Gangster vs. Assassin - Publi...

By XavierJohnFord

6.4M 116K 14.7K

Xavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin... More

Gangster vs. Assassin
Prologue
Chapter 1: The Black Death Assassins
Chapter 2: The Warlords Platoon
Chapter 3: The Constellate Assassins
Chapter 4: The Dragon Empire Gang
Chapter 5: The Ordinary Life
Chapter 6: The Plan of Meeting Them [Black Death Assassins & Warlords Platoon]
Chapter 7: The Meet Up
Chapter 8: The Succession Plan (Part 1)
Chapter 9: The Succession Plan (Part 2)
Chapter 10: The "Real" Masquerade Ball
Chapter 11: The Girl from the Past
Chapter 12: Kissing Bandit (Part 1)
Chapter 13: Kissing Bandit (Part 2)
Chapter 14: Two tamed Dragons
Chapter 15: Face to Face
Chapter 16: The Battle begins here (Part 1)
Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)
Chapter 19: Postponed
Chapter 20: The Queen's Pendant
Chapter 21: Welcome to GVA Battle 2012
Chapter 22: Mechanics, Rules and Regulations
Chapter 23: GVA - First Day
Chapter 24: The Bonus Prize
Chapter 25: The Battle Cross (1st Match)
Chapter 26: Excretive Killers
Chapter 27: The GVA Bidding
Chapter 28: Connections
Chapter 29: Her Brother- Unfold
Chapter 30: Synthetic Decision
Chapter 31: Lady_Apocalypse
Chapter 32: Beyond Those Plan
Chapter 33: Declaration of War
Chapter 34: Pandora's Battle
Chapter 35: Touch Move
Chapter 36: Falling Stars - Part 1
Chapter 37: Falling Stars - Part 2
Chapter 38: Execution of Plans
Chapter 39: Traitors
Chapter 40: Apollo X49 - Selena
Chapter 41: Solar and Lunar
Chapter 42: Twisted Comeback
Chapter 43: His Evil Plans
Chapter 44: The Scheduler's Plan
Chapter 45: The Final Battle
Epilogue
GVA Book Release Announcement

Chapter 18: The Token of Death

112K 2K 116
By XavierJohnFord

Aries – Constellate Assassins

"BIANCA!" SIGAW NG isang babae habang papasok silang magkakapatid ng gate ng Crimson University. They still need to attend classes. Kinakailangan din naman nilang mag-aral, lalo na kung walang misyong naka-assigned.

Lumingon silang tatlo tumawag sa kanila. "Ikaw nga, Bianca!"

Nagkatinginan pa silang tatlo nang mapagtantong si Jessa pala ito. Si Jessa Lazatin. She didn't expect na dito pala ito nag-aaral.

Kilala nila ito. Hindi lang sa kilala kung'di kilalang kilala. Isa ang pamilya ng dalaga ang pinagsisilbihan nila bilang isang bayad na mamatay-tao.

Pero kahit kailan hindi silang nagkasundo. Bakit? Masyadong nagmamanipula ang babaeng ito kanilang trabaho. Iyong tipong kapag may trip itong ipapatay ay ipapatay talaga at wala silang magagawa ro'n. At isa pa? She hates her attitude. She's a self-proclaimed bitch— according to her.

Nakita niyang tinaasan ng kanyang kapatid na si Lianne ang kilay nito si Jessa ng makalapit sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito, bruha ka?" ngumiti lang si Jessa ngunit alam niyang peke iyon at pinipigilan lamang ang sarili na mairita sa bungad sa kanya ni Lianne.

"Magandang pagbati, Lianne. Nice," utas ni Jessa.

"And not so nice to meet you too, Jessa." Kastigo ni Jamie.

Okay, nangangamoy away.

Pero imbes na sumabog sa inis itong si Jessa ay ngumiti pa ito ng todo at nakataas ang isa nitong kilay habang nakatingin kay Jamie. "Shut up you, freak."

