The Art of Loving You

By patriciaxo

102K 2.8K 755

Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not en... More

Start
Step - 1.
Step - 2.
Step - 3.
Step - 4.
Step - 5.
Step - 6.
Step - 7.
Step - 8.
Step - 9.
Step - 10.
Step - 11.
Step - 12.
Step - 13.
Step - 14.
Step - 15.
Step - 16.
Step - 17.
Step - 18.
Step - 19.
Step - 20.
Step - 21.
Step - 22.
Step - 23.
Step - 24.
Step - 25.
Step - 26.
Step - 27.
Step - 28.
Step - 29.
Step - 30.
Enz.
Kiel.
Final Step
Alternate Ending

Aly.

2.1K 57 10
By patriciaxo

"Congratulations, Anak! We are so proud of you!" bati sa akin nina Mama't Papa nang yumakap ako sa kanila.

Tapos na ang ng graduation ceremony namin na ginanap isang convention center. I am finally a degree holder.

"This one's for the both of you!" nakangiti kong sabi. "Thank you for everything. I love you," duktong ko pa as they both kissed me on my cheeks.

"Aly!" rinig kong tawag sa akin ng mga college friends ko na sina Lyn, Dian, Ann, Weng, Mikee, Trixie, Quincy, Yza , James, JP at Cip.

Naglalakad sila palapit sa direksyon ko at nang makalapit sila, agad silang bumeso at nagmano sa parents ko.

"Hello po, Tita, Tito!" sabi pa nila. "Pahiram po muna kay Aly sandali. Mag-pi-picture taking lang po kami."

"Sure. Go ahead," nakangiting sagot ni Mama bago siya bumaling sa akin. "Anak, mauna na kami sa sasakyan ng papa mo, ha? Sumunod ka na lang," sabi niya pa at tumango naman ako.

Nagpaalam na ang mga kaibigan ko sa kanila at kumaway pa sina Mama't Papa bago sila dumiretso sa parking.

"Oh, tara na. Dali!" aya ni Cip at itinaas niya ang selfie stick na hawak niya. "Smile!" sabi niya pa at sunud-sunod ang naging pagpindot niya sa Bluetooth clicker na hawak niya.

"Tama na! Ang sakit na ng panga ko kaka-smile!" pabirong reklamo ni Dian at sumang-ayon naman ang karamihan kaya ibinaba na ni Cip ang phone niya.

"Grabe, guys! Ito na 'to, totoong buhay na!" madrama namang sabi ni Yza kaya nag-group hug kami. "I'll miss you!"

"Magkikita-kita pa tayo," kalmado namang sabi ni James.

"Pero hindi na madalas," sabi naman ni Mikee. "Syempre iba pa rin 'yong apat na taon na halos araw-araw magkakasama tayo."

"Sabagay..." sagot ni JP. "Pero masasanay rin tayo. Tama naman si James, magkikita-kita pa rin naman tayo. Hindi nga lang madalas pero magkakaibigan pa rin naman tayo, 'di ba? Hindi naman 'yon magbabago."

"Awww..." sabay-sabay naming sabi at nagyakap-yakap ulit kami. Nagpunas pa ng luha sina Wendy, Ann at Quincy.

Naluluha na rin ako pero ayokong ipakita sa kanila na emosyonal ako. I'll miss these guys so much.

Dahil kahit alam naming magkikita pa rin kami, hindi na 'yon magiging madali dahil magiging abala na kaming lahat sa kanya-kanya naming priorities.

May mag-me-med school tulad namin nina James at Lyn. May ng magta-trabaho na agad tulad nina Ann, Wendy, Quincy, JP at Yza. May kukuha ng master's degree tulad nina Cip, Mikee, Trixie at Dian.

"Ang drama niyo!" nakatawang sabi ni Lyn na naluluha na din.

Niyakap siya ng kadarating lang na si Riley, ang boyfriend niya. Mag-i-isang taon na sila next month. Parang kailan lang, nagliligawan pa sila. Ang bilis talagang lumipas ng panahon.

"Tama na nga. 'Wag na tayong mag-iyakan!" sabi naman ni Trixie. "Basta, ha? Walang kalimutan," sabi niya pa at nag-group hug ulit kaming lahat.

Kahit ayaw pa naming maghiwa-hiwalay, wala rin kaming nagawa dahil may kanya-kanya kaming celebrations ngayon kasama ang mga family namin. May swimming party  naman kami next week kaya makakapag-bonding pa ulit kami.

"Tanggalin ko na 'to?" tanong ko kay Mama at itinuro ko ang suot kong graduation toga.

Nakasuot pa ako red off-shoulder dress at nude pumps sa loob nito kaya init na init ako.

"Sa sasakyan mo na tanggalin 'yan para makauwi na tayo. Luluwas pa ulit tayo mamaya papunta sa Xela," utos ni Mama.

