A Deal is a Deal

By BigBossVee

20.8M 175K 19.8K

Umupo si Greg sa swivel chair nito at pinagmasdan siya. "Okay. Bibilhin ko ang Oregon Building under your nam... More

A Deal is a Deal
READ THIS FIRST!
Chapter One - Snatched and... Arrested?!
Chapter Two - Meeting with the Gods
Chapter Three - Payback Time
Chapter Four - Bree is back!
Chapter Five - Expect the Unexpected
Chapter Six - Bree's favour
Chapter Seven - The Deal
Chapter Eight - In Need of Help
Chapter Nine - Venus' Secrets
Chapter Ten - Lost and Cold.
Chapter Eleven - That was close! Phew!
Chapter Twelve - Stupid Gaby!
Chapter Thirteen - "I'm with my wife."
Chapter Fourteen - Kyra and Geoff
Author's Speech. (Ansaveh?)
Chapter Fifteen - Steamy Conversation
Chapter Sixteen - I'm Not a Ragdoll!
Chapter Seventeen - First Kiss
Chapter Eighteen - Lunch with the Billionaire
Chapter Nineteen - The Accident
Chapter Twenty - Love songs and Unknown feelings
Chapter Twenty One - Hontiveros Clan and Kristina
Chapter Twenty Two - Jealousy
Chapter Twenty Three - Her Darkest Secret
Chapter Twenty Four - The Visitor
Chapter Twenty Five - Time to Tie the Knots (Part One)
Chapter Twenty Six - Time to Tie the Knots (Part Two)
Chapter Twenty Seven - Performance Night (Part One)
Chapter Twenty Eight - Performance Night (Part Two)
Chapter Twenty Nine - Performance Night (The Climax)
Chapter Thirty (Bonus Chapter)
Chapter Thirty One - A Restless Geoff
Chapter Thirty Two - Who's teased now?
Chapter Thirty Three - Confessions. Lies. Betrayals.
Chapter Thirty Four - Time to wake up Bree!
Chapter Thirty Five - Miss me?
Chapter Thirty Six - Kyra's Plan
Chapter Thirty Seven - Turning Point
Chapter Thirty Eight - First Homecoming
Chapter Thirty Nine - A Father's Love
Chapter Forty - The Fashion Show
Chapter Forty One - Revelations
Chapter Forty Two - Unplanned Surprises
Chapter Forty Three - Still the Same
Chapter Forty Four - So Close
Chapter Forty Five - Mirror
Chapter Forty Six - Second Thoughts
Chapter Forty Seven - Shower & Conference Room
Chapter Forty Eight - Claws
Chapter Fifty - Missing
Chapter Fifty One - Sunset Drive at 8
Chapter Fifty Two - Nightmare
Chapter Fifty Three - Two lines
Chapter Fifty Four - Avowal

Chapter Forty Nine - Shiver

307K 3.4K 757
By BigBossVee

Chapter 49

“Gavin, are you sure you don’t wanna come with us?” Hindi niya alam kung pang ilang beses niya nang naitanong iyon kay Gavin. But as always, umiling lang ito sa kanya habang hawak-hawak ang laruan nitong si Iron Man.

Rinig niyang bumuntong-hininga sa likod niya si Greg. “Gaby, it’s no use. Hayaan nalang natin si Gavin kung ayaw niya talagang sumama sa atin. Andito naman sina Ashleen at Connie para kalaro niya habang wala tayo.”

Tumango siya at hinalikan sa pisngi ang anak. “Be a good boy while mom and dad are out of town, okay?”

Ngumiti ito sa kanya at niyakap siya sa leeg. “I’ll be a good boy, Mom… Dad…”

Napangiti siya at hinalikan ulit ito sa noo. He went straight to Greg when she released him. Nakita niyang nagbubulong-bulungan ang dalawa at tumawa ng malakas si Greg. Nilingon niya si Albert na nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mag-ama. “Kuya, ikaw na ang bahala kay Gavin habang wala kami ni Greg ha? Nandito sa bag ang lahat ng kakailanganin mo. Every night bago siya natutulog ay pinapainom ko siya ng gatas. Sa umaga naman ay umiinom siya ng vitamins pagkatapos niyang kumain. At—”

“Gaby, for Christ’s sake! Pang limang beses mo nang inulit ‘yan ha? I know already! Umalis na lang kayo ni Greg para di kayo maabutan ng gabi sa daan. It’s three o-clock in the afternoon already.” Singit ni Albert sa kanya.