"Aba't—" pinigilan na niya si Jamie, gagawa pa kasi ng eskandalo, nakakahiya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong na niya sa dalaga.

Imbis na sumagot kaagad ay ngumisi pa ito ng malademonyo at ayaw niya iyon kapag ginagawa ito ng dalaga.

"Hindi ba kasali na kayo sa GVA Battle 2012?" napatigil silang tatlo sa narinig at tiningnan ito with their narrowed eyes.

"How did you know about the GVA Battle thingy?" tanong ni Lianne.

Inirapan lang ni Jessa si Lianne at tiningnan sila as if na parang nawalan kami ng sintido kumon sa katawan.

"But of course, I know it. Like hello... kasali rin kaya kami ng mga ka-gang ko." She said while staring at them with her disappointing look.

Tinaasan niya ito ng kilay. "May gang ka?" tanong niya. "Parang 'di naman kapani-paniwala."

Tiningnan lang siya ng mariin ni Jessa na parang lalamunin siya. "Don't you know me? I'm the Black Lily's leader. I'm Black Rose."

Medyo napatigil silang muli. Parang biglang may naalala. "Black Lily? Iyong female gang na nag-second spot pa sa gangster world ranking?" 'Di makapaniwalang tanong ni Jamie.

Umismid naman si Jessa, parang nagmamalaki. "Yeah, that's us! Why?"

"Kaya pala nanahimik ka sa panggugulo sa amin." Aniya.

"Yeah, medyo nakakabored na rin kasi kayo." Sabi nito habang umaarteng na-bo-bored nga. Hambalusin ko 'to.

Naramdaman niyang ikinuyom ni Jamie at Lianne ang mga kamao nila. Pero tiningnan niya si Jessa ng matalim tapos ngumisi. "Nakaka-bored ba kamo? Don't worry, pati kami bored na rin sa iyo. Tuwang tuwa nga ako at tapos na ang kontrata namin sa papa mo. Mahina ka kasi."

Tiningnan naman siya nito matalim pabalik. "Mag-iingat ingat ka sa mga sinasabi mo, Bianca. Baka pagsisihan mo 'yan."

Umarte siyang nangangatog sa takot. "Oh! I'm scared. Yeah, I'm scared, Jessa. Ikaw ang dapat magsabi sa sarili niya'n. Hindi mo kilala ang kinakausap mo. Baka hindi ako makapagtimpi..." tapos medyo kinapa niya ng kaunti ang maliit na baril na nakalagay sa kanyang bewang. "Baka unahin ka nitong baby ko at ma-meet mo agad si San Pedro."

Binigyan pa siya nito lalo ng masamang tingin. Yeah, as if she's scared. Maaaring malakas na itong babaeng ito ngayon, pero hindi iyon sapat para talunin siya nang gano'ng kadali.

Maya-maya pa'y huminga ito ng malalim. Kapagkuwa'y naging maamo ang mukha. "Look, I'm not here to argue with you, three."

Humalukipkip si Jamie at nagsalita, "Anong kailangan mo naman, aber?"

May tiningnan ito sa likod na sila ring kinalingon.

Isang babaeng naka-manang outfi; naka-malaking eyeglasses; naka-doll shoes at may mga hawak na libro sa braso nito. Napansin niyang pilit nitong kinakausap ang isang gwapong lalaki.

Medyo napangiti pa siya nang makilala 'yung lalaki. Si Xavier, si Xenon.

Yeah, kilala niya ang binata. Nakakausap niya ito no'ng assassin pa ito. Inaamin niya, naging crush niya 'yan. Pero no'ng napapansin ng lalaking ito na nahuhulog na siya sa binata ay binantaan siya nitong h'wag raw niyang subukan ang mahulog sa kanya ng tuluyan dahil papatayin siya nito kaagad.

