The Legendary GANGSTER Meets...

Bởi kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... Xem Thêm

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ☠44☠

30.4K 357 40
Bởi kellylee0101

SAM's POV:

The door went wide open exposing Kai with his head bowed down.

"I'm sor----" He said as he walk toward to reach me.

Nginitian ko siya at umakma ng hinto sa harap niya.

"Look, Il Woo, Kai, Superman or whatever it is that you call yourself." I smirked.

"...I understand."

His face lightens up and then he suddenly runs towards me to gave me a big big hug.

I hugged him back and I closed my eyes for a few seconds.

Pinalo ko sya ng marahan sa likod niya sabay inilayo ko ng bahagya sa kanya ang katawan ko.

"Dimwit. Artista ka pala, hindi ka man lang nagsabi. May pa-mask mask at shades ka pa kapag lumalabas tayo. Heh! Panghe! Kainis ka!"

Napangiwi lang siya sa mga sinabi ko. "WHUUUUUUT??!!!" Bulalas niya.

Lumapad ang ngiti ko kasabay ng pagpalo ko pa ulit sa kanya. Ang cute talaga kapag tinatagalog ko mukang ewan. Hahahaha. "Wala, ang sabi ko..what's EXO?"

Napa-clear siya ng throat sabay naupo na lang siya bigla sa tabi ko na halata mong excited sa kwento niya.

Nakita ko naman na nagsenyas ang Mama ko na lalabas habang nakangiti na nagpaalam sakin, napatango na lang ako at tinabihan si Kai sa kama ko.

__________

CHASE's POV:

TPIHS CANTEEN

Nagtatakbuhan papuntang canteen ang lahat ng estudyante. Nagkakagulo silang lahat at nag-uunahan sa tapat ng tv sa gitna ng canteen.

"Anong nangyayari dito?" Nagtataka kong tanong kay Boom na kasalukuyan ng ngumunguya ng apple.

"Nyom nyom nyom..di ko din alam, Tol. Baka may balita o announcement sa tv. Makinood na lang tayo." Sabi naman nito na panay ang nguyam sa apple niya.

Pambihira talagang taong 'to ang takaw lagi na lang ngumunguya.

Naupo na kami ni Boom sa usual na pwesto namin sa canteen. Ilang saglit pa dumating na rin si Derick na kasama si Krystal na magkaakbay pa.

Sabay naman dumating si Jason, Bea at ang iba pang tropa kasama syempre si Iya. Kitang-kita kay Krystal na ayaw niya kay Iya dahil sa tuwing dadating 'to basta na lang mag-iiba ang timpla nya o kaya naman binabara si Iya sa bawat hirit niya.

Nang makumpleto kami, naupo na kaming lahat at saka nag-simulang magharutan. Hindi pa rin naman maalis ang tingin ko sa ibang mga estudyante na nagkumpulan sa harap ng tv at nagbubulungan.

Maya-maya pa, ang kaninang ingay ay napalitan ng sobrang katahimikan. Tanging tunog na lang ng tv ang maririnig at tutok na tutok ang lahat dito.

"Ssshhh..ayan na wag kayong magulo." Saway ng ilan sa mga magugulo.

"Ano bang nangyayari dito?" Tanong naman ni Iya.

"Manahimik ka pa teh para malaman mo. Tss." Pagtataray at pambabara ni Tal kay Iya.

Napailing na lang si Iya sa sinapit niya kay Tala at ako naman titig na titig din na naghihintay sa balita.

Ilang saglit pa..

"Isang sikat na Korean Star o miyembro ng isang koren boy group, boyfriend nga ba ng isang pilipina na kasalukuyang nasa bansa nila para magtanghal?"

Biglang nagtilian ang mga babaeng estudyante na animo'y kilig na kilig sa balita. Eto lang ba hinihintay nila? Grabe. Napailing na lang ako at napa-face palm dahil pati ako nakihintay sa walang kwentang balita.

Ibinaling ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana.

