Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 50 - I Want To Believe

25.2K 931 80
By pixieblaire

Thank you so much for waiting! :) 
XX PIXIEBLAIRE
==========
Chapter Fifty
I Want To Believe

"Lovenhope Pristine," iyon ang pangalang ibinigay namin ni Valentine sa aming baby nang siya ay maisilang.

Nang marinig ko ang unang iyak niya ay kinurot ang puso ko. Nang ibigay na siya sa amin ng doktor at nang buhatin siya ni Valentine ay doon na tumulo ang luha ko. He is so happy na hindi na rin nakatakas pa ang luha niya. He's crying in endless joy. I am crying in infinite happiness.

Lovenhope Pristine Sylvestre-Archangel Gemlack-Soverthell—the first two-blooded half-Wizard and half-Guardian.


"I have now my queen and my princess, I couldn't ask for more," Val kisses our baby's forehead and mine. My heart keeps on melting at the moment.

Ibinangon ko ang sarili at umupo si Val sa tabi ko. Pareho naming masayang tinitignan ang baby namin. Nang hawakan ni baby ang daliri namin ni Val ay namuo nanaman ang luha ko. She's just too cute and adorable. I cannot wait to see her grow up beautiful inside and out. I cannot wait to see her taking her first step, to feel her kiss my nose, to hear her calling me 'Mommy' and Val, 'Daddy'. I can't wait to hear her sweet giggle and simply watch her play toys. I love her so much and I swear that Val and I are the happiest right now. We have now our angel. And now I know, ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang.

Patuloy ko pa rin siyang tinitignan at pinapanood ang kanyang pagtulog. We just can't take our eyes off to Lovenhope Pristine. Her features scream Valentine all over her. She have acquired Val's beautiful and expressive brown eyes. Pati na ang matangos na ilong Val. Ang mahabang pilikmata, maliit na labi, at hugis ng mukha naman ang nakuha niya sa akin. Ngunit ang pagkapula ng labi niya ay alam kong kay Valentine pa rin niya nakuha. She almost looks like a little female version of Val. Her cheeks look so fluffy. Hindi ko napigilan ang tuwa ko kaya hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi.

Ngunit ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Parang may mangyayari. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at nanlamig ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay tila unti-unting naglalaho ang daliri ni baby. Narinig namin ni Val ang pamilyar na demonyong halakhak. Nangilabot ako sa takot lalo pa't hindi lang mga daliri ang naglalaho sa aming anak.

Sa bilis ng pangyayari, tanging ang puting telang bumabalot na lang sa aming baby ang natirang hawak-hawak ni Val. Nayanig ako nang kasagaran. Sumigaw ako ng malakas, tinatawag ang demonyong si Death na alam kong sinaniban pa ni Dreyxin. Pinipigilan ako ni Val sa pagwawala pero nag-alab na ang galit ko.


Nagpupumiglas pa ako, "Death! Ibalik mo ang anak namin! Hayop ka!" Nagpatuloy lang ang halakhak na iyon na nakakabingi.

I am screaming at the extremities, "Deeeeeeeath!!!" Hindi pwede ito! Hindi niya pwedeng kunin ang anak namin! Magkamatayan na! Kakalimutan ko na ang sinabi ng aking amang si Diamond na masamang pumatay. I would really end the life of that demon! Sigaw ako nang sigaw, walang tigil, puno ng galit. Sumabog ang liwanag sa paligid ko.


Napabangon ako na hingal na hingal. Tagaktak ang pawis ko at dilat na dilat ang mga mata ko.

Isang bangungot.

Panaginip lang. Pero bakit iyon pa ang mapapanaginipan ko. Lalo lang akong nabahala dahil alam kong sa mundong ito, lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat ay may katumbas na pangitain. Kahit pa ang isang panaginip.

Uminom agad ako ng tubig at hinaplos ang aking tiyan. Natakot akong baka nakasama kay baby ang bangungot ko. Wala na si ina dito sa aking kwarto. Marahil ay nagising siya nang maaga at lumabas para asikasuhin ang kanyang hukbo.

Napasapo ako sa aking noo tsaka ko sinilip ang bintanang sumisigaw ng bagong araw. Habang hinihintay kong huminahon ang sarili ko mula sa masamang panaginip na 'yon ay nag-iisip nanaman ako ng malalim.

I am stuck between the paths of should and must. Iyong pakiramdam na gusto kong pumili ng daan, pero hindi ko alam kung ano ba sa dalawa ang aking lalakaran.

Ang dapat ko bang gawin o ang gusto kong gawin. Pero paano kung pareho lang ang dapat at gusto mo? Paano ka pipili kung magkahiwalay na daan iyon? Masisiraan na ako ng bait sa pag-iisip.

Ngayong araw ako dapat magdedesisyon pero hindi ko pala kaya. Hindi ko pa kaya. Akala ko, pagkagising ko'y malalaman ko na ang sagot ko, ang desisyon ko. Pero hindi pa rin pala.

