Got Hitched By Mafia

By tintahdeaquarius

90.2K 3K 179

Isabella Rose Garcia, the embodiment of obedience and responsibility, has always avoided trouble. However, he... More

GHBM
Prologo
Perfect Daughter
Perfect Imperfection
I Don't Like You
It's Been a While
Not Today
Stupid Lady
I Miss You
Owning You
Compassionate
You Brighten my Day
Run To You
Falling In Love
Taming a Cat
Tamed
Rebellious
Official
Forget me Not
Liwanag 'Chiara'
Weakness
Jeopardy
Avenge
Torment
Distressed
Got Hitched
Iyo Ako at Ika'y Akin
Wakas o Simula?
Kawangis
Sue me or Sue you?
Ava Hidalgo
Outcast
Who are you?
Stray Cat
Desire
Solo Memoria
Stranger
Visitor
Shoulder to Lean on
Pretty Smile
Obviate Worries
Tala!
Broken Pieces
Let's go Home
Watching from a Far
Welcome Home
Wakas
Special Chapter (Don't Go Insane)

A Date

2.8K 99 9
By tintahdeaquarius

"STAY where you at. I'll run to you," madiing utos ni Niccolo sa kabilang linya. Mas lalo akong napahikbi nang marinig ko sa boses niya na may bakas na pag-alala.

Yes. I hate him yet; he flutters my heart. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya tinawagan basta natagpuan ko na lang ang sarili kong hinanap ang call logs ko.

"Who made you cry, Isabella!" kalmado ngunit may diin na tanong niya mula sa kabilang linya. 

Tuloy mas lalong bumalong ang luha ko sa mga mata sa narinig. Walang namutawing salita sa bibig ko kundi ang aking mga hikbi. 

Walang kisap mata'y narating ng binata ang kinaroroonan ko sa labas ng apartment I was standing meters away from his gate. Nanginginig ang palad ko habang nanatili na nakadiin ang cellphone sa aking tainga.

Nakita ko si Niccolo na gaya ko ay hawak-hawak niya ang cellphone. He straightened. He looked at me from a far. He was a few meters away.  

"Y-You came!" sumisingot na sabi ko sa cellphone.

"Run to me, Isabella," si Niccolo mula sa di-kalayuan. "Run to me."

Walang pag-alinlangan na sumunod ako sa utos ng binata. Hindi ko man maipaliwanag ngunit sa pagkakataong ito wala akong ibang hangad kundi ang makulong sa mga bisig niya. Tinawid ko ang pagitan naming dalawa hanggang sa nakalapit ako sa kanya ng tuluyan.

"Tell me, who made you cry, Isabella?" Nahihimigan ko sa boses niya ang galit. Biglang nagdilim ang mukha ng binata. "Sabihin mo kung sino ang nagpa-iyak sa 'yo at hindi ako magdadalawang isip na burahin siya sa mundo!" Awtomatikong inabot niya ang braso ko't kinabig ako ng yakap.

Mahigpit na yakap. Yakap na nakakapawi ng hinanakit na nadarama ko sa sandaling ito. Tuloy mas lalong naglandas ang luha ko. He made me feel that I am existed; that I am appreciated.

"Tell me, Isabella," his voice hoarse.

"H-Hindi mo kailangan na maging bayolente upang pawiin ang hinanakit na nararamdaman ko. Ang presensiya mo ay sapat na upang mapawi ang lahat na bigat sa puso ko, Niccolo." Sumisingot na turan ko.

Dama ko ang paghigpit ng yakap niya sa katawan ko. Kusa ko din na dinala ang bisig para suklian ang yakap niya. He brushed his lips on my hair.

"Anong gusto mong gawin ko para tumahan ka na?" tanong niya nang marinig ang walang humpay na pagsingot ko. 

"Anong gusto mong gawin ko para ngumiti ka na?" marahan niyang tanong muli. Hindi pa rin ako sumagot at pinakiramdaman ko ang sarili. "You want me to throw a joke?" Out of nowhere he added.

Nanatili kami sa gano'ng posisyon. Binaon ko ang mukha sa dibdib niya hanggang sa kalaona'y unti-unting tumila ang mga luha ko. I feel at ease. 

"May joke ako," panimula niya. "Anong hayop na walang gilagid?" sobrang seryoso ang boses niya na hindi ko matukoy kung nagjo-joke nga ba siya.

Umungol lang ako bilang puna sa sinabi niya.

"E di Lang-gum!"

Hindi ako natawa at tila ba dumaan ang uwak sa paligid dahil sa corny ng joke niya. Pero sa totoo lang gumaan naman talaga hinanakit na nararamdaman ko dahil sa presensiya niya. It just that he was so corny.

