(ONHOLD) Prologue to Love

By Filipina

162K 6.7K 1.3K

Anastacia (Asia) Diaz is a wattpad addict since highschool. Her dream is to be partnered up with the hottest... More

Synopsis
Update One
Update Two
Update Three
Update Four
Update Five
Update Six
Update Seven
Update Eight
Update Nine
Update Ten
Update Eleven
Update Twelve
Update Thirteen
Update Fifteen
Update Sixteen
Update Seventeen
Update Eighteen

Update Fourteen

3.5K 194 27
By Filipina

Asia's POV

"May ano?" tanong ko kasi hindi ko narinig 'yung sinabi niya.

May nagseselos? Tama ba 'yung rinig ko?

"Sabi ko, malapit na magsimula 'yung kwento," sagot niya.

"Kwento...? Kulto... Ano?" tanong ko kasi hindi ko magets.

Hindi naman kulto 'yung sinabi niya di ba?

Kwentong kulto? Di ko magets...

"Wala, tara na nga," sabi niya sabay hawak sa aking pulso.

"Kailangan akong hawakan?" nakataas na kilay kong sabi.

"Wew, arti," agad na sabi ni Miko sabay bitaw sa akin. "H'wag kang feeling ah, sanay lang ako kasi may tatlo kong kapatid na mas bata sa'kin."

So, ang tingin niya sa'kin... Bata?!

"Lagi kase kameng namamasyal tapos lage silang nawawala, kaya lage kong hawak," paliwanag pa niya.

"Ona, whatever," sabi ko sabay tingin sa may mga tindahan ng TV dahil nadaanan namin.

Napatigil ako kasi nagpla-play 'yung commercial ng Connection. Tapos nagfocus pa kay Jolo! OMG why so gwapo?

Nang matapos 'yung commercial eh napansin kong nauuna na pala si Miko sa paglalakad.

Tapos naalala ko 'yung nangyari, 'yung moment na nakita ko si Jolo pero hindi ko nakausap o nabati man lang!

Patakbo akong pumunta kay Miko, "Teka! Ba't mo nga pala ko tinawag na baby kanina ha?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin, "Dami mong tanong. Kinikilig ka siguro, ano?"

Na-ano ako sa sinabi niya kaya napalihis ang tingin ko sa ibang direksyon kahit na patuloy akong lumalakad, "Hindi no! Asa ka pa!"

Dahil nakatingin ako sa ibang direksyon eh hindi ko napansin 'yung bato kaya napatid ako. Muntik na ngang mapasadsad 'yung mukha ko, buti na lang nahawakan agad ako ni Miko.

"Pffft!" rinig kong tawa niya. "Ang denial mo masyado. Sobrang cliché eh."

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"H'wag kang mahuhulog sa akin ah. Meron na ko."

Mahuhulog? Asa pa siya!

Hinila naman ako ni Miko patungo sa may isang lomihan sa likod ng MPE.

At oo, sa may lomihan.

"Ate, dalwa nga ho. 'Yung special," sabi ni Miko dun sa ale habang umaayos ako ng upo.

May nakita akong menu kaya tinitigan ko 'yun.

Habang busy ako sa pag scan ng menu ay bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng phone ko.

Pagkita ko tumatawag si mama.

Natigilan ako kasi last last year pa ang huling tawag ni mama sa'kin.

At dahil baka mag end ang call ay sinagot ko na.

"He---"
"(Umuwi ka na dalian mo)"

Hindi ako nakapagsalita kasi first time niyang sabihing umuwi na ako.

Maiiyak na sana ako kasi may part sa akin na hinahangad 'yun na sabihin niya sa akin pero,

"(Dalian mo at baka makita ka ng media)"

Pagkarinig ko palang na pagkarinig sa media ay alam ko na kung bakit niya ako pinapauwi agad.

It's either may issue na naman si ate Eura o si ate Ami. At dahil ayaw ni mama na lumala ang issue ay dapat ko daw iwasan ang media.

Ganon naman palagi eh, may pakialam lang si mama sa akin kung makakaapekto ako sa trabaho nina ate.

"Uuwi na pala ko," pagpapaalam ko kay Miko na hindi pala nakikinig sa akin kasi nakatingin doon sa paparating na pagkain.

"Ayan na oooo!" tuwang-tuwang sabi niya na wari mo'y gutom na gutom.

"Uy, aalis na ko," ulit ko habang hinahalo niya ang lomi niya para mawala 'yung init.

