ASERON LOVERS

By DreamGrace

127K 1.2K 61

Dana thought her love life will never have a happy ending. Lagi na lang kasi siyang nabibigo sa pag-ibig. Kun... More

Prologue
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

13.5K 234 20
By DreamGrace


CHAPTER 1

"...I don't care who you are, where you're from, what you did, as long as you love me..." naghe-head bang pa si Dana habang sinasabayan ang kanta ng Backstreet Boys na ipinapatugtog niya sa car stereo niya.

She had always been a Backstreet Boys fan. Lahat ng albums ng grupo ay mayroon siya. Sa tuwing nagko-concert dito sa Asia ang grupo, hindi pwedeng hindi siya pumunta. Kahit pa kalagitnaan iyon ng school year noong nag-aaral pa siya.

At noong highschool siya, lahat ng tindahan na madaanan nilang magkakaibigan na maari niyang mapaghanapan ng pictures, songhits at kung anu-ano'ng gamit na may mukha ng mga Backstreet Boys, pinapasok niya at hinahalughog.

Much to her friends' annoyance na natural ay kinakaray niya sa pagha-hunting niya ng mga mabibili niyang Backstreet Boys souvenirs. Lalo na ni Shebbah na hate na hate ang mga boy bands. Para dito kasi karamihan naman daw sa mga boy bands ay mga gwapo lang pero hindi naman talaga marunong kumanta.

And speaking of Shebbah, ito ang rason kaya siya narito

ngayon at binabagtas ang wala na yatang katapusang kalsadang ito dito sa Isla Fuego. Sa darating na Sabado na ang kasal nito sa

nobyo nitong tagarito sa isla.

At bilang siya ang maid of honor nito, hindi siya maaring mawala siyempre. Pero dahil alam nito ang sakit niyang makakalimutin sa petsa, kahit mayroon pang tatlong linggo bago ang big day nito, pinapunta na siya nito ng maaga dito sa isla.

Dahil malamang daw, tatlong araw na pagkatapos ng kasal

nito siya magpakita dito kapag nagkataong nasubsob na naman siya sa kung anumang ginagawa niyang painting sa kasalukuyan. Natitiyak daw nitong malilimutan niya ang tamang petsa ng kasal nito tulad nang nalimutan din niya ang iba pang mahahalagang okasyon sa buhay niya mismo dahil sa pagkakasubsob niya sa trabaho niya.

Which she thinks is really unfair! Kasalanan ba niyang mawaglit sa isipan niya ang petsa ng birthday niya at masayang ang surprise party na ihinanda nito at ng isa pa nilang kaibigan na si Ceza para sa kanya? Malay ba naman niyang inabot ng limang oras ang mga ito sa pag-aabang sa pagdating niya sa restaurant na madalas nilang puntahang magkakaibigan?

Her art overtook her. Nang makita niya ang magandang tanawin sa park malapit sa bahay niya ay hindi niya napigilan ang kamay sa pag-i-sketch niyon. Nawala na sa isip niya ang tungkol sa text ni Ceza sa kanya na i-meet niya ang mga ito sa naturang restaurant.

Isinumpa ni Shebbah na ipapatira siya nito sa hitman kung makakalimutan na naman niyang magpakita sa kasal nito. Kaya naman wala siyang choice kung hindi pagbigyan na ito sa utos, demand at hiling na may katernong pananakot nito na pumunta siya dito sa isla ng mas maaga ng tatlong linggo kaysa sa ibang guests.

Ani pa nito ay marami siyang magagandang tanawing makikita sa isla na maari niyang ipinta. Ang mismong

Farm nga daw na kinatatayuan ng ancestral house ng nobyo nitong si Ravin Aseron-Navarre ay tiyak pagkaka-interesan niyang ipinta. At higit sa lahat, may studio din daw sa mansyon na mayroong skylight. Maari daw niyang maggamit iyon. Bagay na hindi niya aaminin kay Shebbah na siya talagang kumumbinsi sa kanyang pumunta ng maaga dito sa isla.

"...I'd go anywhere for you, anywhere you asked me to. I'd do anything for you, anything you want me to..."

Pagkakita niya sa arkong binanggit ni Shebbah na makikita

niya pagdating niya sa dulo ng Paseo Isabela ay tinapakan na niya ng mariin ang gas ng kotse niya. THREE KILOMETERS TO ASERON FARMS, ayon sa karatula. Malapit na siya sa Aseron Farms. Sa chapel daw sa loob ng lupain ng pamilya Aseron gaganapin ang kasal nina Shebbah.

Ang chapel na ipinatayo daw ng lolo ni Ravin para sa lola nito ang tanging lugar na maaring pagpakasalan ng mga Aseron ayon sa tradisyon ng pamilya ng mga ito. Apparently, lahat daw ng Aseron na doon nagpakasal ay naging maligaya ang married life at hindi naghiwalay. Ngunit iyong mga iilang Aseron daw na hindi sumunod sa tradisyon ay hindi naging ganoon ka-smooth sailing ang mga relasyon sa kanya-kanyang napangasawa.

