Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 30 (August 11, 2011)

1.4M 19.1K 3.3K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: August 11, 2011


Chapter 30

"Psh napagod ka?" bulong ni Kent. Pero mukhang pagod nga ang asawa dahil nakayakap lang ito sa kanya at hindi nagsasalita.

"Huy engot..."

"Mmmmm!" sagot ni Phoebe.

"Mahal mo ako?" bulong ni Kent.

"Mahal..." maikling sabi ni Phoebe.

"Pano??" tanong ni Kent habang hinahaplos haplos niya ang buhok ni Phoebe.

"Ehhh!" sabi ni Phoebe.

"Kelan mo pa ako minahal?" tanong ni Kent.

"Bakit ba?" nahihiyang tanong ni Phoebe

"Sagutin mo na engot!!!"

"Kung makasabi ka lagi ng engot ah!" nagtatampo si Phoebe.

Akmang tatalikod na si Phoebe pero pinigilan siya ng halik ni Kent.

Parang automatic naman na umakyat ang kamay ni Phoebe sa ulo ni Kent.

They savoured each other's mouth. Halos maubusan sila ng hininga ng magbitiw.

"Subukan mong tumalikod ulit engot ka, hahalikan kita hanggang sa mamatay ka!" sabi na naman ni Kent.

"Mukha ka kasing engot! Engot ba talaga ako?" nakasimangot na si Phoebe.

"Hwag ka na nang sumimangot! Engot ka naman talaga, mahal mo na pala ako di mo sinasabi"

Nahihiya naman si Phoebe sa topic nila.

"Di ko alam... basta... ganun eh.  Kahit ang sungit-sungit mo! Kahit palagi mo akong pinapahirapan sa buhay" sumbat ni Phoebe.

"Mahal mo naman." Sabi ni Kent at idinikit niya ang ilong sa ilong ni Phoebe.

"Eh ikaw?" sabi ni Phoebe.

"Anong ako?" maang-maangan ni Kent.

"Kelan mo ako minahal? Uhmmm mahal mo ba ako?"

"HINDI! engot ka eh!" seryoso si Kent.

Lumabi naman si Phoebe.

"Sabi mo?! Kanina! You said so a while ago!" sigaw niya kay Kent. "Nakakainis ka!"

"Engot ka talaga..." sabi lang ni Kent.

Niyakap ni Kent si Phoebe.

"Eh bakit ang sama mo?" Kinikilig si Phoebe pero tinatago niya.

"Di ako masama. Engot ka lang talaga. Ayoko sa mga engot."

"Ngee? Lagi akong sinasabihan ng engot? Ayaw mo pala sa mga engot eh! Eh di, di mo ako mahal?"

Umibabaw ulit si Kent kay Phoebe. Hinalikan siya nito sa leeg.

"Ha? Anong gagawin mo?" Tinulak ni Phoebe si Kent

"Di mo yata naramdaman kung gano kita kamahal eh, ipapadama ko sayo ulit." Seryosong sabi ni Kent.

"Waaah naku, Kent naman..." tensed si Phoebe.

Pero umalis si Kent, bumalik ito sa gilid ni Phoebe. Nakatingin si Kent sa ceiling pero hinawakan nito ang kamay niya.

"Mahal kita... Phoebe Isabelle Fuentabella. Di ko alam pero sa tingin ko mahal na mahal na mahal kita. Kahit engot ka pa. Ayoko mawala ka sa akin. Kaya nga kita sinundan dito. I'm really really sorry for calling you names...like that... Lasing ako at ... oo nagseselos ako. Mamamatay na ako sa selos. Akala ko nahawakan ka na talaga ng iba. Akala ko galit ako sayo pero mas galit pala ako sa sarili ko... kasi hinayaan kong mapalapit ka sa iba." di ito nakatingin kay Phoebe pero unti-unting humihigpit ang paghawak niya sa kamay nito.

At tumingin na si Kent kay Phoebe. Napansin niyang umiiyak ito.

"Hey... I'm confessing bakit ka umiiyak?" niyakap niya ito ng mahigpit.

"Di ko alam. Sa lahat kasi ng nangyari. Nakarating na ako sa Italy at lahat-lahat... di ko akalaing maririnig ko sayo yan... Sorry Kent. Nakakaiyak di ko alam kung bakit. hahaha" tinatry tumawa ni Phoebe.

"Shhh. Basta akin ka lang. Akin ka lang Phoebe... please..."

"I love you.." yun lang ang isinagot ni Phoebe at yumakap na ito kay Kent.

***

Ilang minuto lang. Nakatulog na rin si Phoebe sa mga bisig ni Kent

Ako ang naka-una. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero diba sabi niya... sabi niya... si Harley. HAY!! Hindi eh.. hindi talaga. She was hurting.

