The way I was

By xxakanexx

2M 60.3K 7.8K

What will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 ... More

The way I was
Prologue: Green eyes
1. Where is home?
2. Hazel Eyes
3. Dante, masakit
4. Again
5. Soul
6. Chaos
8. News
9. Nostalgia
10. Mahal
11. Bad news
12. Explosives
13. Billboard
14. Game Change
15. War
16. Paninindigan
17. Usap-usapan
Epilogue: Spiel

7. Crossroads

88.3K 2.7K 441
By xxakanexx

"Hati may naghahanap sa'yo!"

Alas siyete nang umaga nang gisingin ako ni Kimberly dahil nga may naghahanap sa akin. Hindi ako agad dumilat dahil baka mahalata niyang mugto pa rin ang mga mata ko dahil sa gabi-gabing pag-iyak mula nang huli kong makausap si Dan-Hyron Demitri. May parte sa akin na iniisip na sana'y puntahan niya ako para muli ko siyang makausap. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa rin siya – ang kaso nga lang hindi ko makalimutan ang pagsisinungaling niya.

Siguro ay magmumukha akong sirang plaka sa kakasabi niyon sa kanya.

Napilitan akong bumangon nang yugyugin ni Kimberly ang balikat ko.

"Hati, h'wag mong itago sa akin ang mga mata mo. Alam kong miiyak ka. Dalawang linggo ka nang gabi-gabing tumatangis diyan sa ilalim. Hello, iyong jugjugan ka namin ng syota ko dama mo, iyon pa kayang iyak mo? Hala! Bumangon ka at may nag-aabang sa'yo!"

Bumaba ako mula sa kama at nagdiretso sa banyo sa labas. Katatapos lang maligo ni Joshua – iyong bagong head waiter namin at nakasalubong ko siya doon. Nakatapis siya ng tuwalya. Hinarang niya pa nga ako na tila ba balak niyang magtagal para makita ko ang katawan niya. Hindi ko naman siya tiningnan.

Pumasok na lang ako sa banyo at naghimalos, sepilyo tapos ay tinitigan ko ang sarili ko. Pinapagod ko ang katawan ko sa trabaho para sa gabi ay tulog na lang ako. Pero hindi pa rin epektibo. Umiiyak pa rin ako. Katunayan niyan, hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil sa kakaiyak ko kagabi. Nagsuklay lang ako tapos ay bumaba na. Hindi ko alam kung sinong naghahanap sa akin. Wala naman akong kaibigan dito sa siyudad kaya sino ang taong iyon?

Nang makababa ako ay natagpuan ko si Hunter Demitri sa sala na tila ba inip na inip na. Natigilan ako. Dumako naman ang mga mata niya sa akin. Nang makita ako ay inis siyang tumayo.

"What took you so long?! I've been waiting here since forever! Hindi naman dahil sinabi ko sa'yong gusto kita, magfi-feeling ka na! Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako!" Sigaw niya sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko. Sa inis ko ay hinampas ko ang labi niya.

"Hindi mo ako pinapalamon kaya 'wag kang sumigaw sa akin! Ulol!" Akmang tatalikod na ako nang hatakin niya ang kamay ko palabas ng bahay. Nagpupumiglas ako dahil ayoko namang sumama sa kanya. Hindi pwedeng sabihin sa akin na bayad ang gabi ko dahil off ko sa trabaho ngayon.

"Bitiwan mo nga ako! Babayagan kita sa lalamunan!" Sigaw ko sa kanya. "Tulungan ninyo ako! Kini-kidnap ako nga sira ulo!"

Lahat ba ng kapatid ni Hyron Demitri, mainitin ang ulo at masama ang ugali?

"Hahalikan kita kapag hindi ka tumahimik diyan!" Sigaw niya sa akin. Bigla ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngumisi siya tapos ay binitiwan ako. Isinakay niya ako sa kotse tapos ay yumuko siya. Nagulat ako. Halos magdaiti na kasi ang mga mukha namin. Nakangisi pa rin siya habang kinakabit ang seat belt sa akin.

Napalunok ako.

"Tarantado." Sabi ko sa kanya. Napasinghap ako ng hagkan niya ang gilid ng labi ko.

"You talk, I kiss you. That's the deal, Lulu."

Umalis siya at umikot para naman siya ang sumakay sa kabilang side. Hindi ko talaga maintindihan ang taong ito. Ang akala ko'y nag-usap na kami noong nakaraan na lulubayan niya ako pero heto na naman siya.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo noong nakaraan na hindi dahil gusto mo ay makukuha mo? Hindi naman ako bagay, Hunter." Wika ko sa kanya. Sinulyapan niya lang ako.

