MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

268K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

SELFISH MOVE

6.5K 224 16
By ajldlkbv20

CHAPTER 16



Dalawang araw nalang ay babalik na si Althea dito sa Pilipinas. Araw-araw parin kaming magkausap and we still continue treating each other like actual girlfriends. On the other hand, I'm also still preparing myself to let go and give up kapag dumating ung time na malaman ni Cathleen ang ginagawa namin. Alam ko kasing hindi siya kayang iwan ni Althea.


Ang tanga ko no? Nagpapanggap na pwedeng maging kami. Nagpapanggap na dadating ung time na kaya niya rin akong ipaglaban. Nagpapanggap na balang araw makukuha ko rin ng buo si Althea. Nagpapanggap na pwedeng manalo kahit nung hindi pa man ako tumataya, alam kong talo na ako. Hindi na tama eh. Pero ito ako ngayon... nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Nagpapakatanga para kay Althea. Eh wala, mahal ko eh.


However, she is actually making me feel like things can really change. Mas ipinaramdam niya kasi sakin kung gaano ako kaimportante sa kanya. Right now, pinag-uusapan namin kung kailan nagsimula ang nararamdaman namin para sa isa't isa.





(AN: Pips, same format parin po tulad ng previous chapter! ✌️)



Ako kasi nagkaroon na ng feelings nung first time mo akong dinala sa rooftop. Nafeel ko kasi nun na kahit wala akong sabihin, hinding-hindi mo ako iiwan. I've never felt more secured my whole life.

Wow, lablab. Ang tagal na pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?

Para ano? Para mailang ka lang sakin? Eh hindi pa nga tayo sobrang close nun. Tsaka kahit ako mismo, hindi pa sigurado sa nararamdaman ko nun. Haha. Ikaw ba lab, kailan nagsimula?

Hindi ko rin alam lablab eh. Pero kasi nung marealize ko na parang iba na... un ung after mo akong alagaan one time nung may sakit ako? Naalala mo pa un?

Naaalala kong pumasok ka na may sakit, pero hindi ko maalala kung ano mga ginawa ko. Hahaha. Ano ba ginawa ko nun, lablab?

Wala lang. Super sweet mo kasi nun, lab. As in, daig ko pa baby. Ni hindi mo nga ata ako pinakilos nun eh. Maya't maya pa ang tanong mo kung okay lang ako. Hahaha. Natuwa ako kasi sobrang caring mo. Un pala may halo ng kilig ung tuwang un. Nyaha.

Haha. Sira ka talaga. Eh masyado mo kaya akong pinag-alala nun. Syempre ayokong mapano ka.

Kita mo na? Ang sweet-sweet talaga ng lablab ko. Hahaha.

Baliw! Haha. Nga pala lab, magkikita-kita kami ng college barkada later after work. Sort of reunion narin. So baka hindi ako masyadong makapagtext mamaya.

And by college barkada... ibig sabihin ba kasama si David? Ung ultimate crush mo?

Infairness lab, abot hanggang dito ung selos mo. Hahaha. Opo, kasama siya. Pero you don't have to worry dahil marami naman kami.

Hindi ako nagseselos, lab. Wala naman akong karapatan magselos eh. Tinanong ko lang.

Alam ko. Sinasabi ko lang rin. And you trust me naman diba, lab?

It's not about having trust on you, lab. It's about me not having the right to get mad or even irritated. Kasi hindi ka naman sakin eh.

Althea, you're being unfair right now.

Eh ganun naman kasi talaga ang buhay. Sobrang unfair.

Okay, you know what... let's just talk later. Ayokong mag-away tayo nang dahil lang dito.






Hindi na muna ako nagmessage ulit kay Althea after nun. Inisip ko na baka pagod lang un or inaantok dahil anong oras na dun sa kanila. Ayoko ng ganitong usapan kasi nagiging mas magulo ang lahat.


You know the feeling na she can actually feel like she owns me, in a way, kasi hindi naman talaga ako taken? Ung pwede akong angkinin kasi wala namang may nagmamay-ari sakin at wala pang kaagaw? Pero ako... ano bang pwede sakin? Meron ba? Sana naman isipin ni Althea kung gaano ka-unfair un. Hindi na nga ako nagrereklamo eh. Kaya sana wala naman ng gantong usapan; kasi kung karapatan lang ang pag-uusapan, lamang na lamang na ako sa pagkawala nun.


Tinignan ko nalang ulit ang phone ko pagkatapos ng trabaho. Wala rin namang ibang message si Althea besides a simple I love you which was sent more than 30 minutes ago. I decided to just reply later kapag kasama ko na ang mga kabarkada ko.




...



After 35 minutes...




Lab, kasama ko na barkada ko. Text nalang kita mamaya kapag pauwi na ako.




