I Love you MR. SUPERSTAR 💯

By Dream_Secretly

162K 2.3K 64

Hi xxbamchuxx thank you very much for the cover photo :) Malalabanan na kaya ni Llianizza Guevarra ang takot... More

I love you Mr. Superstar
PROLOGO
#Dreamers (PAST)
#Dreamers(SIMPLE US)
#Dreamers (AM I HAPPY?)
#Dreamers (WHAT TO DO?!)
#Dreamers(SORRY)
#Dreamers(I WANT HIM BACK!)
#Dreamers(OMG!)
#Dreamers (EMBARASSED)
#Dreamers (FOR SHORT TIME)
#Dreamers (HATE HER)
#DREAMERS (STAY WITH HIM)
#Dreamers (IS HE REALLY JEALOUS?)
#Dreamers (CARING)
#Dreamers (SUNDAY)
#Dreamers (HARD TO BELIEVE)
#Dreamers (IS HE STILL LOVE ME?)
#Dreamers (STILL HURTING)
#Dreamers (BACK TO SCHOOL)
#Dreamers (TOUR GUIDE)
#Dreamers (FIRST CLASS WITH THEM)
#Dreamers (STARING)
#Dreamers (AT HOME)
#Dreamers (BEFORE INTRAMS WE TALK)
#Dreamers (INTRAMS)
#Dreamers (FIELD TRIP)
#Dreamers (HURTING)
#Dreamers (PLACE OF MEMORIES)
#Dreamers (LOVE)
#Dreamers (CARE FOR HIM)
#Dreamers (SLEEP TOGETHER @ TENT)
#Dreamers (GOING HOME)
#Dreamers (ENCOUNTER WITH EVIL)
#Dreamers (VISITORS)
#Dreamers (BAR'S GRAND OPENING)
#Dreamers (HAPPY :))
#Dreamers (THANK'S)
#Dreamers (STILL LUCKY)
#Dreamers (ANGRY)
#Dreamers (SURPRISE!!!)
#Dreamers (HACIENDA)
#Dreamers (UNEXPECTED VISITOR'S)
#Dreamers (STRESS OUT)
#Dreamers (HIS REASON)
#Dreamers (HER HAPPINESS)
#Dreamers (NAKAKAASAR)
#Dreamers (PARTY GIRL)
#Dreamers (THE SUPERSTAR FEELINGS)
#Dreamers (PREPARING)
#Dreamers (BONDING)
#Dreamers (BUSHERS)
#Dreamers (GO HOME)
#Dreamers (BIKINI APRON)
#Dreamers (FIESTA O DELUBYO)
#Dreamers (SAVING HER)
#Dreamers (SAVE ME)
#Dreamers (BECAUSE HE LOVE ME)
#Dreamers (THIS IS NOT THE END)
#Dreamers (EPILOGUE)
Authors kadramahan note

#Dreamers (HURT TO SEE THEM)

2.6K 40 1
By Dream_Secretly

Napatingin ako sa oras, 2 hours pa bago magsimula ang unang klase namin.

Natapos ko na lahat ng dapat kung gawin, Pati na rin yung iba wala na ring trabaho kaya patulog tulog nalang sila Samantalang ako kahit anung pagpikit ang gawin ko di pa rin ako madalaw dalaw ng antok.

Nakakabored! Di ako sanay ng ganito, Yung walang ginagawa! Di naman ako pwedeng lumabas dahil tirik na tirik na ang araw baka mahilo pako....Di pa kasi masyadong naghihilom ang sugat ko sa ulo.

Tiningnan ko si Ador, Buti pa sya pabasa basa lang ng kung ano anong libro.

Haaay! Boring.....

"Oh bat ganyan itsura mo?" Takang tanong nya ng mapansin nya sigurong parang Down-to-earth ang mukha ko.

"*Sigh* Nakakabored kasi" Sagot ko.

"Tapos mo na bang Ireview ang mga binigay ko sayo?" Tanong nya.

Tumango naman ako "Oo..."