Niyakap niya si Phoebe at hinalikan sa noo.

Mamaya na lang kami mag-uusap.

Di namalayan ni Kent nakatulog na rin siya.

***

Nagising na lang ulit siya ng may kumakatok na sa pinto.

*toktoktok*

"Phoebe... Anak??? Tulog ka pa??" narinig ni Kent na kumakatok ang tatay ni Phoebe.

Ayyy patay!!

"Phoebe..... phoebe....." bulong niya dito habang tinatapik ang pisngi. Di ito natitinag.

Engot talaga!!!! Ang hirap nga pala nito magising.

"Phoebe!!! Nandyan ka ba?!" narinig niya na naman na nagsalita ang tatay ni Phoebe.

Kinurot ni Kent si Phoebe sa pisngi.

"Aw!!" nagising din ito.

"Shhhh!!! Wag ka maingay, yung tatay mo kumakatok."

Lumaki ang mata ni Phoebe. Para silang sila adan at eba sa ilalim ng kumot.

"Ahh pa.. Wait lang po..." sumigaw din si Phoebe.

"Ah okay akala ko wala ka pa eh." Sabi ng tatay nito sa labas ng pinto/

Nagkatinginan sila ni Phoebe. Ayaw nila parehas umalis sa ilalim ng kumot.

"Tumalikod ka!" sabi ni Phoebe.

"Bakit? Ikaw din tumalikod!" sabi naman ni Kent.

"Tumalikod ka na!!!!"

"Engot ka talaga Phoebe, nakita ko na rin naman yan." Tukso niya kay Phoebe.

Nakita niyang namula ito.

"Kasiii naman!!!"

"Oo na tatalikod na... hahaha."

Hinanap niya ang mga damit niya sa sahig. At nagbihis na rin. Narinig niyang sumara ang pinto ng CR.

Ahaha nahihiya pa siya. Sa CR pa nagbihis. Naisip ni Kent.

Lumabas si Phoebe na nakabihis na pero hindi ito tumitingin sa mata niya. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.

"Napagod si engot?" bulong niya dito.

Mas lalong naging awkward si Phoebe. Pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Kent.

"TSK! Hwag ng magulo." Hinigpitan ni Kent ang hawak sa kamay ni Phoebe.

"Anong sasabihin natin kay papa?" nag-aalalang tanong ni Phoebe.

"Anong sasabihin?" sagot ni Kent.

"Bigla ka na lang lalabas ng kwarto? Alam niya nasa Pilipinas ka! Eh kanina lang galit na din sayo si papa!"'

"Wala. Okay lang yan... Mag-ayos ka na lang ng buhok. Sabihin mo sumunod ako dito tapos nakatulog ako, tapos.... Tapos ikaw din nakatulog... Nakatulog lang naman eh. Mag-asawa naman tayo eh"

"Eh..." simula ni Phoebe

"Eh ano? Bilis na. Hwag ka ng kabahan. Asawa mo naman ako eh. Tska 18 ka na. Hwag ka lang magpahalata na may nangya---"

"Ahhhh lalalalalalala oo na, hwag ka ng magsalita." Nahihiya si Phoebe sa idea na may nangyari na sa kanila.

"Okay na, ayusin mo na buhok mo. Ang galing mo kasi kanina, masyado ka kasing magulo at---"

"Kent naman!!! Oo aayusin ko na. Hwag ka ng magsalita pa!" namumula na naman si Phoebe.

Pagkatapos mag-ayos ng buhok ni Phoebe. Lumabas na sila ng magkahawak ang kamay.

***

Kinakabahan si Phoebe. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. Nakatalikod kasi ang papa niya

"Pa... si Ke--"

"OH KENT!!" nagulat ang tatay ni Phoebe.

"Pa.."

Ay ang confident naman nitong sungit na to. Naisip ni Phoebe dahil parang hindi man lang nahihiya si Kent sa tatay niya.

"Ah, sumunod ka pala." Sabi ng tatay niya.

"Ah opo. Medyo nagkaroon ng konting misunderstanding eh." Sagot ni Kent

Konti daw... eh tinawag niya nga akong whore... 

"Ahhh.." sagot na lang ng tatay ni Phoebe. Sa tingin ni Phoebe awkward din ito kay Kent dahil nga sabay silang lumabas ng kwarto, at dahil na rin sa iyak siya ng iyak kanina bago sumakay ng eroplano.

"Pa, kakain na po ba?" pagbubukas ulit ni Phoebe ng usapan.

"Kumain na ako eh. Akala ko kasi wala ka pa. Kayo na lang ni Kent ang kumain." Sabi nito habang nakatingin pa din sa dyaryo.

