Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 55

621K 20.1K 4.1K
By JFstories

Chapter 55

"ARE you out of your mind, Pabebest?! Bakit mo pinag-iigib si baby Kyo?" singhal sa akin ni Chie-chie.

'Baby Kyo?! Eh kung paduguin ko kaya nguso mo?!' Sa isip-isip ko.

Nakatanaw kami kay Kyo na hingal na hingal dahil nakailang balik na sa poso sa di kalayuan sa bahay namin. Pinupuno nya iyong tangke namin na ang katumbas yata ay sampung drum.

Hubad-baro si Kyo at tanging denim jeans lang ang suot. Wala rin siyang suot na sinturon kaya halos bagsak na ang suot na pantalon kahit bahagyang hapit iyon paibaba sa kanyang matambok na pang-upo at mapipintog na mga hita. Kita na rin halos ang garter ng suot niyang color black boxers.

At dahil walang pang-taas ay lantad na lantad ang batuhan niyang dibdib, braso at tiyan. Sakto lang ang katawan niya sa mataas niyang tindig. Mamasa-masa sa pawis kaya nangingintab ang abs niya pababa sa butones ng suot niyang pants. His body was perfection! Kaya hindi ko masisisi si Chie-Chie kung bakit kanina pa siya hindi kumukurap!

"Pabebest! Look at him, hirap na siya!" Pero ang loka sa abs naman ni Kyo nakatingin!

"Gusto mo ring mag-igib?" asar kong tanong sa kanya.

Biglang tumayo si Chie-Chie at sumigaw. "Go Kyo! I know you can do it!!!"

Napailing na lang ako.

"Chie-Chie, pinag-iigib ko si Kyo para may tubig kami." Depensa ko. Baka kasi isipin niya super sama ko na.

Bumalik siya sa tabi ko saka nangalumbaba. "Tubig eh, may tubig naman na kayo sa gripo, 'di ba?"

Lumabi ako. Oo nga, may tubig naman kami, may shower pa. Nakapagpakabit na kasi kami ng linya sa tubig. Ang totoo ay nako-konsensiya na ako sa mga pinapagawa ko kay Kyo. Naiinis lang ako kasi kahit wasted ay ang pogi pa rin ng mokong!

Hinawakan ako ni Chie-Chie sa baba at iniharap ang mukha ko sa kanya. "Ikaw, Ruby, mag-isip-isip ka nga! Baka sa huli ay blah- blah- blah ka!"

I don't know what's her blah-blah-blah this time. Pero isa lang ang sigurado ko. She's right. Sumobra na yata ako. Maybe it's time to take this to the end. It's been a three days na ring ginagawa ito ni Kyo.

Nagsisibak sya ng kahoy gamit ang palakol sa umaga at gagawing panggatong. Ngunit ang ending ay magluluto si Mama gamit ang gasul namin. Sa gabi naman ay pupunuin nya ang tangke namin para may tubig kami. Pero ang ending ay gagamitin namin iyong tubig namin sa gripo.

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ako nagkakaganito? Am I still hurt? Galit pa rin ba ako sa mga nagawa nya sa akin kahit na sabihing mahal ko sya?

So I looked at him. Pawisan si Kyo na sinalubong ni Kia. May dalang towel ang bata upang punasan ang pawis ng ama. "Konti pa, Dad, malapit na."

She was cheering her dad for what?

"Ah... they're so cute!"

Nakita kong ngumiti si Kyo sa anak saka hinalikan ang bata sa noo. May sinasabi siya kay Kia pero hindi iyon marinig mula sa kinaroroonan namin ni Chie-Chie. Ilang saglit lang ay bumu-bungisngis na si Kia saka biglang yumakap sa leeg ni Kyo. Muli itong hinalikan ni Kyo sa noo saka pinisil sa pisngi.

Oo nga ang cute nila.

At naramdaman ko na naman ang kakaibang kirot sa dibdib ko habang nakatingin sa kanilang mag-ama.

HAPON na ng magpaalam si Chie-Chie. Bukas daw ulit ay babalik ito. Tumungo ako sa likod-bahay dahil hindi pa rin tapos ang mga pinagagawa ko kay Kyo, alas-seis pa ang tapos ng pag-iigib niya. At 6:30 PM ko naman siya papakainin ng hapunan. Pinauna ko lang si Kia dahil gutom na ang bata.