At first, hindi siya natinag no'n pero nang isang araw na nabwisit na ito ay do'n niya napatunayan na malakas ang binata at nakakatakot. Kung kaya't tinanggap na lamang niya na hanggang kaibigan na lang sila. Anong magagawa niya? E malakas ang lalaking 'to at kaya nitong totohanin ang banta nito sa kanya. Mahal pa niya ang kanyang buhay. Kaya naman mas maganda na iyong naging desisyon niya.

Ang huling balita na lamang niya kay Xenon ay tumiwalag na ito sa pagiging Assassin. Mas lalo nga siya nito napahanga dahil sa lahat ng pagsubok na binigay sa binata ng Assassin Organization ay napasa nito at inutakan pa. Tapos nalaman niya na sumali ito sa GVA Battle noon at nanalo. Sumali ito kasama ng mga kaibigan nito at sumali sa gang category. Doon nakilala ang binata bilang si Xenon ng Warlords Platoon at sumikat.

Ok. Fine until now, she's madly in love with him ngunit hanggang doon na lamang iyon.

Nilingon niya si Jessa at nagtanong. "Anong mayroon?" tanong niya sa dalaga habang napabalik sa pagtingin sa dalawang iyon at tila nagbabangayan pa.

Nahulog nung manang ang mga libro nito pero hindi man lang ito tinulungan ni Xavier. Nakatingin na rin ang halos lahat ng tao sa kanila dahil sa panghahabol na ginagawa nung babae.

"I want you to kill that bitch." Mariin pero halos galit na tono na sabi ni Jessa na kinalingon nilang tatlo.

"Hindi na kami nakakontrata sa inyo remember?" pagpapaalala ni Jamie kay Jessa.

Ngumisi ito sa kanila. "Pero may isang misyon ang mayroon sa Token of Death hindi ba?"

Mas lalo silang napaseryoso sa sinabi nito. Oo tama si Jessa. May misyon pang kailangang gawin ang mga nakatanggap ng Token of Death.

Once you received this token, aside from the good news that you will finally a contestant in the said event ay kailangan mo munang pumatay ng tao.

From its name— Token of Death,ito ang bagay na ma-r-receive ng mga invited participants ngunit nangangailangan ito ng kompirmasyon. At iyon ay ang pumatay ng tao at bahiran ang patalim nito ng dugo mula sa pinatay. Kapag nagawa na iyon ay saka lamang silang magiging official contestant. Kaya sila binibigyan ng tatlong araw para gawin ito.

"Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa imbes na kami?" mataray na tanong ni Lianne.

Napailing naman si Jessa sa sinabi ni Lianne. "Mukhang nakakalimutan niyo yata ang advantages ng mga high ranked gangsters sa GVA Battle. Nakalimutan niyo bang once you are qualified in the gangster category and you are ranked in a high position ay pupwede kaming magdecide kung kami ba o ipapagawa namin sa iba ang pagpatay na kailangan sa token of death?"

Napatiimbagang sila sa paliwanag nito. Yeah, she's right. Since ito pala ang leader ng Black Lily Gang at nasa 2nd spot pa. Talagang may advantage silang ganito.

"At bakit kami naman ang pinili mo na gumawa niyan?" tanong ni Lianne.

Humalukipkip naman si Jessa. "Kayo ang unang naisip kong pwede gumawa nito 'e."

"Pagpapasalamat ba namin iyan o maiinis kami sa sagot mo?" tugon niya sa dalaga.

Jessa shrugged her shoulder. "Ewan ko. Bahala ka."

"At bakit mo naman napili ang babaeng iyon ang maging target mo, huh?" tanong niyang muli.

Sa pagkakataong ito, nagtatagis ang bagang nitong nakatingin sa malayo. "Dahil inaagaw niya ang atensyon ni Xavier sa akin. Malandi ang babaeng iyon para landiin ang mahal ko. Akin lang si Xavier. Akin. Akin!"

Napailing na lamang silang tatlo sa dahilan nito. Nagagawa nga naman ng love na 'yan. Sabi na at tama ang kanyang desisyon kalimutan na lamang ang nararamdaman niya kay Xavier. Baka maging lokaret pa siya gaya nitong babaeng ito.

