MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

267K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

UNCERTAINTY

6.4K 242 45
By ajldlkbv20

CHAPTER 15



Around 9am na ako nagising. And like I promised, I sent Althea a Viber message the minute I woke up. Hindi siya nagreply kagad so I assumed she's still sleeping or probably just doing something. Kumain na muna ako ng breakfast at naligo dahil maya-maya ay pupunta ako sa bahay namin sa Batangas kung saan nakatira ang mama ko at ang isang kapatid ko na si Kuya Paul. Bibisita ngayon ang ibang mga kamag-anak namin doon.

Sayang wala sila Dada at Kuya Gab dito sa Pilipinas. Ang dami kasing inaasikaso ni Dada ngayon sa Hongkong habang si Kuya Gab naman ay nasa Paris kasama ang asawa niya na si Ate Pearl.

Paalis na ako ng bahay nang tignan ko ulit ang phone ko at meron na palang reply si Althea. It was sent 30 minutes ago. May mga missed calls din ako from Kuya Paul, pero binasa ko muna ang message ni Althea at nagreply.







Goodmorning sayo, magandang binibini. Kamusta ang tulog? Hindi na ba masakit ang ulo mo? Kumain ka na ng breakfast, Ms. Tanchingco?

Hindi na po, Ms. Guevarra. And yes, kumain narin ako ng breakfast. :) Ikaw, musta?

Mabuti naman kung ganun. Ako, ito... halos kauuwi lang. Daming inasikaso eh. Buti nalang rest day bukas. Wooo!!!

Edi tulog ka na muna, Althea. Para masulit mo ang pahinga. Haha.

Ayoko. Mamaya na. Gusto pa kitang kausapin eh.

Wow naman. Gumaganun? Haha. Sige. Ano pag-uusapan natin?

Kahit ano. Hahaha. Ano bang ginagawa mo ngayon?

Papunta ako ngayon ng Batangas. Bibisita kayla mama.

Wait, are you texting while driving? Kung nagdadrive ka, later ka na magreply. Kapag nakarating ka na sa bahay niyo. Baka kung mapano ka niyan eh.

Relax, Althea. Hahaha. Hindi pa ako nagdadrive. Kakastart ko palang ng kotse. Hahaha.

Ayy okay, sige na. Text mo nalang ako later. Jade, please ingat sa pagda-drive.

Yes maam. Text kita kapag nakarating na ako ng bahay.






Honestly, nakakatouch ang pagiging protective ni Althea. Ngayon ko lang narealize na ganun na siya sakin eversince naging magkaibigan kami. She always makes me feel safe. Kaya talagang hindi mahirap na ma-fall sa kanya eh.



//




Lagpas isang oras na akong bumabiyahe nang may matanggap ulit akong Viber message. It was from Althea again. She knows I'm driving, so okay lang na mamaya na ako magreply.

When I arrived home, I didn't get the chance to check my phone immediately dahil sinalubong na kagad ako nila Mama at ng mga makukulit kong pamangkin. But I excused myself for a bit after greeting everyone. Binasa ko kagad ang message ni Althea, and SHOCKING would be an understatement to describe what I was reading.





Althea Guevarra
Jade, thank you for loving me. Thank you for understanding and for not leaving me. Kahit alam mo kung gaano kacomplicated ang sitwasyon natin. Honestly, I don't know what I want to happen next. Gusto kitang ipaglaban. Gusto kong ibigay ang sarili ko sayo ng buong-buo. I want to love you the way that you deserve. Pero Jade, hindi ko kaya eh. Hanggang dito lang ang kaya kong ibigay. I'm sorry. I'm sorry for being weak. Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko kayang ibigay ang lahat ng nararapat para sa isang tulad mo. But Jade, I don't think I can lose you. Selfish na kung selfish pero hindi ko talaga kayang mawala ka. Even though you're not really mine. Hindi ko na alam. I'm just sure of one thing right now – I love you, Jade. I love you so much.




Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Kahit ako, naguguluhan na. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko. Lalo na ngayon na hindi pa naman magaling at buo ang puso ko. But the thing is... handa akong ayusin kagad un kung si Althea naman ang pagbibigyan ko. Right now, I don't really know how to not love her. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. If I start, I don't think I'll be able to stop. Mahina ako pagdating kay Althea.

