Shadow Lady

By Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... More

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 4

15.8K 595 20
By Sweetmagnolia

                                                                      *****

Madaling araw. Pinagbuksan ni Seraton ng pinto ang taong nakatayo sa harap ng kanyang bahay.

"Bakit napasugod ka ng alanganing oras Polonius?"

Bakas sa mga mata ng bisita ang nararamdamang takot. Nilalamig na hinapit nito ang suot na balabal habang pumapasok sa loob ng bahay ng pinuno. Isinabit nito ang suot na sumbrero at kinakabahang naupo sa sopa.

"Kinausap niya ako Seraton."

"Sino?"

"Ng babae..."

"Anong ibig mong sabihin?"

Parehong natigilan ang dalawa. Nag-usap ang mga mata nito na parehong may bakas ng pangamba.

"H-Huwag mong sabihing..." bigkas ni Seraton.

"Tama ang iniisip mo... May kakayahan siyang kausapin sa isipan ang sinumang nakita niya na... a-at kahit nasaan man ito."

"A-Anong sinabi niya sayo?"

"Pinipilit niyang magtanong tungkol sa pagkatao niya. Nakikiusap siyang ibalik ko ang kanyang alaala at tinatanong niya ako tungkol sa pinainom kong aguaritos, ang pansamantalang pampalimot na inuming tubig natin."

"P-Papaano na lang Polonius kapag bumalik na ang lahat sa kanya? Ang aguaritos ay tumatagal lamang ng dalawang linggo. Hindi kaya matunton ka nito at bigla kang balikan? " nag-isip bigla ang pinuno. "Teka kung may epekto pa rin ang aguaritos sa kanya, sa papaanong paraan ka niya kinausap?"

"Sa panaginip. Wala pa siya sa lubos na kamalayan subalit nagagawa niya nang abutin ang aking isipan."

Dumukot ng tabako si Polonius mula sa bulsa ng suot na amerikana. Hindi niya ito sinindihan subalit kinakagat-kagat niya ito habang nag-iisip ng malalim.

"Anong dapat nating gawin Seraton."

"Kung sadyang may mga indikasyon na ng pagkakaroon niya ng hindi pangkaraniwang mga kapangyarihan, kailangan natin siyang bantayan. Dapat nating alamin kung ano pa ang mga kapasidad niya. At kapag nalaman nating isa siyang banta,...may isa lamang akong naiisip na solusyon. Bago pa man siya mapasakamay ni Heigro, ay mapupunta muna siya sa mga kamay natin."

Nahulog sa bibig ni Polonius ang kagat-kagat na tabako sa sinabi ng lider.

"A-Anong binabalak mo Seraton?"

Nagpalit sa pagiging kulay abo ang bilog ng mga mata ng pinuno. Seryoso itong tumingin sa kausap.

"Ito ang unang pagkakataong hihingi tayo ng tulong sa hindi natin kalahi, Polonius. Gagawin natin ang lahat upang pumanig siya sa atin."

"Pero malaking paglabag ito sa ating alituntunin, Seraton."

"Wala tayong magagawa. Kung kinakailangan nating baguhin ang ating batas para dito ay gagawin ko. Mas mainam ng maging kakampi natin ito kaysa maging kakampi ito ng kalaban."

"Ngunit papaano natin ito magiging kakampi?"

"Magpapadala tayo ng taong magmamanman sa kanya."

"Hindi tayo pwedeng magpadala ng pangkaraniwang mga Gadians, Seraton. Kailangan ay may kakayahan ang mga ito na protektahan ang babae kung sakaling matunton ito ni Heigro... O di kaya ay kakayahang protektahan ang kanilang mga sarili mula mismo sa babaeng ito."

Huminga ng malalim si Seraton at nag-isip ng ilang sandali.

"Isang tao lang ang aatasan ko para sa misyong ito. Iiwasan nating maglikha ng ingay. Kailangan nating maging maingat upang hindi ito maamoy ng mga Reformus."

"Kailangan mo munang isangguni ang bagay na ito sa Pillis."

"Saka na Polonius, sasabihin ko lamang ito sa kanila kapag nakatitiyak na tayong dapat nating isama sa ating panig ang babaeng iyon , sa ngayon ay pababantayan at pamamanmanan muna natin siya."

"May naiisip ka na bang taong may sapat na kakayahan para sa misyon na to?"

