Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Beginning

1.4K 15 0
By PollyNomial


BEGINNING — Compliment


"Dad?" nanlalaki ang aking mga mata. I can't believe what I'm seeing. This is impossible, unreal. Nangako siya at hindi ko lubos maisip na kaya niyang kalimutan ang pangakong iyon.

Kumislap ang mga mata ng aking ama. Sa unang pagkakataon ay hindi ko mapangalanan ang nararamdaman kong ito dahil sa nakita.

"Elaine, it's for you. I thought it'd be best for you," natigil siya sa pagsasalita nang talunin ko ang distansya.

I jumped on him at ikinawit ko ang dalawang kamay sa leeg niya. "Dad! Thank you!" utas ko at naiiyak pa. I cried on his shoulders. I can't believe it! We're going home! After so many years of torture and sadness, I am finally going back to where I belong.

Parang napapalibutan ng maliliit at makikinang na bituin ang aking paligid. Nang patalunin ako ni dad upang makababa na mula sa kanya ay pinagmasdan ko uli ang hawak kong dalawang one way ticket. I hope he's not kidding this time. Maraming beses na itong nangyari, sa rami ay hindi ko na mabilang, ngunit ngayon ay heto na naman ako at umaasang totoo ito at matutuloy na talaga kami kami.

Nangako siya noon sa mommy ko na hindi na namin ito iiwan para lang bumalik sa Pilipinas. Ngunit ngayon ay heto! Babalik na nga kaming pamilya.

Inisa isa ko ang ticket upang mabasa ang mga detalye roon. Ngunit naglaho ang ngiti ko nang dalawa lang ang mabilang. "Two tickets only? How about mom?" tanong ko sa kanya.

Ngumiwi si daddy. He eyes glimmered with unknown emotion.

Bumagsak ang balikat ko at nawala ang aking ngiti. "She's not coming." Hindi na iyon tanong dahil alam kong iyon naman talaga ang mangyayari. "She's still not choosing us," pinutol agad niya ang tampo sa aking tono.

"Hey, that's not true. She is choosing us that's why she's staying here, darling. Alam mo naman na mahihirapang umuwi ang mommy mo. She can't just leave her job and come home with us," sambit niya.

I believe him but I can't just accept that reason. Ilang taon nang ganoon. Mom's always with her other family. I mean, 'yong pamilyang pinagtatrabahuan niya mula pa nung ipinanganak ako. Mas nagawa pa nga niyang alagaan ang pamilyang iyon kaysa sa amin na sariling pamilya niya. She's been with them for so long that she never had the chance to be a mother to me and be a wife to her husband. Kahit na sumunod kami rito sa Los Angeles, ganoon pa rin sitwasyon.

"We will go back to the Philippines and stay there until you graduate," ani dad na nakakuha ng atensyon ko.

Biglaang nabura ang galit sa dibdib ko nang marinig iyon mula sa kanya. Until I graduate what? "What, dad? Graduate from high school?" tanong kong hindi makapaniwala. Hindi ko na rin maiwasan ang saya sa aking tono.

Umiling si dad at natawa. "Oh, I'm not sure about high school, darling. Ang napag-usapan lang namin ng mommy mo ay patatapusin kita ng elementary sa Pilipinas. I'm going to take care of our business there and arrange things so we can finally migrate here for good,"

"Mom approved? Oh my gosh!" Ang palad ko ay nasa bibig na. We are talking about going back to the Philippines. Saka na muna ang nabanggit niyang migration namin dito sa Amerika. Kahit natakot ako roon ay saka ko na lang papansinin. I will deal with that topic some other time. But right now, what's important is I am going home!

Umikot si dad patungo sa kanyang mesa. May mga kinuha siyang papel doon at tiningnan isa isa.

Sinundan ko ng tingin ang mga papel at pinilit basahin ang malalaking letra sa ibabaw niyon. Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ay tumagilid na lang ang aking ulo.

"Hindi siya pumayag para sa high school?" tanong ko pang muli.

I'm excited! But I'll be thrilled if I will also stay for high school. Siguradong hindi matatapos ang mga kailangan ayusin sa Pilipinas ng dalawang taon lang. Dad's business was a big success in the Philippines and he will need to find someone that he could trust to manage the business while were here. Hindi mo mapagkakatiwalaan ng lubos ang isang tao sa ganoon kaiksing panahon.

Sumulyap muli sa akin si dad. "Just be happy that your mother agreed to my plans. Ilang beses na namin itong pinag-usapan at pumayag na siya sa wakas," aniya.

Nanlulumo ang kalahating parte ng katawan ko at ang kalahati naman ay hindi na magkandamayaw sa ligaya. Tumakbo uli ako kay dad para mayakap siya. "Thanks, dad! It's fine. You could talk to her about it some other time. I'm fine with just this." Halos maiyak ako sa pasasalamat.