Bakit kasi ganito? Bakit pagdating kay Althea, wala na akong pakialam kung masasaktan ako? I'm willing to give everything to her basta wag lang siyang mahirapan. Gusto kong ibigay lahat ng gusto niya. Bakit ganun? Hindi naman kami, pero bakit pakiramdam ko I'm already hers?

Althea naman kasi, handa na akong maging kaibigan mo lang eh. Okay na ako. Pero bakit parang mas pinapalapit mo pa ang loob ko sayo? You're giving me reasons not to stop.

Uggh, please help me know my limitations. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Bahala na po.

Hindi ko na pinag-isipan ng mabuti kung ano ang isasagot ko kay Althea. Sinabi ko lang kung ano ang totoo at kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko na inisip kung tama o mali pa. I was so thankful though na magkatext lang kami, kasi kung tawag 'to... feeling ko wala akong maisasagot sa kanya.








Althea... your love is enough. I don't think I could ask for more. Wala kang kailangan gawin. Sobra-sobra na ang naibibigay mo sakin. So, wag ka nang magsorry.




And she replied within the next minute.




Naiirita kasi ako sa sarili ko. Sana nung umpisa palang, pinigilan ko na ung nararamdaman ko para sayo. Hindi ko naman kasi kayang panindigan. Pero wala na eh. Nangyari na. And I think I fall in love with you more everyday.

Parehas nating dapat pinigilan. Pero sabi mo nga, wala na tayong magagawa. Althea, nahihirapan din ako.

Jade, mahal mo ba ako?

Yes, Althea. I love you so much that I don't think it's even right anymore.

Sana pwedeng ganito nalang tayo lagi. Ung nasasabi natin na mahal natin ang isa't isa. Ung walang ibang iniisip.

Then don't think, Althea. If this will make you happy, then I'm fine with that. Sabi ko naman sayo, hindi ako mawawala. And I will love you the way you want to be loved. Hindi dahil un lang ang kaya kong ibigay, pero dahil un lang kasi ang alam kong gawin.

I love you, lablab.





Wow naman. Talagang may term of endearment kagad? Ang bilis rin nitong Althea na 'to eh. Hanep sa damoves! Haha.

(AN: Wag kang mag-inarte dyan, Jade. Kinilig ka naman. Wag pabebe please! Hahaha.)



Masabayan nga.



I love you too, lablab ko.

Wow naman. At talagang may 'ko' eh no? Haha.

Ayy, joke lang. Sorry naman. Hindi na po mauulit.

NOOOOOOO!!! Gusto ko nga eh. Haha. Sarap sa pakiramdam. Thank you, lablab ko.

Hahaha. Baliw ka talaga. Nandito na nga pala ako sa bahay namin. I arrived like 30 mins ago. Lablab ko, later nalang ulit ha? Lunch muna kami.

Sige, lablab ko. Shower narin muna ako. Kain ng marami please. I love you.

Okay, lablab ko. I love you too.







Ayos din ako no? Kasasabi ko lang sa sarili ko kahapon na wag gumawa ng kahit ano na mas magpapagulo ng sitwasyon namin. Eh anong ginagawa ko ngayon? Ano ba kasing meron kay Althea at bakit pagdating sa kanya, lahat ng ginagawa ko ay kabaliktaran ng mga sinasabi ko?

Hayy, Jade. Wala na. Pinasok mo na yan eh. Goodluck nalang sayo. I hope you're ready. Ready to let go when you have to. Ready to stop when you need to. Ready to walk away when it's time. And you know it... you know that THAT time will come.



...




Nag-enjoy ako sa kainan at kwentuhan namin ng mga relatives ko. Syempre hindi nawala ung mga katanungan kung may boyfriend na ba ako ngayon at kung kailan ko balak magpakasal. Patuloy lang akong inasar ng Kuya Paul dahil nakita niya daw akong ngumingiti kanina habang tinitignan ang phone ko. Magkausap parin kasi kami ni Althea. She was being sweet, as usual. Gising parin siya kahit madaling araw na dun.

Our conversation was okay until she mentioned...





Lablab, naiirita ako. Para akong tanga.

Why lablab ko? Anong nangyari?

Wala lang. May nakita kasi ako sa FB wall ni Cathleen. Nagpost ung isa niyang katrabaho. Ung may gusto sa kanya. Muntimang. Naiinis ako.






