MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

267K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

CONFESSIONS

6.9K 256 9
By ajldlkbv20

CHAPTER 12



Malapit na kaming matapos ni Althea sa trabaho ngayong araw, pero hindi pa kami uuwi dahil pupuntahan pa kami dito ni Batchi. Althea convinced me yesterday when we were in the rooftop na isama ang butch sa kwentuhan namin. Sabi niya sakin ay kailangan niya ang kaibigan kapag nagshare siya tungkol sa kanila ni Cathleen. Why? I'll find out later. Wala namang kaso sakin dahil sa tatlong kabarkada ni Althea... kay Batchi ako pinakacomfortable. So I would't mind telling her stuff too. I mean, she's the one who can understand us the most, right?

She arrived after 30 minutes with lots of food. Food, water, and juice. Yup, no alcohol allowed for this confession night. Wala kaming balak uminom dahil gusto naming mag-usap-usap na matino ang mga pag-iisip namin. So... saan kami pupunta? Syempre, saan pa ba kami malayang magconfess ng mga darkest secrets? Isang lugar lang naman un eh. Un na ata ang tambayan namin ni Althea. Honestly though, kahit madalas ay makalat dun, I feel safe kapag nandun ako. Hindi ko rin alam kung bakit.

Buti nalang talaga ay anak ng may-ari ng building na 'to si Althea. Pwedeng-pwede kaming magstay dito hanggat gusto namin.



//



SA ROOFTOP


"Mga tsong, anong meron? Pwede niyo na bang sabihin sakin kung bakit tayo nandito? Kagabi pa ako hindi mapakali eh. Simula nung tinext niyo ako na kailangan niyo akong makausap. Tapos biglang hindi na kayo nagreply. Lakas din ng trip niyo minsan eh no?"

Tinignan muna ako ni Althea at ngumiti bago siya sumagot.

"Tsong, alam na ni Jade." Simpleng sagot niya.

"Ha? Alam ang alin?" Pagtataka ng butch.

"Ung samin ni Cathleen." Medyo nagulat si Batchi sa sinabi ni Althea but she also relaxed immediately. Then she looked at me.

"So, alam mo na ung mga pinagdaanan nitong ni Tsong noon?" Tanong niya sakin.

Umiling ako. "Sabi ni Althea tutulungan mo daw siyang magkwento eh." Natatawang sagot ko.

"Ayy ganun? Kaya niyo pala ako pinapunta dito? Talaga naman 'tong si Tsong!" Panunukso ni Batchi.

"Sige na. Simulan mo na ang pagkwento, Batch. Trip ko kapag ikaw ang nagkwento eh. Kakain lang ako dito. Kayang-kaya mo na yan." Sabi naman ni Althea na sinisimulan na nga ang pagtira sa mga pagkaing dala ni Batchi. Natawa nalang ako.



First, let's get one thing straight. Hindi ko alam kung ano ang nararamdman ko simula nang magtapat sakin si Althea. May part sakin na parang ayaw nang marinig pa kung ano man ang istorya nila ni Cathleen. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero may part din sakin na excited magkwento kayla Batchi at Althea tungkol sa nangyari samin ni Lauren. At least, may mapaglalabasan na ako ng sama ng loob. Eversince kasi wala akong mapagsabihan dahil wala naman sa mga kaibigan ko noon ang makakaintindi. Pero ngayon, kampante ako na maiintindihan ako ng dalawang kasama ko. Sana lang ay itong part na 'to ang mangibabaw sakin ngayon.



"Ginawa pa talaga akong narrator eh no?" Asar ng butch bago umayos ng upo sa sahig at mag-indian sit. "Ganito kasi yan, Jade. Alam mo naman na magkakabatch kami nung college diba? Pero kami ni Tsong ung unang naging magkaibigan. Kasi kaya namin sakyan ang trip ng isa't isa." Patuloy niya pero biglang sumingit si Althea.

"Tsong, ung samin ni Cathleen ang ikukwento mo. Hindi ung pagkakaibigan natin." Natatawang sabi ng kaibigan.

"Wag ka ngang mangialam. Ako ang nagkukwento diba? Ginusto mo 'to eh." Panunukso ulit ni Batchi.

"Anyway, sige, fast forward tayo dahil atat na atat na 'tong Althea na 'to. Noong maging kaklase namin si Cathleen sa Design class nung 4th year kami, tinamaan kagad si Tsong." Sisingit na naman sana si Althea pero mabilis siyang binara ng nagkukwento. "Pwede bang kumain ka nalang diyan? Kami ni Jade ang magkausap eh."