"Fine. As if naman na may magagawa pa kami." Pagsang-ayon niya.

Napalingon naman sa kanya ang dalawa niyang kapatid. "Hey!"

Tiningnan niya ang mga ito ng mariin. "Isipin niyo nalang na karaniwang misyon lang 'to, okay?"

Ewan ba niya kung bakit rin siya pumayag. Basta parang may iba kasi doon sa babaeng manang na iyon at medyo familiar siya rito.

"Really? I'm so touched na gagawin niyo 'yun para sa akin." Akmang makikipagbeso na si Jessa sa kanila nang harangan niya ng kanyang kamay ang mukha nito.

"Well, FYI. Hindi namin siya papatayin for you. Papatunayan lang namin sa iyo kung gaano ka kaduwag at hindi nalang mismo ikaw ang gumawa ng bagay na pwede mo namang gawin mag-isa."

Then with that, sinenyasan niya ang kanyang mga kapatid na sumunod na sa kanya. Pag-iisipan pa niya kung paano nila papatayin ang babaeng gusto nitong ipapatay sa kanila.

* * *

Xyrene Coltrane

HINDI na niya maipaliwanag ang galit at inis na nararamdaman niya ngayon nang dahil lang kay Xavier. Bakit ba hindi nito sinasagot ang mga text at tawag niya? Kapag naman naabutan niya itong sumagot sa kanya na hinuha pa niya'y sinagot lang dahil hindi tiningnan kung sino tumawag ay papatayin nito bigla 'pag narinig na ang kanyang boses.

Hindi sana siya mag-eeffort na gambalain ang gagong ito kung hindi dahil sa ama nitong tumawag pa sa kanyang tiyahin kaninang umaga. Asikasuhin na raw nilang dalawa ang kasal nila at pag-usapan ang ilang detalye. Aba'y kailangan niyang sumunod dahil binantaan na naman siya ni Tita Genevieve na hindi siya nito bibilhan ng latest model na kotseng gusto niya kung hindi siya susunod.

Actually, ang pag-uusap na gagawin nila dapat ay tungkol sa kasal nilang the day after tomorrow. Ang tindi ano? Ang bilis. Akala mo tatakasan niya ang anak nitong Howie Villareal na iyon. At kung anong dahilan kung bakit pinamamadali ay iyon ang 'di niya alam. At ayaw na niyang mag-effort na alamin pa. Sayang sa enerhiya.

At ang kinaiinis pa niya ay sa huwes lang muna raw sila ikakasal. Aba nga naman, matinde talaga oo! Minsan lang siya ikasal ta's doon lang? Gusto rin naman niyang kahit paano ng isang magarbong kasalan. Babae pa rin naman siya, nangangarap ng isang magandang wedding. Pero wala! Sinira lahat iyon ng lalaking itong ayaw siyang kausapin man lang!

Akala ba niya na masaya siya at atat siya kung malaman nito ang dahilan ng pangungulit niya? Aba! Ang kapal!

NASA may parking lot siya ng school at hinihintay ang pagdating ng kotse ng punyetang, Xavier na 'yan. Kapag talaga siya ay hindi nakapigil ay talaga nga namang babayagan niya ang lalaking iyon ng walang pag-aalinlangan.

Matapos siguro ng halos trenta minuto na paghihintay niya ay dumating rin sa wakas ang kumag na iyon lulan ng isang latest version ng paborito niyang kotse.

Pagkababa ng binata sa kotse niya ay sinalubong niya kaagad ito sa harapan ng binata. Medyo napapitlag pa ang hilatsa ng itsura nito at hindi yata inaasahan na sasalubungin niya ito ng ganito. Saglit lamang ang ekspresyon na iyon at nanumbalik ang malamig nitong tingin sa kanya.

"Anong kailangan mo?" tanong nito sa kanya habang nakatingin sa ibang lugar.

