10270171127D

By MyBurning

243K 6.6K 1.6K

Labing isang numero, isang letra. Kapag nasagot ko ang misteryong to... mamamatay ba ako? //credits to cutieg... More

Prologue
1 : Who's the killer?
2 : Letter
3 : New friend
4 : Names
5 : Alden
6 : CR
7 : Missing
8 : Nightmare
9 : Next victim
10 : Escape
11 : Agony
12 : The other side
14 : An angel
15 : Hopeless
16 : Clues
17 : Explode
18 : Video
19 : The killer?
20 : Secrets will reveal
21 : Real Identity
22 : Secrets
23 : The witness
24 : Second to the last
25 : His side
26 : The last stand wins
Epilogue
Announcement (sa interesado)

13 : Confused

7.4K 200 79
By MyBurning

October 9, 2001

Lumipas ang pitong taon...

Nakapag-tapos sila ng kolehiyo ngunit malaking palaisipan sa mga estudyante noon ang biglang pagkawatak-watak ng barkada nila William.

"Sir, may naghahanap po sa inyo" sabi ng isang sekretarya.

"Papasukin mo na" sagot naman ni William habang nakaupo sa table ng opisina niya. Isa ng ganap na may-ari ng kompanya si William at may asawa na rin ito at may apat na taong gulang na anak. Maayos ngayon ang pamumuhay niya ngunit minsan ay nasa isip parin niya kung ano ng nangyari sa mga kaibigan niya. Simula kasi mangyari ang insedenteng iyon, nagka-iwasan na ang mga binata hanggang sa magtaposng pag-aaral hanggang sa wala na siyang balita sa barkada. Tanging isa na lamang sa mga kaibigan niya ang patuloy niya paring nakakausap.

Pinapasok na nga ng sekretarya niya ang bisita habang patuloy pa din sa pagbasa ng mga paples si William.

"K-kamusta ka na?" biglang napatigil si Qilliam at para bang nanigas siya sa kinauupuan niya ngayon...

Ang boses na iyon....

"Naaalala mo pa ba ako.... William?" mala-anghel ang boses ng babae. Lumipas man ang mga taon, hindi parin lubusang nakalimutan ni William ang babaeng iyon...

Ang babaeng nagpabaliw sa kanya.

Ang babaeng una niyang inibig.

"Ang babaeng inakalang patay na.

"C-Cassandra..." hindi makapaniwalang sambit ni William.

'Hindi maari! P-paanong... patay na siya diba?!' sabi nito sa sarili.

"Ako nga" at ngumiti si Cassandra. Isang simpleng kasuotan lamang ang kanyang suot at may kapayatan din ito. Mahahalata mong maraming problema ang dala dala nito dahil sa itsura. Ngunit kapansin pansin din ang kasama nitong bata.

"P-paanong..." hindi padin makapaniwala si William sa nangyayari.

"William, kailangan ko ng tulong mo" nagingiusap ang mga mata ng babae.

"Paano ka nabuhay?" sa wakas at nasabi narin niya ang kanina pang bumabagabak sa kanyang isip. Medyo nag-iba ang aura ng babae dahil na din sa alaalang muling nag-balik.

"Sa tingin niyo ba namatay talaga ako noon? Buhay ako William. Buhay na buhay" nagpipigil ng galit si Cassandra. Hindi niya pwedeng taasan ang pananalita dahil sa pagkagipit nito.

"P-pero bakit hindi ka nagpakita noon?"

"Natatakot ako... Simula ng nangyari, natakot na ako sa mga tao... hindi ko kayo kayang harapin" at may nagingilid ng luha sa mga mata nito at mas napakapit ng mahigpit sa kamay ng bata.

"A-anong kailangan mo?" at napatingin si William sa bata.

"Ipapakilala ko l-lang ang... anak mo" lalong nagulat si William sa narinig.

"ANO?!

"Natatandaan mo pa ba? N-nagbunga ang ginawa mo sakin..." at napayuko na lang siya dahil may tumulong mga luha sa mata niya.

"Mama..." tawag sa kanya ng anak. Niyakap lang ni Cassandra ang bata.

"A-anong ibig mong sabihin?!"

"Wala akong balak guluhin ang buhay mo. K-kailangan ko lang talaga ng tulong... May s-sakit ang asawa ko... kailangan namin ng tulong ng anak mo"

"Umalis ka na Cassandra" madiin na pagkakasabi ni William at hinawakan si Cassandra sa balikat upang palabasin siya sa opsinina nito.

