An Angel Turned Into Devil (...

By ladymasquerade

10.1M 164K 17.3K

Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa... More

An Angel Turned Into Devil
Chapter 1: The Angel
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Epilogue
UNEXPECTED

Chapter 43

155K 2.4K 413
By ladymasquerade

Chapter 43

(JUSTINE)

Hindi ako nakatulog kagabi. Nakokonsensya ako. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Kainis! Siya naman kasi e, nag-aalala kami sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Pero hindi ko dapat ginawa yun!

”ARGHHHH!!!!!!” Tapos narinig kong tumawatawa si Ate. Tinignan ko siya ng masama.

“Kamusta naman yang pisngi mo? Ano masakit ba yung sampal ni Sophia? HAHAHAHAHA!!!” Grabe! Napakabait talaga ng kapatid ko! SOBRA!

 ”Pwede ba Ate, namomoblema na nga ako pinagtatawanan mo pa ako.. Bwisit!” Tapos naalala ko pa yung narinig ko kagabi.. 

”Hay Sophia Ysabelle Nichole Montereal.. Hindi mo yun magagawa kasi mahal mo ako..”

Damn! Oo, hindi ko naman sinasadyang marinig yun.. Hindi lang talaga kasi ako makatulog kaya iinom dapat ako ng gatas. Pagkarinig ko nun, umalis ako agad..

Mahal ni Sophia si Jacob? Pero sabi ni Jacob sa akin ako ng bahala kay Sophia, niloloko ba ako ng ugok na yun? Oo, narinig ko yung sinabi niya sa akin nung andun kami sa kwarto ni Sophia. Siguro nga hindi na talaga ako mahal ni Sophia kagaya noon.. Emo na naman ako nito..

“Haay..” Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Ate..

“Ok lang yan...” At pinat niya yung likod ko bago humiwalay sa akin.

“Ginawa ko naman lahat. Nagbago ako, hindi na ako babaero. Kahit ilang ulit pa niya ako pinahiya ok lang sa akin. Pero bakit ganun?” Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong lungkot.. 

”Justine, kung ano man yang pinagdaraanan mo. Magtiwala ka lang sa sarili mo, at kahit anong mangyari lagi mo lang itong susundin..”Sabay turo sa puso ko..

 “Pero ayusin mo muna yung gusot na ginawa mo..” Tapos napansin ko si Timothy, mukhang ang lalim ng iniisip..

“O anong nangyari dyan?” Tanong ni Ate.

“Ewan, kahapon pa yan ganyan. Parang pasan ang buong daigdig.. Ni hindi ko nga makausap yan ng matino..” Napailing si Ate. Maya-maya dumating si Lia at lumapit sa amin..

”Ahmm. Nakita niyo ba si Daniel?” Nahihiyang tanong ni Lia.

“Uhm. Hindi pa e, baka andun sa garden pumipitas na naman ng bulaklak..”Sagot ko. Tumango siya..

 ”Ah. Sige salamat..” Tapos umalis na..

 ”Whoa! Mukhang magiging maayos na ang love life ni Daniel ah!” Sabi ni Ate. Geez. Buti pa siya.. Hindi pa nga kami maayos tapos gumawa na naman ako ng ikakagalit niya.  Tapos biglang dumating si Sophia, Jacob at Julia.. Tinignan ko ng masama si Jacob. Kung nakakamatay lang ang tingin bulagta na sana siya ngayon.. Bwisit!

“Mamayang hapon babalik na tayo ng Royal Academy..” Sabi ni Sophia tapos umalis na, kasama si Julia naiwan si Jacob. Bad trip naman! Lumapit siya sa akin. 

“Hellooooo Justine!!” Tapos ngumiti pa. Hindi ko nga pinansin. 

“Oh! Suplado!! Tsk!” Pigilan niyo ako! Naiinis na ako sa lalaking ito! Pero hindi dapat makausap ko siya ng masinsinan.. 