"Ha?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paghalo at may pagsubo pa ng isang tinidor ng lomi.

"Sabi ko, uuwi na ko," sabi ko at tumayo.

Agad niya kong hinawakan sa pulso para tumigil ako habang nasa labas pa ng bibig niya yung loming hindi niya makain gawa nung init.

Nilunok niya't uminom siya ng tubig habang hawak pa rin ako.

"Kumain ka muna, sayang yan. 45 pesos din 'yan o."

"Eh, pinapauwi na ako eh," sabi ko. "Sa'yo na lang 'yan, mukhang gutom na gutom ka eh."

Tiningnan niya 'yung orasan niya, "Gabi na o, shunga ka ba?"

"O? Ano magagawa ko?"
"Samahan na kita, saglit," sabi niya na di pa rin ako binibitawan.
"Ha? Ayos lang, kumain ka na. Sabi mo nga di ba, sayang," pabebe ko pang sabi kahit alam kong kailangan ko ng kasama at gabi na.

"Pabebe."

Tiningnan ko lang siya ng masama habang siya naman ay umiinom. Maya-maya ay tinawag niya 'yung ale dun sa lomihan at sinabing babalikan daw niya 'yung lomi mamaya pagkatapos niya kong ihatid.

"Malayo ba 'yung inyo?" tanong niya matapos ang sampung minutong katahimikan habang kami ay naglalakad.

"Kahit hanggang dun na lang sa sakayan," sabi ko habang busy ako sa paghahanap ng Wi-Fi. "May 3G ba phone mo?"

Tumingin lang siya sa akin atsaka kinuha 'yung phone niya.

"Pa-Wi-Fi. May kailangan lang akong tingnan."

Binigay niya naman sa akin 'yung phone niya. Pagkita ko, may passcode kaya inabot ko sa kanya pabalik.

"Charlene."

Tiningnan ko siya.

Hanggang sa magets ko 'yung sinabi niya.

"Small caps?" tanong ko.
"Oo," sagot niya kaya ako na 'yung nagtype dun.

Agad kong napansin 'yung wallpaper niya.

Picture nila ni Charlene.

Ex ba niya si Charlene? Mukhang close sila dito ah? Pero bakit dati nakita kong sinampal ni Charlene si Miko? Tapos ang tanda ko, parang sinasabi ni Miko na siya na lang daw. Hmmm? Ano kayang nangyare?

"Nakikitsismis ka ah," sabi niya sabay hablot ng phone niya mula sa'kin.

"O, ano ba 'yung titingnan mo?"

Patuloy naman kami sa paglakad.

"Balita," sagot ko matapos naming makalampas doon sa may tao.

"Kapatid mo?"

Tumango lang ako.

Kaya tumutok siya sa phone niya. "Tingnan ko sa Facebook."

Wala pang isang minuto ay inabot sa akin ni Miko 'yung phone niya.

Ang una kong nakita ay isang picture ni ate Ami na hubad. May kahalikan siyang babae na hindi ko mamukhaan dahil medyo nakatalikod. Sa gitna nito ay may play button. Ibig sabihin, video.

Tapos ang title ay: Amy Rica Diaz & Celeena Gualberto lesbian scandal

Tiningnan ko agad ang comments at ang dami kong nakitang comments galing sa mga haters.

Kinuha at sinilip ko ang phone ko at doon ko nakita na napakadami ko palang bagong mensahe. Meron rin akong 17 missed calls.

Itatago ko na sana ang phone ko nang makita kong tumatawag si Mama.

Agad ko 'yung sinagot.

"(Nasan ka na? Sabi ko umuwi ka na di ba?!)"
"Pa-uwi pa lang ako---"
"(Bilisan mo! H'wag kang magrereply sa mga nagtatanong. Baka kung ano pa ang masabi mo!)"
"Okay."

Tinapos na niya 'yung tawag. Binigay ko naman agad 'yung phone ni Miko dahil nakikita ko na 'yung sakayan.

"Dito na lang," sabi ko atsaka tumigil sa paglakad nang makahanap ng pwestong paghihintayan ng sasakyan. "Okay na," sabi ko pa at may pag 'shoo' pa sa kanya gamit ang kamay.

"Hintayin kita makasakay," sabi niya at umupo doon sa may bakal nung waiting shed.

"H'wag kang kiligin ah," agad din niyang sabi bago pa ko kiligin.

"Kapal nito. Bakit naman ako kikiligin?" sabi ko naman at bumelat sa kanya.

