His Affair (COMPLETED)

By ThisGirlLoveSiomai

559K 2K 25

Makakaya ko pa kaya pakisamahan ang asawa ko at ang kabit nito? Na sa bawat araw nakikita kong magkasama sila... More

T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
HIS AFFAIR ON DREAME APP!

O N E

65.3K 626 14
By ThisGirlLoveSiomai

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental..

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the content of this story in any way. Please ask for permission.


Plagiarism is a crime..


All right reserves © 2020






***



" You may now kiss the bride " humarap ako sa kanya. Kung siguro mahal namin ang isa't isa siguro ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil kinasal ako sa taong mahal ko, pero hindi. Kabaliktaran lahat ng ito.



Tinaas nya yung belo na nakatakip sa mukha ko at nang nataas nya yun, onting onting lumalapit ang labi nya sa labi ko. Smack lang yun pero para sakin isang matagal na halik iyon.



Ako si Ailee Sanchez-Aguilar at ang lalaking yun ay si Kristian Aguilar. Kilala ko na sya since highschool pero hindi kami ganun ka close, classmates ko siya lagi at dahil sa gwapo sya sikat din sya samin kaya kilala siya ng lahat. Hindi ko alam na magkaibigan pala ang parents nya at ang parents ko kaya ayon na end kami sa isang Arrange Marriage at ngayon ang araw nang kasal namin.



Papunta na kami sa reception na inihanda samin para sa araw na ito. Tahimik lang kami ni Kristian habang bumabyahe. Kitang kita ko sa mukha nya na ayaw niya sa kasal na ito, kahit naman ako ayoko din pero for the sake daw ito ng company namin kaya hindi na ako tumutol, ako lang kasi ang tanging anak na babae ng parents ko at wala namang kapatid na babae si Kristian kaya kami ang napili.



Ang alam ko iniwan ni Kristian ang long time girlfriend nyang si Missy para sa company nila dahil binantaan ng daddy nya na si Sir Albert na papahirapan nya si Missy kung hindi ito sumunod sa gusto nya. Kaya sobrang inis ni Kristian sa magulang niya at siguro sakin din. Si Missy naman medyo close kami kasi naging classmate kami sa iilang subject namin nung college.



Pagdating namin sa reception binati kami ng mga tao na nandon at syempre nagpasalamat kami I mean ako lang, ngumingiti lang si Kristian sa mga bumabati sa kanya. Pagkaupo namin sa table na para saming dalawa, tahimik parin kami. Habang kumakain tahimik lang.



Pagtapos ng Party na yun, Didirestyo na kami sa private airplane na maghahatid samin sa Boracay, dun daw gaganapin ang tinatawag na ' Honeymoon ' namin. Kanina pa tahimik si Kristian kaya tahimik din ako ayoko naman magsimula ng conversion dahil baka hindi niya rin ako kausapin.



Nang makarating kami sa private plane, bumaba na kami ni Kristian. Kinuha nya yung mga gamit namin sa sasakyan at binigay yun sa mga assistant na makakasama namin sa eroplano. Naunang pumasok si Kristian sa loob ng eroplano samantalang ako bigat na bigat sa gown ko. Hindi na rin kasi ako nakapagpalit kanina kasi nagmamadali na si Kristian.



" Tulungan ko na po kayo Ma'am Ailee " sabi ng isa sa mga katulong namin.



" Salamat na lang, kaya ko na to. Ano nga pala pangalan mo? " tanong ko sa kanya. Maganda at maputi syang babae pero kung titinignan mo sya mas bata sya sakin



" Ako po si Imie, personal maid nyo po. Pinadala po ako dito ng daddy nyo " nakangiti nyang sabi kaya ngumiti din ako. Pumasok na ko sa loob ng eroplano at naupo sa tabi ni Kristian na masamang nakatingin sakin. Problema nito?



" Bakit ang tagal mo? " inis nyang sabi sakin.



" Kinausap ko lang si Imie " gusto ko sanang sabihin na ' di mo kasi ako tinulungan sa damit ko' pero wag na lang. Ayokong makipagtalo. Tumingin ako sa bintana at onting onti na lumilipad tong eroplano naming sinasakyan.



" Imie? Sino yun? " takang tanong nya kaya lumingon ako sa kanya.



" Personal maid ko. Pinasama ni Daddy " tumingin uli ako sa bintana at siya nanahimik na lang.



Tahimik lang kami hanggang nakarating kami sa Boracay, gabi na nang makarating kami. Lumabas kagad ako sa eroplano at sa paglabas ko malamig na hangin ang sumalubong sakin na parang winewelcome ako. Hihihihihihi



" Tara na " hinawakan ako sa kamay ni Kristian at bumaba na kami ng eroplano, may isang itim na sasakyan ang nagaantay sa di ka layuan.



" Goodevening Sir Kristian at Ma'am Ailee, ako po si Jerome ang inyong driver. Pasok na po kayo. " pinagbukasan nya kami ng pintuan at pumasok din naman kami. Mukhang may edad na si Jerome, kaya Kuya jerome ang itatawag ko sa kanya.



Medyo matagal din ang naging byahe namin bago kami nakarating sa isang resort na pagmamay ari ng pamilya aguilar. Binaba nya lahat ng gamit namin at pina assist yun sa isa sa mga nagtratrabaho dito.



" Mauna kana sa loob, may pupuntahan lang ako " sabi ni Kristian at may binigay sya sakin susi na may number at sumakay sa itim na sasakyan. Hindi man lang nya sinabi kung san sya pupunta. Kainis.



