DEATH: The Assassin Princess

By elle_alexy

1.3K 43 1

My very first story. This story is for open minded only. Merong bad words na mababasa, so kung hindi kayo san... More

Prologue
Chapter 1: Another Mission
Chapter 2: Dark Royalties
Chapter 3: New Mission
Chapter 4: First Day Sucks! (Part 1)
Chapter 5: First Day Sucks! (Part 2)
Chapter 6: Into the Gangsters' World
CHAPTER 7: Scythe (Part 1)
Chapter 9: Allies
Chapter 10: Small Talk
CHAPTER 11: Let the battle begins! (Part 1)
CHAPTER 12: Let the Battle Begins (Part 2)
Chapter 13: Morta
Chapter 14: Suspisions
Chapter 15: Her Brother Is My Brother

Chapter 8: Scythe (Part 2)

95 2 1
By elle_alexy

Yumiko's POV

Naglalakad ako papunta sa bahay ng biglang mag-ring ang phone ko. Tiningnan ko agad ang kung sino ang caller.

Lolo calling...

I answered the call immediately.

"Sofu, naze denwa shimashita ka?" Tanong ko. (Lolo, bakit po kayo napatawag?) 

  "Anata wa, kanojo no watashi no aisuru o mitsukemashita ka?" Balik tanong naman n'ya sa akin. (Nahanap mo na ba s'ya, apo?) 

"Imadani. Shikashi, watashi wa kanojo ga chōdo kono ataridearu to kanjite imasu." Sagot ko kay Lolo. (Hindi pa po, pero nararamdaman kong andito lang s'ya sa malapit.) 

"Kanojo o mitsukeru tame ni saizen o tameshite mite kudasai. Itsumo mago o chūi shite kudasai." Huling sinabi ni lolo bago n'ya i-end ang call. (Gawin mo lahat para mahanap s'ya. Mag-ingat ka lagi, apo." 

(A/N: Pasingit lang po. I'm not sure po kung tama ang translation ng words sa Japanese. Google translate lang po kasi 'yan. 'Yun lang po. Enjoy reading!)

Matapos ang usapan namin ng lolo ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Malapit na ako sa pier ng marinig kong parang may nagkakagulong mga tao. 

"Sa taas!" 

 Narinig kong may sumigaw kaya napatingin ako sa taas ng isang andonadong building. May nakita akong silhouette ng isang tao. Naglakad pa ako para mapatapat ako sa abandonadong building at nagtago sa likod ng mga drum. Andito ako sa likod na parte ng building kaya hindi ko alam ang nangyayari sa harapan. Narinig kong nag-alisan na ang mga sasakyan at biglang tumahimik ang paligid ng may narinig akong putok ng baril. Maya-maya pa ay may nakita akong tao na bumagsak mula sa itaas. Buti na lamang at nakatali s'ya at may mga nakatambak na basura sa binagsakan n'ya. Kundi, lasog-lasog ang kanyang katawan. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakita ko ang mahabang buhok n'ya. Kumpirmadong babae s'ya. 

"Miss. Miss, gising." Sabi ko sa kanya.

"Uhh---" Ungol n'ya. 

Hinawakan ko ang balikat n'ya. 

"Do--don't y--you dare t--touch m--me." Hirapan n'yang sabi. 

 Kahit nahihirapan ay pinilit n'yang tumayo. Hawak n'ya ang tagiliran ng bewang n'ya at napansin kong nagdudugo ito. S'ya yata ang nabaril. Nang makatayo na s'ya n tuluyan sinubukan n'yang humakbang pero napaluhod ulit s'ya. Medyo humawi ang buhok n'yang nakatakip sa likod n'ya, parang may nakita ako sa itaas na parte ng likod n'ya. Is that a tattoo?? 

"Fuck!" 

 Nagulat ako ng sumigaw s'ya at tuluyan na s'yang natumba. Napansin kong hindi na s'ya gumagalaw pero humihinga pa s'ya. Nilapitan ko s'ya at hinawakan, hindi s'ya nagreklamo kaya itinayo ko s'ya inalalayan papunta sa bahay. Patuloy pa rin sa pagdugo ang sugat n'ya. 

Nang makarating ako sa bahay ay agad ko itong binuksan at dinala s'ya sa kwarto. Sa totoo lang, hindi naman talaga dito ang bahay ko. Sa condo ako nakatira malapit sa school namin, 'yun nga lang, karamihan sa mga importanteng gamit ko ay nandito. 

Inihiga ko na s'ya sa kama saka inihanda ang mga gamit ko. Tinanggal ko ng tuluyan ang dmit n'ya. Tatanggalin ko na rin sana ang mask n'ya ng may humawak sa kamay ko. 

