Got Hitched By Mafia

By tintahdeaquarius

90.1K 3K 179

Isabella Rose Garcia, the embodiment of obedience and responsibility, has always avoided trouble. However, he... More

GHBM
Prologo
Perfect Daughter
Perfect Imperfection
I Don't Like You
It's Been a While
Not Today
Stupid Lady
I Miss You
Owning You
Compassionate
Run To You
A Date
Falling In Love
Taming a Cat
Tamed
Rebellious
Official
Forget me Not
Liwanag 'Chiara'
Weakness
Jeopardy
Avenge
Torment
Distressed
Got Hitched
Iyo Ako at Ika'y Akin
Wakas o Simula?
Kawangis
Sue me or Sue you?
Ava Hidalgo
Outcast
Who are you?
Stray Cat
Desire
Solo Memoria
Stranger
Visitor
Shoulder to Lean on
Pretty Smile
Obviate Worries
Tala!
Broken Pieces
Let's go Home
Watching from a Far
Welcome Home
Wakas
Special Chapter (Don't Go Insane)

You Brighten my Day

3.1K 121 11
By tintahdeaquarius

HINDI nga ako ginambala ni Niccolo sa araw na ito. Subalit ang araw ko sa clinic ay nakakapagod. Hindi ko alam kung bakit agad-agad nagpasa ng resignation si Hanifa.

Sinabi kong bigyan ako nito ng ilang araw upang makahanap ng kapalit pero hindi nagpapigil ang dalaga at umalis na talaga. Sumakit ang ulo ko't mag-isa ako sa clinic. Lahat ng gawain ay ako ang gumagawa.

Natapos ang araw kong nanakit ang likod ko. Bitbit ang aking shoulder bag ay lumabas na ako ng clinic. Saktong ila-lock ko na sana nang makarinig ako ng ugong ng makina ng sasakyan.

Parang gustong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang makita ko ang sports car ni Niccolo na matulin at pabiglang preno na halos nag-drift sa tapat ng clinic ko.

Nakaawang ang labi ko sa tinding gulat. Napinto ko ang kamay sa ere. Segundo ang nakararaan ay iniluwa doon si Niccolo at ang isa niyang tauhan na si Mori kung hindi ako nagkakamali.

Malalaki ang mga hakbang ng dalawa na lumapit sa kinatatayuan ko.

"Magandang gabi, my lady," si Mori na yumuko.

Nakataas ang kilay na pabaling-baling ang mga mata ko sa dalawang lalaki.

"Ano na naman—"

"I want you to check on my cat, Nerdy!" si Niccolo.

Tumikhim ako upang makabawi mula pagkapahiya ko. He isn't here to ruin my day but to have a check up.

Dumapo ang mata ko sa pangko-pangko niyang cute na pusa. Kulay puti na may itim na spot sa likod.

"Anong nangyari?" Kaswal kong tanong na muling binuksan ang clinic.

"Nagkapilay ata," puno ng pag-alala niyang sabi na sumunod sa 'kin sa loob. Naiwan si Mori sa labas.

He sounds uneasy and worried. Niccolo is so gentle upon patting the cat. Lihim na hinaplos ang puso ko sa gesture niya. There is one thing that we have in common. We both love cats.

Dinala ko agad ang mga ito sa examination room. Suot ang gloves ay hinarap ko ang pasyente.

"Let me see—" Kinuha ko ang pusa sa kamay ni Niccolo na sadyang binitin ang pangungusap. Nilapag ko ito sa patient's bed.

"Its Bella," pakilala ni Niccolo sa pangalan ng kanyang pusa.

Natigilan ako sa narinig. Ang pangalan ng pusa ay kapareho sa palayaw ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinsulto?

"I-I didn't name her after yours. Bella means Bēllā, a Punjabi term of a cat," depensa ng lalaki na makita ang reaksiyon ng mukha ko.

"I see, hindi naman ako nagtatanong, Mr. Whitlock." Hindi ko siya tinapunan ng tingin at sadyang nakatuon lang ang mga mata ko sa cute na pusa.