Niyakap niya ako pabalik at nang humiwalay ay tumingin ako sa kanya. Nakanguso siya at sumulyap sa litrato namin nila mommy. "You're mom will see us tonight. Go to your room and prepare. Wear the dress she bought you," nakangisi si dad pero may iba pa akong narinig sa boses niya. Siguro ay pinag-iisipan na niyang kausapin si mommy tungkol sa kagustuhan kong magtapos na rin ng high school sa lupang sinilangan.

Bumungisngis ako nang halikan niya ang aking noo. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang lahat ng nararamdaman ko. My heart is overflowing with happiness.

It's been four years since we left the Philippines. Four freaking years and I haven't gone home even just for a vacation. Nakipagsapalaran kami ni daddy rito sa USA para makasama si mommy habang siya ay nagtatrabaho. My mom's an OFW and she's been living here eversince I learned how to crawl. Mula noon ay sa mga pictures ko na lang siya nakikita at nang mauso ang internet video calls ay Doon na kami nag-uusap. She can't leave her job. Kahit bakasyon ay hindi niya magawa. She's so dedicated and my father tought me that things should be handle seriously especially if it will do you good things. Nahirapan si mommy na umuwi dahil sa mga batang inaalagaan niya. Anak iyon ng kanyang mga amo na malaki na rin ang tiwala sa kanya.

It helped us. While she's working here, dad and I had a great life back in the Philippines. Nung kinder ako, at naiitindihan na ng kaunti ang mga maliliit na bagay gaya ng kung bakit sa picture o video ko lang nakikita si mommy ay nagkaroon na ako ng mga katanungan. Why does she need to leave us? Why is she taking care of another family? Can't we just live with her? Can't she just stay with us? At siguro ay napuno na ang parents ko sa rami ng aking tanong kaya naman lumipad kami patungo sa kanya. It was hers and dad's decision. Ginamit ni daddy ang perang iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang at ang salaping naipon niya mula sa itinayong negosyo upang maasikaso ang lahat ng papeles at pagpunta namin dito.

Naiwan ang negoyso ni dad sa kamag-anak namin sa Pilipinas at mula noon ay hindi na kami bumalik.

Napakalaking pagbabago ang aking dinanas nang makipagsapalaran kami rito. Naghanap ng maayos na apartment si daddy para sa amin at si mommy naman ay paminsan minsan sa amin umuuwi.

My dad is a go getter. Lahat ng pwede niyang gawin ay ginagawa niya nang hindi siya nabibigo. He put up a business and brought it here abroad. Hindi ko nga maintindihan kung paano iyon nagawa ni dad. Well, I'm too young to understand businesses like that. Kaya hindi na rin ako nagtatanong tungkol doon.

I have my own troubles to deal with. Bukod sa tampo ko dahil sa hindi madalas na pagpapakita sa akin ni mommy, may isa pa akong problema na nagsimula lang nung tumira kami rito sa US. I suffered from bullying. I experienced every kind of torture, teasing, and dreadful names given by my foreign neighbors and classmates. Lahat sila ay madalas akong inaasar dahil sa aking kulay at pananalita. I am not ignorant of their language. I can speak their language fluenty and I can even imitate their accent. Pero kapag nagsalita na ako ng tagalog, kapag kinausap ko na sila sa sarili kong wika, ibang klaseng pangungutya ang natatanggap ko mula sa kanila.

One time, they heard me talking to my father when he picked me up from school.

"Kumusta ang unang linggo ng anak ko rito?" tanong sa akin ni dad.

We were outside our classroom and some of the students were staring at us like we were some strange creatures.

Nag-init ang aking pisngi habang sumasagot kay dad. "Okay naman, dad. Ma... mababait naman sila," sagot ko.

And that was when they all laughed at me. We were kids. I thought it was just normal for all of us. Ang mang-asaran dahil hindi pa namin kilala ng lubos ang isa't isa. But it wasn't normal. For all the years I've lived here, wala na akong naranasan mula sa kanila kundi ang pangungutya at mabalewala dahil ako ay naiiba.

That was four years of agony. Nasasaktan ako, naiiyak, nawawalan ng gana sa pag-aaral dahil lang sa kanila. But I didn't give up. Am I giving up for a stupid reason? Kung kaya nila akong asarin sa tuwing nakikita nila ako, kaya ko naman silang tiisin sa tuwing nakikita ko sila. I am like my father. I never give up. Lalo na kapag alam ko namang kaya ko pa.

"Be good, okay?" utas ni mommy nang kami ay nasa airport na. Ngayon ko lang uli siya nakita matapos ng isang buwan. She's giving me a look like I am going to do something wrong once I step foot on my own land.

Ngumuso ako upang pigilan ang pagsimangot. Pinilit kong ngumiti. "Yes, my."

