Buying Love (Published Under...

By fraeraine

5.5M 54.1K 1.7K

Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na la... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Ninety Two
Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Epilogue
Shameless Plug!
Grab a copy of BUYING LOVE now!!!
Wanna read BOOK 2?

Forty One

61.6K 550 23
By fraeraine

"So he's going to start courting you, right?" ani Gem kay Hana.

Nagkibit-balikat lang siya.

"What, Ate Hana? Nag-agree ba si Ram? Were you able to force him into courting you?"

"Hindi ko nga alam. Parang hindi yata. 'Di niya feel. Stupid daw. Nonsense. Ridiculous. Mag-asawa na naman daw kami, ba't pa daw niya ako liligawan?" aniya dito.

Ideya kasi nito ang i-dare si Ram na ligawan siya. Alam na nito ang tungkol sa tunay na sitwasyon nila ni Ram. Agad namang nawala ang galit nito sa kanya. Bagkus ay  ito pa ang nag-offer na tulungan siyang makuha  ng tuluyan ang loob ni Ram. Silang dalawa ni Chloe ang may pakana nitong Operation: Paamuhin si Ram. Medyo natatawa siya sa ideya noong una pero sa kalaunan ay nagustuhan din niya. Mas maigi na rin itong may masasabihan siya sa tunay na nararamdaman niya sa buhay mag-asawa na meron siya. Hindi katulad dati kinikimkim lang niya sa sarili lahat.

"You have to try harder. Magpakipot ka kasi, Ate Hana. He should never feel that no matter what happens, you will always be there. Na kahit na anong gawin niya, na kahit balewalain ka pa niya, you will always be there for him. Mali 'yon. He will never realize your worth if that's the case."

"I agree, Ate Hana," ang sabat naman ni Chloe. "Dapat magpa-hard-to-get ka din. Hindi porke't mag-asawa na kayo pwede na niyang gawin lahat ng gusto niyang gawin sa'yo. At na pwede ka na niyang balewalain kahit anong oras niya gusto. Mali yun."

"And to make that happen, you have to make him see your worth. You have to make him realize na pwede ka ding mawala sa kanya," Gem continued.

"Pano?" aniya.

"You have to make him realize na pwede kang magsawa sa sitwasyon niyo one of these days, na pwede kang ma-inlove sa iba. Kung 'di lang ako naaaawa kay Kuya Gio, I should have allowed you to use him para pagselosin yang asawa mo. Kaso, ayoko ding masaktan 'yong kuya ko. He really likes you, you know."

Napangiti siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ng personal si Gio. Umalis kasi ito bago pa siya nabigyan ng pagkakataong mag-explain dito ng personal. Hindi tuloy siya personal na nakahingi ng sorry dito.

"Pahirapan mo siya, Ate Hana," ang muling sabat ni Chloe. "I-push na natin 'yang ligaw-ligaw na 'yan. Ipakita mo sa kanyang determinado kang magpaligaw sa kanya. Wag mo siyang pansinin hangga't hindi ka niya nililigawan. Feeling ko, may gusto din naman sa'yo 'yang asawa mo, eh. Pakipot lang. Kasi kung hindi ka niya gusto, hindi iyon magre-react nang ganoon noong nakita ka niyang kayakap ni kuya Gio."

"I agree," ani Gem. "He was so jealous with Kuya Gio! At magseselos ka lang naman kapag mahal mo ang isang tao, right?"

"True."

"Ay naku, binibigyan niyo naman ako ng false hope, eh," aniya sa mga ito. 

"Totoo 'yon, Ate Hana. Pasasaan ba't luluhod din sa harapan mo 'yang asawa mong 'yan. Gagawan natin 'yan ng paraan. Tiwala lang," ani Chloe.

Malakas siyang natawa sa sinabi ni Chloe. Magsasalita pa sana siya nang biglang mag-beep ang kanyang cellphone. Si Ram. As usual ay bigla na naman siyang na-excite. Sinaway niya ang sarili. Nagiging halata siya masyado, eh. Kaya siguro hindi niya makuha-kuha ang buong atensiyon ni Ram. Kasi masyado siyang atat.

R u done? anito.

Hndi pa. Y? 