"Matatakutin pala si Kyo?" Biglang nagsalita si Amang.

Gulat akong napalingon sa likod ko.

"Amang." May hawak syang tandang na manok habang nakatanaw kay Kyo.

"Nagpapasama kasi sya sa akin tuwing gabi para mag-igib."

Naalala ko tuloy nang minsan kaming manood sa sine. Horror iyong movie kaya sya natakot sa palabas.

Nagpatuloy si Amang. "Mukhang hindi sanay ang lalaking iyan magsibak. Pagmasdan mo ang mga palad nya at puro sugat."

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may kumabog sa loob niyon. Nakikisimpatya ang puso ko sa paghihirap ni Kyo.

Biglang sumeryoso si Amang. "Alam mo Ruby, noong nawala ka, sa bahay tumira si Kyo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano po?"

Nanatili ang paningin ni Amang kay Kyo. "Naroon lang sya sa labas ng bahay at naghihintay. Umaasang isang araw ay babalik ka."

Hindi ko alam iyon, ah! Bigla na lang nag-ulap ang aking paningin. Totoo ba ang sinasabi ni Amang? Naghintay sa akin si Kyo?

"Hindi ko alam kung ilang buwan syang ganoon. Kung hindi ko pa sya paalisin noon ay hindi sya aalis. Sya rin kasi ang sinisisi ko sa pagkawala mo."

"Amang..."

"Dalawang taon, Ruby." Pumiyok si Amang. "Kung gaano katagal kami nangulila sa'yo ay marahil higit sya. Dalawang lugar lang naman kasi ang pinupuntahan nya noon. Kung hindi dito ay doon sa airport... naghihintay sa'yo..."

Diyos ko!

Tuluyan ng naglandas ang mga luha ko.

"Kaya Ruby, kung may pag-aalinlangan ka pa sa kanya ay harapin mo. Sabihin mo sa kanya ang nilalaman nitong puso mo." Itinuro nya itong dibdib ko.

"P-pero Amang... nasasaktan pa rin po kasi ako..." napahagulhol na ako. "Ano po ba ang dapat kong gawin?"

"Pagmasdan mo sya, Ruby."

Ginawa ko naman ang sinabi nya.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo?"

Napahikbi ako. "Isang lalaking... mahal daw ako... isang lalaking nanakit noon sa aking damdamin. Isang lalaking mahal ko pa rin pero... napakahirap mahalin."

Napapikit si Amang.

"Amang ang nakikita ko sa kanya ay isang lalaking napakahirap pa ring abutin. Kahit nasa akin na ang lahat ngayon, hindi ko pa rin siya kayang pantayan. At higit sa lahat, sa tuwing nakikita ko siya na kasama ang anak niya, nasasaktan ako. Kasi buhay ang anak niya... may pamilya sya at hindi ako kabilang doon... wala akong puwang sa kanila ni Kia. Masasaktan lang ako kapag nagpatuloy ako..."

Humawak si Amang sa balikat. "Nasagot na ang tanong mo, Ruby. Alam mo na ang dapat mong gawin, 'wag mo na siyang paasahin."

...

"KYO, tama na yan." Utos ko kay Kyo.

Pawisan sya ng mga sandaling ito dahil nasa kalagitnaan sya ng pag-iigib. Huminto sya sa pagbubuhat at humarap sa akin.

"You mean, we're cool?"

Umiling ako. "Kyo, hindi kasi ganun..." gumaralgal ang tinig ko.

Kunot noo siyang tumitig sa mga mata ko. "What do you mean?"

Tumulo ang mga luha ko. "K-Kyo, tama na... please, tama na..."

"I don't get it." Umiling siya at lumalim ang pagkakatitig sa akin.

"Kyo, makinig ka sa aking mabuti. H-hindi na natin maibabalik iyong dati. Hindi na pala tayo pwede..."

Bahagya syang natulala. Mayamaya pa'y nagbuhat muli sya ng timba.

"A-anong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Mag-iigib."

"Tama na sabi!"

Marahas siyang lumingon sa akin. "Hindi ako titigil, Ruby. Hindi ako mapapagod."

"Pero..."

Bumaling sya sa palakol na nakasandal sa puno. Lumapit sya roon at dinampot nya iyon.

