Operation: Destroy Thomas Tor...

By TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 15

10.1K 137 25
By TeamKatneep

Chapter 15

Thomas

 

Ito na yata ang araw na pinaka-excited ako para pumasok. Ito kasi ang araw na magkikita ulit kami ni Arra. Hindi na bilang aking ex-girlfriend kundi bilang aking fiancée. Fiancée… ang sarap talaga ulit-ulitin knowing na si Arra ang tinutukoy ng salitang ‘yun. Hay, enough na sa daydreaming… got to get ready. Nahawa na talaga ako sa pagiging bakla ni Jeron kapag nandyan si Mika, wala eh… ang lakas ng tama ko kay Arra. Bumangon na ako. Pumasok muna ako sa aking walk-in closet para pumili ng damit at sapatos na susuotin ko ngayon. Matagal ko nang alam na gwapo ako pero kailangan ko talagang maglagay ng extra effort sa look ko ngayon kasi ito ang unang araw na papasok kami ni Arra as an engaged couple…

“Eh paano nga kayo magiging engaged kung nakipag-break siya sa’yo?” Sabi ng isang bahagi ng aking isip. Tumahimik ka! ‘Wag mong sirain ang araw ko…parents at grandparent na ang nag-dikta kaya dapat sundin ang gusto nila. Ngayon lang yata ako susunod sa utos ng magulang ko nang buong-puso. Isa pa, alam kong mahal pa rin ako ni Arra. Kaya lang naman siya nakipag-break sa’kin dahil nalaman ng parents niya ang tungkol sa pagkakaroon namin ng relasyon at ayaw na daw niyang madamay ako. Pa’no ba ‘yan, nagkasundo na ang mga lolo namin kaya magkakatuluyan pa rin kami. Hahahaha

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na ang napili kong damit at sapatos. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe! Ako na! Ang gwapo-gwapo ko talaga! Bumaba na ako para mag-breakfast.

“Mukhang napakaganda ng gising natin ngayon ah…” Pansin ni Daddy habang pinagtitimpla siya ng kape ni Mommy.

“Of course Dad! Masaya talaga ako kasi engaged na kami ni Arra. Oo nga pala, gusto kong mag-propose ng pormal sa kanya. Complete with romantic dinner, engagement ring and everything…”

“Don’t get too excited, son. That will happen 4 or 5 years from now…” Bakit ang tagal? Pwede naman akong mag-propose sa kanya nang maaga.

“Your dad’s right, Thom. But for now, magkasya ka na muna sa dinner natin with them this Noche Buena.” Nakangiting sabi ni Mommy.

“You’re right Mom! Kailangan ko bang bigyan ng buong regalo ang buong pamilya niya? Alam ko mahilig sa chocolates at toys ‘yung mga kapatid niya.” Excited kong sabi. Naalala ko tuloy nung nililigawan ko pa si Arra. Binibigyan ko rin kasi ng mga regalo ang dalawa niyang kapatid na bata para i-build up nila ako sa kanilang ate.

“You can if you really want, Thom. Pero anong kapatid ang sinasabi mo? As far as I can remember, nag-iisang anak lang si Ara. Mahirap kasi magbuntis ang Mommy niya kaya sobrang saya nila nang pinanganak niya si Ara.” Nagtatakang paliwanag ni Mommy.

“Mga bata pa sila Mom… 8 at 7 years old. Bata pa kasi, siguro hindi na nila nasabi sa’yo.”

“You may be right. Well anyway, pumasok ka na… I’m sure you’re very excited to see Ara.” Nakangiti na may halong panunuksong sabi ni Mommy.

Tinapos ko na ang aking breakfast. Pinaandar ko na ang aking kotse at nag-drive na ako patungong La Salle.

Ara

 

“Hindi ka pa ba bababa anak? Male-late ka na.” Sabi sa’kin ni Mommy. Nandito na kami sa tapat ng La Salle. Hinatid kasi ako nilang dalawa ni Daddy. Once in a blue moon lang yata nila ako hinahatid papuntang Manila kaya alam kong ginagawa lang nila ito para makabawi dahil talagang na-guilty sila sa mga nangyari kahapon.