Naghanda kasi ang mga relatives namin sa side ng Padilla para i-celebrate ang graduation ko. Syempre, sa Xela na naman ang celebration dahil do'n na nakasanayan na mag-celebrate ng mga special events.

"Gabi pa naman 'yon, 'di ba? Makakapaghinga pa tayo?" tanong ko.

"Oo. Kaya nga sumakay ka na para makapagpahinga pa tayo," sagot ni Mama at binuksan ko na ang pinto sa backseat para makasakay na ako.

Bago ako pumasok, nakita ko si Enz na pasakay na rin sa sasakyan nila. Their van is just two cars away from ours kaya agad na nagtama ang mga tingin naming dalawa.

Sabay-sabay ang graduation day ng lahat ng pre-med programs sa Serendipity University. I was expecting that I might see him today but I wasn't expecting to see him this close.

Marami talagang tao ngayon dito sa convention center. Nakita ko lang siya kanina nang umakyat siya sa stage para kunin ang diploma niya and that was it.

"Alyson, let's go," rinig kong sabi ni Papa dahil nasa labas pa rin ako hanggang ngayon.

"Sandali lang, Pa," sabi ko naman. Nang lumingon ako, nakita kong naglalakad na palapit sa akin si Enz.

"Hi," bati niya nang makalapit siya. "Congrats pala.."

May distansya pa rin sa pagitan namin pero mas malapit siya sa akin ngayon kasya kanina.

"Congrats din," sabi ko naman at nilaro ko ang tassel ng graduation cap na hawak ko.

It's been a year now. Marami na rin ang nangyari pagkatapos ng break-up namin. I got pre-occupied with acads and internship, siguro gano'n din siya kaya madalang ko siyang makita sa university.

Isa pa, we never really had a chance to talk again after we parted ways. Kahit may mga updates akong naririnig tungkol sa kanya, sinubukan kong balewalain ang mga 'yon para makausad ako.

I'll admit that it was hard at first. Panay ang stalk ko sa social media accounts niya kahit sinubukan kong i-hide siya sa newsfeed ko.

Gusto ko sana siyang i-unfriend pero gusto kong disiplinahin ang sarili ko kaya inunti-unti ko hanggang sa nasanay akong hindi na bumibisita sa mga accounts niya.

"Thank you," sagot niya at napahawak siya sa batok niya.

Suot niya pa rin ang graduation toga niya pero napansin ko na parang tumaba siya at pumuti.

"You look good," puri ko.

"Ikaw rin," balik niya. "I am happy to see that we're both doing okay after what happened last year," nag-a-alangan niya pang sabi.

Ramdam ko na may ilang pa kami sa isa't isa dahil siguro ngayon na lang kami nakapag-usap pero ngumiti pa rin ako sa kanya.

"I am, too..." sagot ko at nagpaalam na ako sa kanya. "I think I'll go ahead. It's nice seeing you here, Enz. Regards na lang kina Tito't Tita," duktong ko at tumango naman siya.

"Same here, Aly," sagot niya. "Same here..."

Sumakay na ako sa sasakyan pagkatapos ng maikling usapan namin. Hindi nagsalita sina Mama't Papa pero alam ko na nakita nilang si Enz ang kausap ko sa labas.

"It feels freeing to finally forgive him for giving up on us. And to finally forgive myself," ngiti ko habang nakasilip ako sa bintana. Alam kong nakikinig sila.

"That's a start," ngiti ni Mama. Si Papa naman, tumango lang.

It's really helpful that they're both understanding and encouraging every step of the way. Wala rin naman silang kinampihan after the break up. Para na rin kasi nilang anak si Enz at gano'n din naman ang naging trato sa akin ng parents niya. They've been nothing but good to me.

Kahit noong break na kami ni Enz, kinukumusta pa rin nila ako at nag-bo-bonding pa rin sila kasama ang parents ko. The only difference is that sila-sila na lang at hindi na kami kasama ni Enz.

"Congrats, cous!" salubong sa akin ng mga pinsan ko nang dumating kami nina Mama sa Xela.

May hawak na cake si Kuya Ryan at hinila naman nina Tyler ang string ng confetti poppers na hawak nila.

"Thank you!" nakangiti kong sabi at yumakap ako sa kanila.

Panay rin ang picture taking namin bago kumain. May mga gifts pa akong natanggap mula sa mga tito't tita ko kaya nagpasalamat din ako sa kanila.

After our dinner, nagkasiyahan naman sa pagkanta at inuman kaya naging pre-occupied ang lahat.

Nag-setup pa ng beer pong ang mga pinsan ko sa gilid kaya sandali akong sumali sa kanila before I excused myself para lumapit kina Kuya Timothy.

"Hi, Leon!" binuhat ko ang pamangkin ko nang i-abot siya ni Ate Alex sa akin.

Mag-se-seven months na siya next week. Ate Alex gave birth to him last year, just a week after my birthday.

"Ang cute-cute mo!" gigil kong sabi at hinalikan ko ang pisngi niya nang bumungisngis siya habang buhat ko.