"What I want, I get." Kinindatan niya ako.

"Pero hindi mo ako gusto. Akala mo lang iyon pero ang totoo, nagkakamali ka lang." Hindi naman siya nagsalita. Napabuntong- hininga na lang ako.

"Manahimik ka na lang diyan, Lualhati, baka kapag nagsalita ka nang nagsalita, halikan kita at kahit ayaw mo, makagawa ako ng bagay na gusto ko pero ikamumuhi mo sa akin." Tiim ang mga bagang niya. Lalong hindi ko siya maintindihan. Anong bagay naman iyon?

"Ano? Gagahasain mo ako?" Sinabayan ko ng pagak na tawa ang mga katagang iyon pero sa totoo lang ay kinakabahan naman ako.

"Bakit hindi? Ang laki ng space sa likod nitong Jaguar ko."

Nanlaki ang mga mata ko.

Totoong tao ba siya?

May tendency ba siyang ganoon? Sigurado ba siya sa sinasabi niya?

Hindi na ako nakasalita dahil sa takot at kaba. Hindi naman nagtagal ay pumasok kami sa isang exclusive village. Napanganga ako sa ganda ng mga bahay na iyon tapos ay napakamoderno. Sa pinakadulo ng village ay may isang mataas na burol. Sementado naman ang doon na tatahakin doon at sa tuktok noon ay may isang bahay na halos gawa sa salamin.

Bigla ay bumalik sa akin ang alaala ng isla at ang alaala ng bahay ni Dante. Natagpuan ko ang sarili kong naluluha na naman.

Hindi na ako nakadama ng pagkabigla nang pumasok kami doon. Siguro kaya ganoon ang bahay ni Hyron Demitri sa isla ay dahil dito siya lumaki. Bumaba ako matapos akong pagbuksan ni Hunter. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad papasok.

Nang nasa sala na kami ay nakita ko ang pamilyar na mukha ni Piedro at ng pinsan ni Hyron na bumugbog sa kanya noon sa isla. Si Artemis. May isa pang babae at lalaking naroon.

"Maaga pa para sa show, what the hell is that, Hunter?" Wika ng babaeng iyon na alam kong ako ang pinasasaringan. Noon ko lang naalala ang suot ko. Halos lumuwa ang dibdib ko sa blouse na uniform ko sa bar. Naka-push up bra din kasi ako at napakaikli naman talaga ng skirt ko. Nahiya tuloy ako. Nagsisi ako kung bakit hindi ako nakapagbihis ng maayos at ito namang si Hunter, hindi naman sinabi sa akin na pupunta kami dito, sana mas tumanggi ako.

"Hya..." Wika naman noong lalaki.

"Oh, what, Ignacio? Do you like what you're seeing? Hunter, you can do so much better than that pokpok!"

"Hoy! Grabe ka naman Hyacinth!" Sabi bigla ni Artemis. "Hindi siya pokpok, nurse siya parang si Mama Apol!"

"Nurse? What kind? A slutty nurse?"

"Hyacinth!" Wika muli noong katabi niyang lalaki.

"She's not what you're thinking she is, Hya. So shut up! Iggy, silence your woman!"

"Don't talk to Iggy like that! He's older than you!"

"So? Does that matter? He can't even make you marry him, why would I treat hi any less?" Nakangisi na naman siya. Hindi na nakasagot ang babae.

"Oh. Nandito na sila. Tama na iyan!" Sabi naman ni Artie. Tumayo si Piedro at hinubad ang jacket niya. Akmang ibibigay niya iyon s akin nang matigilan ang lahat – lalo ako dahil pumasok na sa sala ang ilang katao.

Ang una kong nakilala ay si Hyron Demitri. Mukhang hindi niya alam na narito ako. But when he looked at my direction – nakita ko agad ang galit at panibugho sa mga mata niya – lalo na noong hapitin ni Hunter ang baywang ko.

Iyong katabing babae ni Hyron – marahil ang kakambal niya. Magkamukha-magkamukha kasi sila. Mahaba lang ang buho noong babae. Siya marahil si Hyan.

At siguro, ang may edad na lalaki at babae sa likod nila ay ang kanilang mga magulang.

"Family, I want you to meet Lualhati Espiritu, she's my girlfriend and I'm gonna marry her someday."

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

"H-ha?"