"T-teka... parang awa mo na. T-tulungan mo kami" at nanlaki naman ang mga mata ni William ng biglang lumuhod sa harap nito ang babae.

"M-mama" umiyak na din ang bata dahil sa nakikita sa ina.

"Ano bang ginagawa mo Cassandra?!"

"P-please..."

"P-pasensya ka na. Ayoko ng gulo" malamig na pagkakasabi ni William. Napatatayo naman si Cassandra sa narinig. Naiyukom nito ang mga palad at nahinto sa pagtulo ang mga luha niya...

"Ayaw mo ng gulo? Kayo ang may pasimuno nito! Kung hindi niyo ko binaboy di mangyayari to! Edi sana nakapagtapos ako ng pag-aaral at di nag-hihirap dahil sa mamamatay kong asawa at kinailangan ko pang lumuhod sayo! Utang na loob William, may anak ka sakin. Wala ka na ba talagang awa?!" galit na galit na sabi ni Cassandra. Pitong taon niya kinimkim ang galit at takot, ngayong muli siyang nagpakita upang humingi lang ng tulong ay tinanggihan pa siya nito.. Wala ng hihigit pa sa galit na nararamdaman ni Cassandra. Sila ang sinisisi niya sa lahat!

"Umalis ka na at wag na wag ka ng magpapakita sakin" sabay iwas tingin ni William.

"Kayo ang wag na magpapakita sakin William. Tandaan niyo to, may mga ebidensya ako sa kabahuan niyo. At may anak tayo William. Ano nalang kaya mangyayari sa inyo ng pamilya mo? Ibabalik ko lahat ng kasamaan niyo William! Napaka-demonyo mo!" at padabog na ngang umalis si Cassandra kasama ang anak nila.

Wala na si Cassandra ngunit nag-iwan naman ito ng banta na nagpatakot kay William.

'Hindi maari! Ayokong masira ang pamilya ko!' sigaw niya sa utak.

Takot na takot niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang natitirang kaibigan na may ugnayan parin sa kanya.

"Tulungan mo kong hanapin ang barkada" bungad nito sa kaibigan.

[Teka? Bakit naman?"

"May napakalaki tayong problema"

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hara's POV

Naglakad nalang ako muli papuntang cafe ng may mabunggo akong isang lalaki.

"Aray!" sambit ko ng mapaupo ako sa sahig.

Tinignan lang ako saglit ng lalaki saka nagpatuloy na siya sa paglalakad. Ni hindi man lang ako tinulungan...

Ngunit para bang tumaas ang mga balahibo ko ng malaman kung sino ang nakabunggo ko. Si Enzo yun...

Tama! Kailangan ko siyang makausap. Isa kasi siya sa mga pinaghihinalaan ko...

Agad ako tumayo at hinabol si Enzo. Hinawakan ko ang braso niya at sapilitang pinaharap ko siya sa akin.

"Mag-usap tayo..."

"Huh?" kunot noong tanong ni Enzo sa akin. Bumuntong hininga naman ako at ng mapansin wala ng masyadong tao sa pwestong ito, muli akong nagsalita.

"Ikaw ba ang killer?" wala ng dahilan para magpaligoy-ligoy pa ako. Ayoko pang mamatay.

"Killer?!" bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat.

"Anong kinalaman mo kay Gelou Arson?" tanong ko. Napayuko siya ngunit nakita ko ang ngisi niya sa labi at ang pagdilim ng aura niya.

"Gelou..." pabulong niyang sabi.

"Ikaw ba ang nagtangkang pumatay sa kanya?" lakas loob kong sabi. Muli siyang humarap sakin at kinilabutan ako sa mga titig niya. Na para bang may nasabi akong mali. Mukhang ginalit ko siya...

"Sa tingin mo kaya kong pumatay ng tao?" may halong galit sa boses niya. Napaiwas ako ng tingin dahil masyadong nakakatkot ang galit sa mga mata niya.

"H-hindi ko alam. Kaklase nga kita ngunit hindi kita ganun kakilala. Wala akong alam tungkol sayo" sagot ko habang nakatingin sa bandang kaliwa ko.

"Hahahaha. Alam mo bang napakalaki ang atraso sakin ni Gelou?"

"A-ano ka ba niya?" inipon ko ang buong lakas ng loob at muling nakipagtitigan sa kanya.