Hinila na siya ni Kent sa hapagkainan.

"Waw, Italian na Italian naman pala dito eh" sabi ni Kent habang hinihila ang isang upuan para sa kanya.

Bolognese kasi ang nakahain.

"Di ka na magpapaliwanag kay papa?" pagiiba ni Phoebe ng usapan. Nag-aalala kasi siya.

"Kumain na lang muna tayo napagod ako eh, sobrang nakakpagod yung kanina" nang-aasar na naman ito.

"Ano ba yan Kent naman eh! Anong sasabihin natin?" bulong niya ulit dito.

"Wala... parang okay na naman kay papa eh. Feeling ko lang galit siya sa akin... konti." Sagot ni Kent habang pinaglalagay siya ng bolognese.

"Galit talaga sayo yun. Ang sama mo kasi tinawag mo akong wh--" bulong ni Phoebe

"Phoebe kumain ka na... I'm sorry I did that akala ko kasi, ang sabi mo kasi..."

Alam ni Phoebe ang ibig sabihin ni Kent. Pinapatungkulan nito noong hindi siya sumagot nung tinatanong nito kung may nangyari sa kanila ni Harley.

Sa totoo lang. Hindi talaga alam ni Phoebe ang nangyari. Sobrang sakit ng katawan niya ng panahong iyon at ang natatandaan niya lang ay hinalikan niya si Harley. Hindi niya alam na mataas na mataas ang lagnat niya.

"Akala ko din kasi, di ko talaga alam kung anong nangyari..." bulong niya kay Kent.

"Ang engot mo talaga, kahit yun?! Di mo naramdaman?" seryosong sabi ni Kent

Namula na naman si Phoebe.

"di ko alam..." tunungo si Phoebe

"TSK! Yaan mo na nga. Basta uuwi na tayo, may pasok pa tayo, aalis-alis ka ng bansa may klase pa!" sabi ulit ni Kent.

"Opo!" sagot ni Phoebe kay Kent. "Pero pano yung nangyari? Sigurado kakalat yung balita. Kayo ni Harley..."

"Hwag mo ngang banggitin yung lalaking yun!"

"Eh diba? Pano yun? Yung picture?"

"Tska mo na isipin. Umuwi na muna tayo." sagot ni Kent

"Okay... pero san ka matutulog ngayong gabi. Isa lang ang extrang kwarto at..." tanong ulit ni Phoebe

"Sa tabi mo."

"ANO?! Baka magalit si papa" nahihiya na naman si Phoebe.

"Ako magsasabi, mag-asawa na naman tayo eh." Mayabang na sabi ni Kent

Paulit-ulit ng sinasabi ni Kent na "mag-asawa" na sila. Sobrang sarap ng nararamdaman ni Phoebe.

"Nakakahiya!! Anong sasabihin mo kay papa? Magtatabi tayo?" bulong ulit ni Phoebe

"Oo! Bakit ba masyado kang kinakabahan, excited ka ba na makatabi ako? HAH!"

"Di ahhh!!! Nakakahiya sa papa ko. Kaka-18 ko pa lang"

"Pero may asawa ka na Phoebe, matagal ng tanggap nila papa yun."

Tumahimik na lang si Phoebe. Natapos sila ng pagkain at niligpit niya na ang pinagkainan nila ni Kent.

"Ako na..." sabi ni Phoebe.

"Marunong ka ba? Baka mabasag mo pa lahat ng gamit." Sungit na naman ni Kent

"Grabe ka naman Kent! Alam ko naman gumamit ng dishwasher." Masungit din na sagot niya.

Buti na lang may dishwasher ang tatay niya kaya natapos agad. Tinulungan siya ni Kent sa pagliligpit.

Pagkatapos nun, nauna na si Kent sa pagbalik sa living room kung nasaan ang tatay niya.

Umupo pa ito ng matiwasay sa mahabang silya katapat ng tatay niya na umiinom ng hot chocolate.

Kampanteng kampante? Eh nakakahiya nga yung itatanong niya. Huhuhuhuhuh.

"Ah pa..." paumpisa ni Kent. Lalong kinabahan si Phoebe.

"Mmm?" sabi ng tatay niya na nagbabasa pa rin ng dyaryo.

"Tabi po kami ni Phoebe matulog." Mabilis na sabi ni Kent. Para namang hindi ito nagpapaalam. Parang ipinapa-alam na talaga nito na doon siya matutulog.

Muntik ng maibuga ng tatay ni Phoebe ang iniinom. Nasamid pa ito. Nakatingin sa kanila at ubo ng ubo.

"Thank you pa!!!!" sabi ni Kent at tumayo ito. Nagulat na lang si Phoebe ng hinila siya ni Kent papuntang kwarto at ini-lock ito.