"Isang miyembro ng EXO - na si Kai na pinakamagaling na dancer ng grupo ang nasabing may girlfriend na isang filipina. Ang filipina diumano ay isang ring sikat na model sa ating bansa. Alamin natin sa report ni Nina Corpuz.."

Tuloy-tuloy pa rin ang panonood nila pati na rin sila Derick habang panay naman ang higab ko sa isang sulok.

"Narito tayo ngayon sa SM Entertainment para alamin ang totoo sa likod ng mga balita. Sino nga ba ang nasabing pinay na kinaiinggitan ngayon ng napakaraming babae sa iba't ibang parte ng bansa?"

Napahigab ulit ako atsaka nagdesisyong tumayo para iwan ang lahat ng hangal na nakikinig sa oras na 'to. "Pare, una na ko.." Tapik ko kay Boom na nakasalampak sa lamesa na may subong apple.

Nagulat na lang ako at napatingin kay Boom ng biglang malaglag ang apple niya mula sa kamay niya.

"Ui Tol, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makita siyang nakanganga at tulalang nakatingin sa tv.

Winasiwas ko ang mga kamay ko sa harap niya..

"Pare, ano bang nangyayari sayo?" Kalabit ko pa sa kanyang ulit bago ko balak lingunin ang tv.

"Ooops...Oy! Pare tara na!" Biglang napatayo si Boom at hinila ako papalabas ng canteen.

"Bakit pare? Ano bang nangyayari? Ano ba yung nakita niyo?" Pagpupumiglas ko sabay harap tv.

Pagtingin ko lahat ng atensyon ng tao nakatuon sakin.

Iba ang kutob ko.

Parang hindi maganda.

Nanlaki ang mga mata nila Tala ng makita ako na nakaharap sa kanila. Sila Derick naman sumenyas na umalis na ko dito, habang si Iya naman nakaturo sa tv habang nakatingin sakin.

Lumingon ako kung saan siya nakaturo.

Napalihis ako agad ng tingin ng makita ang picture ni Samantha.

Pero napabalik agad ako ng tingin ng makitang magkasama sila sa mga litrato ng lalaking Kai daw ang pangalan. Ang ilan sa mga ito tulad din ng binigay sakin ni Seyd ng magkita kami.

___________________________

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko.

Mukhang nakahanap na si Samantha ng bago.

Napasamsam pa ako ng marami pang alak.

"Ui Tol, tama na yan. Nakakarami ka na." Pananaway sakin ni Jason.

"Kaya ko pa, tol. Ako pa ba?! Ako pa ba?!"

"Oo ikaw pa nga. Tae pare, kanina pa tayong alas dos ng hapon dito, alas dos na ng umaga tara na! Kung gusto mo pang uminom tara doon na lang natin ituloy sa  condo mo, baka pareho pa tayong malasing baka hindi pa tayo maka-drive pauwi. Tara!" Pangyayaya pa niya sakin.

"Oh sige! Tara!!" Sigaw ko naman sa kanya. Sa totoo lang kanina pa ko lasing.

Susuray-suray akong lumakad papalabas ng bar habang sina Jason naiwan para magbayad ng nainom namin.

Maya-maya pa'y may nakabunggo sakin.

"Ayy takte! Tanga ka ba?!!! Hindi mo ba ko kilala ha?!! Tanga neto!!" Sabi ko sa nakabunggo sakin.

"Sorry, pare. Hindi ko sinasadya." Sagot naman niya.

"Anong pare? Hindi mo ko pare. Umalis ka nga sa harapan ko at baka makatikim ka sakin.." Sabi ko sabay hawak sa kwelyo niya.

"Ui Tol, ano ba 'to. Bitawan mo na yan. Tara na." Pamimigil naman sakin nina Jason.

"Pasalamat ka dumating sila baka kung hindi wasak ka sakin." Sabi ko sabay tinapik ng marahan ang pisngi niya at saka ako naglakad papalayo.

Pagdating ko ng condo, agad akong naghubad ng t-shirt at saka dumirecho sa kwarto para matulog.

