Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 29 (August 09, 2011)

1.3M 34.1K 3.7K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: August 09, 2011


Chapter 28

Umiiyak na talaga si Manang Lourdes.

"Di ko pa alam kung napano na yun, kung nakarating ba siya sa papa niya. Ginamit niya yung lumang kotse eh."

"Ginamit niya?!! Nasisiraan na ba siya? Eh bakit niyo naman po pinagamit manang eh hindi ba po manang takot siyang magdrive? Anong oras siya umalis?"

"Eh ayaw naman magpapigil! Kanina pang madaling araw. Kaninang kanina pa. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya naman sinasagot. Hindi ko alam number ng papa niya."

"TSK! Imposible siya manang. Napakaimposible niya. Siya pa may ganang maglayas ng ganyan?"

"Kent naman! Please naman. Napakabait kaya ni Phoebe..."

"Mabait manang? Ang tanga niya manang... Napakasama niya... Alam niya ba kung gano kasakit yun?" humarap si Kent sa may bintana dahil naiiyak na din siya.

"Kent pakinggan mo muna si Phoebe... halik lang naman yun---"

"Manang no... she... she slept with someone... You know how that feels?"

Napatakip na lang ng bibig si manang Lourdes.

Kagabi... kagabi lang manang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kung ano man yung... yung naiisip ko. Para kasing sigurado na ako na, ayaw ko na siyang mawala. Pero bakit ganun manang? Why did she hurt me? It hurts like hell." Umiiyak na din si Kent.

"Kent, sinabi niya ba yun sayo? Sigurado ka ba dyan? Kasi hindi ako naniniwala. Nasasaktan din si Phoebe nung umalis siya.

"Tinanong ko po siya, hindi siya sumagot... malamang, malamang toto—"

"Malamang... Kent kailangan niyong mag-usap ulit. Yung wala munang galit Kent."

"Wala na manang, siya ang umalis, eh di siya ang bumalik" mapride na sabi ni Kent.

"Galit ka sa kanya?"

"Opo."

"Naiinis ka?"

"Opo."

"Mahal mo ba siya?"

"Opo."

Nagulat din si Kent. Automatic kasi yung sagot niya kay manang Lourdes.

"Yun naman pala eh. Hay kayong mga bata kayo! Ang sabi niya sa akin kanina mahal na mahal ka daw niya!"

"Eh bakit po---"

"Hwag mo sa akin itanong yan dahil hindi naman ako si Phoebe anak! Diba sabi, kapag mahal mo? tatanggapin mo lahat? Lahat-lahat?"

"Manang masakit kasi..."

"Kent, anong mas masakit? Yang nararamdaman mong galit?  O kapag nawala siya?"

Hindi na sumagot si Kent. Kinuha niya ang celphone niya at tumawag sa papa niya.

Shit 10:00 na.

"Uh Kent? Okay ka na?" sagot ng papa niya

"Pa, san tumutuloy si papa?" patungkol niya sa tatay ni Phoebe.

"Bakit? Sa Greene Hotel, pero alam ko ang flight niya pabalik ay kanina pang 9:00. Balita ko isasama nga dapat kayo ni Phoebe kaya lang..."

"NINE?" Damn it!! Nakaalis na???"

"Bakit?" tanong ng papa niya

"Sasama sa kanya si Phoebe Pa!!!"

"Ah baka yung sa bakasyon nga?"

"Hindi pa!! Sa tingin ko hindi lang siya magbabakasyon! Nasabihan ko po siya ng masasakit na salita kagabi"

"Ano? Ano bang sinasabi mo Kent?"

"Pa!! Pupunta po akong Italy. Please..."

"Ha? Hwag magpadalos-dalos Kent."

"Please pa..."

"Hay! O sige! Buti na lang kamo alam ko ang address ni Fred sa doon."

"Thank you pa!"

"Hay! Basta ayusin niyo yan ni Phoebe. Magpapabook na ako sa secretary ng flight. I-email ko yung address. Di pa ba expired passport mo?"

"Di pa po pa, kakarenew ko lang... Thank you po."

"Sige papatawagan kita mamaya."

Binaba niya na. Pagtingin niya kay manang Lourdes nakangiti na ito pero umiiyak pa din.

"Manang naman tama na po..."

"Pangako mo sa akin iuuwi mo dito si Phoebe."

"Opo."

Umakyat na si Kent sa taas at nagempake. Alam niyang madali naman makakakuha ng flight ang papa niya dahil marami itong kakilala sa iba't ibang airlines.

Phoebe... galit pa din ako sayo. Pero di ko kayang mawala ka. Bakit ganun?

Nagring ang celphone niya. Si Harley tumatawag.

Sinagot niya agad ito.

"Ahas ka Villaluz! Damn You!"

"Kent, nasaan si Phoebe! Hindi niya sinasagot yung phone—"

"Hayop ka talaga Harley, mapapatay kita dahil sa lahat ng ginagawa mo. Diba I told you to contact me kapag nakita mo si Phoebe? Anong ginawa mo? Ahas ka!"

"Huh? Kent? Hindi ko alam na magkakaganito. It was just a kiss, hindi niya alam ang---"

Binabaan niya na si Harley. Wala siyang panahong makinig dito. Kung naiinis siya kay Phoebe, mas galit siya kay Harley.

Ilang oras lang bumabyahe na siya pupuntang airport.

***

"Okay ka lang anak" tanong ng tatay ni Phoebe sa kanya.

Ilang oras niyang iniyakan ang tatay niya. Sinabi niya dito lahat ng hinanakit niya. Pati na lahat ng sa tingin niyang nangyari sa kanila ni Harley at ni Kent.