Suddenly... reality hits me. Oo nga pala, mahal niya parin si Cathleen. Pero alam ko na dapat 'to eh. I mean, what do you want me to expect? Na bigla na siyang walang pakialam kay Cathleen? Oo, aaminin ko... masakit. Ung feeling na gusto kong magpakaselfish at sabihin kay Althea na ako nalang. At ung feeling na gusto ko na kagad umatras dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ung ganitong set-up. Pero kasi, ako mismo ang nagsabi kay Althea na wala akong hinihingi sa kanya eh. So, I need to be okay with everything.






Nagseselos ka?

Hindi naman. Naiinis lang. Pero okay na ako, lablab ko. Nandyan ka naman kasi eh.





Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa sinabi ni Althea. May part sakin na gustong matuwa at kiligin 'cause I can somehow make her feel okay, pero may part din sakin na gustong masaktan dahil alam kong pangalawa lang ako.

Kita mo na kung gaano ka-complicated 'tong pinasok mo, Jade? Hayy.

Ilang minuto akong hindi nakapagreply kay Althea. Before I could even start typing a message, she already sent another one.




I love you, lablab ko.





Hanggang kailan kaya ganito? Jade... try to take a few steps back.





I love you too, lablab.

Lablab ko, dyan ka sa inyo matutulog ngayon or uuwi ka rin?

Uuwi rin po ako mamayang gabi.

Okay. Basta wag masyadong magpapagabi lablab ko ha? Delikado sa daan. And wag magpapatakbo ng mabilis, okay?

Opo. Lablab, hindi ka pa matutulog? Anong oras na dyan ah.

Matutulog na po, lablab ko. Pwede mo ba akong tawagan mamaya kapag nakauwi ka na?

Eh baka tulog ka pa nun. Text nalang kita.

Okay lang. Gusto ko kasing marinig ang boses ng lablab ko eh.

Yes naman. Hahaha. Sige na, lablab. Tulog ka na. Goodnight sayo.

Okay po. Ingat pag-uwi later, lablab ko. I love you.

I love you too, lablab.

Lablab ko, bakit wala ng 'ko' ung tawag mo sakin? :(




Un lang! Lagot na. Ang galing naman makahalata nito. Tsk. Jade, wag mong sasabihin na dahil hindi siya sayo. DON'T! Wrong move un. Just give her a simple answer. Wag ung obvious.



Ayy. Sorry, lablab ko. Hindi ko napansin. Sorry.

Haha. Okay. Sige, tulog na ako. I love you, lablab ko. Wag mong kalimutan tumawag mamaya ha.

Opo, lablab ko. I love you too.



//



10pm na ako nakarating ng condo. Nagbihis muna ako at nagready para matulog bago tawagan si Althea. Nakahiga na ako sa kama habang tinatawagan siya sa Viber, at nakailang ring ito bago niya sagutin. And as expected, ang raspy ng boses niya na halatang kagigising lang. Infairness, ang sarap pakinggan ng morning voice niya. I could listen to it all day.





ALTHEA: Lablab ko?

JADE: Nandito na ako sa condo, lablab ko. At nakahiga narin.

ALTHEA: Good. Matutulog ka na? Napagod ba ang lablab ko?

JADE: Medyo. Kailangan ko narin matulog lablab ko, kasi may pasok pa bukas.

ALTHEA: Oo nga. Sige na, lablab ko. Tulog ka na. I'll go back to sleep narin.

JADE: Okay, lablab ko. Goodmorning sayo.

ALTHEA: Goodnight naman sayo, lablab ko. I love you.

JADE: I love you too.























Patay-patay na 'to, Jade. It's only the beginning, yet you're already falling so hard. Sige lang, ginusto mo 'to eh diba? Ginusto mong pahirapan ang sarili mo. We'll see kung hanggang saan ang kaya mo.



Continue Reading

You'll Also Like

AKAP By T A B A

Fanfiction

13.4K 448 11
Ang bawat yakap mo'y aking kanlungan. PD: November 30, 2018
125K 4.6K 25
Another JaThea's story for all rastro fans.
98.5K 1.5K 63
Friends Lovers Complications Determinations SUCCESS
84.2K 3.7K 34
Apat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my r...