PEP2:The Dark-Eyed Prince (Co...

By Ms_Teria

5.5M 196K 51.3K

Is he as dark as his eyes? More

TEASER
Chapter 1 "Miss Me?"
Chapter 2 "Riot"
Chapter 3 "Transferees"
Chapter 4 "Deal"
Chapter 5 "The War"
Chapter 6 "Red in Fire"
Chapter 7 "New Almante"
Chapter 8 "A Day with Pscho"
Chapter 9 "Her Bad Side"
Chapter 10 "The Mission"
Chapter 11 "Dark and Light"
Chapter 12 "Hall Monitor (part 1)"
Chapter 13 "Hall Monitor (part 2)"
Chapter 14 "Reunion"
Chapter 15 "The Cursed Duty"
Chapter 16 "Alyana"
Chapter 17 "Trapped"
Chapter 18 "Siblings"
Chapter 19 "Resign"
Chapter 20 "Birthday Plan"
Chapter 21 "Cortez"
Chapter 22 "Rejection"
Chapter 23 "Cold"
Chapter 24 "At The Party"
Chapter 25 "Flashback"
Chapter 26 "Be Mine"
Chapter 27 "Officially Yours"
Chapter 29 "L Couple"
Chapter 30 "Secrets"
Chapter 31 "Test Paper"
Chapter 32 "Lovers Quarrel"
Chapter 33 "Kidnapped"
Chapter 34 "Betrayal"
Chapter 35 "Malison"
Chapter 36 "Blackmailed"
Chapter 37 "Epic Day"
Chapter 38 "Kurt Says"
Chapter 39 "Remembrance"
Chapter 40 "Young Servantes"
Chapter 41 "Disperse"
Chapter 42 "Purple"
Chapter 43 "Gunshot"
Chapter 44 "Escapee's Partner"
Chapter 45 "Tracking Device"
Chapter 46 "Target's Location"
Chapter 47 "Target's Location (part 2)"
Chapter 48 "Unexpected Reunion"
Chapter 49 "Requested Gift"
Chapter 50 "Rival Revealed"
Chapter 51 "Sweet Talks"
Chapter 52 "Waking the Prince"
Chapter 53 "Dark vs. Purple"
Chapter 54 "Last Chapter"
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1: "Proposal"
SPECIAL CHAPTER 2: "Family Dinner"

Chapter 28 "Closer"

102K 3.7K 774
By Ms_Teria

Saisumi's POV

Nagising ako nang nakayakap sa'kin si Shun at mahimbing na natutulog sa tabi ko.Iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin sa kanya.Baka magwala sya o kaya naman magalit at sapilitan akong iuwi sa Japan.

Yumakap ako sa kanya na naging dahilan para magising sya.Pipikit-pikit syang tumingin sa'kin.

"Kamusta pakiramdam mo?"

Hinawakan nya ang noo ko para pakiramdaman ang temperatura ko.Ngumiti sya.A sign that I'm already okay.

"May gusto ka bang kainin?Ipapahanda ko na kagad kay George."

Umiling ako bago ako umupo sa kama.

"You should eat something.Kaya ka nagkakasakit eh.Hindi ka kumakain.Nagda-diet ka ba?"

Hindi ako kumakain dahil depress ako.Namomroblema ako kung paano ko ipagtatapat sayo ang tungkol sa'min ni Liryu.

Argh.Kelan ko ba masasabi sa kanya ng deretsahan ang laman ng isip ko?

"Hime?"

Napalingon ako sa kanya tsaka ko lang na-realize na wala akong pag-asang makapag-confess ngayon.

"Shun,magre-ready na muna ako sa pagpasok.Kakain ako ng breakfast,promise."

Napaupo na rin sya sa kama.

"Papasok ka?Pero hindi ka pa talaga magaling.Medyo mainit ka pa."

"Tss...Kaya ko na."

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo.Papasok na lang ako sa school kesa naman magdamag akong magkulong dito sa kwarto ko at isipin ang napakalaking problemang kinakaharap ko.