"Hey, Hyron, remember my girl? Lualhati? She's very much in love with me. And one of these days, I'mma propose. And when she says yes, magpapakasal kami at aanakan ko siya ng marami."

Gusto na ba niyang mamatay? Kitang-kita ko ang reaksyon ng pamilya ni Hunter. Mukhang hindi naman nila ako gusto.

"Good." Wika ni Hyron Demitri. Siya naman ang naka-agaw sa atensyon ko. "I wish you one hell of happiness. Excuse me."

Bakit ganoon? Bakit kung umakto siya ay parang hindi niya ako kilala? Napalunok ako. Medyo masakit iyon –hindi pala, masakit talaga.

Tumalikod siya. Hindi naman ako makahinga. Masakit talaga. Minsan nai-imagine ko ang sarili kong puso na puro tinik dahil mula nang malaman ko ang katotohanan ay palaging may masakit sa puso ko.

Muli na naman akong nabigla nang hatakin na naman ako ni Hunter palabas ng bahay. Dinaanan namin ang buong pamilya niya. Isinakay na naman niya ako sa kotse.

"Aalis ka sa trabaho mon iyon." Sabi niya sa akin. "Mula ngayon, akin ka na."

"Ano?" Hindi yata niya alam ang sinasabi niya sa akin. "Hindi iyon pwede! Bata ka pa! Mas maraming oportunidad para sa'yo!"

"Bata pa ako o dahil kay Hyron? Tang ina lahat ba kayo nagpapaloko sa kanya? Ano iyon? Magpapanggap siyang patay tapos babalik siya sa buhay namin, tapos okay na lang ang lahat? Ngayon naman kunwari mayroon siyang amnesia, hindi siya nakakaalala? Tapos, sinabi niya sa buong pamilya ko na "Good!" Hindi mo ba naintindihan iyon, Lualhati? Itinanggi ka niya?! Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang babae niya sa islang iyon? Matalino ako, it's not hard to put two and two together! At dahil tinapon ka na ni Hyron. Akin ka na ngayon."

"Halimbawa sa mall, may gusto kang bagay. Isang sapatos. Isang pares na lang iyon, nakakatuwa kasi nakita mo pero kasabay ng paghawak mo, may nakahawak nang iba anong gagawin mo?" Tanong ko. Gusto kong makita niya ang ipupunto ko at ito lang ang naisip kong paraan.

Ngumisi na naman si Hunter. "Itutulak ko ang may hawak sa bagay na gusto ko. Lahat ng tao, bagay at kahit na ano pang nakaharang sa daraanan ko, itutulak ko. I am that ruthless."

"Hindi mo ako pag-aari. Hindi mo pwedeng ipilit ang isang bagay!" Sigaw ko pa.

"Wala akong pakialam! Gusto kita! Itinanggi ka niya! Akin ka na! Pasalamat ka nga at pinulot pa kita!"

Nainsulto akong talaga sa sinabi niya kaya sinampal ko siya ng apat na beses. Dumilim ang mukha ni Hunter. Inihinto niya ang sasakyan sa tabin daan, bumaba siya ng kotse at saka umikot para kunin ako. Akala ko ay palalayasin niya ako – mas mabuti pa iyon pero bigla na lang niya akong hinalikan sa bibig. Nagpupumiglas ako. Itinutulak ko siya palayo sa akin. Kinalmot ko ang leeg niya. Winasak naman niya ang damit ko. Isinandal niya ako sa gilid ng kotse.

"Ano ba! Tama na!" Napapaiyak na wika ko. Takot na takot ako. Hindi ko siya maitulak. "Tama na please! Parang awa mo na!"

Nagulat ako nang mawala siya sa ibabaw ko. Nang dumilat ako ay nasadlak na si Hunter sa lupa. Napalunok ako nang tumayo siya. May dalawang lalaking nakaunipormeng puti ang palapit sa kanya. Hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Bitiwan ninyo ako!" Sigaw niya.

May isang sasakyan sa likod namin. Mamahalin rin iyon. Mula doon ay lumabas ang isang lalaking naka-itim na suit. May tie iyon pero nakasabit lang. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin. Hinubad niya ang coat niya at ipinatong sa balikat ko. Ngumiti siya – isang ngiting hindi umaabot sa mga mata.

"I'll get back to you, Miss. I just have to straighten up my nephew."

Nephew? Si Hunter? Pero halos kasing-edad lang yata niya si Hyron Demitri.