"Don't." Sabi n'ya. 

Nagulat man ay sinunod ko s'ya. Agad kong kinuha ang syringe at ang anestesya saka ko tinurok sa kanya. Ilang minuto lang ay sinimulan ko ng tanggalin ang bala na bumaon sa kanya.

Dane's POV 

"Wow, daddy! Ang ganda po ng tattoo ko! Salamat po kasi pinayagan n'yo ako kahit bata pa lang ako!" 

Tuwang-tuwang sabi ng isang bata habang tinitingnan sa salamin ang tattoo nitong scythe na may nakasulat na hindi malaman na karakter. 

"Daddy, ano pong ibig sabihin ng nung nakasulat?" Tanong ng bata. 

"Malalaman mo rin anak. Kayo ng kuya mo, pareho kayong may ganyan." Sabi ng ama ng bata.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko. Napanaginipan ko na naman si daddy at ang aking tattoo. 

I was ten years old when my dad decided to allow me to have this tattoo. It's a scythe and there is a character na hindi ko maintindihan noon, but now, I know the meaning of it.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong kinaroroonan ko. Napaka-plain lang nito at maliit. Hinawakan ko ang mukha ko. I'm still wearing my mask. 

Pinilit kong tumayo kahit masakit ang tagiliran ko. I know she treated my wound last night, but I don't know how. 

Lumabas ako ng kwarto at wala akong nadatnang tao. Tiningnan ko ang paligid at namangha ako sa nakita. Mayroong iba't-ibang uri ng weapons na nakasabit sa dingding ng bahay. Daggers, katana, samurai and guns. Sa left side ng sala ay may shelf na may nakalagay na mga bote na may mga liquid na iba-iba ang kulay. 

Sino ba talaga s'ya? 

Napalingon ako sa may pinto ng bigla itong bumukas. Nanlaki ang mata n'ya at agad na sinaraduhan ang pinto. Lumakad ako palapit sa kanya. 

"P-please. D-don't hurt me." She said. 

"Who are you?" I asked trying to change my voice. 

"Yu-Yumiko..Nakahara.." 

"I'm not asking for your fucking name." I said coldly. 

"P-please. I just helped you. Hindi naman kita isusumbong sa pulis. M-may itatanong din ako sana ako sa'yo. K-kung ayos lang sa'yo." 

"Sit down and answer my damn question!" 

Umupo kami sa sofa sa living room. Magkatapat kami at nakikita kong nanginginig s'ya. 

"I'm Yumiko Nakahara. That's my real name. I originally lived in Japan pero may inutos sa akin si Lolo kaya nagpunta ako dito. God! I never expected that you're a girl. Lolo didn't told me." 

Nagtaka ako sa huling sinabi n'ya dahil hindi ko gaanong narinig ang sinabi n'ya. Napakunot-noo ako at tiningnan s'ya ng masam. Lalo naman s'yang natakot. 

"S-sorry. M-may nasabi ba akong ma-mali??" She asked. 

"What do you mean?" 

"Eh? Ahm... Sabi kasi ni lolo hanapin ko daw ang taong may tattoo na scythe sa likod na may greek word na 'Death'. I saw it last night, at your back, so I suppose that you are the daughter of Mr. Daniel and Mrs. Andrea Hudson." Sabi n'ya. 

"How can I trust you?" I asked. 

May hinalungkat s'ya sa bag n'ya kaya naging alerto ako. Pero wallet n'ya ang nilabas at may kinuha s'yang picture. Ini-abot n'ya ito sa akin. Nagulat ako ng Makita ang mukha nila mommy at daddy sa picture habng karga ni mommy ang batang lalaki na sa palagay ko ay si kuya. 

 "The man on the left side is my lolo, right naman si Mr. Hudson at sa gitna si Mrs. Hudson. Akala ko ikaw ang hawak n'ya sa picture kaya akala ko lalaki ka. My lolo used to be the worker of your parents. Ang lolo ko ang gumagawa ng weapons ng pamilya n'yo. Pati na rin ang mga gamot at mga lason. Sa ngayon, ako na ang gumagawa nito, tinuruan ako ng lolo ko. Hindi na s'ya makapagtrabaho dahil naputol na ang mga kamay n'ya dahil sa pangyayaring 'yun." 

Nakita ko ang galit sa mata n'ya ng sabihin n'ya na putol na ang kamay ng lolo n'ya. I decided to removed my mask na ikinalaki ng mata n'ya. 

"I-Ikaw? D-Dane? Dane Torres??" 

 "Dane Eloisa Andrea T. Hudson is my full name. I will trust you, but if someone discovered my identity, I will fucking kill you." 