Baka yun pa ang ikabaliw ko.Tsk.

Shunrei's POV

Sinundan ko na lang sya ng tingin habang papasok sya ng banyo.Kahit kelan talaga,napakatigas ng ulo nya.

Tumayo na ako saka lumabas ng kwarto nya.Dire-diretso akong bumaba at hinanap si George.Naabutan ko sya sa kusina na nagpapahanda ng pagkain sa chef namin.Nung mapansin nya ako,agad syang nag-bow.

"Good morning,Master."

"Good morning."

Kumuha ako ng isang basong tubig.Sinimulan na ni George at ibang maid ang pag-aayos sa dinning table.Bawat maid na madadaanan ako ay yumuyuko at bumabati.Ngumingiti na lang ako.Malaking bagay na ang pagngiti ko para sa kanila.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko habang dala yung isang basong tubig.Pagkapasok ko ng kwarto,inubos ko yung tubig tsaka ako pumuntang banyo at naligo.Ilang saglit lang,tapos na akong maligo at magbihis ng uniform.

Mabilis akong bumaba papuntang dinning.Naabutan ko doon si Hime na nagbabasa ng libro.

"What are you doing?Bakit hindi ka pa kumakain?"

Inangat nya ang tingin nya sa 'kin at sinara ang libro.Umupo ako sa dulo ng dinning table,sa gilid nya.

"Hinihintay kita."

Tumango ako bago kumuha ng pagkain.Tahimik lang kami pareho.Walang nagsasalita pero napapansin ko ang panay na pagsulyap nya sa 'kin.

Napataas ang kilay ko.I know her very well.Alam kong may kailangan sya o gustong sabihin.

"Is there a problem,twin?"

Napahinto sya sa pagsubo at lumingon sa 'kin.Nakataas pa rin ang kilay ko.

"P-problem?"

"Yes,problem.Parang kanina ka pa hindi mapakali dyan?Masama pa ba ang pakiramdam mo?Tatawagan ko si Tito Miguel."

Ibinaba ko ang hawak kong kutsara.Kukunin ko na sana ang cellphone ko pero pinigilan nya ako.

"A-ah,no!Ayos na ako."

"Then why are you acting like that?May kasalanan ka ba sa 'kin?"

Kitang-kita ko ang paglunok nya na parang kinakabahan.I can't believe this.May kasalanan nga sya.Tss.

"Sabihin mo na hangga't maaga pa."

Pagbabanta ko.Napalunok na naman sya.

"W-wala akong kasalanan---"

"Sasabihin mo o aalamin kong mag-isa?"

"W-wala nga---"

"Hime."

"Shun?"

"Sabihin mo,ngayon na."

Madiin ang pagkakasabi ko sa kanya nun kaya lalo kong nahalata ang kaba nya.Mukhang matindi ang kasalanan nya sa 'kin ngayon ha?

"A-ano bang sasabihin ko?"

Napahampas ako sa noo ko.

"'Wag mo akong nililito."

"Eh wala nga akong---"

"Lady Saisumi?"

Sabay kaming napalingon kay George.Nakatayo sya sa entrance ng dinning area habang hawak ang bag ni Hime.

"Male-late na po kayo sa klase,Lady."

Sinamaan ko pa ng tingin si Hime bago sya tumayo at humalik sa pisngi ko.

'Nakaligtas ka ngayon pero sisiguraduhin kong tatadtarin kita ng tanong mamaya.'

"Papasok na ako."

"Mag-uusap tayo pag-uwi mo."

Napakamot na lang sya sa ulo bago umalis.Iiling-iling akong nagpatuloy sa pagkain.Napapasimangot pa ako kapag naaalala ko yung kinakabahan nyang itsura kanina.

Tsk.

Maya-maya lang,umalis na rin ako at pumasok.Naging pangkaraniwan lang araw na to not until 'she' bothered me again.

