K I R O
Nagulat ako nang biglang bumaligtad ang mundo. As in literal na bumaligtad! Naramdaman ko pa nga na umikot yung paningin ko.
"Aaaaaah!"
Nahulog ako! Saan naman ako babagsak nito?! Baka ito pa ang maging dahilan ng tuluyang pagkamatay ko!
Kaya pala kulay bughaw yung tinatapakan ko kanina, langit pala 'yun!
"Aaaaaah!"
Please Lord, I'm begging you! I'm too young to die! Marami pa po akong gustong gawin sa mundo! Tsaka hindi ko pa po nakikita si Ashe! Hahanapin ko pa po siya! Lord please!
"Aaaaaaaaaah!"
*****
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman kong huminto ang paghulog ko.
"Woah." agad na sambit ko. Lumulutang ako sa ere ngayon. Hindi ko ma-balance ang sarili ko kaya pagewang-gewang ako.
Paano ko nagagawa 'to?
Maya-maya, humangin ng malakas. Naramdaman ko ang lamig ng simoy nito sa balat ko. Napatingin ako sa paligid nang hanginin ang mga ulap at bumungad sa akin ang isang napakagandang lugar.
"Wow. As in wow. I'm speechless." sambit ko.
Napakaganda ng landscape na nakikita ko ngayon. Sa totoo lang, mas maganda pa ang lugar na ito kesa sa WOM at WOS. Napalingon ako sa kapaligiran ko.
Una sa lahat, bakit ba ako nandito? At bakit ako lumulutang? Am I stuck here?!
Maya-maya, bigla nanamang humangin ng malakas at, this time, nadala na ako.
Holy crap--
"Aaaaaaaaaah!--whoa--aaaaaah!"
Walang tigil ang paghangin ng malakas. Para akong pinaglalaruan!
"Saan mo ba ako dadalhin--aaaaah!"
Ayaw parin huminto. Maya-maya, nagulat ako nang mapansin kong unti-unti nanamang nabubura ang sarili ko.
"W-what now?!"
W I S H (Z E T H)
*instruments playing sfx*
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ako ng mga instrumentong tumutunog. Napaka-smooth ng tugtog ang sarap sa tenga.
"Oh my God." bulalas ko nalang kasabay ng paglibot ng paningin ko. Ito na ba ang World of Fairies? Napakaganda naman!
Napatingin din ako sa damit ko. Nag-iba na ng style at kulay nito. Ang cute naman! Bagay na bagay dito sa WOF.
(ctto of the image below)
Naglibot pa ako ng naglibot hanggang sa makarating ako sa gitna kung saan nakatayo ang napakalaki at napakataas na puno. Namumulaklak ito ng iba't-ibang kulay na bulaklak.
Ito na ang pangatlong mundo ng FWO. Kahit na alam kong nasa impyerno kami, hindi mo parin maiaalis sa akin 'yung pananabik. This world never ceases to amaze me.
Wala akong idea kung ilang araw, buwan o taon na ba nakalipas. Ano na kayang nangyayari sa real world? Aware kaya sila sa mga nangyayari sa amin?
Miss na miss ko na ang pamilya ko. Gustong-gusto ko na ding makita si Ashe.
Kung may katapusan man o wala ang mundong 'to, tatanggapin ko nalang ng maluwag. Pero lahat naman ng bagay ay may katapusan. Imposibleng hindi matatapos ang FWO. Hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yun.
Maya-maya, nagulat nalang ako nang may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.
"T-teka ano ba?!" gulat kong sigaw. Tinanggal ko ang pagkayakap niya sa'kin at humarap sa kanya. Tinitigan ko siya ng mabuti.
Hmm... who you?
"Zeth, hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong niya.
Hmm... ah! Ay putek!
Si Kuya Carl pala! Hala lagot ako. First time ko siyang nasigawan sa buong buhay ko. Kasi naman eh nag-iba yung itsura niya--I mean 'yung damit niya din kasi. Hindi ko tuloy siya nakilala.
(ctto of the image below)
"Ah hehe, ikaw pala." sabi ko sabay peace sign. "Sorry Clyde." dugtong ko.