Tiningnan niya ang wrist watch na suot. Five minutes na nga lang at mag-aalas tres na ng hapon. Tama si Albert. Kung ayaw nilang maabutan ng gabi sa daan ay kailangan na nilang umalis ni Greg. “Okay. Basta kuya ha? Tawagan mo kaagad ako pag may emergency dito sa bahay.”

Ngumiti sa kanya si Albert habang kinakamot ang ulo. “Gaby, seriously. Umalis na kayo ni Greg. Alam ko na ang gagawin ko dito. Just leave it all to me and enjoy your weekend with your husband.”

Ngumiti siya at tumango. “Thanks, Kuya. Magpapaalam lang muna ako kay daddy and then we’ll leave.”

Pumanhik siya sa ikalawang palapag ng bahay at tinanong ang nurse kung gising ba ang kanyang daddy. Ngumiti ito at tumango sa kanya. “Kakagising niya lang, Ma’am Gaby. Pumasok nalang po kayo. Nasa loob si Doc James at kinukunan siya ng BP.” Nagpasalamat siya at pumasok na sa silid ng kanyang daddy.

Nakita niyang mahinang kinakausap ni Kuya James si daddy. Makalipas ang ilang weeks niyang paglalagi sa Pilipinas ay hindi na nagpro-progress ang kalagayan ng kanyang ama. He was becoming weak. Everytime niyang binibisita ang kanyang ama sa silid nito ay hindi niya maiwasang mapaluha. Klase-klaseng tubo na ang nakakabit sa ibat-ibang parte ng katawan nito.

Hindi na nga ito nakakausap dahil sa tubo na nakakabit sa bibig nito. He looked so fragile. Gusto niyang samahan ito umaga hanggang gabi pero dahil na din sa trabaho niya sa opisina ay hindi iyon nangyayari. She wanted to take care of him. Alam niyang bilang na lang ang mga araw nito dito sa mundo. She wanted to cherish his last few moments.

Narinig niya nga kamakailan mula kay James na mismong mga machines na lang ang nagpapabuhay ng kanilang ama. She cried the whole night because of that. Buti nalang at di napansin ni Gavin ang pamamaga ng kanyang mata kinaumagahan. Pero hindi iyon nakaligtas kay Greg. “Kuya James, magpapaalam lang ako kay daddy. Aalis na kami ni Greg in a few minutes.”

Nilingon siya ni James at tumango. Kinausap pa nito si daddy ng ilang minuto bago ito tuluyang tumayo. “I’ll just give you five minutes. Kailangan niya pang inumin ang gamot niya bago siya ulit makatulog.” Tumango siya at lumabas na ito sa silid ng kanilang ama.

Umupo siya sa tabing upuan ng kama ng kanyang ama at hinawakan ang kamay nito. His hands were frail and weak. Na para bang wala nang kabuhay-buhay ang buong katawan nito. She squeezed his hand gently and leaned forward. “Daddy, aalis muna kami ni Greg for the weekend. Magkakaroon kasi ng Grand Reunion yung high school batch niya at inimbitahan niya ako. Iiwan muna namin si Gavin dito. Ayaw niya kasing sumama dahil wala daw siyang magiging kalaro doon.”

Mga ilang minuto niya pang kinausap ang kanyang daddy ng pumasok bigla si Greg. Kahit nakatalikod siya ay alam niyang si Greg iyon dahil sa pabango nito. God! Even his scent is imprinted on her brain!

“Gaby, we have to leave. Baka maabutan tayo ng gabi sa daan.” Sabi nito sa kanya ng makalapit ito. Hinawakan nito ang balikat niya pero kaagad siya tumayo at hinalikan ang pisngi ng kanyang ama. “Dad, I love you.” Naluluhang bulong niya dito.

Alam niyang naririnig pa din siya ng ama pero dahil na nga sa sobrang hina ng pangangatawan nito ay hindi na ito makapag-salita. Pinisil niya ang kamay nito at maingat na lumabas. Napansin niyang hindi sumusunod sa kanya si Greg. Nilingon niya ito at nakitang mahinang kinakausap ang kanyang ama. She was about to call his attention when James suddenly asked her a question. “Saan pala kayo pupunta ni Greg?”

