MAYBE ONE DAY (Completed)

By ajldlkbv20

267K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... More

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
CHOICE
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

LUNCH SLASH CELEBRATION

8.4K 284 13
By ajldlkbv20

CHAPTER 4



Habang kumakain kami, patuloy ko paring inaasar si Althea.

"Next time na may hindi ka na naman gawin, ililibre mo ulit ako ha."

"Hala siya! Parang sure na sure ka atang mangyayari ulit 'to ah." Marunong palang magpout 'tong CEO na 'to. Hahaha.

"Oo naman. Ikaw pa! Eh ang hilig-hilig mo sa cramming."

"Hindi kaya! Sadyang marami lang talagang kinailangan gawin." Tunog nahihiya na tono ni Althea.

"Excuse me oy. Parehas lang tayo ng dami ng trabaho. Diba hinati natin ng patas un? Kahit dapat mas marami sayo dahil ikaw ang CEO. Pero ako, maaga kong natapos ung akin. Tapos ikaw--" Hindi na natapos ang pangtutukso ko sa kanya dahil binato niya ako sa mukha ng table napkin na hawak-hawak niya.

"Ang hard mo talaga sakin no? Nagsorry na nga ako eh. Awat na, Jade." Natatawang pakiusap niya.

"Hahaha. Oh sige na, titigil na. Hindi na po." Nakangiti namang sagot ko at ibinato ko pabalik sa kanya ang table napkin.

Silence suddenly filled the air for a few minutes. It wasn't an uncomfortable silence; but then I started to feel uneasy when I realized she was staring at me. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matunaw sa mga titig niya, pero ramdam ko kasi na parang inaaral niya ako. Halata sa mga mata niya na may mga gusto siyang itanong sakin.

"Althea..."

"Huh?"

"Go na. Itanong mo na ang mga gusto mong itanong. Sasagutin ko naman eh." Natawa nalang ako ng bigla siyang umiwas ng tingin at yumuko.

"Actually, hindi naman sa marami akong tanong. Pero ngayon lang kasi tayo nagkasama na hindi nagtatrabaho. Lagi tayong beast mode sa office eh. Gusto ko lang sana mas makilala ang katrabaho ko." Tawa din nito.

Narealize ko bigla na, oo nga... eversince nagmeet kami ni Althea, wala kaming ibang pinagusapan kundi ang Hotel & Casino project namin. Madalas kasi kapag lunch break ay nagmamadali ang CEO na umalis sa opisina. Hindi ko rin alam kung bakit. Ako naman ay madalas nakikipagkita kay Sally. Pero the past week, halos hindi na ako kumakain ng lunch dahil sa dami ng trabaho.

Pero ngayon, may chance narin akong makilala ang kapartner ko sa project. Hindi bilang isang CEO, pero bilang isang Althea Guevarra.

"O sige ganito. Tutal medyo maaga pa naman, maglaro tayo ng short question game. 5 questions each. Salitan ha. This way magagawa nating mas makilala ang isa't isa. Ano, game?" Offer ko sa kanya.

"Sige ba!"

"Sino mauuna?" Dagdag ni Althea.

"Jack 'en poy nalang." Sagot ko.




And... she won.



"Orayt! Ako ang unang mang-iintriga. Hahaha." Tawa na naman nito.





(AN: This part will be continuous para mas madaling sundan.)




ALTHEA: Favorite color? (Q1)

JADE: RED. Althea naman! Sinasayang mo 5 questions mo. Ang typical ng tanong mo.

ALTHEA: Ayy. Nagsalita! Eh ang typical din ng sagot mo. Hahaha.

JADE: Sira! Haha. Game, ako naman. First question. Bakit ang hilig mo sa cramming? (Q1)

ALTHEA: Jade! Sabing awat na dyan eh.

JADE: Hindi naman ako nang-aasar. Sadyang curious lang ako kung bakit trip mo lagi ung naghahabol ng trabaho. Eh pwede namang gawin ng maaga.

ALTHEA: Hayy. Besides the fact na napakarami talagang trabaho... madalas lang na kung kailan malapit na ang due date, tsaka nag-uunahan ang mga ideas sa utak ko. Haha. So ayun. Next question. Bakit ang hilig mong mang-asar? Haha. (Q2)

JADE: Bumabawi ka ah! Hindi naman ako mapang-asar eh. Sadyang ang sarap mo lang talagang asarin. Hahaha.

ALTHEA: Grabe siya oh! Isusumbong kita sa Tito mo.

JADE: Sumbong mo. As if naman hindi ka rin aasarin nun. Hahaha. Anyway, I hope I'm not crossing any boundaries sa next question ko. Uhmm, ikaw ba ang pumili ng course mo nung college or sort of napilitan ka lang sundan footsteps ng dad mo? (Q2)

ALTHEA: Parang tungkol parin sa trabaho 'tong topic natin ah. Haha. Honestly though, hindi naman ako napilitan. Gusto ko talaga ang Architecture. Nainspire ako nung makita ko ung works ni Papa. Parang ang saya kasi nung magdedesign ka ng mga building. Ang astig! Haha. So... Jade, ano ang pampatanggal mo ng stress? (Q3)

JADE: Minsan, trip kong kumanta. Minsan, paglalaro naman ng basketball. Hindi halata no? Hahaha.

ALTHEA: Uy wow! Infairness, parehas tayo. Tara, laro tayo kapag nagkafree time na tayo.

JADE: Oo ba. Basta ba handa kang matalo eh. Hahaha.