And the fact na pumayag ang reyna ng kaartehan niyang kaibigan na sa naturang chapel magpakasal ay nagpapatunay lang na mahal na mahal talaga nito ang nobyo nito. Noong mga dalagita pa kasi sila nito at ni Ceza, napag-usapan na nila noon kung saan nila gustong magpakasal.

Siya ang gusto niya ay garden wedding. Si Ceza naman ang gusto ay beach wedding. At si Shebbah, well, simple lang naman ang trip ng sosyal niyang kaibigan. Gusto nito sa Rome ito

magpakasal! At hindi lang iyon, gusto pa nito ang Pope mismo

ang mag-officiate sa kasal nito!

"...but my love is all I have to give, without you I don't think I can live. I wish I could give the world to you, but love is all I have to give..."

'She has an excellent sense of direction.' Iyon ang madalas ay pa-sarkastikong paglalarawan nina Ceza at Shebbah sa kanya. Iyon kasi ang eksaktong kabaligtaran ng mga salitang maaring ipanglarawan sa kanya.

At sa pagkakarinig niya sa panghuling kanta ng Backstreet Boys na naka-record sa CD na pinakikinggan niya sa car stereo niya, malakas ang kutob niyang muli ay pinatotohanan na naman niya ang bansag na iyon sa kanya.

At nakumpirma niya iyon nang makita niyang muli sa ikalimang pagkakataon na ang parehong sign board na nagsasabing: THREE KILOMETERS TO ASERON FARMS. Walang duda, nawawala na naman siya. Ayon sa wristwatch niya, mahigit isang oras na siyang nagpapaikut-ikot sa paliku-likong kalsadang iyon.

Ngunit hindi pa rin niya natatanaw ang arkong nagwi-welcome sa kanya sa Aseron Farms. Gayong ayon kay Shebbah,

ten minutes na lang dapat ang itinakbo ng oras para marating

niya ang arkong palatandaan na narating na niya ang Aseron

Farms.

Natutuliro nang pinatay niya ang car stereo. Kailangan na niyang mag-call a friend! Habang nakahawak ang isang kamay sa manibela ay binuksan niya ang tote bag niyang nakapatong sa

passenger's seat ng sinasakyan niyang Volks. Pero ida-dial

pa lang niya ang speed dial sa cellphone niya na nakalaan kay Shebbah ay tumunog na iyon.

At nang sulyapan niya ang screen, pangalan ni Shebbah ang naka-rehistro doon. Isinuksok niya sa tainga ang earphones. Naliligaw na nga siya sa masukal na kalsadang ito, wala siyang balak palalain pa ang sitwasyon sa pagkakaroon ng aksidente dahil sa pakikipag-usap niya sa phone niya.

Bumunot muna siya ng malalim na paghinga bago sinagot iyon. Pakiramdam kasi niya naninikip sa kaba ang lalamunan niya.

"Hi, future Mrs. Ravin Aseron-Navarre! You're right! Ang ganda-ganda nga talaga dito sa Isla Fuego! Sariwa ang hangin, asul na asul ang dagat at---naliligaw ako, Shebbah! Tingin ko namaligno ako! Help me! Ayokong sumama sa mundo ng mga engkanto!" pa-atungal na pagtatapos niya ng sa simula ay masigla pang pagbati dito.

Sa totoo lang kanina pa niya gustong baligtarin ang suot niya sa pag-asang makokontra niyon ang sa hula niya ang pang-i-engkanto sa kanya ng mga naninirahang nilalang sa mayayabong na halamanan at nagtataasang puno sa magkabilang bahagi ng malawak na kalsadang tinatahak niya. Ang takot lang niya na baka kapag huminto siya ay bigla na lang may lumabas na kung ano mula sa magkabilang gilid ng daan ang pumipigil sa kanya.

Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan ni Shebbah.

"Dana, bago ka pa mapraning diyan ng tuluyan lumingon ka

sa likod mo," anito.

Biglang natigilan siya. At kahit ang inuudyok ng kuryusidad niya ay gawin ang sinabi ng kaibigan, pinigilan niya ang sarili. Napanood na niya ito sa isang horror movie. Horror movie na pinilit lang niyang panoorin dahil sabi noon ng walanghiyang ex niyang si Albert ay hindi naman daw horror iyon kung hindi lovestory.

Lovestory nga, lovestory ng naghihiganting multo ng babaeng pinatay ng nobyo nito! Malamang kung hindi lang siya peace-loving na tao, ginaya na niya ang ginawa ng babaeng multo kay Albert noon. Alam na alam naman kasi nitong duwag siya pagdating sa mga ganoong klase ng pelikula!

At ngayon pa naisipan ng luka-loka din kaibigan niya na takutin siya! Kaya nungka, nungka talaga siyang lilingon! Tatalon na lang siya pababa ng Volks niya kaysa makipagtitigan sa anumang nakakatakot na nilalang na maaring pasahero niya kanina pa!

