Secretly Married (Completed...

By forgottenglimmer

93.8M 1.1M 174K

Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop F... More

Chapter 01 - We are married (July 8, 2011)
Chapter 02 - The transferee (July 8, 2011)
Chapter 03 - They're married? (July 8, 2011)
Chapter 04 - The secret (July 8, 2011)
Chapter 05 - His ace (July 8, 2011)
Chapter 06 - Paparazzi (July 9, 2011)
Chapter 07 - Jealous? (July 9, 2011)
Chapter 08 - Hoodie (July 10, 2011)
Chapter 09 - Secret girlfriend (July 12, 2011)
Chapter 10 - Let's talk (July 17, 2011)
Chapter 11 - Truth xox Dare (July 18, 2011)
Chapter 12 - I do (July 20, 2011)
Chapter 13 - Storm (July 21, 2011)
Chapter 14 - Practice (July 23, 2011)
Chapter 15 - Blood (July 24, 2011)
Chapter 16 - Square (July 26, 2011)
Chapter 17 - Proud (July 28, 2011)
Chapter 18 - Tit for Tat (July 29, 2011)
Chapter 19 - Being pretty for what (July 30, 2011)
Chapter 20 - Confused (July 31, 2011)
Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)
Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)
Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)
Chapter 25 (August 06, 2011)
Chapter 26 (August 07, 2011)
Chapter 27 (August 08, 2011)
Chapter 28 (August 08, 2011)
Chapter 29 (August 09, 2011)
Chapter 29.5 - BS
Chapter 30 (August 11, 2011)
Chapter 31 (August 12, 2011)
Chapter 32 (August 13, 2011)
Chapter 33 (August 14, 2011)
Sorry
Chapter 34 (August 16, 2011)
Chapter 35 (August 16, 2011)
Chapter 36 (August 18, 2011)
Chapter 37 (August 20, 2011)
Chapter 38 (August 20, 2011)
Chapter 39 (August 22, 2011)
Chapter 40 (August 24, 2011)
Chapter 41 (August 26, 2011)
Chapter 42 (August 29, 2011)
Chapter 42.5 - Ang Mahiwagang Hagdan
Chapter 43 (September 04, 2011)
Chapter 44 (September 06, 2011)
Chapter 45 (September 09, 2011)
Chapter 46 (September 11, 2011)
Chapter 47 (September 15, 2011)
Chapter 48 (September 18, 2011)
Chapter 49 (September 21, 2011)
Chapter 50 (September 23, 2011)
Chapter 51 (September 26, 2011)
Chapter 52 (September 29, 2011)
Chapter 53 (September 30, 2011)
Chapter 54 (October 02, 2011)
Chapter 55 (October 05, 2011)
Chapter 56 (October 08, 2011)
Chapter 57 (October 11, 2011)
Chapter 58 (October 12, 2011)
Chapter 59 (October 15, 2011)
Chapter 60 (October 15, 2011)
Chapter 61 (October 19, 2011)
Chapter 62 (October 22, 2011)
Chapter 63 (October 25, 2011)
Chapter 64 (October 25, 2011)
Chapter 64.5 - Shower
Chapter 65 (October 29, 2011)
Chapter 66 (November 02, 2011)
Chapter 67 (November 05, 2011)
Chapter 68 (November 09, 2011)
Chapter 69 (November 13, 2011)
Chapter 70 (November 14, 2011)
Chapter 71 (November 18, 2011)
Chapter 72 (November 21, 2011)
Chapter 73 (November 22, 2011)
Chapter 74 (November 27, 2011)
Chapter 75- The Final Chapter (December 04, 2011)
Epilogue (December 09, 2011)
SM special update 1 (February 06, 2011)
SM Special update 2 (March 04, 2012)
SM Special Update 3 (April 28, 2012)
SM Special Update 4 (June 03, 2012)
SM Special Update 5 (July 22, 2012)
Secretly Married- Partial Delivery Updates
SM Special Update 6 (July 01, 2014)
Final Author's Note...

Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)

1.1M 14.5K 2.1K
By forgottenglimmer

DATE POSTED: August 2, 2011


Chapter 21 - Concern

Hindi napansin ni Kent na nasa may gilid ng parking space sina Phoebe at Jhone. Malalim kasi ang iniisip niya at naiirita siya sa katabi niyang salita ng salita.

Busy si Kent sa pagpapa-park. Kung hindi niya napapansin sina Phoebe sa gilid, napansin naman agad sila ni Elisa.

"Pagbuksan mo ako ng pinto ng kotse.... gentleman ka naman diba?" Request nito kay Kent.

"May kamay ka at paa, kaya kaya mong pagbuksan ang sarili mo" sabi naman ni Kent habang nagmamaneobra sa parking space.

"Bahala ka, di ako aalis dito sa kotse mo hanggang di mo ako pinagbubuksan!" pagmamaktol ni Elisa.

"Oo sige para ma-suffocate ka!" sabi naman ni Kent ng sandaling nakapagpark na siya.

Mabilis ang aksyon ni Elisa, kinuha niya agad ang susi mula sa ignition.

"What!!!? Give me that!"

"Ibibigay ko ang susi kapag pinagbuksan mo ako!!!" nakatawang sabi ni Elisa

Walang nagawa si Kent. Di niya pa rin napapansin sila Phoebe at Jhone dahil gusto niyang bugbugin si Elisa.

God damn you! Kung hindi ka lang babae eh!!! Naiisip ni Kent nang bumababa na siya at pinagbubuksan ito.

Inilahad niya ang kamay niya para sa susi.

Ngumiti si Elisa sa kanya habang nilalagay ang susi sa kamay niya sabay haplos pa dito hanggang hindi na binitiwan ang kamay niya.

Narinig ni Kent na may sumigaw.

"Fibs!"

Boses ni Jhone yun ah.

Lumingon siya at nakita niyang tumatakbo palayo si Phoebe.

Shit! anong nakita niya?

"Wait Phoebe!" tawag niya dito.

Biglang humarang si Elisa sa harap niya.

"DAMN YOU!" sigaw niya dito.

"Huwag kang mageskandalo Kent! Hayaan mo siya!" sabi ni Elisa.

"Get out of my way! Kapag hindi na talaga ako nakapagpigil makakatikim ka na!" sinigawan na talaga ni Kent si Elisa..

Mukhang natakot naman si Elisa at tumabi.

Tumakbo si Kent para sundan si Phoebe.

***

Hilam na ang mata ni Phoebe. Di niya na alam kung saan siya nagtatakbo. Di niya rin alam kung bakit siya umiiyak.

"Fibs!" nakasunod pa rin si Jhone sa kanya.                                  

Nakasalubong nila si Harley.

Napatigil si Phoebe pero naisip niya na sobrang magulo na ang utak niya kaya wala siyang panahon para makipag-usap dito.

Tumakbo siya ng classroom nila. Pinunasan niya ang luha niya dahil may iilang tao na rin doon. Mukhang hindi naman siya napansin dahil tuloy pa rin ang mga ito sa chismisan.

Sumubsob na lang siya sa desk sa ibabaw ng dalawang kamay.

"Fibs" narinig niya si Jhone sa tabi niya. Hinihingal siya pero mukhang mas hinihingal si Jhone.

Di siya sumagot. Gusto niya sanang mapag-isa pero wala naman siyang maisip na puntahan maliban sa classroom nila.

"KyyyyAhhhhh!!!"

"Oh my God si Harley!!!!"

"Shheeemay! Maganda ba ako ngayon?"

"Ang gwapo!!! Hi Harley!!! Anong kailangan mo???!!"

Nagtilian ang mga ibang babaeng nagchichismisan kanina ng makita si Harley na pumasok ng classroom.

"Fibs... si Harley nasa classroom." Binulong ni Jhone kay Phoebe na nakatungo pa rin sa desk.

"Please Jhone, ayaw ko ng kausap.... Please sige na..." mahinang sabi ni Phoebe.

"Isabelle?" nagsalita si Harley.

Lalapitan na sana niya si Phoebe pero nagtilian na naman ang mga tao sa classroom.

"Sheet end of the world na ba!!!!!!!!!! Bakit nandito sa classroom ang dalwang hottie????"