Natawa nalang ako nang hampasin ni Althea sa braso si Batchi. Kumakain lang rin ako at nakikinig na parang batang nag-aabang ng bedtime story.

"So ayun nga. Sino ba naman kasi ang hindi matatamaan dun sa babaeng un? Eh makalaglag panty at brief ang beauty. Isama mo na pati boxers." Tumawa kaming tatlo. "Pero sobrang shy type kasi niya. Ang tahimik, at halos walang kinakausap. Kaya nung naging magkakagroup kami sa midterm plate, kasama si Wila, kinilala namin siya. Mabait naman pala at may pagkabaliw din minsan." She stopped for a bit para sumubo ng pagkain.

"Sila ni Tsong ung naging close talaga, kasi ako that time, medyo busy sa sarili kong lovelife. 'Lam mo na. Pogi problems! Hahaha. Si Wila naman busy din, kasi may part time job siya nun. So ayun. Nung magtagal, nadevelop si Tsong. Super sweet kasi ni Cathleen. Siya ang pinakamaalaga sa barkada. Then one day, nagtapat na 'tong si Althea. Naaalala ko pa nga nun, nasa condo siya ni Cathleen eh."




And the story I don't really like to hear starts... now.




"As expected, shock mode si Cathleen nung una. Ilang araw din niyang iniwasan si Tsong. Pero si Althea kasi, hindi naman niya un inamin para masuklian ung pagmamahal niya eh. Ipinaalam niya lang talaga. Syempre dahil nga tinamaan si Tsong... gumawa siya ng paraan para hindi mawala kahit man lang ung friendship nila. Naku Jade, kung nakita mo lang pag-iyak ni Althea nun. Akala mo guguho na mundo niya." Tinawanan naming dalawa si Althea.

"Iyakin ka pala eh." Dagdag na asar ko sa kanya at binatukan niya ako.

"Nagsalita! Parang siya hindi." Balik naman niya sakin.

"Siraulo kasi ung Lauren na un." Inis na sabi ko.

"What?! Teka teka, Jade. Meron ka din?" Gulat na tanong ng butch.


Shoot! I just realized na wala pa nga palang alam si Batchi.


Pinagtawanan ako ni Althea kasi alam niyang nadulas ako. Napatakip nalang ako ng mukha habang si Batchi ay patuloy na nangungulit.

"Share mo na yan, Jade! Dali na." Halata namang gets na niya kasi maririnig mo ang tuwa sa boses niya.

"Mamaya na. Tapusin mo muna ung kwento mo." Nakatawang sagot ko. Bigla akong naging interesado sa istorya nila Althea at Cathleen dahil hindi ko pa alam kung paano sisimulan ang kwento ko.

"Sabi mo yan ha!" Then she continued her story. "Well, after nun... naging okay naman sila. Nadevelop din ung feelings ni Cathleen para kay Althea. Hindi kasi siya iniwan ni Tsong. Sabi niya kasi samin dati, bihira talaga ung mga taong nagse-stay sa buhay niya dahil nga hindi siya masyadong marunong makipagkaibigan. Sanay siya na mag-isa."

"Minsan nga ang tingin ko masyado siyang nagiging dependent dito kay Tsong. Parang hindi na niya kayang kumilos mag-isa. Masyado atang na-baby." Pag-amin ni Batchi. Tinignan naman siya ni Althea ng ilang segundo at parang pinag-iisipan ang mga sinabi ng kaibigan.

"Pero ayun nga, ganun magmahal si Althea eh. Walang limitations. Basta mahal lang ng mahal. Ayaw na ayaw nga lang niyang masasakal." Dagdag pa niya.

"Jade, nasabi ba sayo ni Althea na hindi siya out sa family niya?" She asked.

Umiling ako. Pero gets ko naman na un eh, kasi kahit ako, hindi out sa family ko. Alam ko kung gaano kahirap gawin ung mga ganun. Nagkatinginan kami saglit ni Althea.

"So... hindi mo rin pala alam na ayaw ng mom ni Althea kay Cathleen?" She asked again. I saw Althea lowering her head.

"Teka, akala ko ba hindi siya out?" Pagtataka ko.

"Oo nga, but you know how moms are. Malakas makaramdam. Nung umuwi sila dito one time, isinama kami ni Althea sa bahay nila. Medyo nakahalata ata ung mom niya, kaya sinabihan siya na layuan si Cathleen. Pero syempre, hindi naman ginawa ni Tsong. Buti nalang talaga bihira silang umuwi." Paliwanag ni Batchi.