Hinayaan nalang niya si Greg na kausapin muna ang kanyang daddy at tuluyan nang lumabas. “May Grand Reunion kasi ang high school batch ni Greg sa Laiya, Batangas. They also invited me over para daw makilala nila ako.”

Tumango-tango ito. “Kailan naman kayo babalik?”

She shrugged. “Sunday afternoon siguro. Saturday and Sunday kasi yung reunion eh.”

Mga ilang minuto din itong tahimik. He flashed her his rare smile and then tapped her on the shoulder. “Ok. Mag-ingat kayo ni Greg and have fun.” After just a few seconds ay lumabas na si Greg galing sa silid ng kanyang daddy with a smile on his face. “Halika na. We should be on our way. Sa Laguna tayo dadaan para mas maaga tayong makakarating.”

And in just a few minutes ay nasa loob na sila ng kotse nito at tinatahak ang daan papuntang Laguna. The trip to Laiya took three hours. Medyo sumakit din ang kanyang puwitan dahil tatlong oras din siyang nakaupo lang. When they finally arrived at the resort ay kaagad siyang bumaba para mag-inat ng kanyang buto.

“Okay ka lang ba?” Tanong sa kanya ni Greg. Tumango siya habang hinilot-hilot ang kanyang likod. It was already six thirty pm at nagsisimula nang dumilim ang langit. Rinig niya din ang malakas na hiyawan at tawanan sa loob ng resort. She was suddenly nervous.

“Hey, you’re fidgeting. Wag kang kabahan. Kilala mo naman ang barkada ko eh.” Salita sa kanya ni Greg habang dala-dala ang dalawang pack bag na naglalaman ng kanilang mga damit.

“Pero sila lang yung kakilala ko. I’m pretty much sure sobra isang daang tao ang invited.” Kinuha niya ang kanyang bag mula kay Greg pero iniwas lang nito iyon. “I can carry my own bag, Greg.”

“I know you can, love. I just want to carry it for you.” Hinayaan nalang niya ito at pumasok na sa resort.

“Good evening, Sir Greg. Ma’am.” Bati sa kanilang dalawa ng isang lalaking staff. Nagulat siya at nilingon si Greg. Regular costumer ba dito si Greg at kilala ito ng mga staff?

Tumango naman si Greg at nagpatuloy lang sa pag-lakad. Pagdating sa lobby ay binati din sila ng iba pang staff ng resort. All of them were smiling and of course, the female ones could not take their eyes off on Greg. Tumikhim siya. Nilingon siya ni Greg at nginitian. Oh yes, I’m pretty much sure you like all the attention, Greg.

Nauna sa kanya si Greg at dire-diretso ito sa isang kwarto. Paano kaya nito nalaman ang pasikot-sikot sa resort na ‘yon? He opened the door and she was awed by how the room was luxurious. It was in a carribean style and everything complemented each other. The paintings that were hanging on the walls. The king-size bed that was covered with embroidered sheet. The hammock that was swinging because of the wind in the terrace. The room itself was giving her the excitement.

“Do you like it?” Tanong sa kanya ni Greg na nakatayo tabi ng sofa. He looked perfect standing there with his khaki shorts and plain white polo shirt. Mukha talaga itong bakasyonista.

Pumasok siya sa silid and closed the door. “I love it, Greg.” Nakita niyang ngumiti si Greg at tumango na para bang nasisiyahan ito sa sinabi niya. “I specifically chose this room for you. I’m glad you loved it.”

Medyo naguluhan siya sa sinabi nito. Bago pa man niya mapigilan ang sarili ay tinanong niya ito. “Greg, don’t tell me you own this resort?”

Greg gave her his lopsided grin before answering. “I used to. But then I had to sell all my share to Jack.”

Tumango-tango siya. Kaya naman pala halos lahat ng staff ay lumuhod sa harap nito kanina. Isa pala ito sa mga dating may-ari ng resort. “What happened? Bakit mo binenta?”

“Gaby, with the kind of business I’m dealing with, I don’t think handling a resort is any of them. I simply don’t have the time.” Paliwanag nito sa kanya habang tinipa-tipa ang hawak nitong cellphone.

Hindi na siya nagtanong at nagpatuloy nalang sa paghanga ng silid. Ilang minuto lang ang lumipas ay hinawakan nito ang kanyang braso at giniya siya palabas ng kwarto. “I know you’re hungry. Kumain na tayo at nang makapag-pahinga na tayong dalawa.” With that ay lumabas na sila ng kwarto.