She didn't reply right away. Kaya late ko narin nabasa ung mga next messages niya.

I wanted to spend a few hours just having fun and away from work. Nakakapagod kasi ang trabaho the past week dahil mag-isa akong kumikilos sa office. Gusto ko rin munang ilayo ang isip ko sa komplikadong sitwayson na meron samin ni Althea, but I still made sure na walang mangyayari na ikakagalit niya.

It was already around midnight when I arrived home. Hindi ako nakapagtext kay Althea dahil nalowbat na ang phone ko bago pa man kami matapos ng barkada. Chinarge ko kagad un pagkadating ko ng condo, pero nagbihis muna ako bago i-check ang messages ni Althea. And for the second time around, na-stress na naman ako sa mga nabasa ko. Stress in a good way... if that's even possible.





Lablab ko, sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ako nainis kanina. Sorry, para akong sira. Dapat okay lang sakin lahat eh, kasi ako mismo ang nagsabi na hindi kita kayang panindigan; na hanggang dito lang ako.

Pero lab, bakit ganun? Iniisip ko palang na may nagpapakilig or nagpapasaya sayo na ibang tao, pakiramdam ko nadudurog na ako. Parang hindi ko kaya.



Sa point palang na 'to, gustong-gusto ko nang magreply kasi parang ang selfish masyado eh diba? Ang unfair. Pero marami pa kasing kasunod na mga message un.



Ang hirap pala, lab. I'm sorry for being like this. Hindi ko alam kung bakit pagdating sayo ang selfish ko. Sorry hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin.



Halos 40 minutes ang pagitan ng tatlong message na un sa mga sumunod.



I love you so much, Jade Tanchingco. Narealize ko ngayon na hindi ko kakayanin kapag nakuha ka ng iba. Gusto kong subukan na ibigay ung mga dapat na ibigay sayo. Kahit mahirap, susubukan ko.

Lablab ko? Galit ka ba? Sorry na po. Hindi na mauulit. Babawi ako, promise.

I miss you, and I can't wait to see you. Pag-uusapan natin 'to, lablab. Okay?

Lablab ko, nakauwi ka na ba? Hindi ka na nagrereply. Please, wag na magalit.

I love you.




The last message was sent just around 15 minutes ago. I assumed na hindi naman siya tulog or anything. Tanghali narin dun sa New York ngayon. So nagmessage na ako sa kanya.



Nandito na ako sa condo, lab. Halos kauuwi lang. Sorry, nalowbat ako. I'm not mad. Iniiwasan ko lang na may pag-awayan tayo, lab. Everything's good, don't worry. I love you too.



Ayoko na masyadong i-discuss kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga previous messages niya dahil feeling ko mapupunta na naman kung saan ang usapan.

She replied right away.



Okay, lablab ko. Tulog ka na po. Maya nalang ulit tayo usap pagkagising mo. And of course, pagkabalik ko. Hintayin mo ako ha. Miss mo rin ba ako, lab?

Oo naman, lab. Yang mga ganyang tanong, hindi na dapat itinatanong yan. Haha. See you soon, lablab. Later nalang ulit ha? Inaantok na po ako eh.

Yes naman. Hahaha. Okay, lablab. Sweet dreams. I love you.

I love you too.



//




Nag-aya ng dinner si Batchi ngayon para sa pagbabalik ni Althea. Magkakasama na kaming tatlo ngayon nila Batchi at Wila habang hinihintay naman namin sila Althea at Cathleen.


Obviously, I don't really know how to feel about that. Ngayon palang kami magkikita ni Althea na aware kami sa feelings ng isa't isa. And honestly... kinakabahan ako. Kasi hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin. I need to act normal around them. Buti nalang nasabi ko na kay Batchi ang lahat kahapon kaya pwede niya akong saluhin if ever things go wrong.

Ang plano ko ngayon ay ilayo ang atensyon sa dalawa as much as possible. Mas kakausapin ko muna sila Batchi at Wila. I know I'll be in the most awkward position today.




"ALTHEAAAA!!! Namiss ka namin." Nakuha ni Wila ang atensyon ko nang sumigaw siya pagkakita niya sa kaibigan. Tumakbo ito palapit sa dalawang bagong dating at niyakap ang kababalik lang galing New York.

Natawa lang si Althea at bigla naman akong tinignan habang nakaabay si Wila sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko malaman kung paano ipapaliwanag ang naramdaman ko. I wanted to tell her I miss her, but I can't. I wanted to hug her, but I can't. I can't, because things are different now.


"Tsong, asan na mga pasalubong namin?" Biro kagad ni Batchi pagkaupo nila Althea at Cathleen.

"Sinabi ko bang meron?" Pang-asar naman ng kaibigan.