"Mag-usap tayo..." dumating 'yung ibang kaibigan nito. "... privately."

"Whoah! Mukhang kailangan nila ng alone time. Sige na boss! Una na kami sa tambayan ah." Turan ng lalaking kulay puti ang buhok. William yata ang pangalan no'n.

Tinignan ni Xavier ng masama si William pero nakaalis na ito. Tumingin muli ang binata sa kanya. "Wala tayong dapat pag-usapan." Tapos no'n ay nilagpasan lang siya nito.

Oh Lord! Give me some patience please!

Sinundan niya ito kahit mukhang ayaw talaga nitong makipag-usap sa kanya. Inaatake na naman kasi siya ng ka-bipolar-an kaya sinusundan niya ito. "Mag-usap nga kasi tayo."

Iyan ang lagi niyang sinasabi sa likuran habang nakasunod rito kapag dumadaan ang limang minutong katahimikan. Pero hindi man lang siya nito sinasagot o pinapansin. Bangasan na ba niya? Nang matapos na ito. Naiinis na talaga siya.

Hanggang sa natapilok na siya sa isang nakausling bato na hindi niya nakita. Since may dala siyang mga libro ay nabitawan niya ang mga iyon at nagkalat sa lupa.

May nagtawanan sa paligid niya at do'n niya lang napansin na nakatingin pala sa kanila ang mga ito kanina pa.

Habang pinupulot niya ang kanyang mga libro ay napansin niyang napatigil rin si Xavier maging ang iba pa nitong kaibigan at napatingin lang sa kanya. Pero ang mas hindi niya inaasahan ay ang biglang paglapit nung laging tahimik sa Warlords at tinulungan siyang pulutin ang kanyang mga libro.

Bahagya siyang napalunok nang matanaw ang dibdib ng binata habang nagpupulot ito. Uso kasi ang magbutones. Bigla tuloy siyang napailing iling nang hindi niya yata namalayang sumanib ang kamanyakan ni Eliza at Andrei sa kanya. Ano ba naman, Xyrene!

Pagkatapos niyang mapulot ang huling libro ay tumayo na silang dalawa at inabot nito sa kanya ang mga librong nakuha.

"Hindi maganda sa isang babae ang magdala ng maraming gamit, lalo pa't mabibigat pa ang mga ito." Naaalala na niya ang pangalan nito— Marco.

Nakatingin lamang siya rito habang naalis ito palayo sa kanya. May puso pala iyon kahit paano. Hindi tulad ng lalaking nakatingin ng masama sa kanyang kaibigan habang nginingisian siya nito. Tapos ay sa kanya naman tumingin ng masama.

Napaatras naman ako ng bahagya roon. Muling binalik ni Xavier ang tingin kay Marco and this time ay tanaw na niya ang kamao nitong biglang umigkas ng madiin.

Matapos niyon ay ito pa ang may ganang mag-walkout. Aba't! ano bang problema ng lalaking iyon? May sapak ba iyon o talagang tinamaan lang ng sumpong na kaadikan? Mamaya na nga lamang niya ito kakausapin. Kung galit ito sa kanya, pwes, mas galit siya rito.

* * *

Xavier Villareal

NAUNA nang pumasok sa silid-aralan si Xavier at halata ang gulat ng kanyang mga kaklase sa kanyang pagpasok. Hindi naman niya ito masisis dahil tuwing may pagsusulit lamang sila pumapasok sa klaseng ito— sila ng iba pang Warlords.

Mabilis siyang naupo sa kanyang upuan sa sulok at doon umub-ob. Sinenyasan na niya kanina sina William na mauna na sa tambayan at mamaya na lamang siya susunod. Baka magulpi niya pa si Marco.

Gago kasi ng lalaking iyon. Tama bang tulungan si Xyrene sa pagpupulot ng libro. Siya na dapat ang tutulong do'n pero naunahan siya ng kumag na iyon?