-

“Hi! Your name’s Gaby right? Ako nga pala si Axia.” Bati sa kanya ng nakangiting babae. She smiled back and nodded.

“Pwedeng bang umupo sa tabi mo? Ang init kasi eh! Di ko nga alam kung pano nakakayanan ng mga lalaki ang tirik ng araw. Anyway, gusto mo ba ng shake?” Di pa siya nakakasagot ay umupo na ito sa tabi niya at tinawag ang pansin ng isang waiter. “Excuse me, pa order kami ng dalawang four seasons shake—Oops! Make it four!” Ganoon ba ito ka uhaw at apat na four seasons shake ang in-order?

Sasabihan niya na sanang wag na siyang isali ng may biglang umupo sa dalawa pang bakanteng upuan ng kanilang lamesa. It was Crystal and Louise. If her memory serves it right.

“Diyos ko ba naman! Ang init! Umiiyak na yung kili-kili ko sa sobrang pawis!” Di niya napigilang mapatawa sa sinabi ni Louise. Tumawa naman kasabay niya ang dalawa pang babae.

“Naku, Louise! Napagod na nga ata ‘tong kili-kili ko sa sobrang init! Wag kang mag-alala!” Segunda naman ni Axia. They were all laughing until their orders arrived. Buti nalang at di niya tinanggihan kanina ang order ni Axia. Tiyak siyang pagsisisihan niya iyon. The shake itself was refreshing.

“Si Gaby ka hindi ba? Gosh! I know you! Pero Bree yung name mo eh? Wala ka bang kambal?” Tanong sa kanya ni Louise.

“Actually, ako din ‘yon. Gabrielle kasi yung full name ko. My name was Bree when I was still in college. Naging Gaby lang ako ng grumaduate na ako.” Nakangiting paliwanag niya.

Pumalakpak ito. “Ay! Ang taray! Dapat ako pala nung grumaduate ako pinalitan ko nalang din sana yung name ko para may drama! Ano kaya sa tingin niyo ang nice na alternate name ko?”

“Lukring! Yan ang bagay sa’yo.” Sagot naman ni Axia.

May sasabihin pa sana si Louise ng maunahan ito ni Crystal. “Maya na nga kayo mag-away. Anyway, may gusto kasi akong itanong sayo Gaby eh? We’re practically family right? Magpinsan kasi yung asawa natin. May itatanong kasi ako.”

She was about to correct her that she was not married to Greg anymore ng nagpatuloy ito sa pagsasalita. “What do you do when you know you’re two months pregnant?” Biglang sumigaw si Louise at Axia sa sobrang tuwa. Pati siya ay nahawa sa excitement. All of them were basically jumping up and down on their seats.

Unang nagsalita si Axia. “Oh my goodness, Crys! Congratulations! Grabe! Alam kong matagal niyo nang hinihintay ni Jack na magkaroon ng baby—”

Tinakpan ni Crystal ang bibig nito. “Ssh! I’m planning on surprising Jack about this! Kayo pa lang ang sinabihan ko. I just recently found out I was pregnant kasi isang buwan na akong hindi dinadalaw. My mind was racing so I decided to buy a PT. It turned out positive!” Humiyaw na naman silang apat.

Siguro dahil kasama nila ang asawa ng may-ari ng resort na iyon ay walang naglakas loob na pagalitan sila. Even if some people were giving them dirty looks.

“Naku, Crys! Ninang ako ha?” Saad niya kay Crystal na sinundan naman ni Axia at Louise. Tumango naman kaagad ito. “Syempre, kayo pa? Pero please girls, let’s keep it a secret for now. Gusto ko lang kasi ilabas yung sikreto na ‘yon. I wanted to share my excitement with someone.”

Lumipas ang isang oras ay nag-usap sila tungkol sa mga bata at kung saan makakahanap ng magagandang damit para sa babies ng biglang sumulpot sina Jack, Adam, Kostas at Greg. All of them were tan already but still ridiculously looked handsome. Humingal-hingal ang mga ito sa harap nila.

“Ano ba naman, Adam! Shake ko ‘yan eh tapos iinumin mo? Mag order ka nga ng iba!” Naiiritang pahayag ni Axia sa hinihingal pa din na si Adam. Nangalahati kaagad ang shake ng natapos na si Adam.