"Bat dimo Icheck yung mga facilities?"

Gusto ko! Kanina ko pa gusto pero......."Wala akong kasama" Nakangusong sabi ko.

Napangiti sya "Bat di mo ko subukang tanungin?" Nakangising sabi nya.

"Pwede ka ba? :)" Excited at tuwang tuwang tanong ko.

Natawa naman ito saka lumapit sakin "Pwede naman basta may libre akong lunch" Naka cross arm at nakangising sabi nito.

Nag akto naman akong nag iisip "Hmmm pag iisipan ko"

"Haha Tara..." Natatawa nitong inilahad ang kamay nya.

Malugod ko naman itong tinanggap "Tara na mister president" Biro ko.

---***---

"Anung una sa listahan mo?" Tanong nya paglabas namin ng office.

Tiningnan ko muna ang list of facilities na hawak ko bago ko sya tiningnan ulit "Yung Studio malapit sa office ni madam principal" Sabi ko.

Tumango tango lang sya "Tara..."

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa studio, Bakit kaya pinapa check pa 'to ni madam? Wala naman akong nakikitang problema sa mga facilities.

"Kailangan pa ba nating pumasok?" Tanong.

"Hmm oo, Kailangan daw kasing tingnan kung may sira ba madumi sa loob" Sagot ko habang nakatingin sa listahang bigay nya kanina.

"Ok! Tara! Mukhang wala pa namang tao sa loob" Yaya nya.

Tumango nalang ako at sumunod sakanya, Saktong bubuksan na nya ang pinto ng biglang may tumawag samin mula sa likod.

"Bakit?" Tanong ko.

Si mila pala, Assistant ni madam principal "Pinapatawag po kayo ni madam" Nakangiting sabi nito.

Para saan? Hmmm Im sure may ipapatrabaho naman ito saamin "Nasa office ba sya?" Tanong naman ni ador.

Tumango naman si mila "Oo....Pasok na kayo"

Tumango nalang kami at pumasok na sa office, Anu kayang ipapagawa samin?

"Oh, There they are" Si madam, habang nakaturo saamin.

Napatingin ako sa dalawang taong kausap nya kanina, Hanggang dito ba naman hinahabol ako ng malas?!! Di ba talaga ako matatahimik.

"Hi" Nakangiting bati ni nicole.

Palihim lang akong umirap, Napaka plastic!!! "Hi din" Si Ador na ang bumati.

Napaiwas lang ako ng tingin ng magkatitigan kami ni Austin, Sabi ko iiwasan ko na sya eh!! pero bakit nandito sya? Lalo na yang demonyita sa tabi nya.

I cleared my throat, Di dapat nila mahalata na naiilang ako....Professional na dapat ako para di ako matalo.

"Pinapatawag nyo daw po kami?" Baling ko kay madam.

Ngumiti ito sakin "Hmm yes llian......May ginagawa ba kayo ngayun?" Tanong nito.

Napatingin ako kay ador, Nagpapacute ang g*go kay nicole....Yuck! ha? pumapatol pala sya sa linta hahaha

"Hmm chinecheck po namin yung mga facilities na pinapatrabaho nyo sakin" Sagot ko.

"Ganun ba? Tamang tama pala" Tila naeexcite na sabi nito.

Kumunot ang noo ko "Bakit po?"

Tiningnan ko ulit si Ador, Leche! nagniningning ang mga mata nya habang nakatingin kay nicole...Ganun ba sya mainlove? Ang creepy kasi.

"Aray!" Daing nya nang sikuhin ko sya ng malakas "Bakit ba?" Bulong nya.

Sinamaan ko lang sya ng tingin "Umayos ka!" Pairap na sabi ko.

"Maayos naman ako ah!" Reklamo nya.

Umismid lang ako at nag cross arm, Nakakapang init sya ng ulo!

Napatingin ako kay Austin, Ghad! Nakatingin din pala sya sakin...Hmp! Pero di dapat ako maapektuhan sa tingin nyang yun, Wala na akong halaga sakanya kaya dapat kalimutan ko na rin sya.