That was a lie. Kanina pa sila tapos. Ayaw lang niyang umuwi ng maaga. Parang ayaw na muna niya itong harapin. Parang naiinis pa rin kasi siya dito kasi for the second time ay hindi na naman nito naalala ang wedding monthsary nila. Idagdag pang tila diring-diri ito sa ideyang ligawan siya.  Nakakasama ng loob.

At higit sa lahat ay naiinis din siya sa sarili niya. Kasi kahit medyo malabo namang mangyari ang "happy ending" na inaasahan niya, heto pa rin siya't umaasa. Hello? Babae siya, lalaki si Ram. Nakatira sila sa iisang bubong, natural lang na may mangyari sa kanila. Hindi naman santo si Ram. Pero hindi iyon nangangahulugang mahal na siya ni Ram, o na mamahalin siya nito. She was just so stupid to believe that. 

Wat tym kau mttapos? M gona pick u up.

Wag na. Magko-commute nalang kasi ako. Kulit. 

Oh, c'mon, Hana. Is dis stil about courtng u? Ur so childish talaga.

"So childish na pala ngayon ang panliligaw, ha?" ang malakas niyang wika.

"Ano bang sabi? Patingin-patingin!" At magkasabay na nakibasa sina Chloe at Gem sa cellphone niya.

Hndi nman kta pinipilit. Kung ayaw mo, 'wag mo nga, 'diba? Sabi ko nman sau knina. At hndi iyon ang dahilan kung bakit ayokong magpasundo sau. Di kc ako sure anong oras kmi mttapos dito. Baka may lakad ka pa, she replied.

"Tama 'yan, Ate Han. Pa-hard-to-get ka," ani Chloe habang nakikibasa sa mga reply ni Ram.

I have nowhere to go. I insist.

"Aba. Aba. Nag-i-insist. 'Wag kang magpadala, Ate Hana," ani Chloe.

"Oo nga, Ate Hana. Don't give in. Show him who's the real boss," ang segunda naman ni Gem.

Wag na nga kc. Ang kulit2 mo tlaga. Kaya ko nmang umuwing mag-isa, she typed ans sent.

It's getng late. I insist, Hana.

"Say no, Ate Hana. Say no!" ani Gem.

Hndi nman. Magsi-7 pm pa kaya. Wag kang OA. Andaming pang pwdng mskyan. May pantaxi nman ako so dnt u wori.

Ano bang part sa "I insist" ang 'di mo naiintindihan? Ang tigas2 tlga ng ulo mo.

"Hala! At siya pa ang may ganang magalit? Ibang level talaga yang asawa mo, Ate Hana. Pagkatapos niyang makalimutan ang second wedding monthsary niyo, siya pa itong may ganang magalit?" ani Chloe.

So ako pa ang matigas ang ulo, ha? Eh sa ayw ko ngang magpasundo. Anong problema dun?

So what do u want me 2 do then? Head home?

Bakit? Nasaan ka ba?

Nasa labas ng gate.

"What?!" Sabay-sabay nilang nawika.

Nagkarera sila papunta sa may bintana. Sumilip sila doon.

"Hala! Kotse nga niya 'yan. Anong ginagawa niya dito?" aniya nang makita ang kotseng naka-park sa labas ng gate.

Noon biglang nag-ring ang cellphone. Awtomatiko niya itong nasagot pagkakitang si Ram ang tumatawag.

"Anong ginagawa mo dito?" aniya dito.

"Sinusundo ka. What else?"

"Ang sabi ko naman sa'yo, 'di ba, kaya ko nang umuwing mag-isa?"

"Eh, sa gusto kitang sunduin, what's your problem with that? And why are you still there? Ba't 'di ka pa lumalabas? I can see you from window, in case you didn't know."

"Ah. Kita ba?"

"Kahit dulo ng buhok mo, makikilala ko. C'mon, Hana. It's getting late. Lumabas ka na diyan. Don't make me wait."

"Napaka-demanding mo talaga. 'Di pa nga kami tapos, 'di ba?" aniya.

Nakita niyang sumisenyas si Gem ng "okay". Tila sinasabi nitong "okay na, pwede na siyang pumayag sa gusto nito". 

"Mga anong oras nga kayo matatapos?"

"Di nga ako sure."

"Okay. If that's the case, then I'll just go ahead to Maryo's place. They were celebrating Roanne's birthday there."

Tila nagpanting ang kanyang tenga pagkarinig sa pangalang 'yon.

