Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 36 (August 18, 2011)

1M 11.8K 2K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: August 18, 2011


Chapter 36

Nakabalik na sila Kent at Phoebe ng bahay pero hindi pa din nagsasalita si Kent.

"HOY Kent ano ba!! Sino ba kasi yun?!! Ano bang problema. May pasok pa--" Sigaw ni Phoebe. Di man lang siya kasi siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Kent. Nauna na itong pumasok ng bahay. Nagmamadali.

"TEKA LANG KASI!!!" sigaw ni Kent kay Phoebe bago pumasok sa loob ng bahay.

ABA!! Sinigawan ako! Ang sungit na naman niya!!! Tae siya!!! Naisip ni Phoebe.

Susunod na sana siya kay Kent sa loob ng bahay ng magring ang cellphone niya.

Si Harley, tumatawag.

Bakit naman kaya... Naintriga na rin ba ulit siya dahil sa pagsagip niya sa akin sa mga press kahapon?Anu ba yan ako na naman kasi ang may kasalanan eh. Tsk

Sinagot niya ang cellphone.

"Harley?" di muna pumasok sa loob ng bahay si Phoebe. Nasa labas lang siya habang sinagot niya ang tawag

"Isabelle?" medyo malungkot ang boses nito.

"Huh? Bakit? Okay ka lang?"

"M-mahal mo na ba talaga si Kent?"

Huh? Anong tanong to? Waah. Akala ko naman kung ano... pero... nakakahiya naman sagutin yung tanong niya...

"Harley ano bang pinagsa—"

"Mahal kita Isabelle..."

Naguluhan si Phoebe.  Alam niyang gusto siya ni Harley. Halos gusto na nga niyang sumama dito dati, kapag nahihirapan siya kay Kent. Pero hindi niya ineexpect na madali nitong masasabi ang salitang pagmamahal.

"What are you--"

"I like you since... since the first time we've met. Everday...  I always wonder kung makakasama ulit kita sa elevator na yun kung saan mahimbing ka lang natutulog. Nagsasalita ka pa nga eh..."

"Harley—"

"I always wanted to see your interesting expressions... the way the sides of your lips curl upwards makes me uneasy and happy... Pag masaya ka feeling ko ang gaan gaan. Pero... It hurts me when your hurt. Kaya nga gusto kitang agawin kay Kent eh..."

"Harley please..."

"I can't believe I care for you so much that I'm suffering now na naiipit ka sa gulo ng showbiz dahil sa gabing yun na kasama mo ako. How stupid I am na hindi ko alam na may paparazzi palang nakasunod sa akin."

"Harley..." di alam ni Phoebe ang sasabihin. She felt the pain in Harley's words na naluluha siya sa kalungkutan ng boses ni Harley. "It's all my fault. It's me who kissed you. Don't blame yourself."

"Why did you.... kissed me? Is it that you have the same feelings for me? Or you just wanted to soothe your own?"

Naguilty lalo si Phoebe.  Kahit hanggang doon lang ang natatandaan niya ng gabing yun, alam niyang she just wanted to get even with Kent sa paghalik nito ng maraming beses kay Elisa. At si Harley lang ang nakita niya noong karamay. Isang katangahan ang naisip niya naa si Harley ang solusyon sa kalungkutan niya ng gabing yun.

"Harley naman..." she just can't find the right words to say. Hindi niya alam na nasasaktan din siya sa mga sinasabi nito.

"Just answer me... How much do love Kent?"

Hindi niya alam ang sasabihin niya. Pero kusang lumabas sa bibig niya ang mga salitang alam niyang masasaktan si Harley.

"More than my life..." bulong ni Phoebe.

Narinig ni Phoebe na bumuntong hininga si Harley. Dahil doon, pumatak ang luha niya. Alam niyang nakasakit siya ng damdamin.

"Harley..." yun na lang ang nasabi ni Phoebe.