Tahimik kong sinuri ang pusa. Pansin kong may katandaan na ang alaga niya. Tantiya ko'y mga nasa pito o walong taon hindi ako sigurado.

"How old is Bēllā?" simpleng tanong ko.

"She's about —8 years old."

Tumango-tango ako. Sinuri ko pa. Sabi ng lalaki ay tumalon ito mula sa ikalawang palapag at hindi maayos ang paglanding ng hayop at napilay.

Pansin ko rin na pa ika-ika ang pusa sa paglalakad. Nagconduct ako ng x-ray para makita ko kung malala ba ang pilay ng hayop.

"Did Bēllā have a fracture before this?"

"Yes, about 8 years ago," mabilis na sagot ni Niccolo.

Matapos kung masuri ay agad kung nilagyan ng bandahe. Niresitaan ko din ng pain reliever ang pusa.

"Since, may history na sa pagkapilay si Bēllā, kailangan na bantayan mo siya para hindi lumala. May edad na rin siya at matagal mag fully heal ang pilay niya."

Tumango ang binata saka agad na kinarga ang pusa. Masuyo niyang hinimas-himas ang likod ng hayop.

Napangiti ako habang nakamasid sa lalaki. He is gentle... very gentle.

"Do you like cats?" I asked out of nowhere. Holy cow!

"No, but Bēllā is exempted! She's precious."

"I see."

Siguro importante talaga si Bēllā nakikita ko sa mga mata ni Niccolo kung gaano niya kamahal ang alaga.

"Ikaw, gusto mo ng pusa—"

"Of course, I do, Mr. Whitlock!"

"I am sorry, for being an idiot, para saan ang pets clinic mo kung ayaw mo ng hayop, silly me." si Niccolo na ngumiti.

Nahawa din ako at napangiti sa lalaki na hindi ko napapansin. Napuna iyon ng lalaki.

"I love to see when you smile, Isabella." Pagkasabi niyon ay nilapag niya si Bēllā sa ibabaw ng mesa. Dinala ni Niccolo ang sarili pulgada ang layo mula sa akin.

I heard Bēllā cry, but Niccolo's eyes were on me.

"H'wag mong pigilan na ngumiti— your smile makes you more beautiful, Isabella." His words stabbed my inner being.

Sa tanang buhay ko pinipigilan kong ngumiti ng malapad 'pag nasa bahay ako dahil ayokong makita ni mommy. Pinapagalitan kasi ako niyon pagsobrang masaya ko't sabi palagi lang akong kulilat sa klase. Pinabayaan ko ang pag-aaral at pawang laro ang inatupag. Kaya nadala ko ang seryosong mukha at hindi palangiti o kung may katuwaan man pinipigilan ko ang tawa.

Tumikhim ako upang makabawi mula sa narinig. As usual, tinambol na naman ang puso ko habang nakipagtitigan kay Niccolo.

"Ngumiti ka ng malaya, ang ngiting iyan ay nakapagbibigay ng lakas sa isang tao, gaya ngayon—you brighten my day, Isabella."

"Niccolo."

He reached me. Pulled me closer and claimed my lips in an instant. It was a quick kiss but the sensation marked my sanity. It was sweet and steamy.

"See you, Isabella." He picked the cat and left.

"GOOD MORNING, Isabella," si Niccolo na bumungad sa aking umaga sa balkonahe.

Ang lalaki ay naka-upo na naman sa aking hardin na tila isang hari. Nakasuot ng asul na satin robe kimono pares ang satin pajama. Humihigop ng kape sa umaga.

"Ugali mo ba talagang pumasok sa lugar na pribado, ano?" patutsada ko. Ginala ko ang mga mata. Himala at wala itong kasama. Mag-isa ang lalaki na naka-upo doon.

Pinasadahan ako nito ng titig mula ulo hanggang paa. Tuloy gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa pagka-asiwa. Nakasuot ako ng maiksing satin top at short na pula. Too revealing. 

"You're my property, Isabella," sabi niyang tila kidlat na tinalon ang balustre ng balkonahe. Namulatan ko na lang na nakatayo ang lalaki sa tapat ko na nagasinulid na lang ang layo sa kin. "Kung anong sa iyo ay sa akin din."