"May virus ka!" pabirong sabi ni Kuya Timothy at pinunasan niya pa si Leon kaya inirapan ko siya. "Joke lang."

"Ang kapal mo! Sana 'wag magmana sa'yo 'tong pamangkin ko. Impakto ka!" asar kong sabi and he just made a face. "Ang pangit mo pa. Sana talaga hindi ikaw ang pagmanahan ni Leon," dagdag ko at kinuha na ni Ate Alex sa akin ang anak nila dahil nag-s-spit bubbles na siya sa balikat ko.

"Sinong pangit?" tanong sa akin ni Kuya Timothy at nilamukos niya ang mukha ko habang pinupunasan ko ang balikat ko gamit ang tissue na inabot ni Ate Alex sa akin.

"Ate, oh!" sumbong ko at tinawanan niya lang kami dahil para raw kaming mga bata.

"Ba't ka ba kasi nandito sa table namin? May kailangan ka, 'no?" tanong ni Kuya Timothy at tumango naman ako.

"Susi ng rooftop. Pahangin lang ako," nakangisi kong sabi at tinaasan niya naman ako ng kilay. "Sige na, please..."

"Sus! Pasalamat ka malakas ka talaga sa akin," sabi niya naman at ibinigay na niya sa akin ang susi na hinihingi ko. "Mag-ingat ka ro'n. 'Wag kang tatalon. Mahal ka namin," biro niya pa kaya umirap na naman ako.

"Sira! Hindi ko gagawin 'yon," napailing na lang ako at tinalikuran ko na sila pagkatapos kong magpaalam na aakyat muna ako.

Umihip agad ang hangin nang buksan ko ang pinto patungo sa rooftop. Hinawi ko ang buhok at inipit ko 'yon sa tainga ko bago ako sumandal sa brick ledge.

This has been my quiet place ever since Enz and I parted ways. Dito ako nagpupunta kapag gusto kong mag-isip at mapag-isa.

Looking back, I was a mess when I first came up here. Sobrang sakit pa ng nararamdaman ko noon at inaamin ko naman na hanggang ngayon, may kirot pa rin.

Of course, Enz was my first boyfriend. That alone is enough to leave an impact. Kahit four months lang ang itinagal ng relationship namin, naniniwala ako na wala sa ikli o tagal ng panahon masusukat kung gaano namin minahal ang isa't isa.

Alam ko at sigurado akong nagmahal kami ng totoo. May mga bagay lang talagang hindi para sa atin kaya kailangan nitong magtapos.

It's not a bad thing to be broken, to get sad or to get hurt about people and things that matter to you. It is what makes us human. But, there's more to life than heartaches. Marami pa rin akong dapat ipagpasalamat tulad ng pamilya ko at mga kaibigan ko.

"Aly..." napalingon ako nang marinig ko ang boses niya.

Napangiti ako nang sinubukan niyang takpan ang mukha niya gamit ang hawak niyang bouquet ng white roses.

"What took you so long?" tanong ko.

"Traffic," sagot niya at inalis na niya ang nakaharang na bouquet sa mukha niya para harapin ko. "But that's not important. What's important is that I am here," duktong niya pa bago siya ngumiti.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko at lumapit naman siya sa akin para i-abot ang bouquet na hawak niya.

"I was with you when you first came up here," sagot niya. "Para sayo nga pala. Congrats!" duktong niya pa.

Sumandal din siya sa brick ledge na sinasandalan ko pagkatapos kong tanggapin ang bigay niyang mga bulaklak.

"Thank you," ngiti ko. "Hindi ka na dapat nag-abala pa."

"Pagbigyan mo na ako. Lagi mo na lang kinokontra ang mga ginagawa ko para sa'yo," reklamo niya sabay tawa. Inakbayan niya pa ako kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Why stay, then?" seryoso kong tanong at yumuko naman siya para tignan ako.

"Because you're the risk that I am willing to take over and over again," sagot niya.

Muli kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya habang pareho kaming nakatingala sa langit. Kitang-kita ko ang mga bituin ngayong gabi. It's beautiful.

"I'll wait until you're ready, Aly," bulong niya sa akin at tumango naman ako.

I think that I am not yet ready to fall in love again and it might take some time for me to put back all the broken pieces but that's okay.

I've decided to love myself more in the process so that the next time I fall, I can share this love with someone wholly. So that my love will be greater than my fears.

"Thank you, Kiel," nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bouquet ng bulaklak na hawak ko. "I am so glad that you're here."

Continue Reading

You'll Also Like

151K 407 40
This contains only the articles. NO examples or woder understandings for each article. Hope this will still help if you need to memorize this article...
806 161 65
This is a collection of my short stories from August 2020. It's been a year since I last published my previous stories here way back 2018. You can v...
50K 2.2K 32
Aisleen has lived her life to the fullest. She has always been the life of the party until an accident turns her supposed bright life dark. Strugglin...
252K 17K 81
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...