"HOY!!! Grabe... ano yun??? Ang kapal ng mukha mo, di pa nga nakakasalita si papa eh!"

"Hahahahaha. Kinakabahan ako eh. Tara na tulog na tayo!" sabi ni Kent na tawa ng tawa.

"Hala!! Si papa!!"

"Hayaan mo na siya. Kakatok naman yun eh." Sabi ni Kent habang may hinahalungkat sa may bagahe nito.

Kumuha si Kent ng twalya at akmang papasok sa CR.

"Kent naman! Baka magalit si papa!"

"Eh di ikaw lumabas, natatakot na nga ako sa tatay mo eh."

"Kainis!!!" sigaw ni Phoebe.

Pumasok na si Kent sa CR.

Pero lumabas ulit ito.

"Sabay tayo!" seryosong sabi nito kay Phoebe.

"Waaaah Baliw!!" binato niya ito ng unan.

Pero nakailag si Kent.

"Ano ka ba! Conserve water, shower together!" seryosong sabi ni Kent.

"Bastos ka!!!" sigaw ni Phoebe.

"Huy! Hwag ka ngang maingay baka kung anong sabihin ng papa mo na ginagawa ko sayo!"

"Che!" nagtalukbong na lang si Phoebe ng kumot. Nahihiya kasi siya sa pinagsasasabi ni Kent. Naalala niya ang nangyari kanina. At kinakabahan siya dahil makakatabi niya ito.

Ilang sandali pa naramdaman niyang lumabas na si Kent ng CR.

Kyaaaaaah!!!! Nakakatakot!!! Naisip ni Phoebe dahil alam niyang hihiga na din si Kent ng kama.

"Phoebe!" sigaw ni Kent

"Ay Siomai ka!!!" nagulat si Phoebe dahil nasa ilalim na rin pala ng kumot si Kent.

"Hindi ako siomai. Ikaw nga ang mukhang suman bakit ka nakabalot ng kumot?"

"Wala.. wala..." sagot ni Phoebe.

Nakaupo si Kent sa kabiling parte ng kama. Binuksan nito ang laptop na dala.

"Uyy may wifi!!" masayang sabi nito.

Si Phoebe ay ilag pa rin sa kabilang parte ng kama. Nakatingin siya kay Kent na nakasando lang habang naglalaptop.

"Ano yan?" nacurious si Phoebe.

"Wala... di ka pa magshower?" tanong ni Kent.

"Ahh oo."

Kinuha niya twalya at ang mga damit at pumasok na sa CR.

***

Gusto ng basagin ni Kent ang laptop na dala. Mabuti na lang at pumasok na si Phoebe sa CR. Nagiinternet siya ng makita niyang trending topic.

Pagtingin niya sa news tungkol dito. Nagkalat na pala ang pictures ni Harley at ni Phoebe. Ikonocompare ito sa pictures nilang dalawa noong debut ni Phoebe.

Maraming speculations tungkol sa katauhan ni Phoebe ang binabatikos ng press. Sila naman ni Harley ay naturingan lang victim.

"God damn everyone!" bulong ni Kent sa sarili.

Hindi siya makaisip ng solusyon sa mga pangyayari. Alam niyang maapektuhan ng husto si Phoebe sa mga news na yun. Badtrip na badtrip na si Kent.

Lumabas na si Phoebe ng banyo kaya naisara niyang bigla ang laptop.

***

Tumaas ang kilay ni Phoebe ng makita niyang biglang sinara ni Kent ang laptop.

"Ano yun?" tanong niya kay Kent.

"Wala... wala..."

"Ano nga?! Patingin nga..." aagawin na ni Phoebe ang laptop.

"Wala Phoebe..."

Ano yun??? Bakit parang gulat na gulat naman siya nung lumabas ako ng CR?

"Nakakainis ka! Bahala ka nga!" humiga na siya sa kama. Tumalikod siya kay Kent.

"Phoebe..." nagsalita si Kent. Pero di umiimik si Phoebe.

"Phoebe, wala nga yun." Sabi pa ulit ni Kent.

"Bahala ka..." sabi ni Phoebe.

Niyakap siya ni Kent pero tinabig niya lang ito.

"Sige na sige na..." sumuko si Kent.

"Ano ba kasi yan??"

"Sabi kasi hwag ng tignan eh.."

Binuksan ni Phoebe ang laptop ni Kent

Lumaki ang mata niya sa title at pictures

"CELEBRITY HOOKER"- Phoebe Bernal

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
3.9K 130 21
This is my ABS-CBN Project Foreword final entry. I heard that fans of Lea Salonga and Aga Muhlach are still hoping for a 3rd movie after, Sana Mauli...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
526K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...