“Ang arte mo! Namamatay na nga sa uhaw yung tao, di mo pa pagbibigyan! Oh ayan! Shake mo!” Lukot-mukhang bigay ni Adam kay Axia ng halos ubos nang shake.

Tumaas ang isang kilay ni Axia. “Wais ka din eh ano? Diyan ka na magda-drama pag malapit nang maubos! Sayo nalang ‘yan! May saliva mo na yan kaya hindi ko na ‘yan iinumin!”

“Makapag-arte ito kala mo di tayo nag kiss kaninang umaga.” Mahinang usal ni Adam pero rinig na rinig nilang lahat. Nagsimula kaagad ang hiyawan sa mga lalaki at ang tukso sa mga babae.

Nalaman niyang matagal na palang mag best friend ang dalawang ito. The spark started when both of them went to a vacation trip together. When they came back, they were more than just best of friends. Axia’s full name was Alexandria. She was very pretty at kahit maiksi ang buhok nito ay bumagay naman iyon sa maamong mukha nito. But don’t let that pretty face deceive you. She was feisty and strong-willed. Hindi na siya nagulat kung bakit nahulog dito ang isang babaero na katulad ni Adam.

Kumuha ng upuan ang mga lalaki at tumabi sa kanila. Greg sat beside her and rested his arms at the back of her chair. Mukha tuloy siya nitong inakbayan kahit ang upuan naman talaga ang hawak nito. “Adam, saan ba pumunta yung si Brandon? Kanina pa yun nawawala ah?” Tanong ni Greg.

Adam snickered. “Alam mo naman ang isang ‘yon. He can’t get his hands off from his wife. Di marunong magpigil ng sarili.”

“Ew! Guys! Please! Andito kami mga babae! The last thing we want to hear from you is how you can’t keep your hands away from us!” Singit ni Crystal. Ngumiti lang si Adam at tuluyan nang inubos ang shake. Napangiti siya ng palihim ng makitang masama itong tinitingnan ni Axia at mukha itong papatayin.

“Anyway, kanina pa naming narini ang hiyawan niyo dito. Share niyo naman!” Salita ni Jack at inakbayan ang asawa nito. Nakita niyang ngumiti sa kanila si Crystal pero nagbabala ang mga mata.

Akala niya talaga noon ay hindi na mag-aasawa si Jack. He was already on his early thirties at sabi nito noon ay wala pa itong planong mag-asawa. Siguro sa lahat ng magbabarkada ay ito ang pinaka-elusive. Kaya naman pala ay hindi ito tumingin sa ibang babae dahil may hinihintay pala ito. That was no other than the international model Crystal Vanderpool. She was exquisitely beautiful. Kahit amerikana ang mukha nito ay talagang marunong itong mag tagalog. Nalaman niyang dito pala ito sa Pilipinas lumaki at nagkaroon ng isip kaya naman ay fluent itong mag tagalog kahit parehong foreigners ang mga magulang nito.

Nang pinakilala ni Greg sa kanya si Crystal kaninang umaga ay namukhaan niya kaagad ito. Isa ito sa mga naging model noong Fashion Show na pinuntahan niya. The night where she and Greg met after six years.

Tumango-tango naman si Kostas at nilingon si Louise. “Oo nga, babe. Ang lakas ng hiyaw mo kanina eh? Rinig na rinig ko! Mas malakas pa nga pag nasa kama—Aray!” Hinimas-himas nito ang braso dahil sa hampas na binigay ni Louise.

Sa lahat naman ng babaeng pinakilala sa kanya ay si Louise ang pinakamadaldal. Outspoken ito at talagang walang preno kung magsalita. But she was friendly and very comfortable to be with. Kahit wala pang limang oras silang magkakilala ay parang sampung taon na silang magkaibigan kung tratuhin siya. Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito noon bilang personal assistant ni Kostas. Well, sino ba naman ang makakatiis sa latina beauty nito? Nagulat nga siya dahil hindi ito pumasok sa pagmomodelo o pag-aartista at isang PA ang trinabaho nito. Hindi na din siya nagtanong.

“Wala yun. Girl talk.” Maikling sagot ni Axia.