"Kung kailangan ko pang magsibak ng kahoy, magsisibak pa ako. Kung kulang pa iyong tubig na iniigib ko ay mag-iigib pa ako. O kung gusto mo ipagsisibak at ipag-iigib ko na rin ang buong baranggay niyo. O kaya ang buong Cebu pagsisilbihan ko na rin!"

"H-hindi mo ba talaga naiintindihan? Wala na, Kyo! Wala ng pag-asa!"

Tumigas ang mukha niya, kasabay ng pagalaw ng kanyang panga. "Tell me you don't love me."

"I don't love you!"

Bumagsak ang balikat nya pero panandalian lang iyon. "Then I will make you love me again."

"H-ha?"

"Gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako ulit."

"Pero ayaw ko!"

"Magugustuhan mo rin. I will make sure na magugustuhan mo rin."

"So paano mo gagawin, huh?"

Napaisip sya. "I'll think about it but there must be a way."

Hanggang sa unti-unti na akong nanlambot. "K-Kyo, bakit? Ano ang dahilan mo at gusto mong - "

"Because I love you, damn it!"

Namilog ang mga mata ko. Hindi ko akalaing tatagos sa pagkatao ang salitang iyon.

"I-I love you..." namaos sya. "And I love you harder this time..."

"K-Kyo..." tiningala ko sya. "H-hindi sapat iyong pagmamahal lang... mahirap buuin iyong nasira na... Alam mo bang pag nakikita kita, naaalala ko iyong masasakit. Iyong masasakit na gusto ko na sanang kalimutan. Intindihin mo naman sana ako, hindi importante kung mahal kita o mahal mo ako! Ang problema ay hindi ko na kayang maging buo kapag kasama kita! Pinapaalala lang kasi ng presensiya mo ang mga nawala sa buhay ko!"

Nakatungo lamang si Kyo habang hawak ang palakol.

"Kyo, nangyari na iyong nangyari, eh. Ilang taon ang nawala sa akin, ilang taon akong nawalay sa pamilya ko. Ang dami ko ng pinagdaanang masasakit. Ang dami ko ng tiniis. Lahat ng pinagdaanan at pinagdusahan ko ay may kinalaman ka! Narinig mo ba? Ikaw ang dahilan!"

"I will make things up."

Umiling ako sa gitna ng aking pagluha. "Nasaktan na ako... nawala ang anak ko... gusto ko na lang maging malaya sa'yo. Gusto ko ng makalimot. Iyon ang kulang sa atin, Kyo... closure. Para makapagsimula na tayo sa kanya-kanya nating mga buhay. Tama na ang pagpapahirap natin sa isa't-isa."

"No..."

"Yes, Kyo." Mapait kong sabi.

"I won't give up, Ruby... I won't..." matigas niyang pagtanggi.

Pinilit ko namang tatagan ang sarili ko kahit pa hindi ko na yata kayang saktan ang lalaking ito. Pero kailangan na talaga naming tapusin ito. "W-wala ng dahilan, Kyo..."

"There's a reason." Seryosong saad niya.

"Ano? Dahil mahal mo ako?" umiling muli ako. "Hindi na sapat kahit nagmamahalan tayo. Dahil habang nakikita kita, maaalala ko lang lahat."

"No..."

"Eh, ano?"

"Dahil..." saglit syang natigilan. "May anak tayo."

"H-ha?"

"Buhay ang anak natin, Ruby." Ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig at saka hinalikan sa ulo.

"A-anong sinasabi mo?" Ang bilis ng tahip ng dibdib ko.

He lifted my chin for me to meet his gaze. "Si Kia ang anak natin..."

Oh God...

Ngumiti si Kyo. "Buhay ang baby natin. Narinig mo ba, Ruby? Buhay ang baby natin. At gusto kong bigyan siya ng buong pamilya."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Black Omega Society second generation spoilers will be announced on JFstories Twitter. See you on my next stories!

Continue Reading

You'll Also Like

290K 5.8K 36
Lia Marquez is not really your typical kikay girl.In fact,kabaligtaran siya nito.Lumaki ito na may pagkaboyish gawa ng ama lang ang kinilala nito pag...
854K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
13.5M 384K 41
Macario Karangalan Sandoval
88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...