"Y-you can trust me! I swear! Pero akala ko talaga lalaki ka." 

"That's my brother. He died with my parents ten years ago." I said. 

"Ten years?? Ten years ago, naputol ang mga kamay ng lolo ko." She said sadly. 

Hindi ko pinansin ang pagiging malungkot n'ya. Tumayo ako at bumalik sa kwarto, inayos ko ang sarili ko saka isinabit sa balikat ko ang bag kung saan nakalagay ang sniper gun ko. 

"Teka, hindi ka pa magaling. Kailangan mo munang magpahinga." Sumunod pala s'ya sa akin. 

"May pasok tayo mamaya. I can manage, it's still 5:00 am. Prepare your things. Mamayang gabi babalik ako dito, isasama na kita sa bahay ko. Doon ka na titira. Remember what I've told you." 

Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya nagtungo na ako sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan ko. May kalayuan ito sa pier at sa wala masyadong tao. Kahit nahihirapan akong maglakad ay pinilit ko pa din. Pawis na pawis ako ng makasakay ako sa kotse ko. Nagmadali na akong umuwi para makapag-pahinga bago pumasok. 

*** 

Gian's POV 

7:00 am 

"Eto na, tapos na." Sabi ni Jasper. 

 Ini-abot n'ya sa akin ang bond paper kung saan naka-drawing ang nakita naming tattoo sa likod ng assassin. Buti na lang may photographic memory si Jasper.

 "What's the meaning of this?" Tanong ni Amethyst sabay turo sa nakasulat sa ilalim ng blade ng scythe.

"It's a greek word." I said. 

"Anong ibig sabihin n'yan? Pangalan nung assassin?" Tanong naman ni Troy. 

"No. It means...Death."

Natahimik sila after kong sabihin 'yon. Matagal tagal din bago may bumasag ng katahimikan dahil sa tunog ng cellphone ni Amethyst na sinagot naman n'ya agad. 

"Hello?...Yes..Ok...Thank you for the information." She said. 

"Guys, Mr. Lee is still in critical condition dahil sa ulo n'ya tumama ang bala. Commatose pa rin s'ya at 50-50 ang chance n'yang mabuhay." Sabi ni Amethyst matapos ang tawag. 

"We need to find that assassin as soon as possible, kung hindi masisira tayo sa maga otoridad." Sabi ko na tinanguan naman nila. 

"Nabaril ko na s'ya kaya madali natin s'ya makikilala kung andito lang s'ya sa paligid. Sa tagiliran ko s'ya tinamaan. Pamilyar sa akin ang tindigan n'ya. Kaya lang imposible kasi mabilis kumilos ang assassin pero 'yung kilala ko hindi naman masyado." Jasper said suddenly. 

"Hulaan ko, babae ang tinutukoy mo ano?" Tanong ni Amethyst. 

"Yeah." Taas-kilay na sagot ni Jasper. 

Pumalakpak naman ng mabagal si Amethyst. "Very good, my dear brother. Very good! You're a very observant..when it comes to girls. Anyway, you're a Casanova kaya hindi na ako magtataka. Hahahaha--Aray!!" 

Binatukan kasi ni Jasper. Maka-alis na nga dito. Tumayo ako at lumakad na paalis. 

"Hoy! Saan ka pupunta?!" Rinig kong sabi ni Troy. 

Hindi ko na sila muli pinansin. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Torres. Mula ng mangyari sa canteen naiba ang tingin ko sa kanya. She looks cold pero deep inside mabait s'ya. Mukhang kakaiba ang kilos n'ya ngayon at parang namumutla s'ya. Nang tumapat ako sa kanya ay agad kong hinawakan ang balikat n'ya. Masyado s'yang alerto kaya agad n'yang naalis ang kamay ko sa balikat n'ya. Ang bilis n'ya kumilos. 

"What do you need?" She said without a cold expression. 

"Ayos ka lang?" Tanong ko. 

"Why do you care?" 

 Hindi na ako nakapag-salita dahil umalis na s'ya. Ano nga bang paki-alam ko sa kanya?

***

P.E. time 

Dane's POV 

Damn it! Sana hindi na lang ako pumasok! I forgot na P.E. pala namin ngayon. Andito ang buong klase sa gym at basketball ang laro namin ngayon. Natapos na ang boys at girls naman. Naka-upo lang ako ng biglang may tumabi sa akin. 

"De--I mean Dane, you can't play. Baka bumuka ang tahi ng sugat mo." Pabulong sa akin ni Yumiko. 

"Who cares?" I said. 