“Girl talk? Pero tomboy ka diba?” Kunwaring nalilitong tanong ni Adam kay Axia. Malakas na sinuntok ni Axia ang braso ni Adam pero hindi naman ito humiyaw sa sakit. He looked quite serious after the punch. “You’ll pay for that later, Ax.” Nakita niyang natigilan kaagad si Axia at hindi na pinansin ang asawa nito.

“It’s almost lunch time. Nagugutom ka na ba?” Biglang tanong sa kanya ni Greg. And as if on cue, sumagot ang kanyang tiyan. Kanina pa nga siya nagugutom. Coffee at garlic bread lang kasi ang kinain niya kaninang almusal kaya naman ay nagwewelga na ang kanyang mga alaga.

Ngumiti si Greg at tumayo. “C’mon, let’s eat lunch. I know you love Crabs. Nagpaluto ako kanina sa Cook para sa tanghalian natin.”

“Kasali ba kami diyan?” Inosenteng tanong ni Adam.

Binigyan ng malamig na titig ni Greg si Adam pero tumango din naman sa huli. “Fine.”

-

“Okay! The next game is paper dance! Ten pairs lang po tayo sa laro na ito and the prize is really worth it! Sali na kayo at bawal ang KJ.” Saad ng Emcee.

“Ano ba yung prize?” Tanong ni Brandon habang akbay-akbay ang asawa nitong si Chastity. Chastity just like her name looked innocent and sweet. Nagulat nga daw ang lahat dahil sa dinami-daming babaeng dumaan sa buhay ni Brandon ay isang inosenteng babae lang pala ang makakatapat nito. Kahit ngayon ay tahimik lang ito sa isang tabi at ngumingiti pag may kumakausap sa kanya. Of course, mga ganoong klaseng babae ay hindi lang ganda kundi utak din ang pantapat. She was a Suma Cum Laude in both courses she took. Asan kayo?

“Ito talagang si Brandon, noong high school hanggang ngayon prizes lang ang habol!” Natatawang asar ni Axia kay Brandon. Nalaman niya kasing sa barkada nila, si Brandon at Axia ang mahilig mang-asar.

“Halika, Gaby at Greg! Sali tayo!” Excited na baling sa kanila ni Louise.

Umiling kaagad siya. “Are you kidding me? Hindi ako marunong sumayaw!”

Tumayo ito at hinila-hila ang kanyang kamay, totally ignoring what she just said. “Sige na! Hindi pa kayo sumasali ni Greg sa games eh! Sabi nga ng emcee, bawal ang KJ.”

Natatawang umiiling siya. “Louise, ayoko nga! Di ako marunong sumayaw! Pati si Greg hindi rin—”

“Okay! We have our first couple here! Let’s give it up for Greg and Gaby!” Naghiyawan kaagad ang lahat ng tinawag ang kanilang pangalan. Nalilitong nilingon niya sa tabing upuan si Greg pero nakatayo na ito at nakalahad ang kamay sa kanya. What the actual… Was he dead serious?

Tumayo siya at pinandilatan ito. “Are you out of your mind? What do you think you’re doing?” Mahinang tanong niya dito.

He just gave her his mega-watt smile and winked. “Dancing.” Hinila na nito ang kanyang bewang papunta sa gitna ng dance floor at hinihintay ang tugtog ng musika. Brandon and Chastity joined. So as Adam and Axia. Nakita niyang lukot na lukot ang mukha ni Axia habang malapad naman ang ngiti ni Adam.

When the music started ay nagsimula na silang sumayaw. The first few minutes of the game was okay. Pa kaunti ng pa kaunti ang mga couples dahil ang iba’y nawawalan ng balanse pag nakatapak sa manila paper.

Nang tatlong pairs nalang ang naiwan ay biglang nagsalita ang emcee. “Wait! Mukhang nagiging boring ang laro eh? Lagyan natin ng twist! Kailangan yung mag partner ay nasa magkabilang side ng dance floor. Sa left side yung girls, sa right side naman yung boys. Nasa gitna yung papel. When the music stops, dapat paunahan kayo sa gitna at kayo na ang bahalang dumiskarte kung paano kayo kakasya sa papel na iyan! Gets?”

Napamura siya sa isip. This is not good.

“Sabihin mo na kasi ang prize para naman ganado kaming sumayaw!” Hirit ni Brandon.

Ang naiwang nalang na pair ay siya at si Greg, si Brandon at si Chas, pati ang isang couple na hindi niya kakilala. Second dance pa lang kanina ay nawalan ng balanse si Adam kaya naman out na ang mga ito. “The prize is a trip for two in Maldives! One week stay and all expenses paid! Oh ayan, Brandon! Ganado ka na?”