Nasa loob ako ng library at gumagawa ng research.Madaming libro ang nakabuklat sa harap ko habang nagsusulat ako.Ramdam kong madaming tumitingin sa 'kin at rinig ko ring pinagbubulungan nila ako pero tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

Sanay na ako sa kanila.Sa sobrang sanay,parang hindi ko na sila nakikita at naririnig.

Napatigil ako sa ginagawa ko nung may tumabi sa 'kin.

"Uy,Rei."

Bulong nya.Napakunot ang noo ko.Hindi ko sya nilingon at tinuloy ko lang ang pagsusulat.

This annoying girl again.

"Rei...!"

Lalong nangunot ang noo ko sa pangungulit nya.Nawala na ang focus ko sa ginagawa ko pero kunwaring nagbasa pa rin ako.Hangga't maaari,ayoko syang pansinin o kahit makita man lang.

"Rei,pansinin mo nga ako!Para kang bingi!"

Napalingon lahat ng tao sa library sa direksyon namin.Napatakip ako sa mukha ko gamit ang isang kamay sa sobrang pagkapahiya dahil sa pagsigaw nya.

"Ssshhh..."

Sita samin ng librarian.Napailing na lang ako bago ko nilingon si Khira.Ano bang ginagawa ng isang 'to dito?High school pa lang sya at college library 'to.'Wag nyang sabihing dumayo pa talaga sya dito para mang-asar?

"Ano na naman bang kailangan mo?"

Pabulong na tanong ko.Medyo nagulat pa sya nung makitang kunot na kunot ang noo ko.

"E-eh bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin?"

Inilapit nya pa ng kaunti ang mukha nya sa 'kin para marinig ko ang bulong nya.

"Cause you're annoying.Can't you see that I'm busy here?I don't have time to be bothered by you."

"Ang sama talaga ng ugali mo!"

"Sssshhhh!"

"Tsk.'Wag ka ngang sumigaw."

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga libro pero sa inis ko,inagaw nya ang binabasa ko.

"Ano ba?"

Nanggigigil na tanong ko sa kanya.

"Ano na naman bang problema mo?Nung huling nagkita tayo,hindi ka naman ganyan kasungit sa 'kin ha?"

"Not until I discovered that you're Kairen's sister."

"So what kung kapatid ko nga sya?"

"Ayoko sa kanya."

"Kaya ayaw mo na rin sa 'kin?"

"Kelan ba kita nagustuhan?!"

Naiinis na sigaw ko.Sa ikatlong beses,sinita na naman kami ng librarian.Wala akong ibang nagawa kundi ang humingi ng sorry sa librarian dahil ang sama na ng tingin nya sa 'min.

Tsk.Pahamak.

"Bakit ba ang sakit mong magsalita?Napakasungit mo!"

Sigaw na naman nya.

"Did you hear that?Tinawag nyang masungit si Shunrei."

"Who's that?"

"Ang ingay nya."

"Gosh,nagpapapansin lang yata kay Shunrei."

Nagulat ako nung bigla syang tumayo sa kinauupuan nya.Lalong lumakas ang bulungan.

"Anong binubulong-bulong nyo dyan?!Wala namang mali sa sinabi ko ha?!Masungit naman talaga sya!Sobrang su---"

Agad akong tumayo at tinakpan ang bibig nya.Sobrang ingay nya!At sa dinami-dami ng lugar na pwede syang mag-ingay,dito pa talaga sa library?!Crazy woman!

"Mmm!"

Pilit nyang tinatanggal ang kamay kong nakatakip sa bibig nya pero hindi ako nagpatinag.Hinila ko muna sya palabas ng library saka ko lang sya binitawan.

"Ano ba talagang problema mo?!"

"You and your rude attitude!"

"You're crazy!"

"Hah!Ako?Baliw?!Eh anong tawag mo sa sarili mo?!"

"Pwede ba?!Wala akong panahong makisakay sa kaluwagan ng turnilyo mo!Sabihin mo na lang sa 'kin kung anong kailangan mo nang matapos na!"