"So ayun, okay naman sila ngayon diba? Hindi rin naman kasi alam ng parents ni Althea na hindi siya umuuwi sa sarili niyang condo eh. At doon po nagtatapos ang kwento ng pag-iibigan ng Cathlea." Tumawa kami ng malakas sa pagtatapos ni Batchi.

"Siraulo ka talaga, Batch. Oyy Jade, game na. Turn mo na magkwento. Siguro naman pwede ko nang malaman ung kwento niyo. No more secrets, right? Nagpromise ka sakin." Paalala ni Althea.

"Ha? Hindi parin pala nagkukwento si Jade sayo, Tsong?" Umiling si Althea. "Hala siya! Akala ko naman huli na ako sa balita. Okay, game. Share mo na yan, Jade." Excited na sabi ni Batchi.



Ready naman na akong magkwento sa kanila eh. I wasn't really planning on hiding anything. Not anymore. Ramdam ko naman kasing mapagkakatiwalaan ko ang dalawang kasama ko. And I'm pretty sure they won't judge. Hindi ko lang talaga alam kung saan magsisimula. Haha.



"Eh ano bang gusto niyong malaman?"

"LAHAT!!!" Sigaw nilang dalawa. Natawa nalang ako.

"Sino si Lauren? Siya ba si ex?" Tanong ni Althea.

"She's not really my ex. I just call her that." Nakatawang sagot ko. "But yeah, siya un."

"SO ANO NA NGA JADE TANCHINGCO?!" Sigaw ulit nila. Halatang inip na inip na sila kakahintay sa pagkwento ko. Sarap pagtripan nitong dalawang 'to. Hahaha.

"Okay, so..." Pabitin ko. Sinuntok naman ng mahina ni Althea ang braso ko. "Here's the thing... ang alam ko kasi noon, straight talaga ako. As in super straight. But then bigla akong naguluhan nung makilala ko siya. Lauren was one of my college bestfriends. Parang ganun din. She's also super sweet kasi. As in, sobra. Then one time, napagtripan naming magkakabarkada na maglaro ng spin-the-bottle. Take note, all girls ang barkada namin nun ha. I was so thankful na ung mga unang ikot, hindi tumapat sakin. Tumapat nalang sakin... nung siya ung nagpaikot ng bote. Gets niyo na un." Biglang tumili si Batchi na parang kinikilig habang si Althea naman ay inaasar ako na soulmates daw kami ni Lauren.

"Tigilan niyo ako ha. So ayun. Hindi naman masyado naging big deal sakin ung kiss eh. I mean, it was okay. Normal lang. Pero nagsimula na akong maguluhan kung ano ba talaga kami, nung after nun... hindi siya pumayag na paikutin ko ung bote dahil baka daw tumapat sa iba. Ayaw niya daw kasing may halikan akong iba o humalik saking iba. Alam niyo bang pinaalis niya ako sa larong un after that round?" Natawa kaming tatlo at patuloy na kinikilig si Batchi.

"Tapos? Tapos?" Atat na tanong ng butch.

"Simula nun, parang naging kami. Kiss dito, kiss doon. Selos dito, selos doon. Puro away pa. We call each other baby." I cringed after saying the last part, kasi narealize ko na ang corny pala. Toinks. Hahaha.

"Eh okay naman pala kayo ah. Bakit lagi kang umiiyak? Kung makapagdrama ka, akala mo naman end of the world na." Pang-aasar ni Althea. Nagtataka naman si Batchi.

"Kasi po... hindi naman dun nagtatapos ang kwento ko eh. May continuation pa. Wag ka kasing singit." Nakatawa kong sagot. Hindi na ulit siya nagsalita. "After college, syempre hindi naman na tulad ng dati na everyday talagang magkasama. Naging busy din kami sa work. Pero lagi parin naman akong naghahanap ng time para bisitahin siya sa office and all. Hanggang sa magtagal... nafeel ko na parang ako nalang ung nag-eeffort. Then one day, finally, nagkaroon na ako ng lakas na tanungin siya. I asked her kung ano ba talaga kami. She said – more than friends, but less than lovers. Honestly, I was expecting a different answer. Pero ayos lang." Tumigil muna ako saglit para uminom.


Infairness, nakakapagod magkwento. Haha.


"Kaso ang hindi kasi ayos... ung kung kailan parang malapit na akong maging sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya, tsaka naman niya ibinasura lahat. Bigla niyang sinabi sakin na itigil na namin lahat ng ginagawa namin kasi hindi daw tama. Bullsh*t diba? I was like... WTF?!" Napatulala rin ang dalawang kasama ko dahil sa narinig nila.