Bumalik sa normal ang kulay ng mga mata ni Seraton. Tumingin ito ng matapang kay Polonius at ngumisi sa naiisip.

"Meron na."...

                                                                      ------

Naaninag ni Hector ang anino ng kanyang ina. Nakatayo ito sa tabi ng bintana ng kanyang kuwarto habang hinahawi ang kurtina.

"M-Mom, matutulog pa ako." pupungas-pungas na wika niya nang tinamaan ng liwanag ang kanyang mga mata at sabay taklob sa mukha ng unan.

"Pinababa ka na ng iyong ama."

Naalimpungatang sumilip siya sa orasan mula sa nakataklob na unan sa mukha.

"M-Mamaya na. Sabihin niyo mga isang oras na lang. Alas sais pa lang naman ho."

Agad siyang pinagbigyan ng ina ngunit napapailing ito habang naglalakad papalabas ng kuwarto.

"M-Mom, yung kurtina..."

Bumalik mula sa pinto ang nanay at muling ibinaba ang kurtina. Pumikit ulit si Hector subalit hindi pa man lumilipas ang sampung minuto ay naririnig niya na ang mga yabag ng ama. Nagtaklob pa siya ng isang unan upang hindi gaanong marinig ang inaasahan niyang panenermon na naman nito.

"Bumangon ka Hector. Aalis ka ng Laguerto sa lalong madaling panahon!" mataas na boses na wika ni Seraton pagbungad na pagbungad pa lamang nito sa pintuan ng kuwarto.

Napabalikwas ng bangon ang binata. Para itong binuhusan ng tubig sa narinig. Naglaho ang antok nito at biglang nagliwanag ang mukha.

"Anong sabi niyo Dad?"

Nagmamadaling nagsuot ng T-shirt ang nakahubad na binata. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nito dahil sa sinabi ng ama.

"Aalis ka."

"Saan? Kelan? Bakit?" sunud-sunod na tanong ng napapangiting anak.

Hindi pa man alam ni Hector ang kahulugan ng mga binitawang salita ng ama ay sumisigla na ang kanyang pakiramdam. Anumang bagay na may kinalaman sa paglayo sa mahigpit na mga magulang ay ikinasasaya niya.

"Pupunta kang Amerika." sabay lapag ni Seraton ng isang tiket sa eroplano sa kama ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Hector. Papalit-palit ito ng tingin sa mukha ng ama at sa tiket.

"Dad seryoso ba kayo? Masyado pang maaga. Nakakapanibago atang sinisimulan niyo ang araw ng isang biro."

"Huwag kang masyadong magdiwang Hector. Hindi ka pupunta sa lugar na iyon para magliwaliw," tumingin ng seryoso si Seraton sa nakangiting anak. "May tungkulin kang dapat gampanan para sa mga Gadians."

Unti-unting nabura ang mga ngiti sa mukha ng binata.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Mayroon kang lihim na misyon."

"Lihim? Dad... "

Bago magsalita ay  isinarado ni Seraton ang pinto ng kuwarto at siniguradong hindi nakikinig kahit ang kanyang maybahay.

"Oo. Isa itong lihim dahil hindi ito alam ng Pillis. Tanging ako, ikaw at si Polonius lamang ang nakakaalam nito."

Napanganga ang binata sa nalaman. Kilala niya kung gaano katuwid na pinuno ang kanyang ama kung kaya't tila ayaw niyang maniwala na magbibigay ito ng misyong hindi nalalaman ng mga matatandang tagapayo.

"A-Anong klaseng misyon ito?"

"May babantayan kang isang dalaga."

"Ano?!" bulalas ng binata na halatang gustong humalakhak. "Ahhhhh... kailangan ko bang paibigin ang babaeng sinasabi niyo kaya't sa akin niyo binibigay ang trabahong ito. Mabuti naman at kinikilala niyo na ang kakayahan kong yan Dad. Ipinapangako ko hindi ko kayo bibiguin!"

"Tumigil ka! Hindi isang biro ang bagay na ito Hector. Hindi ordinaryong babae ang mamanmanan mo! Sa tingin mo ba ay mangangahas akong maglihim sa Pillis ng dahil sa walang kwentang bagay!"