"Ano?! Bakit?! Ano'ng meron sa likod ko?! Shebbah! Hindi ito oras ng pagbibiro! Huwag mo na akong takutin pa! Kanina pa ako natatakot! Maiihi na nga ako sa takot! Sunduin mo na ako dito! Ayokong maging bride ng engkanto! Bakit ba kasi sa bundok mo na-trip-an magpakasal?! Akala ko ba Notre Dame ang target mo?!" impit na pagtitili niya.

Pero ang maalalahanin at nag-aalala niyang kaibigan, imbes maawa sa kanyang kalunos-lunos na kalagayan, inis na sinikmatan pa siya.

"Gaga! Nalimutan mo na namang mag-take ng gamot, ano?

Umaatake na naman ang pagka-neurotic mo! tirik na tirik ang

araw kung anu-anong ini-imagine mo!"

"Bakit sa gabi lang ba lumalabas ang mga engkanto?! Hindi naman sila bampira na graveyard shift! Alam ba nilang sa gabi lang sila dapat manakot? Hindi, 'di ba?'' katwiran naman niya.

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan nito. At malamang kung kaharap lang siya nito malamang sinundan pa nito iyon ng nanggigigil na pagkutos sa ulo niya.

"Lumingon ka dahil nandito kami ni Ravin sa pick-up truck na kasunod mo. Alam kong malamang magkanda-ligaw-ligaw ka na naman kaya sinundo ka na namin," saad nito na hula niya ay nagtatagis ang mga ngipin base sa ipit na boses nito.

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Tumingin nga siya sa rearview mirror. Hayun at kasunod na pala niya ang pick-up na sinasakyan nito at ni Ravin.

"Oh! Eh, nandiyan na pala kayo kanina pa bakit hindi mo agad sinabi?! Pinakaba mo pa ako! Akala ko wala nang pag-asang makabalik ako sa sibilisasyon!" tuwang sambit niya.

Dinig na dinig niya ang pagtatagis ng mga bagang ng kaibigan. Pati na ang marahang pagtawa ng nobyo nito. Marahil ay naka-loudspeaker ang phone nito kaya naririnig din siya ni Ravin.

"Hi, Ravin!" masiglang bati niya sa binata.

Inilabas pa niya ang kaliwang kamay sa bintana ng sasakyan niya upang kawayan ito.

''Hi, Dana,'' ganting bati sa kanya ng gwapong boses ng

gwapong nobyo ng kaibigan niya.

Puno ng kaaliwan ang tono ng boses nito. Kung dahil iyon

sa kanya o sa hula niya ay malapit nang mag-alta presyon na si Shebbah, hindi niya alam.

Ilang beses na niya itong nami-meet at iisa lagi ang tanong niya dito. Kung wala ba itong kapatid o pinsan na naghahanap na rin ng life partner. Dahil sa hitsura nito, lugi sila ni Ceza kung si Shebbah lang ang magkakaroon ng nobyong ganito ang level ng kagwapuhan at kakisigan.

Sa malas, nag-iisang anak lang daw ito. But fortunately, mayroon itong sandamakmak na pinsang pawang mga binata pa daw. At isa din iyon sa mga rason kung bakit willingly siyang lumabas sa lungga niya at binitbit pa patungo dito sa Isla Fuego ang minamahal niyang Volks. Kung mabait si Kapalaran, matatagpuan niya sa isa sa mga pinsan ni Ravin ang kanyang tadhana!

''As I was saying, Shebbah Marie! Bakit hindi mo agad ipinaalam sa akin na nariyan na pala kayo sa likod ko?! Alam mo bang muntik na akong mag-histerya dito dahil sa takot ko?! Buong akala ko nakapasok na ako sa Twilight Zone!" panenermon muli niya sa kaibigan.

"Kanina ka pa kaya namin binubusinahan! Ikaw lang itong si

Bingi! Grabe ka talaga, Dana! Ni hindi mo man lang nararamdamang may kasunod ka nang sasakyan! Malamang naka-full blast na naman iyang car stereo mo kaya wala kang naririnig na kahit ano!" balik panenermon naman nito sa kanya.

Natigilan siya. Napasulyap siya sa car stereo niyang kanina

lang ay pumupuno sa buong sasakyan niya ang mga

ipinapatugtog na kanta.

"Um, medyo," guilty na napangiwi siya.

Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan nito.

''I swear, one of these days I will really kill you, Dana Teoxon! Sa susunod na kanto lumiko ka pakaliwa. Dire-diretso na iyon. Sa dulo ay Aseron Farms na. Dito lang kami sa likod mo."

"Um. Okay. Pero hindi ba mas maganda kung susundan ko na lang kayo?"

"No! Dahil malamang malingat ka na naman at makalimutan mong sinusundan mo kami. Maliligaw ka na namang tiyak kapag naiwan ka namin. Kaya kami na lang ang susunod sa iyo para hindi ka na naman mawala," mariing wika ni Shebbah na animo isang sintu-sinto ang kausap.

Saglit siyang napalabi. Kung hindi lang siya sanay na sa karinyo-brutal na paglalambing ng kaibigan, malamang mainsulto siya sa kakulangan nito ng pagtitiwala sa kakayahan niya. But since may point ito, nagkibit-balikat na lang siya at pinaharurot ang Volks niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 50.9K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...