"Fuck, Isabella! Sabihin mo kung paano kita mapapasaya?" giit ni Niccolo nang walang marinig mula sa akin. Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"I-I am okay." Kinalas ko ang bisig sa pagkakayakap ko sa kanya. Tiningala ko ang mukha niya. Malinaw sa mga mata ko ang gwapong hitsura ng binata kahit na ba medyo madilim ang kinatatayuan namin. Tanging ang liwanag na mula sa buwan at ang ilaw sa poste ang nagsisilbing tanglaw sa sandaling ito. 

"Gusto mo ng ibang joke—"

"No!" 

Pigil ko na animo'y ikamamatay ko ang joke niya.

"May joke nga ako, mas nakakatawa," pagpumilit niya na yumuko upang magpantay ang aming mga titig. "Pedicab ka ba?" He reached my cheeks to dry up the tears.

"B-Bakit?" Nakangusong sinabayan ko ang tupak niya.

"PEDICABang akin na lang."

We were both stunned after the joke. Nagkatitigan kami na halos walang magpapadaig. Until we both burst into waves of laughter. Unrestrained laughter. Halakhak na hindi nakakasawa. Tawa na pinupunan ang mga bagay na wala. Hanggang sa iyon ay unti-unting natapos.

An awkward silence echoed throughout the place while our eyes were locked. Tumikhim si Niccolo nang makabawi mula sa nakakabinging katahimikan.

"Did I make you happy, Isabella?"

Lihim kong nakagat ang pag-ibabang labi. Am I happy? Yes I am.  Ang kalungkutan ay unti-unting naglaho sadyang napalitan ng ngiti at galak.

Tumikhim din ako at isang pekeng ngiti ang pilit na ginuhit ko sa aking labi. Ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Nakakabingi. 

I claimed my composure back. Umirap ako. "Hindi—a-ang corny ng joke mo!" Pagsisinungaling ko. Nag-iinit ang tainga ko. Tinalikuran ko siya upang itago ang namumula kong pisngi.

"At least napatawa kita sa corny kong joke," si Niccolo sa likuran.

Lihim akong napangiti akma kong ihakbang ang paa pabalik sa gawi ng gate nang muli siyang nagsalita.

"Isabella, I have something to tell you."

"H-Huwag na, ang corny ng jokes mo—ayoko na," tanggi kong may maliit na ngiti sa labi. Pilit kong nilangkapan ang boses ng tabang. Pinagpatuloy ko ang mga hakbang.

"Mahal kita," wala sa oras na pahayag niya.

Natigilan ako't napinto ko ang kamay sa akmang pagbukas ng gate. Mahina lang iyon na pagkabigkas pero sakto lang na marinig ko. "A-ano?" nauutal ako. Bumalikwas ako paharap.

"Mahal kita," ulit niya na malamlam ang mapupungay na mga mata na nakatitig sa akin.

I was stunned there like an idiot. Biglang na blanko ang utak ko. Ta's isang malutong na tawa ang pinakawala ko pagkatapos.

"S-Sobrang nakakatawa ang joke mo!" sabi ko na pinilit hindi mawalan ng balanse sa tinding emosyon.

Isang ngiting mapait ang sumilay sa labi ng binata. "Hindi iyon biro, Isabella," pagkasabi niyon ay naging mabilis ang kilos niya. Tinawid niya ang ilang dipa na pagitan naming dalawa. Hinagip ang balakang ko't pwersahan akong diniin sa nakasarang pintong bakal ng bakud. "I am not joking, Isabella," pabulong niyang ani na dumapo ang kanyang mainit na hininga sa pisngi ko.

"Y-You are," pumipiyok ang boses ko. Dinaig ang kompyansa ko sa tinding tambol ng puso ko. "A-At nakakatawa ang biro mo... s-sobrang nakakatawa—"

"Mahal kita at hindi iyon biro." Ulit niya na mas napatigalgal sa akin.  

Napalunok ako ng laway. Nanunuyo ang lalamunan ko sa narinig.

"Mahal kita and I don't need your consent... you're mine. I own you. You're my property," he said with emphasis.

Inabot niya ang batok ko't walang pag-alinlangang sinakop ang labi ko. He kissed me with full of passion. Ginalugad niya bawat parte ng labi ko na puno ng pagnanasa. 

This isn't the first kiss we shared. Gaya ng nauna ay hindi ko maipaliwanang tila baga naging paralisa ako't hindi sumunod ang puso ko sa dekta ng utak ko. I just found myself reciprocating his kisses. Savoring his daring lips exploring mine.

No! sigaw ng utak ko. I wanted to push him away pero hindi ko magawa. My knees tremble in too much sensation rushing through my being. Mas lalo akong nanghihina dahil sa tinding lindol ng puso ko.