"Uh. Ahm. Kasi, kailangan mong lumakas agad?" Hindi siguradong sabi n'ya. 

"Tsk!" 

"Alright! Team A, Torres, Hernandez, Reyes, Nakahara at Gomez! Team B, Tuazon, Martinez, Fuerte, Yu at Ramos!" Sigaw ng teacher namin si P.E. 

"Hey bitch! Kung ako sa'yo aayaw na ako." Biglang lapit sa amin ni Ria. 

"Yeah. Don't you know na varsity kami ng female basketball." Sabi naman ni Jane. 

"Girls, hayaan n'yo s'ya. Ikaw! Humanda kayo!" Sabi ni Chelsea saka lumayo sa amin. 

"Dane, you can't--" 

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Yumiko at tumayo na ako papunta sa gitna. Sumunod din naman s'ya. 

Dahil ako ang captain at si Chelsea sa kabila, kami ang nag-jump ball. Dahil medyo hirap ako, 'di ako natalon ng ayos kaya sa kamay ni Chelsea tumama ang bola at nakuha ng kakampi n'ya. Ma-ingat ang bawat galaw ko dahil baka mag-dugo ang sugat ko. Mabilis silang tumakbo kaya naka-puntos agad sila. 

Maka-lipas ang ilang minuto, mabagal pa rin ang kilos ko at hindi makatalon ng maayos kaya lamang sila sa amin. Naka-shoot na naman sila. 

"Time-out muna. Team A-10, Team B 26. May five minutes pa kayo Team A! Habol kayo!" Sigaw ng teacher namin. 

"Dane, hindi ka ba marunong mag-laro? Sabihin mo lang at papalitan ka namin. Kainis eh!" Sabi nung isa kong kakampi. 

"Mabuti pa nga palitan natin si Dane." Sabi ni Yumiko. 

"No. I can play." Madiin kong sabi saka bumalik sa court. 

Pinilit kong bilisan ang takbo ko at taasan ang talon ko. Medyo naka-habol na kami. 

Team A- 24

Team B- 28 

Apat na lang ang lamang. Si Yumiko ang may dala ng bola. Hinarangan s'ya nila Ria at Jane, buti na lang walang bantay si Gomez kaya s'ya ang sumalo ng bola. Hinarangan s'ya ni Yu kaya pinasa n'ya sa akin. Bago pa makatakbo palapit sa akin sina Chelsea tinira ko na ang bola. 

"Torres, three points!" Sabi ng teacher namin. 

"Shit!" Mahina kong mura. 

Kumikirot na ang tagiliran ko. Napahawak ako dun at nakita ko naman tumingin sa akin si Yumiko. Lalapit sana s'ya pero umiling ako. 

"10 seconds. Isa na lang ang lamang ng Team B." -Teacher. 

Puro hiyawan na ang naririnig ko, pati ang mga lalaking kaklase namin. Nakita ko sa kabilang side ang dark royalties pero wala si Amethyst.

 Nagsimula na ulit ang laro. Nasa Team B ang bola pero naagaw ni Gomez, agad na pinasa sa akin. Ngayon, tatlo ang bantay ko. Chelsea, Ria at Jane. 

"Nagkamali ka ng kinalaban, bitch." Sabi ni Chelsea saka ngumisi sa dalawang kakampi. 

 Kinuha ko ang pagkakataong iyon pera makalusot. Iniwasan ko si Chelsea dahil s'ya 'yung nasa harapan ko. Dumaan ako sa pagita nila ni Ria. Pero sabay nilang pinatama ang siko nila sa tigkabilang tagiliran ko. Tinamaan ni Ria ang sugat ko. Naramdaman ko ang kirot na pumasok sa buong sistema ko. Nang makalabas ako sa tatlo ay inihagis ko ang bola, hindi ako sigurado kung papasok ba 'yun o hindi.

Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ang pagtunog ng buzzer at pagsigaw ng mga tao. 

"Another three points for Torres! Team A wins!!" 

Nang marinig ko 'yun ay agad akong tumayo at tumakbo papunta sa labas ng gym at nagtungo sa sasakyan ko. Sumakay na ako sa backseat. Sumunod naman sa akin si Yumiko at sumakay din sa sasakyan ko. Nakita kong dumurugo na ang sugat ko at ang kaninang puti kong damit ay kulay pula na. 

"Can you drive?" I asked Yumiko. 

"Y-yes." I said saka hinagis sa kanya ang susi. 

"I'm gonna kill you if we bumped into something." 

Ini-start na n'ya ang sasakyan saka umalis. Inihagis ko pa ang phone ko sa kanya. 

 "Call Jake." I said then everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
10.2M 153K 27
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
400K 17.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.