Napasinghap ako nang suntukin niya si Hunter sa sikmura.

"You are nothing but a pain in the ass, Nephew. Do you think your mother will be happy knowing that you almost forced this woman to have sex on you?" Kalmadong-kalmado siya habang pinagagalitan si Hunter.

"Wala kang pakialam, Eos! Buhay koi to at wala kang na doon! Ni hindi nga pamilya ang turing ko sa'yo so don't expect me to listen!"

Ngumisi ang lalaki. Isang ngisig nakapag-paalala sa akin kay Dante.

"Kayo nang bahala diyan." Sabi niya pa. Binalingan niya ako. Nakangiti siya.

"I'm Eos Demitri, Miss. And I apologize for what my nephew did to you. If you may, I will make it up to you by taking you home."

Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. Kabado pa rin ako.

"Okay lang ako. Pahiram na lang ako ng jacket mo." Mahinang wika ko.

"You can have the jacket. But I still insist on taking you home."

Napatingin ako sa mga mata niya. Berde iyon, tulad ng kay Hyron Demitri at Hunter. Hindi nga maipagtatakang magkakadugo sila. Pero may isang bagay na kakaiba sa mga mata ng lalaking ito. Inilahad niya sa akin ang kanyang kanang kamay.

"Shall we?"

"Hindi na... Kaya ko nang umuwi."

Nagyuko ako ng ulo.

"No. I insist. Let me take you home. I won't bite..." He grinned. "Unless you want me to."

Napasinghap ako.

---------------------

"Eos cancelled his meeting with Dad and Hyan. Something came up daw kasi."

Nasa kwarto ko si Haley nang hapong iyon. Niyaya niya akong maglaro ng chess but she ended up teaching me. Marunong naman ako pero hinayaan ko siyang turuan ako. Pakiramdam ko kasi ay gusto niya lang ang pakiramdam na kasama niya ako at maayos kami. Mahal na mahal ko si Haley at natutuwa ako na hindi na niya ako iniiwasan kaya lang ang isip ko ngayon ay puro si Lualhati ang laman.

Si Lualhati at si Hunter.

Matalino ako. Alam kong wala silang relasyon at ginagawa lang ni Hunter ang bagay na iyon para inisin ako. He found out I have amnesia and he took that as a sign to make me mad. Kaya ko namang pigilan, kaya lang, hanggang kailan?

The way Hunter looked at her. Alam kong gusto siya ng kapatid ko pero hindi pwede. Kung hindi magiging akin si Lualhati, hindi siya pwedeng maging pag-aari ng kahit na sino.

Bago pumasok si Haley sa silid ko ay kausap ko si Andres – ang isa sa mga katiwala sa palaisdaan. Sinabi ko sa kanya na tanggalin sa trabaho si Mang Jaime at h'wag ibigay ang parte nito sa palaisdaan. Ayaw pumayag ni Andress pero ako pa rin ang may-ari at ako ang masusunod. Sisimulan ko nang paliitin ag mundo ni Lualhati.

Nalaman ko kasi na hindi alam ng tatay niya na narito lan siya sa siyudad. Ang buong akala ni Mang Jaime at ng kapatid nito ay nasa Dubai si Lualhati.

Marahil ay naloko siya ng recruiter o ng agency. Ibinilin ko kay Andres na alamin kung anong agency iyon. Yayanigin ko lang sila ng kaunti.

"Kuya, nakita mo ba iyong girlfriend ni Hunt? Sabi ni Ate Hyan, escort service daw iyon. Mom doesn't approve of her, even Hya. Si Artemis naman sinasabi na nurse iyon. May nurse bang ganoon? Ayoko din sa kanya. Mukha siyang mahirap. Hindi siya bagay sa pamilya natin."

Natiim ang bagang ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Hinawakan ko ang kamay ni Haley.

"Hals, Mama didn't raise you to be like that and I don't have to be well to know that. H'wag mong husgahan ang isang tao dahil sa pananamit o base lang sa pangalan niya. Malay mo naman may nakita si Hunter sa kanya na hindi pa natin alam?"

Umismid siya. "Fine. Teka, nagugutom ako, Kuya. Kumain tayo tapos ayain natin si Ate na manood ng movie sa entertainment room. Alam mo nasa-sad ako kasi akala ko magiging tita na ako. Sabagay nandyan pa naman si Kuya Abel at alam kong mabubuntis niya ulit si Ate Hyan. It's not too late." Sabi pa ng kapatid ko.