***

It has been a difficult situation para kay Harley. Hindi niya alam bakit si Phoebe ang minahal niya. Kilala siya sa pagiging masayahin at palabiro. Ayaw niya ng mga bagay na malulungkot kaya mapangasar siya. Pero ngayon, sobrang sakit ng nararamdaman niya. Yung tipong hindi na siya makapagsalita dahil parang nagsikip ang lalamunan niya. Naramdaman niya ang literal na sakit sa dibdib.

She loved him so much kahit ano pang mangyari... Kahit laging ako ang nandyan para sa kanya...

"Harley naman...." Sabi pa ulit ni Phoebe sa linya.

"It's okay... basta..." pinipilit niyang pigilin ang luha. Alam niya kasing umiiyak na din si Phoebe sa kabilang linya. "Basta my arms will be always be here for you. I will always love you..."

Tinapos niya na ang tawag. Habang sinasabi niya kasi kay Phoebe na mahal niya ito. Lalo lang siyang nasasaktan.

Bakit ba kasi mahal na mahal kita... Phoebe Isabelle...

Pinahid niya ang mga luha. Isa pa ulit na malalim na buntong hininga... At lumabas na ng kwarto.

Maraming flash ng camera agad ang sumalubong sa kanya. Nakita niya ang manager niyang si Samantha.

"What are you trying to do? Pwede bang sabihin mo muna sa akin? Bago ka magsalita?"

"It's okay Sam. I can do this..."

Umupo na si Harley sa harap ng maraming press. Ngayon, ready na siya sa mga tanong.

***

Malungkot na pumasok si Phoebe sa loob ng bahay. Mahal niya si Kent pero sobrang naapektuhan siya sa mga sinasabi ni Harley.

Naabutan niyang nakabukas ang TV at sobrang lapit ni Kent dito.

Ano ba nangyayari? Bakit ba ang gulo-gulo ng araw na to. Male-late na kami sa pasok eh.

"Kent ano ba kasi ang---"

Napatigil siya sa pagsasalita. Nagulat siya ng makitang nakaclose up si Harley sa screen. Live on national TV.

"Kent si Harley ang magpapapressconference?"

"Shhh!!!" mainit na naman ang ulo ni Kent.

"Oh God! Ano ba yan!!! How can he call me tapos ganyan pala!" kinakabahan si Phoebe. Nasaktan niya si Harley kani-kanina lang.

"Hwag kang maingay Phoebe, nagsasalita na siya!!" parang galit na hindi maintindihan na naman si Kent.

Tumingin na lang sa screen si Phoebe.

Lord.. ano naman kaya ang sasabihin niya...

Nagsimula ng magsalita si Harley.

"Good morning. Thank you for coming today." Simula ni Harley.

"Mabuti naman Harley magsasalita ka na?" tanong ng isang reporter.

"I'm sorry for being quiet for the past few days..."

Naghihintay ang mga reporters. Nakaready ang mga mic at camera. Lahat nakatutok sa kung ano man ang sasabihin ni Keith Harley Villaluz.

"Mahirap umamin ng kasalanan..." sabi ni Harley

"Gusto ko lang linisin ang pangalan... ni Phoebe Isabelle Bernal." Madiin na sabi ni Harley.

***

Anong kasalanan ang pinagsasasabi niya?!?! Naisip ni Phoebe.

"What is he saying Kent?!" tanong ni Phoebe kay Kent.

Pero si Kent ay nakatingin lang ng seryoso sa tv. Parang hindi naman ito nabigla sa mga pangyayari. Napapailing lang ito.

Tinawagan niya muna ako bago ang pressconference? What is he thinking? You dumb Harley, hindi ko sinabing ipagtanggol mo ako!

***

"Pwede mo bang iexplain ang mga sinasabi mo Harley Villaluz?"

"Wala siyang kasalanan. Di totoo ang lahat ng ibinibintang sa kanya.  Sinusubukan ko lang siyang agawin kay Kent Fuentabella. Yes, we shared a kiss. Pero I provoked that. At hanggang halik lang yun. Nothing more... Ang mga ibang rumors, wala na yung kototohanan."