Inis syang bumuntong-hininga bago humarap sa 'kin.Ang kapal nga naman ng mukha.Sya pa 'tong may ganang mainis?!

"Kilala mo si Mirco Fuentabella?"

Wala sa sariling napatingin ako sa kanya.

Anong klaseng tanong 'yan?Yun lang ba ang ipinunta nya dito?Itatanong nya lang kung kilala ko ang step brother nya?What the heck?!

"Hindi ba't kapatid mo sya?Tsk."

"'Wag mo ngang sabihing magkapatid kami!"

"Why?!Totoo naman ha?!"

"Hindi kami magkapatid,okay?!"

"Asawa ng nanay mo ang tatay nya!Magkapatid kayo!"

"Hindi nga sabi!"

Lahat ng naglalakad ay napatingin sa direksyon namin dahil sa malakas na tili nyang 'yon.Sinabayan nya pa talaga ng pagpadyak habang sumisigaw.Mukha syang baliw!

"Sinong niloko mo?Kahit saang anggulo mo tignan,magkapatid kayo!"

"Stop!'Wag mo na nga ulit sasabihin yan!"

Natigilan ako.Hindi kasi pangkaraniwan ang kilos nya.Bakit tinatanggi nya?Samantalang nung nagkita-kita kami sa Festival ng G.U.,tinawag nya pang 'kuya' si Mirco Fuentabella.Bakit ngayon,tinatanggi nya?

"Close ba si Saisumi at Mirco?"

'Mirco.'

Nawalan yata sya ng respeto sa step brother nya?

"Magkaibigan sila."

Kitang-kita ko kung paano nagningning ang mga mata nya.Napailing na lang ako.Iba ang nararamdaman ko sa kanya at sa mga reaksyon nya.May kakaiba.

"Talaga?!Magkaibigan sila?!"

"Oo nga.Tsk.Paulit-ulit."

"Rei!"

Humawak sya sa dalawang balikat ko at inalog-alog ako.

"Kailangan kong maging kaibigan ang kapatid mo!"

"A-ano bang sinasabi mo?!"

"Pwede ko bang mahingi ang number ng kapatid mo?"

"No."

"Eh?!Ano ba,Rei?!Makisama ka naman,pwede?!"

"At bakit ko naman gagawin yun?!Tigilan mo na nga ako sa mga kalokohan mo at layuan mo na ako!"

Tinalikuran ko na sya at nagsimula na akong maglakad paalis.Hindi ko masakyan ang mga trip nya.Masyadong nakakabaliw!Gusto nyang maging kaibigan si Hime kasi kaibigan ng kakambal ko yung step brother nya?

BAKIT?!

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin 'yon.

"Sandali nga!"

Napaatras ako nung bigla nya akong hilahin pabalik.Muntik pa akong matumba.

"Masungit ka na nga,madamot pa!Hinihingi ko lang naman number ng kakambal mo!"

Tumigil ang paghinga ko nung isigaw nya yun.Agad akong napalingon sa paligid at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nung makita kong nakatingin sa 'min ang lahat.

"Kakambal?"

"Kakambal daw."

"Oh...my...ghad..."

"T-totoo ba yun?Akala ko,only child sya?"

"Big news..."

Inis akong napahilamos sa mukha ko.Nilingon ko si Khira.Tulad ko,nakatingin din sya sa mga taong nagbubulungan sa paligid namin.Lalo akong nainis.

"You're hopeless."

Madiin na sabi ko sa kanya kaya napatingin sya sa 'kin.

"I-I'm s-s-sorry---"

"I don't want to see your face again.'Wag ka nang lalapit sa 'kin at 'wag mo na rin akong kakausapin dahil hangga't maaari,ayokong makasakit ng babae."

Napanganga sya sa sinabi ko.Parang nagdidilim ang paningin ko habang nakatitig ako sa kanya.Gusto kong busalan ang bunganga nya nang matigil na sya sa kakasalita ng kung ano-ano.

