi man sumasagot sayo,hindi ka naman mapipilosopo.Hahahaha!"-Louie

"Ang ganda ng suggestion mo,Louie.Pustahan,gagawin nya 'yan.Uto-uto eh."-Ryu

"Hindi...maghintay ka ng ilang minuto.Hindi nya muna gagawin.Pakipot kasi.Pfft."-Louie

"Hindi nya gagawin.Alam nya kasing papanoorin natin sya.Uuwi muna 'yan do'n sa bahay nila.Do'n nya gagawin."-Mirco

"Hahahahahahaha!"-Louie/Ryu

"A-ang sama ng mga ugali nyo ha!Ganyan ba ang mga 'tunay na kaibigan',Louie?!Ganyan ba?!"

"Hahahahaha!Mga pre,tigilan na natin.Mukhang iiyak na eh.Hahahahaha!Dito na kayo kumain.Syempre,si Ken ang magluluto."

"Ayos 'yan.Oh,Ken,magluto ka na.Nagugutom na kami."-Ryu

"Ang tibay nyo,dre.TIBAY!Matapos nyo akong bullyhin,paglulutuin nyo ako?!Ibang klase!Ang yu-unique nyong mga kaibigan!"

Nagtawanan na naman sila.Napasimangot na lang ako.Hindi ko masakyan,okay?!Pinagtitripan na naman nila ako!Waaaahhh!Cola ko,I need you!

Mirco's POV

Bumabyahe na kaming tatlo pauwi.Nasa unahan ko ang kotse ni Ken at Liryu.Sa susunod na intersection,maghihiwa-hiwalay na kami dahil magkakaiba kami ng village.

Sabay silang bumusina sa 'kin bago sila parehas na lumiko sa magkabilang direksyon.Bumusina din ako at nagdire-diretso lang.Lumiko ako sa kasunod na likuan.Dapat ay diretso lang ang daan ko pauwi pero may pupuntahan pa ako.

Gusto ko syang makita...

Tinignan ko sa side at rear view mirror kung may nakasunod sa 'kin.Nung makita kong wala,lumiko ulit ako.Ilang saglit pa akong nagmaneho bago ako huminto sa tapat ng isang maliit na bahay.Tinignan ko kung anong oras na.

7:30 pm pa lang.

Bumaba na ako ng kotse ko at dumiretso sa pinto ng bahay nya.Kumatok muna ako ng tatlong beses bago may nagbukas.

"Sino 'ya---Mirco..."

Malawak ang ngiti nya nung nakita nya ako.Napangiti na rin ako.Niyakap ko sya ng mahigpit.

I missed her.Nung isang linggo lang ang huling punta ko dito pero pakiramdam ko,isang buwan ko syang hindi nakita.

"Namiss mo ako?Hay...halika,pumasok ka muna."

Hinawakan nya ako sa kamay saka nya ako hinila papasok at sinara ang pinto.Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.Wala pa ring pinagbago.Gano'n pa rin ang itsura.

Maliit lang ang bahay nya.May dalawang kwarto,maliit na sala,maliit na kusina at isang banyo.Meron din syang kahoy na lamesa para sa kainan.Isang sofa at maliit na TV naman ang nasa sala.Napakasimple lang.Sobrang simple kung ikukumpara sa bahay namin.Kung susukatin ang buong bahay nya,kasing laki lang 'to ng sala namin.'Yon ang totoo.

"Kumain ka na ba?Gusto mo akong sabayan?"

"I already ate but..."

Naamoy ko ang niluto nyang ulam.Kelan ko ba huling natikman ang luto nya?Nung nakaraang Wednesday yata.

Lumingon ako sa kanya nung narinig kong tumawa sya.

"Tara.Kumain ka ulit.Alam ko namang namiss mo ang luto ko."

Pinaupo nya ako sa tabi nya at sinalinan ng kanin ang plato ko.Napapakurap pa ako sa dami ng sinasalin nya.

"T-teka,hindi ko kayang ubusin 'yan."

"Hindi kita paaalisin dito hangga't hindi mo nauubos 'yan."

"Pero---"

"Ops.Wala nang pero-pero,handsome.Ubusin mo 'yan.Mukhang pumapayat ka."

"Tss."

Kumain na lang ako kasi wala naman akong ibang magagawa.Kapag nagsalita sya,kailangang sundin dahil ginagawa nya talaga kung anong sinasabi nya.Hindi naman pwedeng hindi ako makauwi.Ipapahanap ako ni Dad.

"Kamusta na?Ilang araw ka ring hindi pumunta dito."

"Hmm.Ayos lang.Hindi na ako madalas makakadalaw ngayon.Si Dad kasi..."

"Alam na nya?"

"O-oo."

"Hmm..."

"Lilipat ka ba ulit?"

"Wala naman akong ibang magagawa.Ayokong maging pabigat sayo kaya hahanap kagad ako ng lilipatan bukas."

"Why don't you just accept my offer?I can give you anything you need.Hindi mo na kailangang magpakahirap.Kaya kitang protektahan."

"Mirco...napag-usapan na natin 'to..."

I let out a frustrated sigh.

"I just want to be sure that you're always safe.Alam ni Dad na ikaw ang kahinaan ko.Lagi tuloy nalalagay sa panganib ang buhay mo dahil do'n.I'm sorry..."

Hinawakan nya ako sa pisngi.Tumayo sya sa inuupuan nya saka ako niyakap habang nakaupo ako.Hinalikan nya pa ako sa noo na nakapagpapikit sa 'kin.

"Alam kong hindi mo ako pababayaan.Nararamdaman ko namang pinoprotektahan mo ako pero please...'wag mong ipapahamak ang sarili mo dahil sa 'kin.Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin,Mirco."

Nginitian ko lang sya.Kahit ugali nya,hindi rin nagbago.

"Gusto ko nang matapos lahat ng 'to then we'll live somewhere more peaceful than this place."

"Mangyayari 'yan.Sa ngayon,ubusin mo muna 'yang pagkain mo.'Wag mo akong libangin."

"Tss...Akala ko,ligtas na."

"Mirco..."

May pagbabanta pa sa boses nya.Psh.

"Yeah,yeah.Uubusin na po."

Tatawa-tawa syang naupo ulit at kumain.Ang hirap nyang tanggihan.Lintik.

8:15 pm,natapos kaming kumain.Nagpahinga lang ako saglit bago ako nagpaalam sa kanya na uuwi na ako.Bago ako lumabas ng bahay,hinalikan nya pa ulit ako sa noo.

"Come back whenever you want.Sasabihin ko sayo kapag nakakita na ako ng malilipatan."

Tumango ako.Pagkalabas ko,sumakay agad ako sa kotse.Nakasilip lang sya sa bintana habang pinapanood akong umalis.Bumusina ako ng isang beses saka ko pinaandar ang kotse ko.

Mukhang linggo na naman ang papalipasin ko bago ko sya makita ulit.Ayokong makahalat si Dad.Ayokong mapansin ni Dad na pinupuntahan ko na naman sya.I know that he'll use her to make me obey his commands.I can't even imagine what will I do if he laid his dirty hands to her.She's my everything...I'll get insane if I lose her...

Who's she?

She's my biggest secret.

Continue Reading

You'll Also Like

32.9K 218 38
Poems originally written by yours truly. English, Taglish and Tagalog poems for everyone. If you have a topic and wanted a poem about it. Please don...
983K 19K 58
Highest Rank: #1 in Mystery from Sept 20-25, 2018 Lufia Santillan De Vera, mas kilala bilang Red Butterfly. She's the top agent of NBI, the badass on...
417K 13.7K 27
"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."
1.3M 47.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...