"Bakit mo siya gusting agawin kay Kent Fuentabella?"

"Just like in this industry... we have the same timeslot, same projects, nagkataon din na we also love the same girl..."

"So sinasabi mong totoong may relasyon si Kent Fuentabella at si Miss Bernal?"

Nagisip si Harley. Hindi niya pa rin alam kung anong makakabuti o makakasama kay Phoebe pagdating sa relasyon nila ni Kent.

"Itanong mo na lang sa kanila" safe na sagot niya sa reporter.

"Mapapatunayan mo bang hindi hooker si Phoebe Bernal?"

"Stop that hooker issue! Ako ang may kasalanan sa mga nangyari. Wala siyang ginagawang masama!" napasigaw na si Harley.

"Tama na Harley." Awat ng manager niyang si Sam.

"Anong masasabi mo sa ibinintang sa kanyang sex scandal?"

"Tigilan niyo na ang maduduming isip niyo! She's the most amazing girl I've ever met."

Nagbulung-bulungan ulit ang mga reporter.

"Bakit mo siya sinundo sa airport kung wala kayong relasyon?"

"It just happened na I'm there."

"Nasaan si Kent Fuentabella ng mga panahong iyon? Bakit ikaw ang sumundo?"

"Hindi ko siya sinundo. Just like I've said it just happened na nandoon ako, at nakita ko siyang dinudumog niyo!"

"That's it for now thank you for coming.." awat na ng manager niya. "Let's go Harley."

Lumakad na rin si Harley paalis sa mga ito.

"Harley! Anong message mo para sa fans?"

"Mr Harley, di ka ba natatakot na masira ang career mo?"

"Saan kayo nagkakilala ni Phoebe?"

Humabol pa ng mga tanong ang mga reporters pero umalis na si Harley.

***

"What did just happened? Bakit siya nagsisinungaling?" sigaw ni Phoebe kay Kent

Umiling-iling lang si Kent.

"Tara na Phoebe, we are late for school." Sabi na lang ni Kent at hinawakan ang kamay ni Phoebe at hinila sa kotse.

"Gosh how can you ignore this??" sabi ni Phoebe nang nasa loob na ulit sila ng kotse.

"Phoebe... I love you... I want the best for you..."

"Nasasabi mo yan?? Pero si Harley... he said... he said he loves me... ginawa niya yun?"

"I don't know Phoebe. Let's just go to school first. You....you can talk to him..."

"Papayagan mo akong makipagusap sa kanya?"

"I trust you... at mahal kita. I don't know he can actually do that. I thought he's the worst for trying to take you away from me, pero... hindi ko alam na gagawin niya yun. Makikipagusap ka lang ha... mahal mo naman ako?? "

"Mahal kita Kent!! Pero hindi ko alam ang gagawin ko... Nagiguilty ako."

Hinawakan na lang ni Kent ang isang kamay ni Phoebe hanggang makarating sila sa school.

Madaming press ang nahakarang. Hindi nila alam kung nakarating na din kasi si Harley sa school. Hindi na makapasok ang sasakyan nila kaya nagpark na lang si Kent sa malayu-layo.

"Just hold my hand... okay?"

"Makakapasok ba tayo?" nagaalangan si Phoebe.

"Let them see, who you are to me..." lumapit si Kent sa upuan ni Phoebe at hinalikan ito sa noo.

Bumaba na sila sa may kalayuan ng may humarang na isang lalaki.

Nagulat si Kent.

"Phoebe..." sabi nung lalaki.

"What do you need?" na-alarma si Kent.

"I'm Philip..."

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
283K 8.9K 44
Alexies Sapphire Alcantara. A guitarist, a billiard player, taking a Civil Engineering course, and lastly, she hates boys. Alexies love dating g...
131K 3.4K 12
"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance Status: Completed | Unedited Cover: Uno...