Nagtawanan ang lahat at napakamot nalang sa ulo ang butch.

Napuno ng biruan at kulitan ang dinner namin, but just like what I planned, I didn't talk directly to Althea that much. Nagkaroon lang kami ng direct conversation dahil kinumusta niya ang project namin, but other than that, wala na. Puro asaran lang na inuumpisahan ni Batchi at sinasabayan ko naman. Sa tingin ko ay naging maayos naman ang pagkikitang un.



...



SA PARKING AREA


Pinigilan ako ni Batchi na umalis kagad dahil gusto niya raw akong kausapin saglit. Hinayaan muna namin na maunang umalis sila Althea, Cathleen, at Wila bago kami mag-usap. Hindi naman nakaligtas sakin ang mga tingin samin ni Althea bago tuluyang makaalis ang sasakyan nila.


"Ano Jade, kamusta?" Tanong ng kasama ko.

"Ayos lang." Simpleng sagot ko at nakita kong hindi siya nakuntento. She was waiting for me to continue. I knew she was asking about Althea.

"I'm glad that she's back. Okay kami. Wala namang anything kanina diba? We're good." Dagdag ko.

"Good ba talaga? Eh halos hindi ka nga makatagal ng tingin sa kanya kanina. Ramdam ko ung ilang mo, Jade. Lalo na ang tensyon sa inyo. Buti nalang hindi nakahalata sila Cathleen at Wila."

"Eh syempre Batch, hindi naman madali ung sitwasyon eh. Pakiramdam ko ang traydor kong kaibigan kay Cathleen. Umalis lang si Althea, tinira ko na. Who even does that?" Nakailing kong sagot.

"Dude, baka nakakalimutan mong hindi lang ikaw ang may nararamdaman? Parehas kayong umamin. Kaya wag mo masyadong idiin ang sarili mo. Mag-usap kayong dalawa, Jade. Alam kong nahihirapan din si Tsong." Sermon niya sakin.

Bago ako makasagot sa kanya, bigla namang tumunog ang cellphone ko. It was a text from Althea. Nakakaramdam ba 'to na pinag-uusapan namin siya? Weird.




*ALTHEA*
Magkasama pa ba kayo ni Batchi? Nasan na kayo?




Nagtaka ako sa tanong niya kaya ipinakita ko ang text sa kasama ko. Sabi ni Batchi sakin, pakiramdam niya ay may balak gawin ang kaibigan. Nahalata ko naman ang pagkakaiba ng text na un sa mga message ni Althea sakin noong nasa New York pa siya.




*JADE*
Oo, magkasama pa kami. Hindi pa kami umaalis ng parking lot.




Naghintay kami ng ilang minuto sa reply ni Althea pero nagulat kami na ang sumunod na tumunog ay ang phone na ni Batchi at hindi ung sakin. Ipinakita niya sakin ang text pagkatapos niyang basahin, at nalaman kong si Althea din ang nagtext.




*ALTHEA*
Tsong, wag muna kayong umuwi please. Punta kayong dalawa ni Jade sa maliit na park malapit sa condo ni Cathleen. Alam mo na un diba? Sunod ako dun mamaya. Kailangan lang namin mag-usap ni Cathleen.




Parehas kaming naguluhan ni Batchi kung bakit kami pinapasunod ni Althea doon, pero pumayag naman kami sa gusto nito. Mukhang tama nga si Batchi, may balak 'tong si Althea.



//



SA PARK


Pagkababa namin ng sasakyan, nakita kong hindi maipinta ang mukha ni Batchi. Para itong may halo ng tuwa, lungkot, gulat, at kaba. Tinanong ko siya kung anong nangyari, pero hindi niya ako sinagot at inaya nalang ako umupo sa isang bench. Inisip ko tuloy kung dapat ba akong kabahan; but I didn't force her to tell me 'cause I know she'll talk if she wants to. We stayed silent for a few minutes. I used to be the one who break the silence in every conversation, but this time, it was Batchi's turn.

"Jade, paano kung itigil ni Tsong ung sa kanila ni Cathleen? Anong gagawin mo?" She asked.


Ayos din talagang makatanong 'tong si Batchi eh no? The question bothered me not because I think it's impossible to happen, but because I've never really thought of it. Hindi ko na kasi sinubukan pang isipin kasi itinatak ko na ang sinabi ni Althea na hindi niya ako kayang panindigan. Pero dahil sa tanong ni Batchi, biglang bumuo ang isip ko ng mga what ifs. Both positive and negative what ifs. Like...


What if itigil nga ni Althea, anong plano ko? Itutuloy ba namin ung samin? Pero what if sabihin naman niya na itigil na namin ung samin, papayag ba ako? What if sabihin niyang kalimutan nalang namin ang nangyari at bumalik nalang sa dati, makakaya ko kaya? What if...