"Parang ewan lang kasi diba? Siya ung nagdemand na gawin namin ung mga ginagawa namin, tapos biglang sasabihin niya na mali? Like... seriously? After 4 years lang talaga biglang naisip un? Tagal ng process ha. Parang tanga lang." Naiinis kong dagdag.

"Bakit naman ganun un Jade? Tara ano, sugurin na natin un." Aya ni Batchi. Natawa nalang ako.

"Feeling ko, natakot un eh. Natakot kasi narerealize na niyang nafa-fall siya sayo." Pag-analyze naman ni Althea.

"Nakakairita lang kasi na pinaasa niya ako ng sobra-sobra. Ung tipong... pinaakyat niya ako sa pinakataas habang nasa baba siya. Tapos un pala wala naman siyang balak saluhin ako. Ako naman kasi itong tanga... sino ba naman kasi nagsabi na tumalon ako?"

Bigla kaming tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko.

"Pero Jade, anong ginawa mo nung sinabi niya un sayo?" Althea asked.

"Wala. Inintindi ko parin siya. I tried to be just her friend. Ibinigay ko ung gusto niya. Pero syempre, hindi naging madali ung pag-aadjust. Ilang taon ba naman kaming ganun, tapos biglang stop? Nung una, hindi ko mapigilang magselos kapag may kasama siyang iba, or magalit kapag may hindi siya sinasabi. Lagi niya pa ngang sinasabi na ang immature ko eh. Nag-aaway parin kami. So after a while, we decided to completely cut off all our communications. Sabi niya she'll talk to me nalang kapag ready na ulit siyang maging magkaibigan kami. Ayos din eh no?"

"So hanggang ngayon, hindi parin kayo nag-uusap?" Tanong ulit ni Althea.

"Hindi. Well, actually... naalala mo ung first time kong mag-open-up sayo? Ung nahuli mo akong umiiyak sa office?" She nodded. Nakikinig naman si Batchi kahit wala siyang idea kung ano ung tinutukoy ko.

"Kinausap niya kasi ako the night before nun. So, akala ko ready na siya. Naghintay kasi talaga ako. We talked for a bit. Nagsorry ako sa lahat ng ginawa ko. Tapos tinanong ko siya kung okay na ulit kami. Pero ang sabi niya mahirap nang ibalik ang dati. Sabi niya na, hayaan nalang namin kung ano man ang mga susunod na mangyayari."

"Ouch. Saklap!" Comment ni Batchi.

"Pero ngayon nararamdaman kong mas tanggap ko na wala na talaga. And I even promised myself 2 years ago na first and last ko na ung kay Lauren. Inisip ko pa nga dati na baka phase lang ung nangyari eh, pero ngayon feeling ko masyado lang akong in denial noon." Natawa na naman kaming tatlo.

"So ayun. For now, enjoy nalang muna ako sa buhay. My heart needs healing. Mahaba-habang process pa 'to. But... I'm good." Pagtatapos ko.

"Tama yan, Jade. Bigyan mo muna ng oras ang sarili mo." Sabi sakin ni Batchi.

Althea looked at me but didn't utter another word. Through her eyes and smile, she convinced me that everything is really gonna be okay one day.


And that was all I needed.




//



It was around 10pm when we decided to head home. Napasarap ang kwentuhan namin dahil talagang naging comfortable kami sa isa't isa after all the confessions. Sinabi din ni Batchi sakin ung mga pinagdaanan niya sa girlfriend niya ngayon, pati narin ung time na marealize niyang lesbian siya. Sa sobrang sarap ng kwentuhan namin, hindi na namin namalayan ang oras.




I feel so blessed to finally have people in my life who really understand and accept who I am. People who don't judge. People who are actually happier to spend time with the real me.




"Ingat sa pagda-drive, Ms. Tanchingco." Sabi ni Althea sakin bago ako makapasok sa loob ng sasakyan ko.

"Ikaw din, Ms. Guevarra." I said after facing her.

She smiled at me, and then suddenly hugged me. It wasn't too tight, but it wasn't too gentle either. Just the right hold to make me smile as well, and to make me feel that she's glad I finally opened up to her.



"Thank you, Jade."


























This is a pretty long chapter! But you guys needed to know kung ano-ano ang mga pinagdaanan nilang dalawa eh. It'll all make sense soon! Promise. 😄



Continue Reading

You'll Also Like

217K 2.1K 36
Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip...
364K 19.2K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
157K 6.5K 40
Cute Story for Rastro Fans first time to write pasensya po. ahihi
102K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...