“Ara anak, are you okay?” Concerned na tanong sa’kin ni Daddy. Eh sino ba naman kasi ang may gustong bumaba at pumasok sa La Salle gayong alam mo namang malaki ang chance na magkasalubong at magkita kayo ng future husband mo? And to make it worse, wala pang alam ang mapapangasawa mo na ikaw ang totoong tinutukoy na fiancée niya. Hay nako, buhay talaga… Siguro excited ka kung totoo mong mahal ang fiancé mo pero iba ang sitwasyon namin ni Thomas.

“I’m o-okay, Dad. Sige, alis na ako Mom… Dad…” Medyo nauutal na tuloy ako. Wala na rin naman akong choice. Kailangan ko na talagang bumaba dahil magsisimula na ang klase namin in 10 minutes.

“Mag-ingat ka Princess, okay? ‘Wag mong kalimutan ang engagement party/dinner natin. I-kumusta mo rin ako sa aking future son-in-law…” Nakangiting bilin ni Mommy.

“WHAT?!!! Anong engagement party ang sinasabi mo Mom?!” Leave it to Mommy para tuluyang masira ang araw ko.

“Ah, what she meant anak was maghanda ka sa dinner party natin ngayong December 24. The Torreses will spend Noche Buena with us.” Bawi ni Daddy.

“Next next week pa naman ‘yan… may exams pa nga kami. Sige bye.” Ano ba ‘to! Kanina ayaw kong bumaba ng kotse dahil iniiwasan kong makita si Thomas pero ngayon naman, gusto ko nang bumaba ng kotse dahil gusto kong lumayo sa kanila para i-avoid ang kahit anong topic tungkol sa arranged marriage namin. Eww, kinikilabutan pa rin ako sa salitang arranged marriage, fiancé at engagement.

Pagbaba ko ng kotse, naglakad na ako papasok sa La Salle. Ingat na ingat ako at baka magkasalubong kami ni Thomas. Bukod sa ayaw kong siyang makita dahil sa “engagement”, iniiwasan ko rin siya dahil sa mga nangyari last Saturday night. Sobrang awkward kaya nun. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin o kakausapin.

Sobrang nagulat ako nang may biglang umakbay sa’kin kaya napasigaw ako!

“Best! Nandito ka na pala. Akala ko pupunta ka pa sa dorm. O ba’t parang gulat na gulat ka? Ano bang nangyayari sa’yo?” Si Mika lang pala, akala ko kung sino na. Dapat kasi bawas-bawasan ko ang pagkakape ko. Tsk.

“Best, bakit ka nanggugulat?”

“Anong nanggugulat? Ikaw best ah… nakakahalata na ako sa’yo. May pinagtataguan ka ba?” Pang-aasar sa’kin ni Mika.

“H-ha? Sino naman ang pagtataguan ko? Wala… wala…”

“Weh? Eh ba’t napaka-defensive mo?”

“Wala nga kasi. Sige, late na ako.” Inunahan ko siya sa paglakad pero hinabol pa rin niya ako.

“Alam ko may hindi ka sinasabi sa’kin. May utang ka na chika sa’kin mamaya. Sige, bye!” Naglakad na rin palayo si Mika. Buti naman. Nako, paano ba ‘to? Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Kahit magsinungaling naman ako malalaman pa rin niya. Ganun ako kakilala ni Mika.

1 hour later…

Heto na naman ang pinaka-ayaw ko. Tapos na ang first period kaya malamang, maglalabasan na naman ang mga studyante at baka magkita kami ni Thomas. Nagmadali talaga akong maglakad papunta sa aking classroom na sa kasamaang palad, nalipat sa kabilang building.

Malapit na ako sa aming classroom kaya lang pagdating ko, walang tao sa loob dahil walang klase. Absent na naman daw si prof. Ano ba ‘to… saan na lang ako pupulutin nito? Sana naman nasa kabilang building siya. Uuwi na lang muna ako ng dorm para mas safe mula sa Thomas na ‘yun.