“Jacob Lee.. pwede ba tayong mag-usap?” Seryoso kong tanong.

 “Nag-uusap na tayo..” Tignan mo ‘to! Seryoso na nga ako, niloloko pa.

“Tayong dalawa lang..” Tumango siya.. Lumayo kami sa kanila.

 ”Ano ba yung pag-uusapan natin?” Tanong niya. Pero imbis na sagutin ko siya, sinuntok ko siya ng malakas..

”Matagal ko ng gustong gawin yan sayo..” Inis ko sabi..Tumayo siya at pinahiran ang dugo sa labi niya. 

”Tss.”  Bigla na lang siya sumugod at sinuntok din ako..

 ”Sh*t!” Ang sakit nun a! Tumayo ako at gumanti, ganun din siya.. Kaya nagsuntukan kami.. Hindi kami tumigil hanggang walang sumusuko sa aming dalawa..

 ”Sabihin mo ano ba talagang relasyon niyo ni Sophia!” Sigaw ko. Ngumisi lang siya kaya sinuntok ko ulit..

“Bakit? Nagseselos ka? Kasi mas close kami kaysa sayo..” Natigilan ako.. Tumawa siya..

 “Kawawa ka naman Justine Dela Vega..” Sa inis ko nasuntok ko siyang sobrang lakas..

”DAMN! LAKAS NUN AH!” Sigaw niya..

”E g*go ka e! Sabi ako ng bahala sa kanya, pero ano yung kagabi? Magkasama kayo nagkukulitan pa!” Bakas ang pagtataka sa mukha niya.. Tapos bigla siyang ngumiti tapos tumawa ng tumawa. Hala! Nababaliw na ba ‘to?! 

“Bakit ka tumatawa?” Tanong ko.. Hindi siya sumagot sa halip tumawa ulit.. Hinintay ko lang siya matapos tumawa.

 “Oh? Tapos ka ng tumawa?” Tumango siya habang pinapahiran ang luha sa mga mata niya..

 ”Justine, wag mo akong pagselosan. Hindi ko trip si Sophia. Oo mahal ko siya pero bilang isang kaibigan lang at ganun din siya sa akin. Iisang lalaki lang ang minahal ni Sophia..” Tapos seryoso siyang tumingin sa akin..

 ”Sino?” Tanong ko.. May iba pa akong kaagaw kay Sophia? Ano ba yan!!! Pero imbis na sagutin ako. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad paalis..

”SECRET!!! Makipagbati ka muna sa kanya!!!”

(THIRD PERSON)

”Bakit Sophia?” Tanong ni Julia kay Sophia. Andito sila sa office room ni Sophia..

 “May kailangan kasi akong ipagawa sayo, Julia..” Takang tumingin si Julia kay Sophia..

 “Ano naman yun?” Tanong nito.

 “The Royal Graduation will be in just a month at gusto ko ikaw ang mamahala nun..” May inabot si Sophia na folder..

“Andyan lahat ng mga detalyeng kailangan mong malaman. Bahala ka na din sa mga arrangements.. That’s all..” Sabi ni Sophia..

 

”Pero Sophia, baka hindi ko kayanin yun kung ako lang mag-isa. At saka hindi pa tapos ang Academy Battle. Unang beses pa lang ang laban.” Tumingin si Sophia sa kanya.

”Kailan ka pa nawalan ng confidence Julia? Sa tingin mo ba ibibigay ko sayo ‘to kung alam kong hindi mo kaya? And besides, I trust you and I know that you will never disappoint me.” Tumango lang si Julia at saka ngumiti.

“And about the Academy Battle, I’ll take care of it.” Sagot ni Sophia.

 ”Salamat Sophia sa pagtitiwala sa akin..” Ngumiti din si Sophia..

 “Of course, you are like a family to me..” Nagulat siya sa sinabi ni Sophia pero hindi na lang niya pinansin at baka mag-iba na naman ang mood nito. Lalabas na sana siya ng magsalita ulit ito..

