Revenge ni Beki (Complete)

AedrianBuison által

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... Több

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Eight - ON

4.4K 165 3
AedrianBuison által

Chapter Eight – ON


James POV


Nagising nalang ako ng may biglang may umupo sa tabi ko. Sa una, hindi ko maaninag kung sino yon pero habang nagtatagal nakita ko na rin kung sino. Teka? Anong ginagawa ni..


"Anong ginagawa mo dito Spencer?" tanong ko. Tumingin sya sa akin.


"Sinunsundo kita. Sabi ko sayo gumising ka ng umaga!" sagot nya. Bigla ko nalang naalala na tinawagan nya pala ako kagabi. Tinignan ko yung orasan ko na nakapatong sa mini table na katabi ng kama ko. Nagulat ako ng makita kong 5:40am na.


Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Spencer yung braso ko kaya napaupo ako sa kama. Napakunot noo naman ako, hindi ko alam kung bakit nya ako pinigilan.


"May pasok pa tayo. Late na nga tayo eh" sabi ko.


"Mamayang recess nalang tayo pumasok." Sabi nya naman. Nagulat ako at nagtaka, anong mamayang recess? Baka mapagalitan ako ng teacher ko at ibaksak na ako sa lahat ng subject imbes na sa Araling Panlipunan lang.


"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.


"Mamasyal tayo at wag kang mag-alala, hindi ka papagalitan ng teacher mo! Ako ang bahala baka nakakalimutan mo, ako ang President ng school." Sagot nya.


Meron din palang tinatagong kalokohan 'tong si Spencer akala ko inosente. Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya at nakahinga ako ng maluwag. Parang sinasabi ng utak ko na 'Wag kang sumama dyan, pumasok ka nalang. Mas importante ang pag-aaral kaysa lumandi. Aral muna bago Landi' pero sinasabi naman ng puso ko ay 'Sumama ka na dyan kay Spencer, gusto mo rin namang sumama sa kanya eh! Pagkakataon mon a 'to.' May point naman yung utak ko pero iba talaga yung sinasabi ng puso eh, kaya puso ang papakinggan ko.


"Fine." Maikling sabi ko sabay ngiti.


"Maligo ka na at bilisan mo dahil naghihintay ako." Walang gana nyang utos. Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa kama at kinuha ko yung towel na nakahanger at pumasok agad sa CR.


Pagpasok ko ay agad akong naghubad, habang nagsha-shampoo ako ng buhok ko ay napapakanta ako ng Love Yourself. Syempre kailangan kong magpapansin kay Spencer dahil alam kong naririnig nya ang boses ko. Maganda ang boses ko kaya hindi ako nahihiyang iparinig sa iba 'to.


"My mama don't like you and she likes everyone.." patuloy lang ako sa pagkanta.


Pagkalabas ko ng banyo ay nandoon pa rin sya at nakaupo sa kama habang nakatingin sa baba. Nang naramdaman nyang lumabas na ako ng banyo ay agad syang tumingala at tumingin sa akin. Paano ako magbibihis kung nandyan sya? Papalabasin ko muna sya ng kwarto.


Tinaas ko ang dalawa kong kilay, nagtaka naman sya sa ginawa ko.


"Baket?" tanong nya.


"Magbibihis muna ko Spencer pwede bang lumabas ka muna." Sagot ko.


"Anong masama? Parehas naman tayong lalake eh." Dahilan nya.


Pakshet. Jusko! Spencer hinding hindi tayo magiging magkaparehas dahil babae ako at lalake ka. Chos! Pusong babae lang. Paano na 'to? Nagiisip ako kung paano ako makakapagbihis. Sa loob ng banyo nalang ako magbibihis.


Papasok na sana ako ng banyo ng biglang nagsalita si Spencer.


"Biro lang, sige lalabas na ako." Sabi nya sabay tumawa sya ng mahina. Gosh! Ang cute cute nyang tumawa, yung ngiti nya palang nakakatunaw na. Excited na akong mamasyal kasama sya, ano kaya ang mga pwedeng mangyari mamaya?


Bubuksan nya na sana ang pintuan pero napahinto sya at humarap ulit sa akin at nagsalita.


"May sasabihin ako sayo.." sabi nya.


Namula nalang ako bigla at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. "A-ano y-oon!?" nauutal kong tanong.


"Ang ganda pala ng boses mo." Sagot nya at tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.


Tatlong letra para sa akin..OMG! Grabe, kilig na kilig ako. Feeling ko, kasali ang maganda ang boses sa ideal girlfriend nya, so pwedeng maging kami? Kung magiging kami nitong Spencer na'to, hinding hindi ko sya papakawalan. Baka makapatay ako ng tao kapag may umagaw sa akin kay Spencer.


Gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko, ganon kasi ako magmahal. Lubos akong magmahal lalo na sa mga taong feeling ko ay mahal rin ako. At feeling ko si Spencer ay mahal ako. Kung mamaya kaya ako magtapat sa kanya ng nararamdaman ko. Oo, tama para malaman ko na kung may nararamdaman ba syang feelings sa akin.


Basta, naniniwala akong mahal ako ni Spencer at hinding hindi ako nagkakamali. Magiging akin sya! Akin lang sya.