Napangisi lang siya.

Katahimikan naman ang namuo sa amin kaya nag-isip ako ng ibang topic kasi madalang ang dumadaang sasakyan dito lalo na't gabi.

"Pang pito mo na pala 'yung audition?" panimula ko. "Natatae ka daw? Bakit?"

Tumingin lang siya sa akin, "Nerbyos siguro."

Tumawa ako ng konti, "Ikaw? Ninenerbyos ka rin pala?"

"Oo naman!" nakanguso niyang sabi.

"Baka may nakain kang masama or something kaya ka laging natatae."

"Wala naman. NPO* ako ha, pag audition."
*Nothing per orem (hindi kakain kahit inom)

"Suz," natatawa ko na lang na sabi kasi alam kong kailangan ko na namang mag-isip ng topic para hindi awkward.

"Pero oonga no? First time kong di nerbyosin," singit niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hmm?"

Nakita kong nakatingin siya sa may asong tumatae ng gilid ng shed tapos tumingin sa akin.

"Siguro kasi..."

Bumilis ang tibok ng puso ko.

W-wait. Bakit parang feeling ko... Ang sasabihin niya ay dahil---

"Alam kong makakapasok ako kasi mabibida ung boses ko."

H... Haaaa?!

"Bakit ganun? Akala ko bagay sa'yong boses 'yung kanta kaso ang pangit talaga ng boses mo. Wala na tuloy akong nagawa. Malala ka e."

"..."

"Siguro 'yung mukha mo na lang 'yung pag-asa mo..."

"..."

Tumayo pa siya at lumapit sa'kin at pinagmasdan yung mukha ko. Hindi pa siya nakuntento at humanap pa siya ng ibang anggulo.

"Ay, teka, hindi pala. Hindi ka din naman pala maganda. Yung apelyido mo na lang siguro ang magdadala sa'yo para maging artista."

Grabe...

GRABE 'TONG LALAKING 'TO HA?!

EDI AKO NA WALANG FUTURE!!! AKO NA WALANG TALENT! AKO NA HA! LAGI NAMAN AKO EH! SANAY NA KO! AKO NA TALAGA!!!

AKO NA BOBO, PANGIT, HINDI MAALAM KUMANTA, WALA NI ISANG TALENT AT...

Naramdaman ko ang vibrate ng phone ko at nakita kong nagvibrate ang phone ko.

Pagtingin ko, si Mama 'yung nagtext.

Mama: Hoy ikaw bata ka. Kung malamanlaman ko lang na may sinabi ka sa media, malilintikan ka sakin. Wag na wag kang gagawa ng kamalasan sakin ha! Wag ka na lang din umuwi at baka may makakita pa sayo. Dyan ka na lang sa kalsada matulog! Malas ka talaga!

So ang lumalabas, ako 'yung nagbigay ng scoop na 'yun sa isang journalist?

Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko.

"O-oi..."

Di ko na mabasa 'yung message kasi lumabo na 'yung screen.

Kahit ganunpaman, tapos ko na namang basahin kaya di ko na siya babasahin pa.

Bakit pa, di ba? Parang ipagsigawan sa mundo na, oo... Ako na talaga ang malas?!

Edi oo na. AKO NA. SINILANG PA KO ANO, E MALAS NAMAN AKO.

"Oi, joke lang naman! Ito naman o, hindi na mabiro..."

Hindi ako makatingin kay Miko kaya tumingin ako sa ibang direksyon at pinahid 'yung luha ko.

Pero ewan ko ba at ayaw tumigil kaya hindi rin matigil ang pagpahid ko.

"Alis ka na nga," lakas-loob kong sabi. "Kumain ka na ng lomi mo!"

Tinapik-tapik naman ni Miko 'yung balikat ko, "Oi? Ayos ka lang ba?"

"Oo nga!"

Pinaharap ni Miko 'yung ulo ko sa may mukha niya, "Anong ayos? Umiiyak ka o?"

"E bakit tinatanong mo pa?! Gag*," sabi ko at inalis 'yung mga kamay niya na hawak 'yung ulo ko.

"Ano ba kasing problema mo?" tanong niya. "Handa naman ako makinig o?"

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Wala nga e!"

"Aish," nasabi niya na lang.

Sakto namang may tumigil na jeep doon kaya dali-dali kong pinahid ang mga mata ko at nakatungong sumakay dun.

Nagpakabusy ako sa pagcecellphone habang nakatungo.