Pumasok na ko sa loob ng resort at lahat ng tao nakatingin sakin. Jeez naka wedding gown pa pala ako. Kailangan ko na magpalit. Sumakay kagad ako sa elevator at pinindot ang floor number kung asan ang room namin.



Pagdating ko sa floor nato, hinanap ko kagad ang room number ko at luckily hindi naman sya mahirap hanapin. Pagpasok ko sa loob nandon na ang mga gamit namin kaya hinanap ko kagad ang gamit ko at kumuha ako ng pajama at nagtungo ako sa banyo.



Paglabas ko ng banyo, kinuha ko yung mga gamit namin at nilagay yung malapit sa kama. Hindi naman kami magtatagal dito, siguro mga 3 o 4 na araw lang dahil may pasok pa sa opisina si Kristian.



Pumunta ako sa veranda nitong kwarto namin, malakas ang ihip ng hangin kaya medyo nilamig ako pero namangha ako sa resort nila kristian, sobrang ganda. Tanaw na tanaw ko ang dagat at mga puno na may mga ilaw. Para akong nakatira sa isang paraiso.



Sinarado ko na ang pinto ng veranda at nagtungo sa kama. Jeez... Anong oras kaya uuwi si Kristian? At san ba sya pumunta? Maybe a friend or something



Kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinawagan si Daddy



" Hi Daddy, were here " sabi ko nung sinagot nya na yung tawag.



[Good baby, where's your husband? can I speak to him? May importante akong sasabihin sakanya] hala! Ano sasabihin ko kay daddy? Na umalis si Kristian at hindi ko alam kung san pumunta at anong oras sya uuwi. Ayoko naman na magalit sakin si Daddy pero ayoko din magalit sakin si Kristian. Alam ko magagalit sakin si Daddy kasi sabi nya sakin dapat lagi kong kasama si Kristian kung di lagot si Kristian sa daddy nya at sa daddy ko.



" Ahh eh, tulog na po si Kristian daddy. Napagod po sya " pagsisinunggaling ko.


[Ganoon ba. Sige bukas na lang. Anak magenjoy ka dyan dapat paguwi nyo may apo na kami] at tumawa pa si Daddy



" eh. ayoko pa dad "



[hahaha. Gusto ka daw makausap ng mga kuya mo] sabi nya [Hello A, Pasalubong ko ha! ] natawa naman ako kay kuya Adrian puro pasalubong ang nasa isip.



" Sige kuya Aids "



[Hoy Babae, kapag sinaktan ka ng asawa mo magsumbong ka kagad samin huh! Papatayin namin yang asawa mo] napaka caring talaga sakin ni Kuya Alex, sabagay bunso ako at nag-iisang babae pa.



" Kuya, wag naman. Kakakasal lang namin papatayin niyo kagad. Gusto nyo ba na mabueda ako kagad? " natatawa kong sabi



[Hindi naman sa ganon. Basta kapag sinaktan ko o pinaiyak ka. Sabihin mo lang samin. Babawiin ka namin sa kanya]



" Sige po kuya Alex. "



[OMYGOD Waaaaaaahh! Musta naman ang bagong kasal girl?] ayan na si Avril i mean Alvin. Ang aking half half na kapatid.



" Eto masaya " pagkukunwari ko



[Pasalubong ko girl huh, gusto ko mga papabels jan sa bora. Yung may mga six pack abs huh! Tska yung mistiso para maganda ang lahi natin huh! Sige si Mother Moon na daw ang kakausap sayo. Babush] apat kaming magkakapatid. Ang panganay ay si Kuya Alex at ang Pangalawa ay si Kuya Adrian at ang pangatlo ay Si Alvin i mean Avril at syempre ako ang bunso



" Hello ma " wala kasing sumasagot sa kabilang linya



[ WAAAAAAAAHHH!! Anak!! Namimiss na kagad kita! Di ako sana'y nawala ka dito sa bahay. Huhuhuhuhu! Baby koooo!] ang sakit talaga sa tenga si Mama. Kung gano ka mature ni Daddy sya namang pinakaisip bata kahit may apat ng anak. Ewan ko ba kung bakit napagtiisan ni daddy si mommy kahit medyo isip bata. Sabagay Mahal naman nila ang isa't isa.



" Sige po ma "



[Sige na anak! Tulog ka na! Hihihihi gawa na kayo ng hubby mo ng maraming babies para may kalaro naman ako dito sa bahay. Ayaw na kasi ako kalaro ng mga kuya mo at ng daddy mo. Ikaw na nga lang kakampi ko pero iniwan mo ko!! Waaaaaaaaaahh! Huhuhuhuhuhu!] hala umiyak si mommy.



" Sige po ma. Gagawa kami ng maraming babies " pagchecheer up ko kay mama. Hindi kasi yan titigil hanggang hindi nya makukuha yung gusto nya



[Sabi mo yan huh? Sige Goodnight baby!! Sweetdream!! I love you] masigla nyang sabi



" I love you to ma " at iend nya na yung tawag.



Pano kami gagawa ng babies kung hindi namin mahal ang isa't isa. Bibili na nga lang ako ng baby na manika at ibibigay ko yung kay mama.




••••••••••••••••••••••••

Continue Reading

You'll Also Like

474K 7.2K 94
10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fell in love, I fell harder and I'm fallin...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
243K 7.2K 63
Gabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)
1.1M 20.1K 53
Love is patience. Love is Hope. The moment when Ivanie Gomez laid her eyes to Luvdix Klein, she know she was enchanted by his charm. Hanggang mapasak...