Habang naglalakad ako palabas… sa sobrang malas at kasamaang palad, nakita ko si Thomas na naglalakad patungo sa aking direksyon. Pa’no ba ‘to? Wala pa namang ibang daanan kaya wala akong choice. Tiningnan ko siya…. Ang saya-saya ng mukha niya at parang lutang ang pag-iisip. Baliw talaga ‘tong si Thomas! Pero bigla akong napaisip, kung ganyan siya, siguradong hindi niya ako mapapansin kapag nagkasalubong kami lalo na kapag nakayuko ako. Tama! Malapit na kaming magkasalubong at yukong-yuko naman ako para hindi niya ako mapansin. Yes, gumagana ang plano ko. Hindi niya ako napapansin, hindi niya ako napapansin….

Kaso…

“Aray!” Bwiset! May isang studyante naman ang biglang tumulak sa’kin. Babagsak na sana ako sa semento pero buti na lang nahawakan ako ng isang studyante.

“I’m sorry Miss, nagmamadali kasi ako!” At ubod bilis siyang tumakbo palayo. Tiningnan ko agad kung nasan si Thomas. Yes! Buti na lang wala na siya at hindi niya ako nakita. Pero pagtingin ko sa nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa’kin….

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong niya sa’kin. Ugh! Sa lahat ba naman ng pwedeng sumalo sa’kin bakit siya pa?

“Y-yes. Sige, thank you. Bye!” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking braso at nagmamadali akong umalis pero sinundan niya ako.

“Ara!” Wala akong naririnig…

“Ara!” Ibang Ara ang tinutukoy niya…

“Ara!” Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami. Sobrang lakas kasi ng boses. Binilisan ko pa ang paglakad.

“VICTONARA GALANG!” Napahinto ako. Mukhang galit na ang boses niya. Napilitan akong lumingon. Ayan na siya….

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa!

Bigla niya akong niyakap sa gitna ng buong DLSU. Nakakahiya. Marami tuloy ang nakatingin sa’min habang kinukunan naman kami ng pictures ng iba. Ano na naman ba ‘to? Agad ko siyang tinulak palayo.

“Thank God naabutan rin kita. Di ba friends na talaga tayo? As in for real? Pagkatapos ng mga nangyari sa bodega namin?” Bakit kailangan pa niyang ilabas ang tungkol sa mga nangyari sa bodega? Seryoso, for real kaya ang Thomas na kaharap ko ngayon?

“Ah, yes? Uhm, tungkol dun, kalimutan na natin ‘yun ha? Pero friends na talaga tayo. Hehehe…” Ang awkward!

“Let me treat you to lunch! Alam mo Ara, nagbago na ang isip ko. I was really wrong. Hindi ka malas, in fact, you’re really good luck!” I wonder kung good luck pa rin ba kaya ang turing niya sa’kin kapag nalaman niya ang totoo.

“C’mon, I’ll tell everything sa resto na kakainan natin.” Hinawakan pa niya ang kamay ko papunta sa parking area kung saan naka-park ang kotse niya.

Sa restaurant:

 

“Alam mo ba Ara, magkakabalikan na kami ni Arra!” Masayang pahayag ni Thomas habang hinihintay ang order namin. Ngumiti na lang ako.

“No, it’s more than getting back together! We’re actually engaged! Get it? Hindi pa ako baliw. I know it’s crazy but yesterday my….” Nagsimula siyang mag-kwento sa’kin tungkol sa mga nangyari kahapon which is very similar sa experience ko kahapon.

“And that’s how we ended up being engaged! Tama ka nga, kami pa rin ang para sa isa’t isa.” Ang saya-saya talaga niya… napangiwi na lang tuloy ako. Paano ba ‘to?

Hangang dumating ang order namin, kwento pa rin siya nang kwento tungkol sa mga future plans daw niya kapag kasal na sila ni Arra. Tango na lang ako ng tango. Sobrang awkward talaga ng sitwasyon namin…. Parang mas gusto ko dati nung magkaaway pa kami.

Habang nagkwekwento na naman siya, may bigla akong naisip. Tama! Dapat ko nang sabihin sa kanya ang katotohanan. Dahil kapag nalaman niyang hindi ang ex-girlfriend niya ang kanyang pakakasalan, siguradong aatras siya sa kasunduan… kaya dalawa na kaming tutol. Tapos sabay naming sasabihin na misunderstanding lang lahat…. tapos maaawa sina Mommy at Daddy pati na rin si Lolo at ang parents at lolo ni Thomas dahil magiging hadlang sila sa masayang lovelife ni Thomas kaya hindi na rin nila itutuloy ang pagpapakasal naming dalawa. OMG! I’m really a genius! Yey!!!