Ipinapahamak nya,hindi lang ako kundi pati si Hime!

Galit akong umalis sa harap nya at pumasok ulit sa library para kunin ang mga gamit ko.Saktong pagpasok ko ay bigla tumunog ng malakas ang ringtone ng cellphone ko.Umalingawngaw ang tunog sa buong library.

Kitang-kita ko kung paano ako panlakihan ng mata ng librarian.Napakamot pa ako sa ulo ko nung isenyas nyang lumabas na daw ako.

Aba,bakit ba?!Eh sa ayokong nilalagay sa silent mode 'tong cellphone ko!

Lumabas ulit ako at kinuha yung phone ko sa bulsa.Tinignan ko muna yung screen.

Tumatawag si George.

"Yes?"sagot ko sa tawag.

"M-master?"

Boses nya pa lang,halatang kinakabahan na.

"Anong problema?"

"M-master,si L-lady Sai---"

"Anong nangyari sa kanya?"

Bigla akong kinabahan.Agad akong pumasok sa library at sinalansan lahat ng gamit ko sa bag tsaka patakbong lumabas.

"D-dinala po sya dito ni Master Liryu.Sobrang taas po ng lagnat nya.Tinawagan ko na rin po si Sir Mig---"

"Papunta na ako dyan."

Dire-diretso akong pumunta ng parking lot at sumakay ng kotse.

Sinabi na kasing 'wag nang pumasok.Ang kulit.

Liryu's POV

"How are you?"

Binalot nya ang sarili nya ng makapal na kumot. Napabuntong-hininga ako.

"Nilalamig ako,"mahinang sagot nya sa 'kin.Kitang-kita kong nanghihina talaga sya.Sobrang putla nya rin at talagang matamlay.Ayokong nakikita syang ganito.Mabigat sa pakiramdam.

"Pero nakapatay na yung aircon.Balot na balot ka pa.Malamig pa rin?"

Tumango sya ng bahagya habang nakapikit.Umupo ako sa tabi nya.

Kakagaling lang dito ng tito nyang doktor.Ang sabi ay kailangan nya ng pahinga.Matindi-tinding pahinga.Ibinilin din ng tito nya ang mga gamot na kailangan nyang inumin pati yung mga bagay na bawal sa kanya.

Hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ng tito nya sa 'kin.

--------

"You should rest,Saisumi.Hindi biro ang temperature ng katawan mo ngayon.Kung ako ang tatanungin,iko-confine na kita."

"No need,Tito.Dito na lang ako sa bahay.Mas komportable ako dito."

"Ano pa nga ba?Hindi naman kita mapipilit."

Humarap sa 'kin ang tito nya kaya napatuwid ako ng tayo.

"Hijo?"

"P-po?"

"Ikaw muna ang aasahan kong mag-alaga sa pamangkin ko habang wala ang kakambal nya.Ayaw nya kasing nagpapapasok ng ibang tao dito sa kwarto nya.Ipainom mo sa kanya yung unang gamot na ibinigay ko pagkatapos nyang kumain,okay?"

Tumango ako.Hindi kasi ako makapagsalita habang nakatingin sa kanya.At nakakapagtakang hindi nya man lang tinanong kung sino ako.Dire-diretso na kagad sya sa pagbibilin.

Kilala nya ba ako?

"Good...Kung ganun,okay na lahat.Nagawa ko na ang trabaho ko dito.Aalis na ako."

Binitbit na nya ang mga gamit nya at saka pumihit palabas ng pinto.Agad ko syang sinundan.

"A-ah,sir?"

Napahinto sya sa may unang step pababa ng hagdan at lumingon sa 'kin ng nakangiti.Medyo napaatras pa ako sa ngiti nyang 'yon.

"Yes,Liryu?"

Napanganga ako sa sobrang gulat.Tinawag nya ako sa pangalan ko na parang ang tagal na naming magkakilala.

