A Wife's One-Sided Love (Publ...

By MissSONE

7.7M 74.5K 14.7K

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages store... More

PROLOGUE
Chapter 2 (Currently Revising)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 (Part 1)
Chapter 18 (Part 2)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
A Challenge To Allison....
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue

Chapter 1 (Currently Revising)

359K 2.5K 58
By MissSONE

A Wife's One-Sided Love (Book 1 to 3) is already available in all leading bookstores and precious pages stores nationwide for 129.75 pesos each only. So one-sided lovers? GRAB YOUR COPY NOW! 

 -------Unedited and unrevised Version-----------

Tristan's POV


Magulo
.Masyadong maingay. Nakakarindi. Yung mga babae dito akala mo nagtitipid sa tela kung makapagdamit, halos makita na yung kaluluwa nila sa kanilang mga suot.Isa pa naman yun sa kinate-turn off-an ko sa mga babae.

I hate liberated girls.But unfortunately, sa ganung uri ng babae ako mapupunta.

 F*ck! Speaking of that girl! That brat! That childish girl! She's really getting on my nerves.

 Hinanap ko siya sa buong bar.Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nakikita ni anino niya.Nagpalinga-linga ako sa paligid ko baka sakaling makita ko siya dito,

  Nakagat ko ang mga labi ko dahil sa sobrang pangngunsumi, alam kong sa mga ganitong lugar lang lagi siyang pumupunta. Nadagdagan pa ang pagkairita ko ng hindi ko siya nakita sa mga tables at couch na nadaanan ko.

Ngayon,isa na lang ang pwede niyang puntahan -ang dance floor.

Mabilis ang mga paa kong naglakad papunta sa nasabing lugar.

"Oh Tristan? What are you doing here? Having fun?"
    tila nagtataka and at the same time nagulat na tanong ni Migz, isa sa mga matalik kong kaibigan. Pag mamay-ari ng magulang niya ang isa sa pinakamalaking architectural company dito sa Pilipinas. And he is also the great casanova saming magkakaibigan. Actually anim kami eh, si Migz, si Jhay, Ethan, Janus, ako at ang kengkoy na hindi malaman kung babae o tibo- si Ailee.

"Sa tingin mo ba gugustuhin kong magpunta sa ganitong kaingay at
kagulong lugar? "                                              
    may pagkairita sa tono ko.  Hindi naman dapat ako pupunta dito eh, ang kaso alam kong magagalit si Daddy kapag pinabayaan ko na naman ang pinakamamahal niyang FUTURE daughter-in-law!

"Ah Oo nga. I almost forgot about it. Ikaw nga pala si Tristan Xavier Fontanilla,
  ang Mr.Oh-So-Serious sa tropa."  
  natatawang saad ni Migz.

 "Wala akong panahon para makipagbiruan sayo, may hinahanap pa ko."  
seryosong sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa paglinga-linga sa paligid.

"Don't tell me, si Allison ang taong hinahanap mo?"

"Sino pa ba? "
   tiim-bagang na saad ko.Narinig ko ang mahinang halakhak ni Migz.

"Calm down, pare. I think she's just enjoying her last day of being a MISS Alisson De La Cerda "
    ani Migz. Magsasalita pa sana ko pero may biglang sumulpot mula sa likod ni Migz.

"Oh! Nandito rin pala kayo? "

 Si Janus 'yon, ang half-immatured at half-playboy sa tropa.

 His family owns a lot of Hotels here in the Philippines and a lot of branches in some parts of the world.Itinaas sakin ni Janus ang kamao niya at mahina naman yung sinuntok ng isa kong kamao. Ganun lagi ang greetings namin sa tuwing nagkikita-kita kaming lima.

 "Youre also here. Enjoying a last night of being a single? "
 Janus's teasing me.

 "Hindi pare, hinahanap niya sa Allison."
   sagot ni Migz. Tumingin si Janus ng nakakaloko sakin at maya-maya'y malakas na tawanan nilang dalawa ni Migz ang nangibabaw.

 These two crazy ass!! Ano namang nakakatawa don?

Kumunot ang noo ko na napansin siguro ng dalawa kaya biglang nagsitahimikan. Biglang lumapit sakin si Janus at inakbayan ako.

 "Payong kaibigan lang pare. If I were you, after that big day tomorrow, kunin mo na ang lahat-lahat sa kanya for you to make sure na hindi na siya magiging pasaway pa."

 Maniniwala na sana kong seryoso siya eh, kaso nakataas yung dulong sulok ng mga labi niya.Nakangisi siya.Tiningnan ko din si Migz, nakasmirk din ang loko.

 "What do you mean?" 
   tanong ko kay Janus.

"As simple as one,two,three.   Give her a child and----"

 F*ck!