"Mangagamit si Gelou Hara. Minahal ko siya pero pinaglaruan niya lang ako. Napaka-landi niya" at naiyukom niya ang mga palad niya.

Kung ganun.. sapat na bang dahilan yun para mapatay niya si Gelou?

"Pero kahit anong galit ko, hindi ko kayang dumihan ang kamay ko ng mga dugo. Sapat na sigurong, ipagdasal ko na lang na tuluyan na siyang bawian ng buhay sa ospital na kinaroroonan niya" at ngumisi siyang muli bago umalis.

Dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi niya? Pero di dapat ako magpaniwala agad. Baka lahat sila niloloko lang pala ako. Kailangan kong mag-ingat

Pumunta na ang ako ng café at makita ko dun si Sean na naghihintay.

"Sean!" tawag ko sa kanya at napangiti naman siya ng makita ako.

Elisha's pov

"Sean!" napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanila Hara at Sean.

Kumapit si Hara sa braso ni Sean atsaka sila naglakad.

Nauyukom ko ang palad ko dahil nakaramdam ako ng inis.

May muli lang akong naalala...

*flashback*

"Ah! Nakalimutan ko yung wallet ko" napalingon ako sa nagsalita. Kasalukuyan akong kumakain dito sa café ng marinig ko ang boses ni Keilah.

"Libre nalang kita" narinig kong sabi ni Hara. Naging magkaklase kami noon kaya kilala ko na sila pero hindi ko alam kung kilala pa nila ako.

"Wag na. Balik lang ako sa locker ko" sabi ni Keilah. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Di naman nila siguro ako mapapansin dahil naka-earphones ako.

"Samahan na kita. Sean pa-reserve nalang kami ng upuan ahh"

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagmadaling umalis dito. Masyadong maraming tao. Napaka-ingay! Naiirita ako!

"Aray!"

"Ayos ka lang ba?"

Tumingala ako at may nakita akong palad na naghihintay na abutin ko. Di ko pinansin yun at tumayo ng mag-isa.

"Pasensya ka na ah" inayos ko lamang ang uniporme ko atsaka tumgin sa naka-bangga ko. Isang lalaki.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya ulit. Gusto ko mang magsalita ngunit mas pinili kong tignan lamang siya.

"Pasensya na ulit. Ms. Earphone girl.."

*end of flashback*

Muli akong napatingin sa kanilang dalawa na mukhang masayang nag-uusap.

Yun ang unang pagkakataong nag-krus ang landas namin ni Sean.

Sean...

Siya ang kauna-unahang nagpangalan sa akin ng 'Ms. Earphone girl'

Sean, totoo ba lahat ng pinapakita mo kay Hara? Totoo bang mahal mo nga siya?

Kung ganun nga...

Bakit si Hara pa?

Hara's pov

Uwian na namin. Pero nakapagdesisyon ako na puntahan si Sr. Rowen.

"Hara" napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Sean?"

"Hatid na kita" nakangiting alok niya sakin.

"Wala ka na bang pasok?" tanong ko. 

"Absent prof. namin kaya maaga uwi ko. Hatid nalang kita"

"Ah sige.. pero h-hindi muna kasi ako uuwi"

"Huh?"

"Balak ko sanang pumunta sa bahay ni Sr. Rowen"

"Bakit?" tanong niya. Tumingin tingin naman ako sa paligid. Unti lang naman ang tao.

"Napag-alaman ko kasi na si Sr. Rowen ang nasa picture. Anak na niya ang next victim. Kailangan ko na siyang makausap habang maaga pa. Nararamdaman ko kasing siya na ang makakasagot sa katanungan ko" sagot ko.

"Oh sige. Samahan nalang kita" at tumango naman ako saka itinuro ko ang direksyon ng bahay ni Sr. Rowen.

"Oh Hara? Napadalaw ka? Teka pumasok muna kayo" bungad samin ni Sr. Rowen na mukhang kakauwi lang din galin sa school.

"Upo kayo. Bakit nga pala kayo nandito?

"May itatanong po sana ako" panimula ko

"O sige ano ba yun?"

"Alam ko pong kaibigan niyo ang papa ko. Pwede niyo po bang makwento kung anong nangyarisa inyo dati?"

"Teka hindi kita maintindihan"

"May koneksyon pa po ba kayo sa kanila?" at pinakita ko ang picture nilang pito na pinadala sakin ng killer.

"Ah sila... mga kabarkada ko yan ng college. Bakit mo natanung?"