Agad na nagseryoso ang binata nang makita ang namumula sa galit na mukha ng ama. Hindi lingid sa kaalaman niya na may mabigat itong rason para suwayin ang mga alituntuning sa pagkakaalam niya ay ni minsan hindi pa nito nilabag ngunit gusto niya lamang simulan sa biro ang bagay na alam niyang mauuwi sa isang seryosong usapan.

"Anong klaseng babae to? Hindi pangkaraniwan? Napapalibutan na ako ng mga katulad niya pero bakit namumukod tanging siya lang ang pinababantayan mo. At pinili mo pa ang isang nilalang na halos nakatira na sa kabilang panig ng mundo."

"Dahil mayroon tayong dapat malaman para sa kapakanan at kaligtasan ng ating lahi."

"Ano ang kinalaman ng taong yan sa kaligtasan ng mga Gadians. Kauri din naman natin siya. Bakit hindi niyo na lang ipatawag?" nakakunot noong tanong ni Hector.

"Hindi natin siya kauri..."

Natigilan ang binata.

"Anong ibig niyong sabihin? Kasasabi niyo lang na hindi siya ordinaryong babae." nag-isip ng ilang sandali ang lalaki at nagdududang tumingin sa ama. "Teka, kung hindi siya kabilang sa uri natin, ibig bang sabihin ay kabilang siya sa uri ng ating kalaban?"

"Yan ang isa sa mga bagay na dapat mong alamin. Tuklasin mo ang lahat-lahat sa kanya. Alamin mo lahat ng mga bagay na kaya niyang gawin." humugot ng isang malalim na buntong hininga si Seraton at hinawakan sa balikat ang anak. "Hector, binibigyan kita ng pagkakataong ipamalas ang pinaniniwalaan mong prinsipyo. Sa misyong ito ay wala akong anumang regulasyong ipapatupad. Malaya kang isagawa ito sa pamamaraang gusto mo. Ngunit isa lamang ang nais kong mangyari, kung sa tingin mo ay kinakailangan, dalhin mo ang babaeng ito patungo sa panig ng mga Gadians."

"D-Dad..."

"Ang taong ito ay nagngangalang Amerie Valerius, kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng sikat na direktor ng Holywood na si Bradley Candor."

Tahimik na tumango si Hector subalit nagtatakang dinampot nito ang tiket ng eroplano.

"Hindi mo pwedeng gamitin ang alin man sa lihim na mga lagusan dahil agad na matutuklasan ng Pillis ang pag-alis mo." sagot ng pinuno sa nagtatanong na mukha ng anak.

                                                                                 ----

"Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo? Nag-aalala ako sayong bata ka."

"Kaya ko ho Manang Cely. Kung nakayanan ko nga hong gumala ng mahigit dalawang araw sa kagubatan, dito pa po kaya sa ganitong lungsod."

"A-Ano?"

Lalong nag-alala ang katulong sa sinabi ng dalaga. Lumapit ito ng may nakikiusap na hitsura sa nakatayong amo sa tabi ng pintuan.

"Sir Bradley baka pwede naman hong patirahin niyo muna siya dito habang wala pa siyang naalala. Malay niyo naman ho baka kinabukasan ay gumaling na siya. Kawawa naman ho kung magpalaboy-laboy lamang siya. Magandang dalaga pa naman baka mapagkatuwaan ito."

Umiling si Bradley at humawak sa pihitan ng pinakapintuan ng bahay. Iniumang pa niya lalo ang pagkakabukas nito at nakahalukipkip na sumandal dito.

"Hindi pwede. Ang usapan namin ay patutuluyin ko lamang siya ng isang gabi dito. Manang, kung maawa ka sa kanya, eh dapat maawa ka na rin sa lahat ng mga pulubi't palaboy sa lungsod na ito. Sapat na ang naitulong ko sa kanya. Inialis ko na siya sa gubat at pumayag na akong magpalipas siya ng gabi dito. Tama na yun," tumingin ang lalaki sa tahimik na dalaga at isinenyas dito ang isang kamay papalabas ng pintuan.

Ngumiti ng tipid si Amerie at tahimik na humakbang papalabas ng bahay.

"Sandali lang!" wika ng katulong at sabay dukot nito sa bulsa ng uniporme. "Eto o pera, para naman kahit papaano ay may pambili ka ng pagkain pag nagutom ka."