 ”Surprise me Julia. I want the Royal Grad to be the most unforgettable event to all the graduates..” Humarap ulit si Julia kay Sophia at nag-bow..

 “As you wish, my empress..” 

(LIA)

Habang naglalakad ako papunta sa garden hindi ko mapigilang hindi kabahan. Ewan ko ba. Kaya minabuti kong mag-isip ng iba para hindi ako kabahan.

Ang sabi ni Justine pumipitas daw ng bulaklak.. Tsk! Nagpaalam kaya siya kay Sophia? Sana lang kung hindi patay siya dun! Napangiti ako, hindi siya nag-aalala na mahuli siya ni Sophia basta makakuha lang ng bulaklak para sa akin. Sweet!

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang isang taong hindi ko gustong makita.

”Amber..”

Agad akong lumapit sa kanya at sinampal siya ng malakas. Kaya napabaling ang ulo niya sa kabila at kita ko rin na may dugo sa labi niya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at ginawa ko yun. Pero galit ang nararamdaman ko. Galit dahil muntik na niyang agawin  sa akin si Daniel.

 Humarap siya sa akin. Akala ko gaganti siya pero ngumiti siya. Isang totoong ngiti..

 ”I think i deserved that. Pero hindi ako andito para makipag-away sayo Lia..” Mahinahong sabi niya. Tumaas ang kilay ko..

“And why are you here then?” Galit kong tanong ko. 

“To talk to you..” Tumango lang ako. Ayokong magsalita at baka kung ano lang ang masabi ko.

“You know he really loves you..” Wait.. Pamilyar yang linya na yan.. Ganyan din yung sinabi sa akin ni Justine.

 ”I know. Yan din ang sinabi ni Justine sa akin..” Inis kong sabi at natawa siya ng konti.

 ”Kasi yun ang totoo. Lia, ikaw ang mahal niya. Alam ko yun simula pa lang na makita ko kayong dalawa. The whole time na magkasama kami, ikaw lang ang lagi niyang bukang bibig. I might be a flirt pero hindi ko gawain mang-agaw..” Sabi niya..

“Hindi mang-aagaw? Ano ba yung ginagawa mo? Halos hindi ka na umalis sa tabi niya, para kang linta dikit ng dikit. At saka parang kayo lang ang tao sa mundo? Alam mong kami na, pero lumalapit ka pa din sa kanya.” Inis kong sabi. Napakamot siya sa ulo niya.. 

’Kasalanan mo ’to Sophia, naging masama tuloy ang character ko!’Bumulong siya, pero narinig ko naman. At ano naman ang kinalaman ni Sophia dito?

“I don’t like Daniel anymore, ok? What we had is already part of our past. Tapos na yun. He’s all yours..” Dapat ba akong maniwala sa sinasabi ng babaeng ito? Pero ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo..

 ”Paano naman ako makakasiguro na wala ka na ngang gusto kay Dan?” Tanong ko.

”Believe me Lia.. At saka i’m already engaged..” Tapos pinakita niya sa akin yung sising. Whoa! Ang laki ng bato!

 “Pero bakit mo yun ginawa? Bakit mo pa kami gustong sirain?” Sumeryoso siya..

 “Utos lang sa akin ito..” Sabi niya. What?!

”Utos? Nino?” Tanong ko.

 ”Secret! Pero honestly hindi ako ang batang babae na yun..” Eh?

 “Yung pendant na ipinakita ko sa kanya ay hindi talaga sa akin..” Naguguluhan ako. Akala ko siya yung savior ni Daniel. Sino ba talaga?

”Kung hindi sayo kanino? At sino talaga ang batang yun?” Tanong ko.

 ”Basta, wag mo ng alamin. Hindi naman na importante yun. Ang mas pagtuunan mo ng pansin ay ayusin ang relasyon niyo ni Daniel...” Hmm.. Tama siya, hindi na importante yun.

 “So, go na! Basta invited ako sa kasal at ninang ako a!” Ngumiti ako..