If only my life now is a Tabula rasa. I want to feel the emptiness, the feeling of nothingness, but I am so full of unfading emotions. And I know I cannot escape the pain and suffering.

Humugot ako ng malalim na hinga. At least, even once, even if it's just a dream, the three of us were happy. That I experienced having my own happy family. Even if it's just a short time. Even if it has also been taken away from me in split seconds.

At least, naranasan kong maging masaya kami ni Valentine kasama ang baby namin. Kahit panaginip lang, masaya na ako doon. I wiped my tears away and went out to breathe for a while. Para na kasi akong nasu-suffocate sa silid ko, masyadong matinding emosyon ang nararamdaman ko sa apat na sulok na 'yon.

Sumakay ako sa puting kabayo at nagbalak na pumunta sa sira nang Golden Pavilion. I tried to return it back before but I guess it's already impossible to perfectly fix something that has been destroyed. Hindi imposibleng ibalik sa ayos, pero imposibleng ibalik sa mismong dati.

I was about to pat the horse when someone called me.


"Tine," paglingon ko ay nakita ko si Sage. Nanlaki ang mga mata ko at bumaba ako sa kabayo. Nakahood siya marahil para itago ang kanyang mukha.

Inilabas ko agad ang aking wand. I don't want to do this to her pero isa siyang kalaban. Pinatunayan niya iyon sa'min.

Kaibigan ko siya, pero tinraydor niya kami. "Sage umalis ka na. Ayaw kitang saktan pero huwag kang umasang hindi kita lalabanan."

She gave me a soft look na para bang puno ng pag-aalala at pagsisisi. "Tine, hindi kita sasaktan. Maniwala ka. I'm just here to ask for your forgiveness. Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo, sa inyong mga kaibigan ko..."

"Friends? Sa iyo pa talaga nanggaling iyan?" Gusto kong magtawa pero nangingibabaw ang lungkot ko sa tuwing naaalala ang ginawa niya sa amin. A friend's betrayal is one of the most excruciating feelings ever known.

Nakita ko ang tumulo niyang luha at humakbang palapit pero pinanindigan ko ang pagtutok ko sa kanya ng aking wand. I even transformed my wand into a bigger scepter than hers when she stepped closer again. "Don't even dare, Sage Abuel."


Nagsimulang mabalutan ng mahika ang scepter ko, I am angry and sad. The emotions are just too intense. I can't even decipher what to do. Baka masaktan ko si Sage sa pagpupumilit niyang lumapit.

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Lumambot na ang puso ko dahil nakita ko siyang umiiyak pero hindi ako nagpatinag. Dapat galit lang ako sa kanya. Lalo pa at baka isa itong patibong.


"Stop it now, Sage. You'll leave me with no choice." Tinulak ko siya palayo sa akin at itinutok na ngayon sa mukha niya ang mahabang scepter na ito para hindi na ulit siya makalapit sa akin. "Kung pinadala ka dito ni Death para patayin ako, pakisabi sa kanyang huwag siyang duwag dahil lalabanan ko siya. Hinding hindi ko siya aatrasan."

Tsaka lang nagsink-in sa akin ang mga sinabi ko. I just declared my decision! Burn it! I'm so sick as fuck! Litong-lito na ako.

"Hindi ako pinadala ni Death. Tumakas lang ako doon, gusto kong bumawi sa'yo. I'm so sorry for everything, Tine."

Ngumisi ako na puno ng sarcasm, "At paano ka naman makakabawi?"

Napatingin kaming pareho sa isang lalaking sumulpot mula sa gilid ng Prime Kingdom.

Nabitawan kong agad ang scepter ko pagkakita kay Valentine.

Puno ng luha ang mukha niya at malayong malayo sa pagkatao niyang binalot ng kasamaan nina Death.

"Tine-tine..." Nang marinig ko ang basag niyang boses ay alam kong siya na ito. "It's me..."


Gusto kong manaig ang pag-iingat ko dahil maaaring pakana pa rin ito ng kalaban pero gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na siya na nga ang dating Val na aking mahal.

Na nandito siyang muli. Na binalikan niya ako.

Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko na kung para kami sa isa't isa, bakit ganito na lang ako kung masaktan? Bakit kami nagdurusa kung laan kami sa isa't isa? Normal pa nga ba itong maramdaman?

Napakarami na naming pinagdaanan, ang dami ng nangyari pero hindi ko na maiwasang mapa-isip. That if we are really meant for each other, we should not be hurt this way. Pero bakit ang sakit sakit?

Hindi ba talaga kami pwede? Hindi ba kami para sa isa't isa ni Valentine? Pero kahit pa sinasalungat ko ang sarili ko, gusto ko pa ring manalig at maniwala.

I want to believe that we can still have a happy ending... even if I clearly know that my life now is really on the verge of the end.

Continue Reading

You'll Also Like

41.4K 1.9K 51
The laws of the Gods are defined as absolute. No one is bound to break it. But when ten godly beings rose to fulfill their dreams, they began to defy...
57.9K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
771K 30.8K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
342K 19.1K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...