T-teka,ngayon ko lang sya nakita.Paano nya ako nakilala?

"Hijo?'Wag mong sabihing may sakit ka rin at gusto mo ring magpatingin?"

"Ah n-no,no.Hindi po yun.Ah...itatanong ko lang po sana kung...magkakilala ba tayo?"

Kasi unang pagkikita pa lang natin,first name basis na kahit hindi pa naman ako nagpapakilala.Geez...Nakakapagtaka talaga.

"You don't know me but I know you."

Napakunot ng todo ang noo ko habang nakayuko.How did that happen?Si Sai kaya ang nagsabi sa kanya kung sino ako?

"'Wag ka sanang magagalit dahil ang totoo nyan ay inalam ko ang background mo at ng pamilya mo.At alam mo ba kung anong unang pumasok sa isip ko nung mabasa ko ang lahat ng tungkol sayo?"

Kinabahan ako pero hindi ko ipinahalata.Ipina-background check nya ako dahil malamang alam nyang nanliligaw ako sa pamangkin nya.Naiintindihan ko ang parteng 'yon.Ang hindi ko lang maintindihan...ay kung bakit ngayon nya pa napiling sabihin kung boto ba sya sa 'kin o hindi para kay Sai?!Hindi ako handa!Kung alam ko lang,e 'di sana,mas presentableng damit ang sinuot ko imbis na uniform!

Tsk.Paano kung sabihin nyang hindi sya boto sa 'kin?Anong gagawin ko?

Bumuntong-hininga ako ng sobrang lalim.

"A-ano pong naisip nyo?"

Ngumiti na naman sya at talagang nagtaasan ang mga balahibo ko.

"Naisip kong dapat yayain mo na kaagad ng kasal ang pamangkin ko."

Pagkasabi nya nun ay tumawa sya ng malakas.Nakatulala lang ako.Gulat na gulat ang itsura.

Kasal?!

Boto sya sa 'kin!Hahahaha!

"Maganda ang mga nabasa ko tungkol sayo.Wala akong makitang mali para hindi ikaw ang makatuluyan ni Saisumi.Sinagot ka na nya,hindi ba?"

Nanunukso yung mga tingin nya.Tumawa na lang ako ng pilit pero ang totoo,mamamatay na yata ako sa sobrang kaba.

"O-opo."

Tinapik nya ako sa balik ng dalawang beses.

"Masaya ako para sa inyo."

--------

Napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko 'yon.Nakuha ko na ang approval ng tito nya tungkol sa relasyon namin.I want it to be her Dad,next time.

Huminto ako sa pagmumuni-muni nung maramdaman kong hinawakan ni Sai ang kamay ko.Naibaba ko ang tingin ko sa kanya.

"May kailangan ka ba?"

Umiling sya kaya nakahinga ako ng maluwag.Mahigpit syang nakahawak sa isang kamay ko gamit ang dalawang kamay nya.Nakatingin lang sya sa mata ko na parang may gustong sabihin.

"Liryu..."

"Hm...?"

"D-dito ka muna..."

Halos mawala ang singkit kong mga mata sa sobrang lawak ng ngiti ko.

Damn.Gusto pa akong makasama ng girlfriend ko.Ang akala ko,papaalisin na nya ako dahil ayaw nyang magkita kami ng kakambal nya.

Hinalikan ko muna sya sa noo ng matagal bago ako nagsalita.

"Sige,dito lang ako.Matulog ka muna."

Tumango sya saka pumikit.Ilang saglit lang,medyo lumuwag na ang pagkakahawak nya sa kamay ko.Nakatulog na sya.

Tinititigan ko lang ang mukha nya habang tahimik syang natutulog.Narinig ko ang pagtunog ng doorknob kaya napalingon ako.Saktong paglingon ko ay bumukas ang pinto.

Nagkatitigan kami ni Shunrei.Nakakunot ang noo nya habang sinusuri ako ng tingin.Lumipat ang tingin nya sa magkahawak na kamay namin ni Sai kaya lalong kumunot ang noo nya.