____________________

KINABUKASAN

Napainat lang ako sa hangin at nagdesisyon na wag munang bumangon. Nakapikit lang akong inaalala ang lahat ng nangyari kahapon pati na rin ang lahat ng nangyari kagabi.

Hindi maalis sa isip ko si Samantha kaya hindi rin maalis saakin ang malungkot at mainis sa sarili ko.

Ginulo ko lang buhok ko saka ako nag-pumiglas sa kama ko.

"Aray.." narinig ko mula sa hindi kalayuan.

Napadilat agad ako sabay talon sa kama ko.

"Sino ka?!!" Nagtataka kong tanong sa babaeng nasa kama ko na nakatapis ng kumot at nasa muka naharang ang lahat ng buhok.

"Huh...." Natatawang sabi nito.

"Baliw! Sino ka? Anong ginagawa mo sa unit ko?!!" Sigaw kong pagalit sa kanya.

Iniayos niya habang nakayuko ang mga buhok niya at saka dahan-dahan na humarap sakin.

"......"

Blangkong rumehistro sa utak ko ang mukha niya.

"Samantha?!!!!!!"

Napangiti ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

Ilang saglit pa, biglang may sumapak sa muka ko dahilan para........

MAGISING AKO.

Napadilat ako bigla.

Tae. Gandang panaginip.

Napangiti at nag-laway pa yata ako.

Pero teka??? Sumakit bigla ang panga ko.

M-may sumapak sakin kanina diba? Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi kaya't totoo ang panaginip ko? Tumingin ako sa tabi ko.

Anak ng poging babylonian! May katabi ako sa kama ko!!!!

Itutulak ko na sana palaglag ng kama yung babae. 'Pero paano kung tama ang panaginip ko?' Tanong sakin ng utak ko.

Mahirap na. Baka patayin ako ni Samantha kung siya nga 'tong nasa tabi ko.

Bumaba ako ng kama at saka marahan na sinipa-sipa ang nasa kama ko.

"Huy!!" Panggi-gising ko.

"Huy!!!!!" Mas malakas pang sipa at sigaw ko.

"Ano ba!!!" Sukli namang sigaw sakin ng babae sa kama.

Unti-unti itong nabangon habang parang si sadako.

"Sino ka?!!!" Bulyaw ko sa kanya.

"Gago ka ba Chase?" Singhal naman niya.

"Aba tae. Sino ka? Alis dito! Pano ka nakapasok dito?!"

"Pakyu." Sagot naman niya habang naglakad pababa ng kama.

Napanganga ako.

Nagulat.

Nanlaki ang mga mata.

Nanlata.

O__O

"Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa dumating?"

"Shut up." Sagot niya habang naglalakad patungong banyo ng nakatapis lang gamit ang kumot.

"Kinakausap kita ng maayos. Wag mo kong talikuran." Hinila ko siya.

"F*ck Chase nasasaktan ako." Sagot nito habang kumakawala sa hawak ko.

"Sagutin mo ko. Bakit ka nandito? Kelan? Pano ka napunta sa kwarto ko?" Nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

"We f*cked last night." Nakangiting sagot nito.

Nasampal ko siya bigla.

Hindi ko mapigil ang galit sa katawan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to. At kung bakit ganito ang kinikilos niya sa harap ko.

Napahawak siya sa pisngi niya at tumingin sakin ng masama.

"Uuwi na ko." Dinampot niya ang mga damit niya sabay takbo papalabas ng condo ko.

Ako naman, naiwang clueless sa nangyari at nagawa ko kagabi.

Nag-isip ako ng nag-isip hanggang sa maturat ako.

Nag-isip kung paano siya napunta dito.

Nag-isip kung totoo ba ang nakita ko at ang nangyari ngayon lang.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napasabi ng...

..

..

..

..

..

..

"Tangina. Ba't ko nagawa 'to? At kay IYA pa."

_______________________________________________

TO BE CONTINUED...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

13.3K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
7.8K 438 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
55.1K 2.6K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
11.7K 428 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...