ALTHEA: We'll see, Ms. Tanchingco. We'll see! Haha. Oh, ano na next question mo?

JADE: Ayy oo nga pala. Uhmm... ah eto, para related sa last question mo. May secret hiding place ka ba kapag gusto mo ng katahimikan? (Q3)

ALTHEA: Actually, meron. Sa rooftop ng building natin. Haha. Ako lang may access dun. Isa un sa mga requests ko kay Papa nung ipinatayo ung company.

JADE: Taray ng spoiled na bata oh! Dalhin mo naman ako dun minsan.

ALTHEA: Ayoko nga. Piling tao lang ung pwedeng pumunta dun. Ung mga pinagkakatiwalaan ko lang.

JADE: Ayy. So hindi mo pala ako pinagkakatiwalaan, ganun? Nakakasakit ka ng feelings, Althea ha.

ALTHEA: Hahaha. Siraulo ka! Hindi ganun ang ibig kong sabihin. Ang nakasama ko palang kasi dun ay ung mga taong alam ang darkest secrets ko. Dun ko kasi inilalabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Hahaha.

JADE: Wow! May mga malulupet palang secrets ang CEO ng kompanya. Eh kailan mo naman balak i-share sakin ung mga un? (Q4)

ALTHEA: Oyy infairness ha, nakakarami ka na ng tanong. Ang daya mo! Pang-apat mo na yan.

JADE: Ayy sorry naman po. Haha. Oh, eh kailan nga?

ALTHEA: Sa tamang panahon. Hahaha.

JADE: Ang daya mo rin eh! O sige na, ano na susunod mong tanong?

ALTHEA: Ano ang nakapagpapasaya sa isang Jade Tanchingco? (Q4)

JADE: Timtams. Haha. Isali mo narin ang family and friends. Wag na ang lovelife, dahil pampagulo lang ng buhay un.

ALTHEA: Uuuyy, ang bitter niya. Heartbroken ka no? Hahaha.

JADE: Hindi ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Panira naman talaga yang lovelife na yan.

ALTHEA: *whispers* May kailangan atang magmove-on dito.

JADE: Althea umayos ka. Tinidorin kita dyan eh!

ALTHEA: Hahaha. Joke lang, ito naman. Peace tayo! Game. Last question na, dali. Kailangan na nating bumalik sa office maya-maya.

JADE: Oo nga no. Sige. Eto, matinding tanong dahil inasar mo ako. Give me an honest answer ha. Ano ang nagugustuhan mo sa isang tao? In other words, what makes you fall in love with a person? (Q5)

ALTHEA: Grabe makatanong, Ms. Tanchingco ah. Pwedeng pass?

JADE: Hindi pwede!!!

ALTHEA: Hahaha. Sabi ko nga. Well, ang sagot ko ay... wala.

JADE: What do you mean 'wala'?

ALTHEA: Wala, kasi I don't really love with a reason. I don't fall in love with 'something'. Hindi ko mamahalin ang isang tao dahil sa mabait siya, mapagmahal, understanding, or kung ano man. At mas lalong hindi dahil sa itsura niya. Kahit ano pa siya, kahit hindi siya ung ideal partner ko... handa akong tanggapin siya ng buong-buo. I just simply love and fall in love. No reasons. No conditions.

JADE: Ang lalim naman nun. Hindi ko malangoy un ah! Hahaha.

ALTHEA: Sira! Haha. At dahil tungkol sa love ang last question mo, ako rin. Kapag nagmamahal ka ba, ibinibigay mo lahat? Wala kang itinitira para sa sarili mo? (Q5)

JADE: Oo. Kaya nga hanggang ngayon binubuo ko parin ang puso ko eh. Tara na uy! Balik na tayong office. Marami pang kailangan gawin. *tumayo at lumakad kagad papuntang exit*

ALTHEA: Ayy, wala man lang pagse-share ng details. Haha. Teka Jade! Hintayin mo ako.




Tumawa nalang ako at hindi na ulit nagsalita. That story is for another time. Ayokong ibato kagad kay Althea ang mga naganap sa buhay ko nung college dahil ako mismo, hindi ko pa magawang tanggapin un. And besides, kinakapa ko pa kung mapagkakatiwalaan ko talaga si Althea. Sa ngayon hindi ko pa masabi. Pero to be honest, I had fun talking to her. Parang biglang nagbago ung tingin ko sa kanya. Madalas kasi sa office, masyado siyang seryoso eh. May pagkabaliw din naman pala. I could feel that we'll be good friends in the future.

"Oh, nasa office na ulit tayo. CEO ka na ulit. Back to beast mode, Ms. Guevarra?" Pabiro kong sabi sa kanya nang makabalik kami sa building namin.

She just laughed and then went to her working area. After that ay hindi na ulit kami nagkaroon ng time na magkwentuhan dahil halos dalawang oras ko pang kinausap at tinuruan ang research team namin para sa mga susunod na gagawing presentations. Si Althea naman ay nirereview ang mga gustong revisions ng client dun sa proposals. Nung bumalik ako sa office namin ay inaya niya na kagad akong magbrain-storming ulit para sa next phase ng project.





















Magtutuloy-tuloy kaya itong friendship na nabubuo between the two?



Continue Reading

You'll Also Like

217K 2.1K 36
Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip...
2.4K 152 16
When the Star met the Moon in the middle of the night. I re-published it but changed NOTHING. excuse grammars or spellings :))
388K 20.3K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.