Anakng! May gusto ba ito kay Xyrene? Takte lang at subukan niya lang. Mata lang niya ang walang pasa sa kanya. Mas naiinis pa siya dahil kitang kita niya mula sa kanyang pwesto kanina ang mga mata ni Xyrene habang nakatingin kay Marco ng puno ng admiration. Iyong tipong ang perpekto ng taong tumulong rito kanina at parang wala nang ibang nakikita. Isang bagay iyon na hindi man lang nagagawa sa kanya ng dalaga. Isang bagay na sobrang kinaseselos niya.

Oo! Nagseselos siya! Oo, tama na! Pero anak ng tupa. Wala siyang pakialam kung nagugustuhan na ni Marco si Xyrene. Dahil hindi naman niya ito hahayaang makaporma sa dalaga. Sa kanya ipapakasal ang dalaga at hindi niya hahayaang mahulog sa iba ang pusong gusto niyang makuha. Korni ngang pakinggan pero lahat ng sinabi niya'y kailangang itaga sa bato. Dahil makakapatay siya ng kaibigan sa oras na kunin nito ang taong kanya lang. Ang taong sa kanya na nakatadhana.

Napatingin muli sa kanya ang buong klase nang mahampas niya ang kanyang desk ng sobrang lakas.

Bakit ba kasi ganito siya umarte? 'Langya! Iniiwasan niya lang ngayon si Xyrene dahil alam niyang nagmamatyag na ang mga tauhan ni Sy sa mga kalahok sa GVA Battle 2012. At ayaw niya munang mapadikit sa kanya ang dalaga. Ayaw niyang malaman ni Emmanuel na fiancee niya si Xyrene dahil gagamitin itong alas ni Sy, balang-araw sa kanya.

Pero parang 'di na niya yata kayang hindi ito pansinin dahil nangangamba siya sa gago niyang kaibigan. Takte, ayaw niyang may mga lalaking umaaligid ngayon kay Xyrene lalo pa't iniiwasan niya ito ngayon.

NARAMDAMAN niyang tumahimik ang buong room nang may bumukas ng marahas ng pinto. Alam niyang si Xyrene na iyon at badtrip na sa hindi niya pagpansin sa rito.

Walang naglakas loob na magsalita dahil ang tahimik ng paligid. Hanggang sa narinig na lamang niyang si Xyrene ang bumasag ng katahimikan.

"Titingin tingin niyo d'yan? Gusto niyong dukutin ko 'yang mga mata niyo?"

Anakng! Galit na nga ang amazona!

Hindi na siya nagtangkang iangat ang kanyang ulo at nagkunwariang tulog na lamang.

Pagkatapos ng klase ay kaagad siyang lumabas ng room. Siya pa nga yata ang naunang lumabas sa kanila lahat. Ngunit siya'y napahinto nang may nagbato ng kung ano sa kanyang sa ulo. Galit siyang tumingin sa likod. "Shit! Sino'ng nagbato—"

"May sasabihin ako, h'wag kang mag-alala at sandali lang ito."

Sandali siyang natigilan sa sinabi nito. Malamig ang tono at halatang galit ang pagkakasabi sa kanya ni Xyrene. Ngunit imbis na maapektuhan. "Bilisan mo at may pupuntahan ako."

"I-informed lang kita na tinawagan ng Papa mo si Tita Genevieve para sabihing ikakasal na tayo the day after tomorrow sa isang huwes. Ngayon, wala na akong pakialam kung may gagawin ka sa araw na iyon o mayroon man pero ang gusto ko lang sabihin ay... kung hindi ka pupunta ayos lang. I really don't care na mapahiya. At least I'm still willing to give your freedom at willing naman akong ibigay iyon sa iyo."

Pagkasabi niyang iyon ay mabilis itong umalis at iniwan siyang tulala. Nagulat siya na ang bilis ng proseso ng kanilang kasal ngunit mas nagulat siya nang sabihin ng dalaga na binibigyan siya nito ngpagpipilian kung pupunta o hindi. At ang kaisipang iyon ang nagpabigat sa kanyang nararamdaman. Ang bigat na parang sinasabi nitong... handa ang dalagang mawala siya sa buhay niya. Samantalang siya ay, mukhang hindi na niya kaya.