“Ara, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?”

“Ha? Oo naman.”

“Good. Sige, may story ulit ako nung time na…”

“Thomas!”

“Yeah?”

“Ako naman ang magkwekwento, okay? Kanina ka pa kasi daldal nang daldal.”

“I’m sorry. Sige, shoot!”

“Makinig kang mabuti sa sasabihin ko.”Seryoso kong sabi sa kanya.

“Okay. Ano ba kasi ‘yun?”

Tiningnan ko siya sa mga mata niya. “Hindi kayo magpapakasal ni Arra.”

“What?”

“Bingi ka ba? Hindi nga matutuloy ang kasal niyo sabi!”

“Why? Parents na namin ang nag-decide.” Confident na sabi ni Thomas.

“Hindi parents ninyo. Parents NATIN. Thomas, makinig ka. Ako ang Ara na tinutukoy ng parents mo. Kahapon, habang kinakausap ka ng parents mo, the exact same thing happened to me. Tumawag pa nga ang Mommy mo para i-inform na pumapayag ka na.” Paliwanag ko sa kanya.

“What?! But that’s impossible! Prove it!”

“Sige nga, natanong mo na ba sa parents mo kung ano ang last name ng Ara na pakakasalan mo?”

Napaisip siya sa sinabi ko. “No. But I’m confident na si Arra ang tinutukoy nila.”

“Bakit hindi mo i-text ngayon din ang magulang mo. Tanungin mo sila kung ano ang full name ng ARA na mapapangasawa mo.” Hamon ko sa kanya.

Nilabas naman ni Thomas ang kanyang cellphone. “Sure, I’ll do it. And I’m sure si Arra Gianina Rivera ang isasagot nila.” Confident niyang sabi habang nagta-type sa kanyang cellphone.

“We’ll see.”

Pagkatapos ng ilang minuto, tumunog na ang cellphone niya. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at pagkabasa niya ng message, I swear nakita kong lumuwa ang kanyang mata.

“Oh ano ang reply nila?” Ipinakita niya lang sa’kin ang kanyang cellphone bilang sagot.

From Mom

 

“Victonara Salas Galang. Bakit mo pa ba tinatanong, iho? Di ba girlfriend mo na siya? I’m sorry kung nakalimutan naming sabihin ang last name niya… but okay na rin naman since you’re the one who said that she’s your girlfriend, right?”

I gave him my victorious smile.

“I told you I was right.”

Nagsisimula nang mag-iba ang mood niya. Magkahalong asar, panghihinayang at galit ang makikita sa kanyang pagmumukha kaya bago pa masayang ang lahat, agad kong nilahad ang aking plano.

“But don’t worry. I don’t like to marry you either. Kaya here’s the plan, umuwi ka na ngayon din at kausapin mo agad ang parents mo. Sabihin mo sa kanilang umaatras ka na or whatever as long as makumbinsi mo sila para walang kasalan na magaganap. Then tatawagan ng parents mo ang parents ko and mag-uusap ang mga adults and before we know it, hindi na matutuloy ang arranged marriage natin and everything will be back to normal.” Nakangiti kong pagtatapos.

“Deal.” Yun lang ang sinabi niya pagkatapos mag-iwan ng pera pambayad sa resto at nagmamadali na siyang umalis.

Kahit iniwan niya ako, okay lang as long as siya ang nagbayad at sa mga oras na ‘to, alam kong papunta na siya sa kanyang mga magulang para kausapin sila at i-urong ang nakakalokang plano nila. May pa-iwas-iwas pa akong nalalaman kay Thomas gayong siya rin naman pala ang solusyon sa aking problema.

Continue Reading

You'll Also Like

223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
16.2K 1.2K 89
At the deepest part of my brain, in the corner of my heart.... I thought, I already forgot the pain. I thought, I already forgot how to cry. But then...
8.9K 111 5
Pano pag di nyo na maalala ang isa't isa?