"Ay, okay na pala. Si Gem nalang daw ang bahala," biglang bawi niya.

"Ah, okay. That's good. Lumabas ka na diyan so we can go ahead."

"Oo. S-sige. Sandali lang." She hung up the phone.

"What did he say?" ani Gem.

"Sinusundo na nga ako," aniya.

"In fairness, nag-effort lolo mong sunduin ka," ani Chloe. 

"And that's a good sign. Maybe that's the way he court, 'di ba? Maybe he's really courting you after all," ani Gem.

"Oo nga, Ate Hana! Oh my God! This is it!" ang segunda naman ni Chloe.

"Naku, kayo talagang dalawa. Kung anu-ano 'yang pinapaniwala niyo sa akin. 'Pag itong kalukuhan niyo, 'di nag-work..." aniya sa mga ito.

"Trust us, Ate Hana! Just trust us! Now go to your suitor!" ani Gem habang literal siyang itinutulak palabas ng pintuan.

Hindi ito lumabas ng kotse pero pinagbuksan naman siya nito ng pintuan mula sa loob. At talagang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung ano ang nasa backseat ng kotse.

"Ano 'yan?" aniya dito.

"Get in."

"Ano nga 'yang mga 'yan?" aniya habang sumasampa sa kotse.

"Well, what do you think they are? Don't tell me you don't know them."

"Pilosopo!" aniya dito. "Alam ko kung ano 'yang mga 'yan. Pero bakit may balloons? At saka bear?"

May iniabot ito sa kanya na agad din naman niyang tinanggap.

"At flowers. At chocolates," ang tila nananaginip na wika niya habang tinititigan ang bulaklak at isang box ng mamahaling chocolates na binigay nito. Naglandas ang mga mata niya papunta sa mukha nito. "Oh my God! Wag mong sabihing... pumapayag ka ng ligawan ako?!"

"Hey! Not too loud! You're causing damage to my ear drums," ang saway nito.

"Ang sungit mo naman. May nanliligaw bang masungit?" aniya dito kahit 'di mabura-bura ang mga ngiti sa labi niya. Ang saya-saya niya, grabe! Para siyang nakalutang sa alapaap na ewan.

Hindi ito sumagot. Bagkus ay binuhay nito ang makina ng kotse at nagsimula na silang umusad.

"Grabe ka palang manligaw. May balloons na, may bear pa, with matching  flowers at chocolates pa!" ang excited niyang wika habang inaamoy-amoy ang bulaklak.

"Tinodo ko na para isang bagsakan na lang."

Napatingin siya dito.

"Anong Ibig mong sabihin? Ngayon mo lang ito gagawin?"

"Yes, of course. What do you expect? Ang mahal kaya ng mga 'yan. I couldn't believe that flowers cost that much, buti sana kung nakakain. I took that from our grocery budget kaya tipid-tipid muna for the next two weeks."

At tuluyan nang nawala ang lahat ng sayang nararamdaman niya kanina. Inihagis niya sa backseat ang mga bulaklak at ang box ng chocolates.

"Hey! What are you doing?" anito.

"Ibenta mo 'yan nang makabawi ka. Sayang naman 'yong perang ginastos mo diyan," aniya bago ipinako ang paningin sa labas ng bintana. Naiiyak na kasi siya. Pakiramdam niya'y para siyang batang binigyan ng kendi na binawi rin naman.

"What are you fussing about? Di ba 'yan naman ang gusto mo, ang ligawan ka?"

"Wag na, utang na loob ko pang ligawan mo ako, eh. Kakahiya naman sa'yo," aniya sa gumagaralgal na boses.

"Women!" anito bago sinagot ang nagri-ring na cell phone. "Hey, Maryo! --- Ah, tumawag ka para kamustahin kung nagustuhan niya? She hated it, you jerk! You better pay for all these nonsense stuff, this was your idea after all!"

At nanghingi pa pala ng payo sa iba! Parang gusto niyang mag-facepalm. Ibang level ka talaga, Ram dela Francia!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 16.3K 22
When Mindy felt that she was in love with the blind casanova, Adam, all she wanted was to run away from him and forget her idiotic principle of helpi...
143K 7.9K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
385K 6.4K 25
I'm rich. No. Let me rephrase that. My family is rich. Not just rich. Isa kami sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo. I'm smart. I go to one of t...
76.1K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...