"And remember, uuwi kayo ng dad mo after you graduate. Ihahanap na kita ng magandang school and then I'll start saving for your college," ngumiti siya at hinaplos ang aking ulo.

Yumuko ako. Babalik kami rito kapag high school na ako. And then I will also spend my college life here. Kung gayun ay bakit pa kailangan umuwi ng Pilipinas? Pinapaasa lang naman niya ako. Sana ay napapayag na rin siya ni dad na roon na kami tumira at sumama na siya sa amin pauwi. Tutal naman ay marami nang pera si daddy at hindi na niya kailangan magtrabaho.

Nang lumapag ang eroplano ay hindi na magkandamayaw ang mga anghel sa tiyan ko. They are all flying freely and singing songs of joy. Sobrang saya ng pakiramdam ngayong naaamoy ko na ang simoy ng hangin sa Pilipinas. It's polluted, yes, but still better than the cold air in the US.

"This is our new home!" ani dad nang bumaba kami mula sa kotse.

Tumawa ang Tito Ariel na ngayon ko na lang uli nakita matapos ng ilang taon. "Ipinundar ito ni William," tinapik niya ang balikat ni dad.

Tumakbo agad ako sa nakabukas na gate. Di hamak na mas malaki ito kaysa sa apartment na tinirhan namin noon. This is definetly my home!

"Grade five ka na pagbalik mo sa school," ani dad nang nasa loob na kami ng eskwelahang papasukan ko. Mabilisan ang pag-e-enroll ko dahil huli na kami sa schedule ng school. Kaunti na lang ang nag-e-enroll ngayon araw.

Malawak ang ngiti ko habang sinisilip ang hawak niyang papel. It's my birth certificate and some papers for the requirements needed. Tumatalon sa tuwa ang puso ko at ang sigla sigla ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, ito na ang simula para sa akin. I was so young when we migrated in the US. Now that I am back, I will begin a new life and forget all the bad experiences.

It was a private school near our subdivision. Hindi na ako nagreklamo sa pamimili ni dad ng school. Basta sa Pilipinas, ayos lang sa akin. Tuwang tuwa ako nang makakita ng mga babae at lalaking kakulay ko. Yes, some of them are fairer than me but it's okay. At least they all speak my language and they won't think of me like I'm an alien like the kids in my former school. Hindi ako makapaniwala at para nga talaga akong alien nang mapansin ang kanilang mga itim na buhok, pango o matangos na ilong, at hindi katangkaran na height ng mga bata. Para na namang ibong nakawala ang mga anghel sa katawan ko.

"Hi!" bati ng isang batang babae sa akin na halos kasing tangkad ko lang. Tiningnan niya ang kulay pink kong bag na may mukha ni Barbie. "Ang ganda naman ng bag mo!" masigla niyang sabi.

Tumibok ang puso ko sa tuwa. Sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng pamumuri. "Talaga? Binili 'to sa akin ng daddy ko," sabi ko, nagmamalaki.

"Ako rin, eh. Binili ng papa ko itong bag ko. Look!" aniya at ipinakita sa akin ang bag na Bratz naman ang nakadisenyo. Nanlaki ang mata ko sa paborito kong character na naroon.

"Wow! Favorite ko 'yang si Chloe!" natutuwa kong sabi at tinuro ang isa sa mga nakadisenyong Bratz.

"Parehas tayo," ngumisi siya at kinuha ang kamay ko. Nabigla ako nang iwagayway niya iyon. "Ako nga pala si Celine. Ikaw, anong pangalan mo?"

"I'm... ako si Elaine," sumigla ang buong katawan ko.

Mula nang araw ng iyon, naging makaibigan na kami ni Celine. Uhaw na uhaw ako sa kaibigan. Siya ang unang taong nagustuhan ko at nagustuhan ako bilang kaibigan. Pinagkaitan ako nito nang lumipat kami sa ibang bansa. Now that I have a friend, I'll surely treasure it. I'll be the best friend ever!

Sayang lang at hindi kami magkaklase. Nagkikita lang kami tuwing recess o lunch. Parehas kami ng grade at nabanggit niyang may kapatid pa siyang nag-aaral din dito at ka-level lang namin. Sa hanay ng mga classrooms, dalawang room ang pagitan naming dalawa.

"Classmate mo ang kakambal ko," aniya nang malamang section Obedience ako.

Nanlaki ang mata ko. Inalala ko kung may kaklase ba akong kamukha ni Celine. "May kakambal ka?!" tanong ko gulat dahil wala akong maalala. Dapat napansin ko na iyon dahil isa isa kaming pinakilala sa harap.

"Oo!" aniya at kumagat sa cheese cake na baon ko at ishinare sa kanya. "Ayun siya. Conrad!" sigaw niya sa tinuro niya sa akin. Isang batang lalaki na mas maliit sa akin ang naroon.