"Salamat manang," tinanggap ng dalaga ang pera ng may matamlay na ngiti. "Huwag ho kayong mag-alala siguro susundin ko na lang ang sinabi sa akin ni S-Sir Bradley na pumunta sa mga pulis. B-Baka kahit papaano ay may naghahanap na rin sa aking mga kamag-anak."

Itinuloy ng malungkot na babae ang paglalakad subalit huminto ulit ito sa tapat ng binata. Ngumiti ito ng maluwag sa loob at tiningnan sa mga mata ang taong tumulong sa kanya.

"M-Maraming salamat."

Pasimpleng iniiwas ni Bradley ang mga paningin sa babaeng nakangiti ngunit may malulungkot na mga mata. Hindi niya ito matingnan ng diretso dahil kahit papano ay may kumukurot sa dibdib niya sa tuwing makikita ang matamlay at natatakot nitong mukha.

"S-Sige na umalis ka na dahil marami pa akong gagawin ngayong araw na ito." nagtatapang-tapangang wika ng direktor.

Tumango si Amerie at ibinalik ang tingin sa daan papalabas ng bahay. Itinuloy niya ang paglalakad. Minamasdan siya ng mangiyak-ngiyak na katulong habang binabaybay niya ang bakuran ng mansiyon.

Samantala, nananatiling matigas pa rin ang mukha ni Bradley. Desididong-desidido siyang paalisin na ang estrangherang bisita. At hindi pa man ito tuluyang nakakalabas ng gate ay  tinangka niya nang pagsaraduhan ito ng pinto subalit bigla siyang natigilan at napatingala sa kalangitan. Naagaw ang atensyon niya ng unti-unting dumidilim na mga ulap. Nagbabadya ang isang malakas na ulan.

'Pabalikin mo ako...'

Nagulat siya sa narinig na boses.

"Manang Cely may sinasabi ka ba?"

"W-Wala po sir." nagtatakang sagot ng kanyang katulong.

Napakunot siya ng noo, parang may narinig siyang boses babaeng nagsalita. Napailing na lamang siya at muling itinuloy ang pagsasara ng pintuan.

'Pakiusap. Pabalikin mo ako.'

Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata. Narinig niya ulit ang boses. Hindi siya nagkakamali. Mayroong nagsasalita! Napatingin siya sa katulong subalit walang nagbago sa reaksiyon nito. Siya lang ba ang nakakarinig ng boses?

'Natatakot ako.'

Binuksan niya ang pintuan. At hinabol ng tingin ang noon ay papalabas na ng gate na babae. Napatingala ulit siya sa kalangitan, malapit nang bumagsak ang malakas na ulan.

"SANDALI!"

Huminto ang babae at nilingon siya. Lumabas siya ng bahay at patakbong lumapit sa dalaga.

"B-Bakit ho?"

"P-Pumapayag na ako...Pwede kang tumira dito hangga't wala kang naaalala." hinihingal na wika niya.

Nagliwanag ang mukha ng dalaga at agad itong napangiti. Natigilan siya. Muli na naman niyang napansin ang tila nakakasilaw nitong kagandahan. Ilang sandali silang nanatili sa kinatatayuan. Sinasadya niyang hindi agad pumasok sa loob ng bahay dahil may hinihintay siyang pangyayari. Pagkalipas ng ilang minuto ay muli siyang tumingala. Dahan-dahang nagliwanag ang kalangitan. Ang kaninang madididilim na mga ulap ay unti-unting pumuputi.

Ibinalik niya ang mga paningin sa maganda at inosenteng mukha ng babae. Napangisi siya sa isipan. Biglang nabuhay ang kanyang dugo. Sumigla ang buong pagkatao niya. Hindi siya nagkakamali. Tama ang hinala niya. Ang babaeng kaharap niya ay hindi ordinaryong tao.

Bumilis ang pintig ng puso ni Bradley sa natuklasan.

May ibig sabihin ba ang pagtatagpo nilang dalawa?

Sinasadya ba ng kapalarang dalhin ito sa kanya?

Magkakatotoo na ba ang mga bagay na dati ay sa imahinasyon niya lamang nakatira?...

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
489K 34.9K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
282K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
2.9M 67.4K 32
"Too much love and power can kill you." Laurice Fireilline Gwyneth Apostle. A cold-blooded woman who never knew what love is. She knew everyone, but...