* * *

Xyrene Coltrane

MATAPOS niyang sabihin ang mga dapat sabihin ay mabilis na niyang nilayasan si Xavier. Tatawagan na niya sana sina Eliza nang bigla siyang nakaramdam na may nakasunod sa kanya.

Hinigpitan niya ang paghawak sa kanyang bag at kinakapa mula roon ang kanyang baril. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad nang walang anu-ano'y may nakatutok nang baril sa kanya.

Nakalapat ang dulo ng baril sa kanyang batok at kinasa ito ng may hawak. "May huli ka bang kahilingan bago kita patayin?"

Napapitlag siya nang mapagtantong kilala niya ang boses na iyon. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses.

"Mayroon... gusto kong humarap sa inyo." Tugon niya sa mga ito.

"Sige pagbibigyan kita." Nang siya'y lumingon ay tumama ang kanyang hinala.

"Bianca Brown?" tanong niya na kinagitla nito.

Sandali lamang iyon at tumalim ang tingin nito sa kanya at itinutok muli ang baril nito sa kanyang noo.

Muntik na niyang makalimutan. Hindi nga pala nila kilala ang tunay niyang pagkatao? Na siya si Dark Scheduler. Napaisip siya bigla. Bakit naman papatayin ng mga Constellate Assassins ang isang simpleng Xyrene Coltrane gayong simpleng tao lang naman ang kanyang ayos ngayon?

Napagawi ang kanyang mata sa may kaliwang kamay nito at napangisi nang makita ang punyal na hawak. Mayroon ang Constellate nito, ibig sabihin, kasali ang mga ito sa GVA Battle year ngayon. What a nice coincidence. She needs people, and she needs Constellate for her plan.

Mahinahon siyang huminga bago tumingin sa kanya. "Paano ko nalaman? Bakit ko makakalimutan si Aries ng Constellate Assassins?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata nito sa kanyang sinabi. Naramdaman niya naman ang dalawa pang baril sa kanyang likuran. Tanda na nandirito rin sina Virgo at Aquarius.

"Paano mo kami kilala? Sino ka, huh?! Sumagot ka!"

Pero imbes na sa sumagot ay lumatay sa kanyang labi ang isang ngisi.

Bumwelo siya pakaliwa at pakanan at yumukod pailalim upang mawala sa ulo niya ang mga baril nila.

Pagkatapos ay itinukod naman niya ang dalawa niyang kamay sa sahig habang itinaas ang bandang binti at bumwelo paikot ng sipa dahilan upang matamaan sa braso, dibdib, at kamay silang tatlo. Dahil na rin sa lakas ng ginawa niya ay naupo ang mga ito sa sahig at halatang nagulat sa kanyang ginawa.

Muli siyang napangiti nang makita niya sa mga mata ni Aries ang pagkagulat. "Isang tao lang ang kilala ko ang may kayang gawin ang backtied tornado kick sa loob lamang ng maiksing segundo."

Tumayo silang tatlo at mukha napagtanto rin nina Virgo at Aquarius ang ibig ipakahulugan ni Aries.

"I-Ikaw si—"

Hindi niya ito pinatapos bagkus ay tinanggal niya ang kanyang salamin at ngumisi sa kanila ng ngising sa iisang tao lamang nila nakikita.

"Yes, it's me. Dark Scheduler. Long time no see, Constellate Assassins."

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
288K 7.6K 61
Highest ranking: #3 Grupo ng magkakaklase na napagtripang mag spirit of the glass, hanggang sa isa isa na silang pinapatay ng multong kanilang nagamb...
397K 13.7K 53
(FORMERLY: The Perfect Prince and the Wild Princess) She used to be the sweet little princess. He used to be the snobbish and proud prince. Pero umii...