"Hindi ko rin alam, Batch. Honestly, wala akong plano. Pero kung ano man ang maging desisyon ni Althea, pipilitin kong intindihin un. Siya ang iniisip ko. Ayoko siyang masaktan at mahirapan, 'cause I don't think I can handle that. Okay na ung ako nalang dahil sanay naman na ako. Basta wag lang siya." Paliwanag ko sa kanya.

"Pero ano ba ang sabi sayo ni Tsong? Anong plano niya?" I can feel her eyes on me which made me feel like she's trying to look for a go signal from me. A signal for what exactly? I don't know.

"Ewan ko. Ang labo eh. She told me she would try to do something. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig niyang sabihin dun."

Batchi didn't answer for a couple of seconds. Tinignan ko siya at napansin kong mas kalmado na ang mukha nito. I know she wants to tell me something. I just know. All I need to do is ask.

"Batch, anong nangyari? Bakit tayo pinapunta ni Althea dito?"

She sighed before replying. Then she looked at me again.

"Kanina nung nasa biyahe pa tayo, tinanong ko si Tsong kung ano ang pinaplano niya dahil nga kilala ko siya. Alam kong may gagawin un. Tapos ang sabi niya sakin, kakausapin niya daw si Cathleen." She paused for a bit, unsure if she should continue. I just let her, and didn't interrupt.









"Jade, she'll end things with Cathleen."


















Shit.




















Double shit! I'm seriously freaking out. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi ni Batchi. Honestly, walang tuwa na pumapasok sa puso ko. All I can feel is fear, kasi nag-aalala ako. Hindi madali ang gagawin ni Althea dahil ilang taon silang naging ganun ni Cathleen. Alam ko rin na magiging sobrang sakit para kay Cathleen nun. I've been there. Ganun ang ginawa sakin ni Lauren diba? Halos hindi ko kayanin un. Paano nalang si Cathleen? Sabi nga ni Batchi parang masyado na siyang dependent kay Althea. How will she handle it then? Ano ba! Gulong-gulo na ako.






"At feeling ko, hindi maganda ang kalalabasan." My thoughts were interrupted as Batchi continued.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko kakaisip sa sitwasyon namin. Ilang minuto na naman kaming natahimik ng kasama ko. Napayuko nalang ako.

The next thing I knew, papalakad na si Althea sa kung saan kami nakaupo ni Batchi. Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghintay. Tinignan ko ang katabi ko bago pa man tuluyang makalapit si Althea, at nakita kong pati si Batchi ay parang problemado at kinakabahan din sa nangyayari.

Nagtama ulit ang mga mata namin ni Althea nang makapwesto siya sa harapan namin ni Batchi. Her eyes were swollen. Halatang kagagaling lang sa iyak. Is that a good thing or a bad thing? Let's find out.



"Okay ka lang?" I asked even though it was pretty obvious that she isn't. Stupid Jade.

I didn't get any answer. Not even a nod or a head shake. Nagkatinginan tuloy kami ni Batchi at mas lalong kinabahan. I didn't want to trust what I was feeling, so I decided to let Batchi do the talking.

"Tsong, anong nangyari?" She asked.

Tinignan ni Althea ang kaibigan, pero hindi ito nagtagal dahil ako naman ang sunod na tinignan niya. Her eyes remained steady on mine. But for the first time, nagawa kong talunin si Althea sa titigan. I know something's really up 'cause she always wins.

Nagulat ako nang may makita akong luha na biglang tumulo sa mata ni Althea. I could feel her eyes asking for forgiveness. Magtatanong na sana ako pero bigla siyang nagsalita. Then I understood.




























"I made it official."
























SOOOOOORRY!!! Wag po kayong magalit. Promise, endgame ang JaThea dito. Chill lang tayo. Haha. ❤️❤️❤️

Gaiz, may share ako! Napapayag ko na ung isang kaibigan ko na manood ng TRMD, kaya mag-o-overnight siya sa bahay for 2 days. We'll watch it together!!! Magkakaroon din kaya siya ng JaThea/RaStro fever after? Magkakaalaman bukas. WOOOO!! Malakas ang tiwala ko sa powers ng mag-lablab. Sure akong matutunaw din un sa kilig. HAHAHAHA.



Continue Reading

You'll Also Like

325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
403K 14.5K 53
"what will i do para makabawi ako sayo?"...malumanay kong sambit sa kanya. "be my bride . . . . . . . . . . . my substitute bride" . Isang kasunduan...
208K 6.9K 34
When it comes to love, Glaiza Del Cuestro follows 3 simple rules. First, never fall in love with a straight girl. Second, never fall for a close frie...