"Bakit po kayo nagkawatak-watak"

"Ah.. May isang bagay lang kasi na nangyari noon. Sa tingin ko, hindi ko dapat sabihin sayo yun" nakakainis! Bakit ayaw nila sabihin?

"Ano po bang nangyari? Bakit ba ayaw niyo pa ako deretsuhin?"

"Alam mo Hara... May isang babae na minahal ang papa mo bago ang mama mo. Dun nagsimula ang gulo sa barkada namin. Maggagabi na, mabuti ng umuwi na kayo sa bahay niyo" at tumayo na siya.

May iang minahal ang papa ko?

"Sino po yun? Please sabihin niyo na..." pagmamakaawa ko ngunot nginitian niya lamang ako.

Tumingin tingin naman ako sa paligid. Napansin kong mag-isa lang si Sir sa bahay niya.

"N-nasan po ang asawa niyo sir?" tanong ko.

"Ah... Nasa kwarto nagpapahinga bakit?"

"M-may anak po ba kayo?" tanong ko. Muli siyang ngumiti ngunit bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

"Sa kasamaang palad.. hindi kami binayayaan ng anak" malungkot na sagot ni sir.

Wala siyang anak...

Kung ganun? Sino ang susunod na papatayin?

"Sige umuwi na kayo. Baka hinahanap na kayo sa inyo" at wala na nga kaming nagawa pa. Hindi ko naman maaring pilitin si sir sagutin lahat ng kagustuhan ko.

Inihatid muna ako ni Sean sa bahay.

"Wag ka ng malungkot" sabi sakin ni Sean.

"Pero hindi parin nasasagot ang mga katanungan ko. Nadagdagan pa nga eh. Alam kaya ng killer na wala siyang anak?" 

"Magpahinga ka muna. Napapansin kong masyado ka ng nagiging problemado. Nag-aalala na ako sayo" at niyakap ako ni Sean.

"Sorry. Pero kailangan kong gawin to."

"Bakit hindi na langtayo magsumbong sa pulis?" tanong niya.

"Natatakot ako Sean. Natatakot ako sa mga mangyayari kapag nagsumbong ako sa mga pulis." at may mga luhang tumulo na sa akin.

Sa totoo lang nahihirapan na din ako. Baka mabaliw na ako sa mga naiisip ko. Masyado akong natatakot...

"Bakit kasi kailangan mo pa tong gawin? Bakit mo dinadamay ang sarili mo dito? Natatakot din ako Hara." nag-aalalang sabi ni Sean.

"Matagal na akong nadamay sa gulong to Sean. Nandito ang papa ko.. kapag hindi ako kikilos, baka kuhain na niya ang buhay ko" takot na takot kong sabi.

"Umuw ka na Sean. Ayos na ako dito" sabi ko sa kanya. Gabi na din kasi.

"Hindi mapapanatag ang loob ko. Pano nalang kung may mangyaring masama sayo?" tanong niya. Ngumiti na lamang ako para malaman niya na ayos na ako.

"Wag ka ng mag-alala. Nandito naman si manang"

"O sige. Pero tawagan mo ako pag may problema ahh" at tumango na lamang ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko atsaka umupo sa kama. 

Nakakapagod din pala. Nakakapagod hanapin ang killer.

Napabalikwas naman ako ng mag-ring ang cellphone ko.

Biglang kumunot ang noo ko ng makita ang screen ng cellphone ko.

[Jaja calling]

Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso at agad na sinagot ang tawag. 

"H-hello?" sabi ko sa kabilang linya. Nakarinig naman ako ng malalim na paghinga... Kinakabahan ako ...

"H-hara...."

Halos nanigas ang katawan sa narinig ko.

Ang boses na yon....

"J-jaja?" di makapaniwalang tanong ko.

Pero paano?

Patay na diba si Jaja?

 

-------

Vote and comment po kayo! ^^

Sir Rowen sa side..

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
218K 1.6K 7
Book 3: Mystique Academy: The Cursed Academy After the tragedy that falls upon them. Hel and Kreios, being the most vulnerable, were targeted by some...
25K 1.1K 11
"I'm sorry... " Patatawarin kita, kung sasama ka sa impyerno!
52.6K 905 23
ERITYIAN TRIBES ANIME (Former title: Tantei High Anime Casts) *** Thank you sa pagtingin sa mga animes! :)) Credits to ate ann. Love u po! :*