Binuksan ko yung cabinet ko at nakita ko ang mga damit kong nakahanger sa loob. Naghalungkat-halungkat ako, kailangan maganda ang bihis ko dahil special ang araw na ito para sa akin dahil ngayon ako magco-confess kay Spencer at ngayon din ang una naming date. Chos


Nang makapili na ako ay agad ko tong isinuot at nang matapos na ay humarap ako sa salamin. May kulang nanaman sa ayos ko! Kinuha ko ang nerdy glasses ko sa ibabaw ng mini table ko at isinuot yon. Lumabas na ako ng kwarto ko, nakita kong nakasandal si Spencer sa pader. Yinaya ko na syang bumaba.


"Oh, san ang punta?" tanong ni Mama.


"Ah dyan lang po Ma," sagot ko.


Kinuha ko ang rubber shoes ko at isinuot yon. At ng matapos na lahat lahat ay nagpaalam na rin kami kay Mama na aalis na. Nagdala ako ng sapat na pera, siguro mga dalawang libo ata. Pero sigurado akong hindi yon mababawasan dahil may kasama akong mayaman.


Bubuksan ko na sana ang pintuan sa driverseat ng bigla nyang tinabig ang kamay ko at binuksan nya ang pintuan ng backseat.


"Sakay na." utos nya. Nagkunot-noo nalang ako.


"Ayokong umupo dyan." angal ko.


"Dyan ka nalang umupo." Pilit nya.


"Spenc.-" bigla nalang syang nagsalita kaya naputol ang dapat kong sasabihin.


"Pinaalam kita, sinabi ko sa mama mo na babantayan kita. Kaya hayaan mo akong tratuhin kitang parang isang prinsesa. Sakay na, my princess." Sabi nya sabay bow pa. Anong nakain ng gwapong lalakeng 'to at nagbo-bow pa. Pero aaminin ko, kinilig ako sa sinabi nya. 'Kaya hayaan mo akong tratuhin kitang parang isang prinsesa. Sakay na, my princess'Omg! Kung prinsesa ako, ano sya? Sya yung prince charming ko!


Bumalik ako sa realidad ng bigla syang nagsalita. "HOY!" sigaw nya kaya nagulat ako.


"Ay sorry, ano nga palang nakain mo at ganyan ka umasta?" tanong ko.


"Wala. Sumakay ka na kasi" sagot nya. Sumakay na ako sa backseat.


Nang sumakay na sya ay nagsimula na nyang paandarin ang sasakyan.


"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.


"Tagaygay." Sagot nya. "Gusto mo?" dugtong nya pa.


"Oo naman." Pagsang-ayon ko.


Oo naman basta kasama ka.


"Anong kasama?" tanong nya ulit.


Hindi ko namamalayan na nasabi ko pala yung huling salita sa sinabi ko. Nakakahiya naman!


"Ah..wala. Sige magdrive ka nalang dyan." Pagsisinungaling ko.


Lumipas ang oras.. wala man lang umiimik sa aming dalawa. Si Spencer busy sa pagda-drive at ako naman ay busy sa pagtingin sa gwapo nyang mukha. Feeling ko nga may tumulong laway galing sa bibig ko dahil nakatitig lang ako sa kanya kanina pa.


Kung tanungin ko kaya sya kung may relasyon sila ni Taylor. Kahit nahihiya ako gusto kong tanungin kung may relasyon sila ni Taylor para malaman ko na rin ang totoo. Mamaya kasi naghahabol ako sa lalakeng 'to may jowa naman pala!


Bago ko sya tanungin. Naginhale, exhale muna ako at ng handang handa na ako ay tinanong ko na sya.


"Spencer..matanong ko lang sana, j-jowa mo-o ba si-i Taylor?" nauutal kong tanong.


Nakita kong namula sya at parang nag-iisip ng isasagot nya sa tanong ko.


"Ah.. paano naman kami magkakarelasyon nyon e-eh ka-ibi-gaan ko yon. Ikaw talaga kung ano ano iniisip mo!" sagot nya.


May kutob ako na hindi sya nagsasabi ng totoo. Parang may tinatago siya na hindi ko dapat malaman! Kung ano man yon hahayaan ko nalang. Basta ang mahalaga walang relasyon si Taylor at Spencer, so pwedeng maging kami ni Spencer.


Inisip ko nalang kung ano ang pwedeng mangyari mamaya kapag nagconfess na ako kay Spencer. Baka layuan nya ako o kaya baka naman sabihin nya din ang nararamdaman nya sa akin. Chos lang! Bahala na lang si Tadhana, basta tadhana gawin moa ng lahat ng paraan para maging kami ni Spencer. 


A/N: Hello guys, may gusto lang akong ipromote sa inyo. Paread naman 'daw' po yung story ng classmate ko. Maganda sya at ang title ay "In the name of Love" Click nyo sa external link sa baba, Kakaupdate nya lang at meron na syang Chapter One to Chapter Three yun lang. Thank you! Dinedicate ko 'to sayo Shiela. HAHAHA


(VOTE, COMMENT, SHARE NAMAN DYAN OH! WAG MADAMOT.)



Olvasás folytatása

You'll Also Like

10.8K 363 29
⚠BXB ⚠Man 2 Man ⚠OPPA
140K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...
16.8K 1.3K 44
Pilipinas, 1872 Mula nang ipatapon sa malayong bayan ang kanyang pamilya, natuto nang magbanat ng buto si Linong upang matustusan ang pangangailanga...
15.3K 882 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...