Nagbasa basa ako ng mga texts. Kahit mga kaklase ko nung hayskul, tinatanong kung anong nangyari. Kung legit ba 'yung scandal kasi high quality daw 'yung video. May iba naman na nagpapablind item sa mga GMs nila na kung sino daw ang kapatid ng isang tibo.

Yung iba naman na ka-fandom ko na di ako kilala ay panay ang paninira kay ate. Bakit ba daw vinideo pa sa sariling condo at may pag p.i. (ung badword) pa siya sa bawat ano.

Mukha daw pornstar 'yung kapatid ko saka napaka-fake niya kasi bait-baitam daw sa camera pero may ganung tinatago pala.

Ewan ko ba pero parang ako ang nasaktan para kay ate Ami.

Hindi ko alam kung bakit niya nagawa nor kung siya nga ba 'yun tutal hindi ko pa napapanuod 'yung video.

Nabasa ko rin ang text ni Giselle na may overnight pajama party daw sila nung mga kaibigan niya.

Saka 'yung text ni Prei na nagsasabi kung pwede ba daw kayang siya na lang ang lead sa Love Beat.

Medyo na-offend ako dun kasi parang tuwang-tuwa pa siya.

Bawal naman akong magreply kaya nagbasa na lang ako ng story ni Yuokim.

Hanggang sa di nagtagal ay napatingin ako sa drayber kasi nagtanong siya sa amin kung sino pa daw ang hindi nagbabayad ng pamasahe.

Kinuha ko agad ang wallet ko atsaka nagbayad.

"Saan 'to?" tanong nung drayber.
"Sa may Ba---"

Natigilan ako kasi naalala ko na wala nga pala akong pwedeng puntahan.

Hindi nga pala ako pwede sa aming bahay tapos may konting hiya rin naman ako kay Giselle. Kung kina Prei, naka-dorm lang din naman siya at sabi niya napaka-strikto nung landlady nila.

Kung sa ibang kakilala ko naman ako makikituloy, baka tanungin lang ako tungkol kay ate.

Kung kina Joshua naman, uhm, alam ko kung saan ang bahay nila kaso... Ayoko. Baka kung anong isipin nila. Hindi naman ako muwang na walang alam sa kung anong posibleng mangyari kung makikitulog ako sa bahay ng boyfriend ko.

... Sino pa ba?

Tumingin ako doon sa drayber na naka-taas pa rin 'yung benteng inabot ko sa kanya.

Pagsilip ko sa bintana, nakita ko ang 7eleven.

"Dito po. Para na po pala," sabi ko kaya tumigil 'yung jeep at inabot sa akin ang sukli.

Pagbaba ko, tumawid ako at pumasok sa 7eleven.

Naghanap ako ng pwedeng makain dahil gutom na talaga ako.

Wala naman akong ganong malaking pera sa wallet ko kaya bumili na lang ako ng instant noodles.

Pagkabayad ko ay nagtungo ako doon sa may bakanteng upuan malapit sa may pinto.

Ayoko pang kainin 'yung pagkain ko para pwede pa kong magstay ng matagal kaya nagcellphone na lang ako.

Di rin naman nagtagal ay lumabas na 'yung notif na pa-lowbatt na daw ako at kailangan ko nang magcharge.

Wala naman akong dalang charger sa bag ko kaya ibinulsa ko na lang.

Tumayo ako para kumuha ng mainit na tubig atsaka naghintay ng mga tatlong minuto para maluto.

Rinig ko na ang tunog ng tiyan ko kaya binuksan ko na 'yung lid.

Amoy pa lang ng noodles ay gutom na gutom na ako.

Hinihipan ko 'yung noodles nang magbukas ang pinto sa may gilid ko.

"Good evening po Sir!" bati agad nung kahera sa pumasok.

Akma ko na sanang kakainin 'yung noodles nang mapatingin ako sa pumasok.

Napatingin rin siya sa akin.

Di niya sana ako papansinin pero napatigil siya sa paghakbang at tumingin ulit sa akin.

Tinaas pa niya 'yung suot niyang cap para makita niya ko ng ayos.

"A... sia?"

Napatigil ako sa pagsubo at binaba 'yung tinidor na hawak ko.

"Ah, uy... Hehe..." bati ko sa kanya atsaka ngumiti ng konti.

Umm... Okay.

Kilala niya ko.

Pamilyar boses niya.

Pero... Umm...

...

... Sino 'to?

Kilala ko ba 'to? O modus?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 75.6K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
37.7K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1.2M 53.7K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...