"Thank you papa, for understanding me"

Pababa na sila sa airport. 13 hours din ang byahe hanggang Italy.

"Magrelax ka na lang muna dito anak. Namamaga pa din yung mata mo eh"

"Thank you pa."

Nakarating sila sa bahay ng papa niya. Hindi yun masyadong malaki dahil tatay niya lang ang nakatira doon.

"Magpahinga ka muna Phoebe, may pasok na ako maya-maya eh."

"May pasok na agad?"

"Anak, kaya nga tayo bumalik agad dito para maka-abot ako sa work. Magpahinga ka na muna sobrang haba ng byahe eh. May extrang kwarto diyan, Niready ko na talaga yun, kung sakaling sasama ka sa akin"

"Sige po..."

Nakaalis na ang papa niya pero ayaw pa ni Phoebe magpahinga.

Kapag tahimik kasi... naalala ko si Kent. Hay namimis ko naman agad yun. Bakit? Nakakainis. 13 hours pa lang ang nakakalipas eh. Tsss Magtiis ka Phoebe. Ang tanga mo kasi eh, kung anu-anong pagwawala ang ginagawa mo.

Lumabas muna si Phoebe at naglibot-libot. Masaki tang mata niya kaiiyak at pati na rin ang katawan dahil sa tagal ng byahe pero pinilit niyang magsaya.

May sumabay sa kanyang maglakad na isang lalaki.

Tinitigan niya pa ito dahil kasing katawan ni Kent.

"Kent?" sabi niya dito

"Che cosa?" sabi nung lalaki ng napansing nakatingin siya

"Ay sorry sorry... Mi dispiace!"

Umalis na ito. Hindi pala si Kent yun.

Italyano pala... Nakakahiya tinitigan ko pa naman yung mukha. Tsss As if naman susunod si Kent. Siguro oo pag magpapapirma siya ng divorce namin. Sino ba naman magttyaga sa asawang taksil. Hay

Naglakad-lakad pa siya. Pero feeling niya lahat ng nakikita niya ay si Kent.

Waaaah!!! Kent! Bakit ba ayaw mong maalis sa utak ko!!!! Ang unfair hindi niya naman ako iniisip pero iniisip ko siya. Haaay Lord. Di ko na po alam gagawin ko.

Nagpicture picture pa si Phoebe sa iba't ibang mga lugar. Mga ilang oras din siyang naglibot hanggang sa napagod na din siya.

Saan na nga ba yung pauwi?

Medyo hindi street smart si Phoebe kaya inabot pa siya ng mahigit isang bago niya nahanap ang daan pauwi sa bahay ng tatay niya.

"Ang lungkot... para gusto ko na ulit umuwi tapo magmamakaawa na lang ako kay Kent... Pero hindi eh, galit nga siya sa akin. I'm a whore"

Sobrang nasaktan siya sa sinabi ni Kent na yun.

Nang malapit na siya sa bahay nila, natanaw niyang may lalaki sa may foyer.

Jusme! Lahat talaga ng nakikita ko si Kent na....

Nakasandal ang lalaki sa may pader. Napansin niyang may papadating at tumingin ito kay Phoebe.

Shit... si Kent ba talaga to? O nagdedeliryo na naman ako?

"Phoebe..." nakumpirma niya nang si Kent yun.

Ano ginagawa niya? Hwag mong sabihing? Divorce na agad ang pag-uusapan namin?

Kinuha niya ang susi at binuksan niya ang pinto ng bahay ng tatay niya. Sumunod si Kent sa kanya.

"Let's talk" sabi nito.

Shit, divorce na ba?

Pinikit ni Phoebe ang mata niya bago pumasok sa bahay ng tatay niya.

"Why?" kinakabahang tanong ni Phoebe. Sobrang seryoso kasi ni Kent. Hindi pa rin siya makaniwala na nandito ito sa Italy.

"Mag-usap... tayo.." Parang galit pa rin si Kent.

"Mamaya na Kent... magpahinga ka muna dyan matutulog muna ako sa kwarto" gusto niyang idelay dahil natatakot siya sa mga sasabihin nito.

Dali-daling pumasok si Phoebe sa guest room ng bahay.

"Wait Phoebe, hindi na talaga pwedeng idelay ang sasabihin ko." Pinigilan ni Kent ang pagsara ng pinto.

"Kent..."

Pero niyakap siya ni Kent ng mahigpit na mahigpit, hanggang sa napaiyak na lang sa Phoebe dahil sa sari-saring nararamaman.

"Phoebe... please... love me."

"Kent..."

"Kakalimutan ko lahat ng nangyari... kalimutan natin... let's start anew."

Huh anong sinasabi niya? Ang dami kong ginawa tapos kakalimutan namin?

"Kent.. I'm sorry... hindi ko---"

Pero naputol ang sinasabi niya. Hinalikan siya ni Kent. Long deep kiss na nagpawala sa wisyo niya. Passionate kiss na nagpakawala sa mga nararmdaman niya."

"You're mine okay... you are mine Phoebe..."

Sabi pa ni Kent...

"Kent...."

"Please be mine.."

God... I can't do this.

"No Kent.... I'm dirty and I---"

"Wala na akong pakialam... God I missed you.."

Isinandal siya nito sa pinto at hinalikan ulit.

No... Hindi...

*later*

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 904 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
252K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
4.8K 445 15
Paano kapag nagtagpo ang hindi kasikatang writer na si Gypsy at ang 'wattpad legend' na si Lloyd? Magkakasundo kaya sila lalo pa at puno ng kabittera...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...