 “Oo naman!”

(DANIEL)

Tumingin muna ako sa paligid ko kung may tao. Tingin sa kanan. Wala. Tingin sa kaliwa. Wala din. Tingin sa likod. Clear. 

At saka dahan-dahan lumapit dun sa mga halaman para kumuha ng bulaklak. Isa lang ang kukunin ko, baka kasi kapag madami gilitan ako ni Sophia. Hindi nga niya alam na kumukuha ako! Ng makakuha na akong isa agad akong tumalikod para umalis kaso may tao. Pero hindi si Sophia.

”Lia...” Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin..

 ”Daniel..” Tapos narinig kong humikbi siya. Niyakap ko siya. Bakit siya umiiyak? May nagpaiyak kaya sa kanya? Sino kaya yun at maupakan na!

 ”Hey, may nangyari ba? Tell me alam mo naman na ayokong umiiyak ka…” Humiwalay siya sa akin..

 “I-ikaw kasi..” Ako? Ano na naman bang ginawa ko? Nagpaka-good boy na nga ako.

“Ha? Bakit naman?” Tanong ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata niya.

”Basta!” Then she pouted.

 ”You’re so cute..” Tapos pinisil ko yung cheeks niya..

“Aww!” Tapos namuo na naman yung luha sa mata niya..

“Sorry.. Nasaktan ba kita?” Alalang tanong ko. Umiling siya..

”Then why are you crying?” Tanong ko ulit..

“I don’t know. Ang emo ko lately…” Napangiti ako.. Hormonal change. Yeah, nag-research ako para naman hindi ako inosente sa pagbubuntis ni Lia.

“Ok lang yan.. Ganyan talaga kapag buntis..” Tapos inabot ko sa kanya yung rose na pinitas ko.

 ”For you..” Nakita kong nag-blush siya.. Cute! Tumingi siya sa akin ng seryoso..

 ”Dan, i’m really sorry...” Tapos nakita ko na naman na may namuong luha sa mga mata niya.

 ”Lia, it’s ok.. Kasalanan ko din naman.. Inaamin that time medyo naguluhan ako.. Pero ngayon malinaw na ang lahat. It will always be you, Lia..” Lalo siyang naiyak pero nakangiti siya.. 

“I love you..” Namiss ko ‘to! Hay.. salamat naman at maayos na ulit kami.

 “I love you more..”

(AMBER)

“Sa tingin ko tapos na ang trabaho ko, Sophia?” Pinagmamasdan namin si Lia at Daniel. They’re back together, finally!

“I think so..” Jeez. Ang tipid naman ng sagot nito!

 “So pano ba yan, una na ako sayo. May date pa ako sa soon-to-be-husband ko..” Naglakad na ako palayo. Wala na rin akong iintindihin!

“Thank you..” Bulong ni Sophia. Ngumiti lang ako..

Kung alam lang ni Daniel, ang batang babae na yun ay walang iba kundi si Sophia. Noon pa lang nasa tabi na nila si Sophia hindi lang nila alam.

At ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-relax!!!

(CLARISSA)

Ang tagal nilang nag-stay sa Montereal Palace. Ano kayang nangyayari sa kanila? Hindi ako makapunta doon dahil sa dami ng inaayos dito sa Academy. Kaya mag-isa akong nagtatrabaho, hindi kasi pwedeng iwan ito baka mamaya kung ano ang mangyari dito.

”Young Mistress pabalik na daw po sila dito..”Finally! May kasama na ako..

 “Ok sige..” Babalik na sila. Makikita ko na ulit si Sophia. Kailangan ko siyang makausap. Sa lalong madaling panahon..

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
6.6K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...
9.1M 213K 60
[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry the man she doesn't love, escape is the...
118K 951 8
(WATTYS 2018 SHORT LISTED) [The Callaghan Alphas #1] After being elected as the Student Council President in their School, Lefiya Aschens, a seventee...