"What are you doing here?You're not welcome here at my mansion."

"Can we just stop this nonsense argument?Kahit ngayon lang,'wag mo muna akong pag-initan."

"Tss.Umalis ka na.Ako nang bahala kay Hime."

I sighed in frustration.Mukhang wala na nga akong magagawa kundi ang umalis.Ano ba namang laban ko sa kakambal na sya mismong may-ari ng bahay?Tss.

Tumayo na ako.Aalis na sana ako pero hindi ko mahila ang kamay kong hawak ni Sai.Tulog naman sya kaso lang yung pagkakahawak nya,parang humigpit nung maramdaman nyang aalisin ko na yung kamay ko.

"Tsk.Ano pa bang hinihintay mo?"

"Ayaw nya akong bitawan."

"Ano?"

Nilingon ko si Shunrei.

"Ayaw bitawan ni Sai yung kamay ko."

Muli syang tumingin sa kamay namin ng kakambal nya.Inis pa syang bumuntong-hininga tsaka lumapit kay Sai.

"Hime?"

Tinapik nya ang kapatid nya sa pisngi.

"Hey,natutulog sya.'Wag mo ngang gisingin!"

Pigil ang inis na bulong ko sa kanya.Tinignan nya ako ng masama.

"Paano ka nya bibitawan kung hindi sya gigising?!"

"May sakit sya!Kailangan nyang matulog ng maayos!"

Pabulong kaming nagsisigawan habang mahimbing na natutulog sa pagitan namin si Sai.Tama ba namang gisingin ang kapatid nyang may sakit para lang mapaalis ako?!Eh kung ihampas ko sa kanya yung lampshade dito?!Psh!

"Ano ba naman kasing ginagawa mo dito?!Manliligaw ka lang ha?!Bakit hanggang dito,umaabot ka?!"

Magsasalita pa sana ako pero pareho kaming natigilan nung dumilat si Sai.

"Shun..."

"Hime?"

"Let him stay..."

Hindi ko mapigilan ang pagngisi kay Shunrei kaya lalo nya akong sinamaan ng tingin.

"Let him stay?Ayoko."

"Please?"

"Hime?!"

"Please...Let him stay beside me..."

Bumaling sa 'kin si Shunrei.Sa sobrang sama ng tingin nya,alam na alam ko nang tino-torture na nya ako sa isip nya.

'Wag mo akong tignan na parang nilagyan ko ng sampung bote ng gayuma ang pagkain ng kapatid mo,Red.'

"Lumabas ka muna."

Tumaas ang kilay ko.

"Lumabas ka muna.Mag-uusap kami ni Hime."

Pag-uulit nya.Tumango-tango na lang ako.Tinignan ko muna si Sai at nginitian bago ako lumabas ng kwarto nya.

"Neri,si forever ko oh."

A maid said while giggling.Nilingon ko sya at sabay naman silang nagtilian ng kasama nya.Alanganin na lang akong napangiti.

"Loka!Ang gwapo-gwapo!Sheyt!Ulam na ulam!"

"Sshhh...naririnig ka,bruha.Baka matakot 'yan sayo."

"Kasi naman,Ella.Hindi ko mapigilan yung kilig.Nyahahaha.Kaya gustong-gusto ko dito eh.Umuulan ng gwapo!"

"Tumigil ka na nga.Nakatingin sya oh."

Napahimas na lang ako sa batok ko bago ako humarap sa kabilang direksyon kung nasaan ang veranda ng bahay.Pumunta ako doon at umupo sa upuan na nakaharap sa malaking swimming pool na nasa baba.

Halos kalahating oras akong nakaupo do'n at nakatingin sa malayo.Ang tagal naman kasi nilang mag-usap.Parang company meeting lang.Tsk.