"Hays. Okay lang." sabi niya. Lumingon ako sa likod niya. Siya lang? Nasaan si ano?
"Sinong hinahanap mo?" tanong niya bigla.
"H-ha?! W-wala!" sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Teka, bakit ba nagpa-panic ako?
"Sigurado ka? Hay nako Zeth, I know you." sabi niya.
"A-ano ka ba Clyde, ano ba 'yang sinasabi mo? Tara na nga haha." pag-iiba ko kasi ewan ko ba!
"Wait lang. Iiwan niyo ako?" napatingin ako nang may biglang humawak sa balikat ko.
Omg si Silver!
"Oh you're here. Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh. Buti nakita ko kaagad si Zeth." sabi ni Kuya Carl at napatingin ako kay Silver.
Shocks bakit ang gwapo niya sa paningin ko? At 'yung damit niya ngayon, bagay na bagay sa kanya.
(ctto of the image below)
Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.
"Naglibot lang dito sa WOF. Actually hinahanap ko din kayo eh." sabi niya at tumingin siya sa akin. "Hi Zeth!" sabi niya at kumaway sa akin.
"U-uh Hi!" sabi ko sa kanya at nauna na siyang maglakad sa amin. Nakasunod lang kami sa kanya.
*pinch-pinch*
Napatingin ako kay Kuya Carl nang kalabitin niya ako. Pagtingin ko, nanliliit ang mga mata niya.
Waaah! Bakit ganyan siya makatingin?
"B-bakit Clyde?" tanong ko sa kanya.
"Sabihin mo nga sa'kin, may gusto ka ba kay Silver?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Silver.
Why do I act like this?
Gusto ko nga ba siya?
K I R O
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nagulat nalang ako nang bigla akong mag-appear sa harap ng maraming tao. Kilala ko ang mga mukha na ito. Sila ang mga nakaligtas sa WOS.
Nilibot ko kaagad ang paningin ko nang maalala ko si Silver. Tumakbo agad ako at sinimulan siyang hanapin. Naniniwala akong nakaligtas siya dahil napatay ko na agad ang boss bago pa man tuluyang maubos ang HP niya.
Lahat ng nakaligtas ay matagumpay na nakalipat sa WOF. Naisip ko rin sila Zeth. Sana nakaligtas din sila.
Napahinto nalang ako sa paghahanap nang may marinig akong bumulong.
"Kiro."
Tumingin ako sa kapaligiran ko pero wala namang nagtatawag sa akin.
"Kiro." sabi nanaman ng isang boses.
"Who are you?" tanong ko sa kanya. Kinausap ko siya gamit ang isip ko and it worked. Nagsalita ulit siya.
"It's me, Yuri." sabi niya.
Y-Yuri?!
"Nasaan ka?" tanong ko kaagad sa kanya.
"Look at your right hand." sagot niya.
Tiningnan ko ang kanang kamay ko at may singsing sa middle finger ko.
"Yuri, anong ibig mong sabihin dito? Are you trapped again?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
"No, I'm perfectly fine. You'll discover soon. You don't have to worry about me." nakahinga ako ng maluwag pagkasabi niya nun.
Masaya ako dahil kasama ko parin si Yuri hanggang dito sa WOF.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at hinanap sila.
*****
"Bro." napalingon ako sa likod nang may biglang humawak sa balikat ko.
"Silver! I'm glad you're fine!" gulat kong sabi sa kanya. I knew he'd survive! Thank God.
"Hindi ko din in-expect bro. Salamat." sabi niya at tinanguan ko siya. Sobrang lumuwag ang pakiramdam ko nang makitang nakaligtas siya.
Napatingin ako sa likod niya at nakita ko din si Zeth at si Clyde. Natahimik ako bigla. Sasabihin ko ba sa kanya na hindi ko nailigtas si Ashe? Ayokong mag-alala siya. Pero ayoko rin namang magsinungaling sa kanya.
Ito na ba ang tamang oras para malaman niyang nandito ang kaibigan niya?