"P-pwede ba h'wag kang basta-basta lumalapit," pumipiyok na saad ko. I smell his morning perfume mixed with his natural masculine scent.

"Bakit, did I affect you, Nerdy?" Mabilis ang kamay ng lalaking hinapit ang beywang ko. Muli sinalakay na naman ang dibdib ko sa tinding kaba.

"N-Niccolo, please you are suffocating me." Pilit kong nilabanan ang pangangatog ng tuhod ko.

He painted a sweet smile on his lips. Inabot ng lalaki ang palad ko saka giniya papasok sa loob ng kusina ng apartment.

"At ano ang balak mong gawin dito sa pamamahay ko?" Nakataas ang kilay na sinundan ko ng tingin ang binata na tila pag-aari ang kusina.

"As I said, aalagaan ko ang pag-aari ko," sabi niyang dinukot ang mga lulutuin ko sa ref.

Nakanganga kong sinundan lang ng tingin ang lalaki na abalang nagluto ng pancake at kung ano-ano pa sa lugar ko. Ang hindi ko mawari ay nawalan ako ng lakas na itaboy siya sa halip naliligayahan ang puso ko na nakamasid lang sa kanya.

"Dig in!" Imbita ng binata nang mailapag ang niluto na pagkain sa ibabaw ng mesa. Ngumiti ang mga mata niya. Inabot ang kamay ko't giniya ako papaupo sa silyang nakalaan doon.

I was there, staring at the food blankly. Hindi ko alam kung paano umasal sa puntong ito.

"Don't just stare at the food. Eat, Isabella," si Niccolo na kumuha ng maliit na parte ng pagkain at akmang isubo sa bibig ko saka do'n nagising ang isip ko.

"Eat." Nilapit pa niya lalo ang pagkain sa bibig ko.

"I can eat on my own, Mr. Whitlock—"

Maingat na sinubo ng lalaki ang pancake sa bibig ko. Walang nagawa ay kinain ko ito. To my surprise it was tasty.

"You can cook," sabi kong binawi ang tinidor na hawak niya at kumain.

"Of course, I am well prepared for my future... for you, Isabella."

Napasingasing akong hindi pinansin ang sinabi niya dahil kapag pagtuonan ko pa ng pansin ay sigurado akong bibigay na ako.

"You really don't believe me," mahinang sabi ni Niccolo na natuon lang mga mata sa mukha ko na sa sandaling ito ay abalang nilantakan ang niluto n'ya.

The days went by until I got used to Niccolo's presence. Tila naging normal na sa akin ang pambubulabog nito sa bahay ko. Walang palyang sumalubong ang binata sa'kin tuwing umaga sa hardin o hindi naman ay naging libangan ng lalaki ang sapilitang pagpasok sa bahay ko. 

Mahigit na isang buwan na gano'n ang ginawa ng binata. Kahit na anong pilit kong itaboy ito ay bumabalik balik lang ito. Sa halip na maririndi sa ginawa ng binata ay parang hindi na iyon bago. Above all wala naman akong nakitang naging bayolente ito siguro nga nagkamali lang ako sa pagkakilala kay Niccolo.

MAHIGIT isang linggo ang nakalipas mula nang mag-iwan si Niccolo ng isang note sa aking pintuan. Just simple reminder lang ang nakasulat doon na 'TAKE CARE'.

Mula ng araw na iyon ay hindi ko na namataan ang binata sa kabilang bahay. Hindi ko rin mahagilap ang mga tauhan nito na pakalat-kalat sa bakuran. Sobrang tahimik ng paligid.

Ang hindi ko maunawaan ay tila hinahanap-hanap ko ang binata. Panay silip ko sa bintana ngunit wala si Niccolo. Hanggang lumipas ang isang linggo hanggang sa naging dalawang linggo ay ni-anino nito wala akong maapuhap.

Hindi ko na mahanap si Isabella na inis sa presensiya ng lalaki. Kundi si Isabella na hinahanap -hanap ang pang-iinis ng binata.