Humalukipkip ako.Gumagabi na rin.Malamang,hinahanap na ako ng monster kong nanay.Ayoko namang tawagan dahil paniguradong alam na nyang hindi ako pumasok sa ibang subject ko ngayon.Sesermunan lang ako nun.Hay...

Napalingon ako sa katabi kong upuan nung umupo do'n si Shunrei.Hindi sya tumingin sa 'kin pero seryoso ang mukha nya.

"Usapang lalaki,Liryu Marcus,"biglang sabi nya.Napaayos ako ng upo.Eto na 'yon.Ang paghuhukom.Sh*t.

"Mahal mo ba si Hime?"

Huh?

Lumingon sya sa 'kin.Kitang-kita ko sa mata nya na seryoso talaga sya.

"Mahal mo ba ang kapatid ko?"

Wala sa sariling napalunok ako.Sinasabi ko na nga ba.Paghuhukom na 'to.

Huminga ako ng malalim saka ako tumingin sa kanya.

"Oo."

"Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa kanya?"

"Kahit hindi ko kaya,gagawa ako ng paraan para makaya ko.Hindi ko bibigyan ng limitasyon ang kaya kong gawin para sa kakambal mo."

"Kung sasabihin kong itigil nyo na 'yang relasyon nyo,anong gagawin mo?"

"Itutuloy ko."

Walang kakurap-kurap na sagot ko sa kanya.

"Itutuloy ko pa rin dahil si Sai lang at ako ang may karapatang magdesisyon kung kelan namin ititigil ang relasyon namin."

Bumuntong-hininga sya bago sumandal sa upuan.Tiningala nya ang langit.Sumandal na lang din ako pero nasa mga paa ko ang tingin ko.

"Si Skhai ang first love nya.Wala man silang relasyon tulad nito,kitang-kita ko namang masaya sya kay Skhai."

Tahimik lang akong nakinig.

"Hindi para sa 'min ang pakikipagrelasyon.Alam nya 'yon.Isa pa,masyado pa silang bata ni Skhai nung magkakilala sila.I'm always telling her that it's just some kind of puppy love,an infatuation pero alam ko sa sarili kong 'hindi'.Mahal nya si Skhai at nakikita ko 'yon sa lahat ng kilos nya."

Tumingala din ako sa langit tulad nya.

'Skhai...'

"Nung dinala namin si Hime pabalik ng Japan,nawalan na sila ng koneksyon ni Skhai.We'd been receiving threats that time.Lumayo sya para proteksyonan si Skhai pero dahil do'n,nag-iba na rin sya.Cold...hindi palakibo.Naging mas tahimik pa sya...tipid kung magsalita...always 'not interested'..."

Tulad ng una kong pagkakakilala sa kanya...

"But you came...,"lumingon sya sa 'kin."Ayoko mang aminin pero...naibalik mo sya sa dati.Mas madalas na syang ngumiti at tumawa simula nang makasama ka nya."

Napangiti ako.Ang saya lang kasing malaman ang tungkol dyan tapos galing pa sa taong alam mong ayaw sayo.Hindi ako naiilang na kausap sya ng ganito kahinahon.I can feel that he still don't like my presence but that's already natural for us.Hindi na bago sa 'ming dalawa ang pakiramdam na parang may malaking pader na nakaharang sa pagitan namin.

Doon kami komportable.

"'Wag mong isiping tanggap na kita para sa kapatid ko.Hindi ako tututol ngayon pero handa akong makialam oras na saktan mo sya."

Tumango ako ng isang beses.Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan nya bago nya ako tignan.

"Love her everyday,Liryu,cause I will now count on you."

Continue Reading

You'll Also Like

278K 928 5
Having a Greek Goddess name is quite a blessing for anyone but Having the same characteristics as that Greek Goddess is amazing She's Aphrodite the...
25M 625K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
5.7M 15.6K 4
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
164K 4.9K 54
Titled : Campus Queen : The Beginning Of the end Genre : Romantic Horror&Mystery Book Part : Book 3 Story By : Louie Jean Lagunzad ( Miss L ) ** Note...