Nagfake cough si madam kaya nabaling ang tingin namin sakanya "Tulad nga ng sinabi ko, Tamang tama lang rin pala at kayo ang pinatawag ko" Ulit nito.

"Bakit po madam?" Si Ador.... Haaay! salamat nagsalita na rin sya.

"Nangangailangan kasi ako ng magsisilbing tour guide para sakanila, At sakto naman na nag iikot ikot din pala kayo....So? Baka pwede nyo silang isama" Nakangiting sabi nito.

Gusto ko ngang umiwas ngayun! Tapos paglalapitan nyo kami! Wow!naman.....Kung pwede lang tumutol naku! Baka Nagwala na ko dito.

"Pwede naman po madam, Pero para saan po ba?" Argh! Kainis ka Ador!! Anung oo? Di mo ba ala-- Hay oo nga pala wala ka nga palang alam.

"Gusto kasi nilang malaman ang ibat ibang parte ng school natin, Dito kasi nila napiling mag aral!" Nakangiting paliwanag nito.

"ANU PO DITO NA SILA MAG-AARAL----" Napahinto ako nang makita ko ang kunot noong mukha nila madam at ador "----A-Ahh I m-mean, W-Wow ang saya! ang s-saya saya....." Whoa! Muntik na ko dun! Haist! Easy lang llian....baka mapaghalataan kang affected.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni ador.

"Oo...." Simpleng sagot ko sabay iwas ng tingin....Nakakahiya.

Grabe! Ang saya diba?! Haha yung mahal mo na di ka mahal makakasama mo dito at sa bahay haha ang saya....Sa sobrang saya naiiyak na ko at naaawa sa sarili ko.

"Tingin ko ayos lang naman sainyo na samahan nyo sila di ba?" Oo madam! Ayos na ayos!! :( grabe! Malas lubay lubayan mo ko.

"Opo naman madam! Swerte kaya natin at dito sila mag aaral" Si ador habang nakangiti ng malawak.

Isa pa 'tong ulupong na 'to!! Kainis sya ha! Dinadagdagan nya pa lalo ang problema ko!! Saka heller, Kasama nya kaya ako kaya dapat dalawa kaming nagdedesisyon dito.

Palihim ulit akong umirap "Y-Yes ayos lang samin...A-Ayos na A-Ayos lang" Sabi ko habang nakatingin ng matiim sakanila.

Dapat ngayun palang iwasan ko nang saktan ang sarili ko, Kahit minsan lang matingnan ko sila ng walang sakit na babakas sa mukha ko.

"Kung ganun, Lumakad na kayo para makahabol kayo sa una ninyong klase" Nakangiti pa ring sabi ni madam "Alagaan nyo silang dalawa maliwanag?" bilin nito samin na tila mamahaling dyamante ang dalawa at kailangang pagkaingatan.

"Opo madam" Sagot ni Ador.

Nauna na akong lumabas sakanila, Alam kong napapansin nila ang pagkabanas ko pero mas pinili nalang nilang manahimik, Pwera nalang kay ador na di ako tinitigilan sa kakakulit.

"May payong ba kayo?" Tanong ni ador sakanila, Nang makalabas na ang mga ito mula sa office.

"Wala nga eh" Si nicole ang sumagot saka ito tumingin sa araw "Tutuloy pa ba tayo? Mainit kasi eh....Baka magka allergy ako" May pagkamaarteng sabi ni nicole.

Umirap lang ako at pilit pinipigilan ang inis ko, Napaka arte na nga! Plastic pa!!

Continue Reading

You'll Also Like

27.1K 662 17
Rush is a sad man behind his playful aura, after his girlfriend Lia died from brain cancer. Sam is a victim of human trafficking but good thing she...
590K 14.1K 56
Galit siya sa akin dahil sa ginawa ng mga parents namin. Di ko naman kasalanan kung pumapaibig pa ang mga magulang namin. Nagkataon lang pareho daw s...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
248K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...