 Hindi ko na siya pinatapos pa dahil mabilis ko na siyang tinulak pagkatapos ay pahablot kung kinuha yung kwelyo niya.

"You!"

galit na sigaw ko sa kanya. Bahagyang nakataas lang yung dalawang kamay niya na para bang itinutulak ako palayo habang patuloy pa rin sila ng paghalakhak ni Migz.

 "Look at yourself pare, namumula ka!"

  pangungutya ni Migz na noo'y halos ihitin na sa kakatawa. Maglalakad na sana ko papunta kay Migz para hablutin yung tenga niya ngunit biglang nahagip ng isang mata ko ang di kanais-nais na senaryo mula sa gitna ng dance floor na noo'y nasa likod na direksyon ni Migz.

Allison's seductively dancing with the other guy!

   Nakatalikod siya sa lalaki habang nakataas ang dalawa niyang kamay, giving acess para mahawakan ng lalaki ang kanyang beywang habang pareho nilang ginigiling ang kanilang mga katawan para sabayan ang tugtog. Kusang kumuyom ang mga kamao ko at dagling nandilim ang paningin ko dahil sa nakita kong 'yon.

 "What?"

nagtatakang tanong ni Migz ng makita sigurong nakatulala ako sa likod niya. Sabay silang lumingon upang sundan ang direksyon ng paningin ko.

"Oh man!  Lagot kang bata ka."

   tatawa-tawang sabat ni Janus habang himas-himas ang chin niya.

"Kalma lang, pare, don't make any----"

Hindi ko na pinatapos si Migz dahil bigla na 'kong nagderetso papunta sa likod niya.Madilim ang mukhang naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Allison. Pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng dugo ko papunta saking ulo dahil sa sobrang galit.

Sawang-sawa na 'ko sa pag-intindi sa kanya. Simula bata pa lang sakit na siya sa ulo ko.                                   For God's sake nakayanan ko siyang tagalan  for almost 12 years!

Twenty four na 'ko samantalang siya ay nineteen years old pero sa sitwayon ko para akong nag-be-baby sitter sa isang pitong taong gulang na bata.

Bigla ay naisip ko 'yung sinabi sakin kanina ni Janus.

 'Give her a child'

I winked.    Let's play a game, Allison Dela Cerda. My future Mrs. Allison Dela Cerda-Fontanilla.

 Allison's POV

  Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang magpakalasing, magsayaw at magpakasaya na para bang end of the world na bukas. Actually para sakin katapusan na talaga bukas. Mula sa dela Cerda, magiging ganap na Fontanilla na ako. And all of this was because of that f*cking 'Last Will and Testament' that my father signed before he died. Nakasulat 'don na iiwan ang lahat ng ari-arian, kompanya, kayamanan at lupa namin kay Roberto Fontanilla, ang matalik na kaibigan nina mommy at daddy. Nakasulat din doon na bago ibigay ang lahat ng kayamanan ng dela Cerda sa mga Fontanilla ay kailangan daw muna akong pakasalan ng panganay na anak ng pamilya -si Tristan Xavier Fontanilla.

   Three years-old pa lang ako ng mamatay ang mommy ko dahil sa sakit at 7 years-old naman ako ng tuluyan ng maulila sa mga magulang. Dahil sa isang car accident, na-coma ang daddy ko for almost two months pero nagising din siya after that.Nagising siya pero three days, three days lang ang itinagal niya at pagkatapos ay binawian na rin siya ng buhay, pero bago 'yun inasikaso na niya muna ang last will and testament niya para sakin na para bang alam na alam niyang hindi na siya magtatagal sa mundo.Nagtataka nga ako eh, na bakit sa dinami-dami ng mga kamag-anak namin, sa isang kaibigan lang niya ipinaubaya ang lahat ng kayamanan namin. Siguro dahil wala siyang tiwala sa iba naming angkan.

  Nung araw na namatay ang daddy ko, yun din yung araw na kinupkop ako ng pamilya Fontanilla. Naging mabait sila sakin, lalo na si Tito Robert, itinuring ko siyang parang tunay na ama, at siya, itinuring niya naman ko na parang isang tunay na anak. Kaso kung anong luwag sakin ni Tito, siya namang higpit ni Tristan.

  Konting oras na mawala ako sa bahay, halos libutin na niya ang buong bansa mahanap lang ako.Malate lang ako ng uwi sa gabi, daig pa niya ang walang patayang radio kung bungangaan ako. At ang pinakamatindi, lahat na lang ng bagay na gusto kong gawin pinapakealaman niya. Kulang na lang bigyan niya ng curfew ang oras ng pag-uwi ko.

GAD! Ganun na ba niya masyadong pinaninindigan ang pagiging future-husband ko, o di naman kaya eh, ginagawa niya yun dahil sa perang matatanggap ng pamilya niya kapag kinasal ako sa kanya.

 Until the years passed.