Makalipas ang sandali ay kumalas siya sa akin.

"I am not joking, Nerdy. Itanim mo 'yan sa kukuti mo!" bilin niyang umatras hanggang siya ay naglaho.

Naninigas na lang akong napasapo sa dibdib na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumila sa paglindol.

ALAS tres ng madaling araw nang may naalimpungatan akong ingay mula sa sala. Mga yabag patungo sa silid ko.

Buong kompiyansang bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama. Sigurado akong si Niccolo lang ang pumasok. Wala namang ibang mangahas na pumasok sa bahay ko kundi ng binata at ang mga tauhan nito.

Pungas-pungas na tinungo ko ang pinto at binuksan.

"Ano na naman ang kailangan mo—"

Ngunit isang hindi  pamilyar na bulto ang bumungad sa aking harapan. Nakamask at nakasuot ng pawang itim.

Hindi ako nakapaghanda sa sumunod na pangyayari. Naging mabilis ang kamay ng mapangahas na lalaki. Buong pwersang tinakpan nito ang ilong at bibig ko ng isang panyo na may Rohypnol, GHB and GBL.

Bago pa ako nakabawi ay unti-unti na nagdilim ang paningin ko't tuluyan akong nawalan ng ulirat.

NAGISING ako sa hindi pamilyar na lugar. Maaliwalas at napakalawak ng silid ang kinaroroonan ko. Nakahiga ako sa ibabaw ng napakalaking kama. A king size bed to be exact. Madaming mga palamuti at kulay ginto. The place I am in is luxurious, classy, and elegant.

Pilit kong inaalala ang nangyari. Biglang sumikdo ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na kinaroroonan ko.

Am I a victim of kidnapping? Malamang!

Ginala ko ang mata at naghahanap ako ng orasan. Hindi ako nasawi at may wall clock ang silid.

Alas dose ng tanghali kung hindi ako nagkakamali. Gano'n ako katagal nawalan ng malay.

Akma na sana akong baba ng kama ng biglang nagbukas ang eleganteng pinto. Iniluwa doon ang mahigit anim ka babae. Nakasuot ng mga uniporme na kulay itim. Tantiya ko'y mga kasambahay.

Nagmartsa ang mga itong lumapit sa kama na kinaroroonan ko.

"Take her!" pukaw ng isang lalaking pumasok sa loob. Isang foriegner. Matangkad. Naka tail coat suit at pantalon na itim. May gloves sa kamay at sobrang kintab ng leather shoes.

"Yes, butler Matteo right away." Halos magkasabay na sagot ng anim kababae na agad hinagip ang mga bisig ko.

"T-Teka, sino kayo?!" Naguguluhang bulyaw ko. Iniwas ko ang sarili sa mga babae. Napinto ang lalaki sa akmang pagtalikod.

"Let me introduce myself, my lady," ang lalaki na yumuko sa harap ko. "I am Matteo the butler of Whitlock's clan." Mahinahon ang lalaking umayos na tumayo.

Whitlock? Sa binanggit pa lang nitong pangalan ay alam ko na kung sino ang pakana.

"Where is Niccolo!" Bulyaw kong agad na tumayo mula sa pagkakasalpak sa malambot na kama.

"I am sorry, my lady pero kailangan na muna namin na maayosan ka bago makita ang young master."

"No—I have to see him right now!" Nanggagalaiting giit ko sa lalaking nagngangalang Matteo.

"Pandon me, my lady but again hindi po pwedeng labagin namin ang pinag-uutos ng young master."

"I don't care—"

"But it is too informal to face the young master wearing that thin silk—" tumikhim ang lalaki na sinulyapan ang maiksi kong nighties na pula na spaghetti strap.

Dali kong nayakap ang sarili nang mapagtanto ko ang sariling ayos. Nakapantulog lang ako. Maiksi at sumisilip ang cleavage ng dibdib ko.

Sumusukong sumunod na lang ako sa kagustuhan ng lalaki. Dinala ako ng mga ito sa isang private salon and spa ng mansion ng mga Whitlock.

Halos malula ako sa laki ng lugar. Sobrang engrande. Halos yari sa mamahaling muebles. May mga kasangkapan at painting din na milyo-milyon ang halaga. Hindi maitatangging may kaya ang pamilya ng binata. Mahinuhang prinsepe si Niccolo sa laki at daming kasambahay sa loob.

Kahit na kaklase ko ang lalaki noon, limitado lang ang kaalaman ko tungkol sa totoong buhay nito.

Dinala ako ng mga kababaehan sa isang napakagarang banyo.