Hindi na ipinaalam sa kanya ang gulo sapagitan ni Hyan, Juan at Abel sa kanya. She is very young and our parents want Haley to be happy. Kung pati siya ay poproblemahin niya ang mga bagay na iyon ay baka hindi na kayanin ng lahat.

Si Haley ang breath of fresh air nila.

Pumunta kami sa kusina. Ipinaghanda niya si Hyan ng makakain. Ako naman ay nanonood lang sa kanya. Maya-maya ay narinig kong dumating si Hunter na kasunod naman si Heath. Sumilip ako. Nasa may hagdan ang dalawa.

"Ulol ka talaga ano, Hunt? Halos gahasain mo na si Lualhati tapos ikaw pa ang galit ngayon?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Oo! Nakakagalit dahil kung hindi sana dumating iyong Eos na iyon sana---"

"Naituloy mo ang plano mo?" Pagtatapos ni Heath sa sinasabi ni Hunt. Wala akong ibang naintindihan kundi ang muntik na niyang gahasain si Lualhati at ngayon naman ay kasama nito si Eos.

Putang ina sa lahat ng puta!

"Kuya, nagdudugo ang kamay mo." Nagsalita si Haley. Napatingin ako. Hindi ko namalayan na nabasag na ang basong hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito.

Nakakaramdam ako ng panibugo sa kapatid ko. Hindi ko alam na posible palang naisin kong patayin o ilibing ng buhay ang nakababata kapatid.

"Kuya, halika kay Manang Belen, paayos natin iyan baka ma-infect."


Wala sa loob na sumama ako kay Haley. Dinala niya ako kay Manang Belen sa garden kung nasaan din si Mama. Nag-alala si Mama nang makita ang nangyari sa akin.

"Hyron, anong nangyari?" Nag-aalala siya.

"Wala Ma, napiga ko iyong baso." Sabi ko na lang. Si Haley naman ay nakatingin lang sa aming dalawa. She is very observant.

Dumating naman si Manang Belen at ibinigay kay Mama ang first aid kit. Nilapatan niya agad ng lunas ang kamay ko.

"Hyron, sinabi ng Daddy mo na ite-train ka niyang muli para hawakan ang kompanya." Untag niya sa akin. Alam ko naman na ang planong iyon at nangako ako sa sarili ko na sa pagkakataong iyon ay hindi na ako tatakbo.

"Nasabi na po niya iyon Mama." Sagot ko naman. "Wala naman pong problema. Sana sa ngayon, maging maayos na ang takbo ng lahat."

Tumingin siya sa akin.

"I missed that po and opo of yours anak." Natatawang sabi niya sa akin. "This time don't runaway ha? Ako, umalis ako noon, I found myself,it completed me."

Tumango ako. Alam ko ang kwentong iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit si Mama ngayon ang namamahal sa eskwelahang pag-aari ng pamilya. Doon nag-aaral si Haley at ang iba ko pang mga pinsan.

"Oh, ayan." Nilagyan ni Mama ng gasa ang palad ko. "Be careful, anak ha." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Iniwan ko sila ni Haley doon at dumiretso kay Hyan. Nakahiga siya doon at tulala. Napatingin siya sa akin at saka umismid.

"Until when are you going to do this?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pahiram ako ng kotse."

"Hyron, may amnesia ka, diba? Hindi ka marunong mag-drive." Tudyo niya sa akin. Tinitigan ko siya.

"May instinct ako. Give me your keys!" I demanded.

"Whatever. Hy, I think dad knows but he's just letting you."

"Again, I have no idea what you're saying."

Tumalikod ako. Hindi ako aamin kay Hyan. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko siya maisahan kahit noon pa.

Sumakay ako sa kotse niya at nagmaneho paalis. Pupuntahan ko si Lualhati. Kailangan ko siyang makita pero habang papunta naman ako sa kanya ay naisip kong hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kung ano ang gusto ko.

May amnesia ako.

So, I ended up waiting for her outside that cheap house. Kailangan kong gumawa ng paraan para maialis siya doon at sa trabaho niya lalo na ngayon na tinanggal ko sa trabaho ang tatay niya. I thought about her money, sapat kaya iyon? Nakakapagpadala kaya siya sa kanila?

Wala sa loob na dinampot ko ang telepono para tawagan si Andres at sabihin na ibigay kay Mang Jaime ang isang buwang parte nito pero huli na iyon, kung anong mangyayari sa susunod ay hindi ko pa alam.