Naalala ko ang mga kinuwento ni Ashe sa akin at ang mga maaaring mangyari kapag nalaman ni Zeth na nandito siya sa FWO.
Hindi ko muna siguro sasabihin sa ngayon. Alam kong may mas mabuti pang paraan. Darating din ang araw na malalaman niya ang totoo. Panghahawakan ko muna sa ngayon ang pangakong ibinigay ko kay Ashe. Ayokong pangunahan siya sa pagdedesisyon. Poprotektahan ko din ang mga kaibigan niya.
Hindi ko nakakalimutan ang iisang misyon dapat kong mapagtagumpayan. 'Yun ay ang iligtas ka, Ashe.
Nandito ka ba sa mundong ito? Paano kita ililigtas kung hindi ko alam kung nasaan ka?
*****
"Let's eat!" masayang sabi ni Zeth.
Gabi na at sama-sama kaming kumakain ngayon. Nakakuha na rin kami ng matitirahan dito sa WOF.
"Bakit parang di mo ata ginagalaw ang pagkain mo?" tanong sakin ni Clyde.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Zeth.
"Y-yes. I'm fine." sabi ko sa kanila at pinilit na ngumiti. Kinausap ko nalang sila para hindi na sila magtaka pa.
"Kamusta na nga pala yung mga taong nawala? May balita na ba kayo sa kanila?" lumungkot ang mga mata nila pagkatanong ko nun.
Umiling-iling si Zeth at tumingin ako kay Silver.
"Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung saan ba nila dinala ang kapatid ko." galit na sabi niya. "Hindi ko sila mapapatawad kapag may ginawa silang masama sa kanya." dugtong niya.
Napaisip ako. Nasa panibagong mundo na kami. Nilisan na namin ang mundo ng WOS. Pero ayon sa sinabi game master, ang mga naka-survive lang ang magkakaroon ng chance na mabuhay at makalipat sa panibagong mundo. Pero kapag hindi, siguradong patay ka na.
Merong part sakin na ayaw kong paniwalaan ang mga sinabi niyang iyon. Hindi ko matatanggap kapag nalaman kong patay na siya. Umaasa akong hindi nga ganun ang mangyayari.
Iba na ang nararamdaman ko. Anumang oras, tutulo na ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumayo na ako. Lumabas ako at tumakbo papalayo. Naririnig ko pa nga na tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Hindi ko na kasi kayang tiisin.
Hindi ko kayang gumising pa ng isang araw at malalaman kong wala parin siya.
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong pakialam kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Maya-maya, napaluhod na ako.
"Aaaaah!" sigaw ko.
Gusto kong sumigaw nalang ng sumigaw para mailabas ko ang lahat ng nararamdaman ko.
Tumingin ako sa langit. Ang daming bituin. Bilog na bilog ang buwan. Napatingin ako sa harap ko at nakitang nasa dulo na pala ako ng isang cliff. Sa baba nito ay may ilog.
Naalala ko ang buhay ko. Ang buhay ko sa real world. Sana pwedeng ibalik nalang ang lahat para maiiwasang mangyari ang FWO.
Maya-maya, napatingin agad ako sa likod ko dahil may naramdaman ako. May parang nagmamasid sa akin pero wala naman akong nakitang tao.
Sigurado ako sa naramdaman ko. Nandito lang siya sa paligid ko. Nilibot ko pa ulit ang paningin ko pero wala talaga akong makitang tao. Napatingin ako sa singsing ko nang bigla itong umilaw.
"Kiro, I sensed something! Someone's here!" sabi niya.
"Sino?" takang tanong ko.
"Kailangan mong makaisip ng paraan para makapag-communicate sa kanya. I can't do it dahil may limit kapangyarihan ko. Malakas ang kutob ko na kilala natin siya. Malakas ang kutob ko na makakatulong siya sa paghahanap natin kay Asky. Hindi ko man matukoy kung sino siya pero hindi talaga ako pwedeng magkamali sa nararamdaman ko. May pag-asa pa Kiro." sabi niya.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Yuri. Kung sino man siya, kailangan kong makausap siya.