Bagsak ang balikat ay ni-lock ko na lang ang pinto ng buong apartment. Ihahanda ko ang sarili upang matulog nang makarinig ako ng lagitgit mula sa main door.  Pilit inikot-ikot at ini-unlock ang doorknob ng aking pinto.

Kinakabahan ay mabilis kong dinampot ang isang figurine na nakahelera sa aking sala. Maiingat na hinakbang ko ang paa patungo sa pintuan. Hinintay kong matagumpayan iyong buksan ng kung sino man ang mapang-ahas na nasa labas.

Ilang saglit pa ay nagbukas iyon. Walang pag-alinlangan na akma kong ihambalos ang figurine ngunit napinto ko ang bagay sa ere dahil may kamay na sumalo niyon.

"Magandang gabi, my lady." Sina Jigs at Mori na nakatayo sa likuran ni Niccolo.

Napakurap-kurap ko ang mga matang nilakbay ang mga titig sa mga lalaki. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang duguang kamao ni Mori. Si Jigs naman ay putok ang labi.

Umangat ang mata ko at tumama kay Niccolo na sa sandaling ito ay nakatayo ilang pulgada mula sa kinatatayuan ko. Hawak niya ang braso kong may figurine.

Out of nowhere, my eyes traveled to Niccolo. Hindi ko malaman pero ay hinahanap ang mata ko sa kabuuan ng lalaki.

He is alright. Yes.  

Wala akong makitang galos sa mukha ng lalaki maliban lang sa gulo ang buhok niya na mas lalong  nagpatingkad sa kagwapohan taglay. Tila ba nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Leave us alone," madiin na utos ni Niccolo sa tauhan na hindi nag-abalang bitawan ang braso ko na naka-angat sa ere.

"Opo, Boss masusunod." Umalis ang mga lalaki at naiwan kami ni Niccolo.

Kung ano man ang posisyon namin ay gano'n pa rin. "S-Saan kayo nanggaling." Nanginginig ang boses kong pumipiyok. Ang mga mata ni Niccolo ay nasa sa akin. Ang pintig ng puso ko sa sandaling ito ay nakakabingi. 

Rinig na rinig ko ang mabibigat na hininga na pinakalawa ni Niccolo. "Isabella."

Hindi ako nakapaghanda sa sumunod na ginawa ni Niccolo. Hinapit niya ang beywang ko sabay na tinulak papasok sa loob. Sinalakay ang labi ko ng rumaragasang halik. Hindi agad ako nakahuma. Hindi ko alam kong paano nangyari basta natagpuan ko na lang ang sariling sinuklian ang halik ng binata.

Dinig ko rin ang pagsara ng pinto ngunit hindi iyon naging hadlang upang itigil ni Niccolo ang nasimulang halik. Dama ko ang pagbawi niya sa figurine na hawak ko't pasimpleng nilapag sa maliit na mesa sa tabi. Tinulak niya ako padiin sa nakasarang pinto habang nanatiling magkahinang ang aming mga labi.

He ravished my lips as if he was longing for me... until it ended. Kumalas siya sa akin at hinaplos ang labi ko. Pinakatitigan niya ang mukha ko. 

"I've been missing you, Nerdy. I do."

So am I, Niccolo. Ngunit hindi ko kayang bigyan ng tinig man lang ang mga kataga.

A/N

Hello, may tao po ba dito? Char anyway sana ay naiintindihan n'yo ang mga salita ko't ang tagalog po ay hindi ko first language... Love you all.

Continue Reading

You'll Also Like

89.9K 2.3K 42
Alice Zylidia Alfocas is a business woman who grew up without parents. She was a child when her parents separated. That's why she grew up not believi...
268K 7.1K 35
Montehermoso Series 2 (GENERAL FICTION) (COMPLETED) HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Louise and Alfonso Montehermoso Pinaniwala si Keehana Louise na i...
210K 3.9K 21
Dice and Madisson
397K 7.7K 34
"The day I laid my eyes on you is the day I claimed you as mine" - Lucas Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE:...