Ngumiti si Brandon at kaagad may binulong kay Chas. Nilingon niya si Greg na para bang walang pakealam sa mundo. “Greg, stop na tayo.” Kumunot ang noo nito at tiningnan siya. “Ayaw mong mapanalo yung prize? It’s actually pretty good.”

Umiling siya. “Aanhin naman natin yun? Wala naman tayong oras—”

“Okay! So tapos na ba kayo sa pag pa-plano niyo? Well let the games begin!” Putol sa kanyang emcee. Kinakabahang pumunta siya sa left side ng dance floor pero bago pa man siya makalayo ay hinila siya ni Greg. “Just trust me, okay?” Nalilituhan man ay tumango na din siya.

Nang nagsimula na ang musika ay sumayaw na sila. She was almost carried away by the music ng bigla iyon tumigil. Natatarantang tiningnan niya si Greg na nakatingin lang din sa kanya mula sa kabilang bahagi ng dance floor. Nakita niyang tumakbo si Chas mula sa tabi niya papunta sa gitna at yun din ang ginawa ni Brandon mula sa tabi ni Greg. Nang nakarating silang dalawa sa gitna ay kinarga kaagad ni Brandon si Chas kahit halatang hindi pa ito ready.

Siguro sa sobrang impact nilang dalawa ay nawalan ng balanse si Brandon at parang Twin Towers ay gumuho sila sa sahig. Humagalpak ng tawa si Adam at Axia habang pumipigil naman sina Jack at Kostas. Tumayo kaagad si Louise at Crystal para tulungan si Chas. Nakita niyang nawalan din ng balanse ang pair na naiwan maliban sa kanilang dalawa ni Greg.

Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng makitang lumapit na si Greg sa nakatuping papel. “The offer still stands! Go Greg and Gaby!”

It’s now or never. Wag kang magpakahiya, Gaby. She took a deep breath before running to where Greg was and then as if they practiced this for a thousand time, he lifted her while holding her waist securely. She was momentarily airborne and seemed like flying. Hindi niya maiwasang mapangiti. Ganito pala yung dirty dancing.

Everyone cheered and the boys were howling while shouting Greg’s name. Nang dahan dahan na siyang binaba nito ay nakita niyang nakangiti sa kanya si Greg at hinalikan ang tungki ng ilong niya. “You should eat more. You’re so light.” Bulong nito sa kanya habang hawak hawak pa din ang kanyang bewang. “Oh, mamaya na ang lampungan! You can now claim your prize!”

They were laughing and cheering nang biglang lumapit sa kanya si Louise hawak hawak ang kanyang pouch. “Gaby, may tumatawag ata sa cellphone mo. Kanina pa ring ng ring eh.”

She excused herself and went to the veranda to have better reception. It was Kuya Albert calling. May nangyari kayang masama kay Gavin? Was he having a fever? Bigla siyang kinabahan at kaagad na sinagot ang tawag. “Kuya, is everything alright? Kamusta na si Gavin? Hindi naman siya nilalagnat right?”

Rinig niyang bumuntong-hininga si Albert bago sumagot. “Gavin is fine.”

Bigla siyang nalito. Eh bakit naman siya tinatawagan nito kung okay naman pala ang kanyang anak? “Then what is it? May problema ba?”

Matagal ding hindi sumasagot sa kanya si Albert. Akala niya’y nawawalan siya ng signal kaya naman ay tinawag niya ulit ang pangalan nito. “Kuya Albert? Are you still there?”

She heard him sigh again. “I’m still here.”

Ano bang problema nito? Was he having a hard time with Gavin? “Is Gavin giving you a hard time?”

“It’s not about Gavin.” Sagot nito.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. “Then about what?”

Rinig na naman niya ang buntong-hininga nito bago sumagot. “It’s about Daddy.”

Para siyang tinuklaw ng ahas ng marinig iyon. She didn’t have to know about what it was. She can already feel the coldness of the air wrapping her whole body making her shiver. Kaagad nanglambot ang kanyang katawan and she had to lean on the barrister for support. Nag-unahan ang kanyang mga luha sa pisngi at tuluyan na siyang humagulgol. It was too late.

I love you, Daddy.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
46M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...