"Soak yourself, my lady," saad ng isa sa kasambahay at umatras.

Pansin kong hindi lumalabas ang mga ito sa malaking banyo.

"T-Teka, pwede bang lumabas muna kayo, ma'am?"

"Hindi po maaari, my lady. Kabilin-bilinan po ni young master na bantayin ka namin ng maigi baka kung ano pa ang mangyari sa inyo dito sa loob ng banyo."

"Pero maghuhubad po ako—"

"Take your time, my lady pero dito lang po kami."

Sumusukong tumalima ako kahit sobrang naasiwa ako. Gusto ko ng makita si Niccolo at malaman kung ang pakay ng binata.

Inayosan at binihisan ako ng mga tauhan ng binata. May isang make-up artist at designer na nakatalaga ang pamilya sa gawain.

Pinasuot ako ng eleganteng bestida. Red sexy halter evening dress pares ang isang signature golden sandals na may katamtamang taas na takong. Magagabi na ng matapos nila ang pag-aayos sa akin.

"Beautiful," puri ng bakla sa akin habang nakatingin kami sa repleksiyon ko sa salamin. Nilugay lang ang buhok ko't kinulot bahagya at light na make-up.

Pati ako ay nagulat sa sarili kong hitsura. Hindi ko na halos makilala ang sarili. I became sophisticated. 

Dinala ako ni butler Matteo sa likod ng isang malaking pinto. Kinatok at tinulak ng lalaki.

"Young master, lady Isabella is here," si butler Matteo sa likuran ng pinto.

"Let her in," si Niccolo.

Sumunod ako sa butler na pumasok sa loob. Sinalubong na naman ako ng isang napaka-aliwalas na bulwagan. Malawak at mabango. Ang silid ay puno ng mamahaling kasangkapan at painting.

"What took you so long, Matteo?" bagot na saad ni Niccolo.

Dali kong sinundan kung saan nanggagaling ang boses ni Niccolo. Nakita kong naka-upo ang lalaki sa isang high back wing chair. Nakatalikod at nakaharap sa isang malapad na casement window. Hindi nakaligtas sa mata ko ang mga ugat sa likod ng palad niya. Mahahaba ang mga daliri ng lalaki. May mga white gold bracelet at singsing na suot. Nilalaro ng mga daliri niya ang arm rest ng silya. His fingers shows impatient gesture.

"Ipagpaumanhin mo, young master." si Matteo na yumuko.

"Leave the room."

"Yes, young master." Tumalikod ang butler at naiwan kami ni Niccolo sa loob.

"What is this all about, Mr. Whitlock?" Hindi nakatiis na panimula ko.

"How's your stay in my place, mahal ko?" si Niccolo na tumayo mula sa pagkaka-upo. Inignora ang tanong ko.

Nanayo ang balahibo ko nang marinig ko kung paano niya ako ina-address. Napalunok ako ng laway habang sinundan ng tingin ang lalaki. Ang puso ko'y nagwawala na naman. Makisig siyang humakbang patungo sa kinatatayuan ko.

Hindi ko maitatago ang paghanga nang masuyod ko siya ng tuluyan. He looks devastatingly handsome for Christ's sake. 

Nakasuot siya ng isang itim na long sleeve na nakabukas bahagya ang dalawang butones. Pinaibabawan ng mamahaling itim na coat na pares ang isang slacks na pantalon na halos yumakap na sa kanyang mga hita. Leather shoes na halatang galing sa luxury brand.

"You look stunning, mahal ko." Pinasadahan niya ako ng isang nakakabighaning titig. Yumuko siya upang masilayan ng malapitan ang aking mukha. "You're beautiful, Isabella... very beautiful."

"A-Ano na naman ang nasa isip mo, Mr. Whitlock!" Naiilang na iniwas ko kaunti ang sarili.

"We will be having a date, a dinner date!" He said with a teasing smile on his lips. Pinilantik ng lalaki ang daliri sa ere. The lights went dim. Saglit ay pumainlang ang kahali-halinang musika sa paligid. Kung kailan naroroon ang orchestra wala akong ideya. 

A date?

Continue Reading

You'll Also Like

80.1K 2.9K 34
Montehermoso Series 7 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) Sweet Anabella Avila and Evan Jackson Montehermoso ". . . there's only one thing I'm sure of, bab...
27.8K 520 32
In the tangled web of love and desire, Pollux Dela Fuente finds himself caught between his intense infatuation for Aliah Macababag and the reality of...
211K 3.9K 21
Dice and Madisson
144K 3.3K 48
Dahil sa kakulangan ng pondo para sa kanyang matrikula, pumasok si Emena bilang part-time maid sa Dankworth Residence kung saan nakilala niya ang bil...