Nasanay na rin ako sa kanya.  Kaya naman minsan binabalewala ko na lang siya, tinatakasan tuwing nasa office siya, nagka-cutting class ng 'di niya alam para makipag good-time sa iba kong mga kaibigan at para naman maranasan ko ding maging malaya sa buhay kahit papano.

Ok! Ayoko ng i-flashed back pa ang nakaraan. Naiinis ako.

  Kasalukuyan akong nasa dance floor at nakikipagsayawan sa iba, medyo marami na rin kasi akong nainom kaya ang lakas na ng tama ko. Nagulat ako ng biglang may humawak sa beywang ko mula sa likod. And I don't care about that. Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw habang iniindayog ko ang aking ulo at bahagya namang nakataas ang dalawang kamay ko.

 "Let's enjoy this night,baby."
   narinig kong sinabi nung lalaking nakahawak sakin.Naramdaman ko ang hininga niya sa may batok ko.Nakasuot ako ngayon ng above-the-knee na fitted V-neck na blue dress with a long sleeve na hanggang siko.It shows my figure, a sexy and hot figure na hindi naman lingid sa kaalaman ko ay pinagpapantasyahan ng maraming mga kalalakihan.

 "But I'm already enjoying this night. "
 sagot ko sa malanding tono.

 "Not here,baby. Let's go to my place. I will make this night memorable for you."
    may pagnanasa sa tono ng lalaking 'yon. Naramdaman ko ang pagdiin ng mga kamay niya sa beywang ko na para bang gustung-gusto na niya kong makuha ngayon din.
 Ngumiti ako ng sakrastika.I like this.Yung tipong nahihirapan sila sa pagkuha sakin,katulad ng ginagawa ko dati sa mga manliligaw ko, na pagkatapos ng halos ilang buwan na panliligaw at pagbibigay ng mga mamahaling regalo ay sa huli'y sasabihin kong engaged na 'ko sa ibang lalaki dahilan para magalit silang lahat sakin.Kaya nga laging napapa-away si Tristan n'on eh.

 Hindi ko alam, pero feeling ko napakamaldita ko talaga pagdating sa lalaking 'yon.

And back again to the present, tumigil ako sa pagsasayaw at humarap ako sa kasayawan kong lalaki.

 Yeah, he's handsome, hot and his eyes was full of desire and........ lust.Pero kung ikukumpara siya kay Tristan, mas gwapo at hot naman ang fiance' ko at ------.

 Mariin akong pumikit.  Erase.Erase! Allison, wake up!

Nandito ka para magsaya. Kahit ngayon lang, pwedeng kalimutan mo muna ang lalaking 'yon?

 Dahil simula bukas, wala ka ng karapatan para gawin ang lahat ng 'to, liban na lang kung itsepwerahin ka na lang niya pagkatapos ng kasal niyong dalawa.

 Ngumiti lang ako sa kanya at saka ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa batok niya. Oh my gad! Wala na nga talaga ako sa katinuan.Pumikit ako.Bigla kong naalala si Tristan. Ano kayang pakiramdam niya na ikakasal na kami? Excited ba siya? O excited siya dahil pagkatapos ng maraming taong paghihirap niya ay sa wakas, makukuha na rin nila ang kayamanan ng pamilya namin. Hindi ko alam, pero sa tuwing naiisip ko 'yon, may biglang sakit na gumuguhit sa dibdib ko. Sa tuwing iniisip ko na kaya lang siya masyadong over-protective sakin ay dahil sa perang makukuha niya kapag nakatali na kami sa isa't-isa.

  Inilapit ko ang mukha ko sa mukha ng estrangherong lalaking 'to. Kahit ngayon lang, I want to forget this pain. At bago pa man magkalapat ang mga labi namin ay biglang may marahas na humaklit sa braso ko.

"What the hell are you----"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bumungad sakin ang madilim at galit na galit na anyo ng mukha ni Tristan.  Tama, siya nga. Si Tristan Xavier Fontanilla.

 Ang lalaking kinaiinisan ko. Ang lalaking kinamumuhian ko, and now, I admit... that after almost twelve years..

 Tristan Xavier Fontanilla, ang lalaking lihim na minamahal na ng aking puso at kahit anong gawin kong paglimot, hindi pa rin nun kayang  ikaila ang katotohanan na ang lalaking kinasusuklaman ko ngayon ay siyang natatanging tao na pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob para manatiling buhay sa mundong ginagalawan ko ngayon.

 I secretly inlove with him. My first love.

Continue Reading

You'll Also Like

884K 22.1K 57
"Break them apart and you can have me, but not my heart."
4.8M 99.1K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6.9M 126K 46
The story depicts the game of love and desires. Clarisse De Silva was a lawyer who was famous not only for her skill but also for being a coldhearted...
463K 19.5K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...