Nakatalikod ito at may kausap na nakilala kong kaklase namin. Nakita ko nga siya kanina. But I was to nervous kanina nang malamang magpapakilala kami sa harap kaya hindi ko na naalala ang pangalan niya. Mas maputi siya kay Celine ngunit itim na itim ang buhok.

"Lalaki?" nagtataka kong tanong. And then I realize na pwede nga pala iyon. Napag-aralan ko na 'yon noon. It's what they call fraternal twins.

"Yup," aniya.

Nakipagdibdiban ang kakambal ni Celine sa mga kaibigan nito. Tinititigan ko siya. Conrad, huh? They're name both start with the letter C. Bukod doon ay maghahanap pa sana ako ng kanilang pagkakapareho pero wala naman akong makuha dahil hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha. Ang mukha ni Ben 10 ang nakabalandra sa harap ko na nakadisenyo sa kanyang bag.

"Ayaw akong pansinin ah," sabi ni Celine at umiling. "Halika. Puntahan natin, ipapakilala kita," napabaling ako sa sinabi niya.

Tumayo siya mula sa table namin at lumapit sa kanyang kambal. Hinila niya ang braso nito at ang gilid ng mukha nito ang unang naaninag ko. Agad na kumalabog sa kaba ang dibdib ko. What if he won't like me? Mabilis ang paglapit nilang dalawa kaya mabilis din ang paglago ng kaba.

Nakangisi ang mukha ni Conrad nang humarap siya. Tahimik lamang ako at tinigil ang pagkain ng cheese cake nang palapit na sila. Ngumuso ako nang natawa pa siya habang kapit siya ni Celine.

"Yuck! Your hand is wet, Celine," humalakhak si Conrad. Ibang iba sa matitigas na ingles ng mga nakilala ko noon sa US ang kanyang tono. Walang bahid ng kasungitan at puro kapilyuhan lang ang naroon.

Sa unang kita ko pa lang sa kanyang mukha, alam ko na na napakamasiyahin niyang tao. Ang paglabas ng kanyang magagandang ngipin ang ebidensya roon.

"Shut up," ani Celine. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Con, this is Elaine. Elaine, this is Conrad," tinuro niya kaming dalawa. "She's my friend. Nakilala ko siya noong enrolment at classmate mo siya," aniya.

Parehong ngumisi ang dalawa. Napansin kong pareho ang kanilang mga ngiti. Malapit din ang hitsura nila lalo na ang kanilang mga mata. Tumayo ako at lumapit. I am taller than him. Hanggang kilay ko lamang siya kaya naman nakadungaw ako habang nakatingala siya.

"Hi," ngumuso agad ako para mapigilan ang ngiti. Namamangha kasi ako na kambal silang dalawa. Namamangha rin ako na mas matangkad ako sa kanya.

"Hi, Elaine. Nakita kita kanina sa classroom. You were so nervous nung nagpapakilala ka," tumawa siya.

Uminit agad ang pisngi ko sa kahihiyan. Hindi ko naramdaman ang pangungutya gaya ng mga kaklase ko noon dahil alam kong nagbibiro lamang siya at hindi seryoso. "Kinabahan kasi ako," sagot ko na lang.

Tumango siya at gumalaw ang kanyang labi. "Unlike my twin, huh? Makapal ang mukha nito," humalakhak siya nang hampasin siya ni Celine. "Are you really friends with her?" tinuro niya ang kapatid na parang hindi niya ito kilala. "Baka maging weird ka rin tulad niya."

Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako sa puntong ito. I already have one friend but I want more. Si Conrad, gusto ko rin siyang maging kaibigan kagaya ni Celine. I hope that he also wants me to be his friend.

Ngumisi na rin ako ng kagaya sa kanya. "Hindi naman siguro," sagot ko.

Tumagilid ang ulo niya habang pinagmamasdan ako. I suddenly feel embarrassed. Matagal siyang nakatitig lang sa aking mukha. "Guess so. You're prettier than may sister naman." Kung hindi lang siya tumawa ng nanunuya ay maniniwala na dapat ako.

He's teasing me pero mas magaan iyon sa pakiramdam kaysa sa mga pang-aasar na naranasan ko noon. He said I am pretty. It's a compliment, right? Kahit na tumatawa siya?


Continue Reading

You'll Also Like

64.4K 1.8K 50
The Captivating Chaos Series #1 | Unpleasantly Captivating | COMPLETED Kyst Hames Lozano is the main vocalist and guitarist of The Captivating Chaos...
29.7K 837 40
MONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Al...
69.8K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
17.7K 259 58
Agape Sanguine Laude is a woman that should have lots of friends and should be respected highly. But in the place she stays, she has neither of those...