Ang tagal kong naghintay doon pero hindi siya dumating. Kahit na mag-aalas – sais na nang hapon at nagbukas na ang bar na pinagtatrabahuan niya ay hindi pa rin siya dumating.

I gritted my teeth.

I'm going to kill my least favorite uncle if he tuouches her.

_____________

Nagising ako sa loob ng isang silid na hindi pamilyar sa akin. Agad kong kinapa ang sarili ko. Ang huli ko kasing natatandaan ay si Hunter na halos pagsamantalahan na ako. Napalunok ako. May suot akong roba. Nakakumot naman ako pero dama ko naman ang lamig ng silid na iyon.

Umikot ang mga mata ko. Magara ng kwarto – malaki ang kama.

Nasaan ako?

"Ma'am, gising na po kayo. The master is asking for your presence at the dining table."

Kumunot ang noo ko. Sinong master?

Anong master? Iyong panlalaking eskinol o masterbate? Naapakamot ako ng ulo.

Napilitan akong sumunod sa babaeng tumawag sa akin. Naka-uniform siya ng pang-maid peri mas modern. Naka-pencil skirt siya at three-fourths na blouse, may nametag pa siya – ang pangalan niya ay Rochelle Jean.

Lumabas kami ng silid. Malapasyo ang bahay at sa kisame, may apat na magkakamukhang chandelier na para bang mas mahal pa kaysa sa buhay naming dalawa ng Rochelle Jean na ito.

Bumaba kami sa grand stair case. Nalulula ako. Maganda ang bahay na iyon. It screams luxury and money and power. Minimalist ang design pero napakaganda.

Tumungo kami sa dining area at sa kabisera ng mesa ay nakita ko ang lalaking iyon.

Eos Demitri.

Naka-roba lang siya habang umiinom siguro ng kape o baka naman tubig lang sa tasa.

"Master, she's awake."


Dahan-dahang tumingin siya sa akin. He smiled again. Kinabahan ako.

"Did you sleep well?" He asked.

"Huh?"

"Did you felt it when they were bathing you?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pinaliguan nila ako? Tumingin ako sa maid.

"Pinaliguan mo ako?"

"Yes, Ma'am. Apat kami. You were a heavy sleeper."

"Ha?"

"Kumain ka na. Sit near me. Here..." Tinapik niya ang isa pang upuan na nasa kanyang tabi. Napalunok naman ako. "Come..." Itinulak ako ng babae.

"Kung makatulak ka kala mo close tayo ha." Sabi ko sa kanya. Hindi siya ngumiti. Naupos na nga ako doon. Ang daming pagkain. Parang fiesta na. Binigyan niya ako ng kubyertos tapos ay sinensyasan niya ang iba pang nakapalibot na maids na pagsilbihan ako.

Tumatanggi ako pero mapilit sila. Nang malagyan ng pagkain ang plato ko ay nakangiti na naman siya.

"Tell me, what's your name?"

"Huh? Uhm..." I bit my lower lip. "Lualhati Serena Espiritu."

"That is a very nice name. Are you in a relationship with my nephew Hunter? Did you two had a fight that's why he acted like that?"

Umiling ako.

"And then why?"

Hindi ko alam kung bakit madali para sa akin ang sabihin ito sa kanya.

"Pinipilit niya sa akin ang gusto niya. Ayokong maging karelasyon siya."

He nodded. "I see. Why? He's rich – no offensement made, Serena." Lumipad ang tingin ko sa kanya. Serena ang tawag niya sa akin. Hindi ako sanay.

"Ano kasi... si... uhm..." Nagyuko ako ng ulo. Hindi ako makapagsalita. Bigla ay tumawa siya.

"Si Hyron Demitri, am I right?"

Dahan-dahan akong tumango. Tumawa na naman siya. I swear may ibang laman ang tawa niya.

"This is going to be interesting." May kung ano sa tinig niya. Kinabahan ako. Anong ibig niyang sabihin?

f"t�E��



Continue Reading

You'll Also Like

Gorgeous By Cher

General Fiction

1.8M 86.1K 25
Cinderella Leona Escalona is the youngest of all Judas' children. She is very obedient and honest. Wala siyang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang...
To Her With Love By Cher

General Fiction

571K 21.6K 20
Sa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Con...
Troublemaker By Cher

General Fiction

1M 58.9K 20
Gabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilal...
Fix you By Cher

General Fiction

1.3M 45.2K 12
Monica Elizabeth Soria have made her decision: she is going to grow old alone. Why? Becayse the love of her life has finally found the love of his li...