"Waaaah! Anong ginagawa nila dito? Kanina si Harley lang ngayon pati si Kent Eeeeeeek!"

"Oh my gosh!!!!

"Ano 'to?? May napanalunan bang price ang section D kaya nandito sila?

Kung anu-anong pinaguusapan ng mga tao. Sobrang star-strucked sa mga celebrity.

"Anong ginagawa mo dito?" bulong ni Kent kay Harley dahil alam niyang marami na ang mga nakatingin sa kanila.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Isabelle?" pabulong na tanong din ang isinagot ni Harley.

Nagtinginan sila at sabay lumapit sa nakayukong si Phoebe.

Pero humarang si Jhone.

"Please. If you care for her hwag kayong gumawa ng eksena dito. Gusto niya daw mapag-isa." bumubulong din si Jhone.

Pero walang nagpapigil sa dalawa. Lumapit ang mga ito sa magkabilang upuan sa tabi ni Phoebe.

Lalong nagbulungan ang mga tao.

"Anong problema?? Bakit nila nilapitan si Bernal"

"Malay ko, baka isa dyan boyfriend nya???"

"Naku ha hindi pwede yun!!! Baka friends friends lang sila!!! Ang swerte naman niya."

***

"Phoebe."

"Isabelle."

Sabay na sabi nila Kent at Harley sa nakatungong si Phoebe.

"Please....." yun lang ang nasabi ni Phoebe habang nakatungo pa din.

"Hindi ako aalis dito hanggang di ka nakikipag-usap" sabi ni Harley.

Pero walang reaksyon si Phoebe. Nakatungo pa din ito. Masakit na ang ulo niya dahil hindi pa siya kumakain.

 Ah nahhihilo na ako ah! Nagugutom na rin ako.  Naisip ni Phoebe habang nakatungo. Kumakalam na talaga ang sikmura niya sa gutom dahil hindi siya nakapagalmusal at hinintay nga niya si Kent mag-lunch.

"Phoebe naman. Makinig ka muna. Hwag kang parang bata, tumingin ka sa akin" Bulong naman ni Kent.

"Ang dami na pong nakatingin baka hindi nyo alam" sabi ulit ni Jhone. Pati kasi sa labas ng classroom ay may mga tao na.

"Isabelle, ano bang problema mo? Sinaktan ka ba ni Kent?" tanong ni Harley.

"Dude kung magsalita ka parang wala ako dito ha" mahinang sabi Kent.

"Tsk! The truth hurts ah!" sabi naman ni Harley.

"Umayos ka ng pananalita mo ha!!" napapalakas na talaga ang boses ni Kent.

"Ikaw ang umayos ng ugali mo!" sumisigaw na rin si Harley.

"TAMA NA!!!"

Napatigil ang dalawa ng sumigaw si Phoebe. Nakatayo na ito ngayon. Napansin ng dalawa na parang namumutla si Phoebe.

"Please!! Hwag naman..." pero hindi na naituloy ni Phoebe ang sasabihin niya.

"Oh my God!" sigaw ni Jhone

Nawalan ng malay si Phoebe.

Naging maagap si Harley pero mas mabilis si Kent.

"Ay!!" sigawan yung classroom.

Lumabas sa classroom si Kent na buhat-buhat si Phoebe. Walang nagawa si Harley kundi tumigin. Ayaw niya namang makipag-agawan ngayong walang malay si Phoebe.

"Okay! Okay! Tapos na po ang drama! Upo na tayo!!! Upo na!!!" sabi ni Jhone sa klase na nagkakagulo sa mga pangyayari.

"Anong nangyari Jhone??" tanong ng isa.

"Wala-wala!!! Nahimatay diba?" pag-iiwas ni Jhone.

"Anong nangyayari Harley?" tanong ng iba kay Harley.

Pero hindi ito sumagot. Tintignan lang nito ang papalabas na si Phoebe na buhat-buhat ni Kent.

"Okay ka lang?" tanong ni Jhone.

Umiling si Harley. Masama ang loob niya.

Pumasok na ang teacher sa classroom at lumabas na din si Harley.

***

Nagising si Phoebe na nasa clinic na siya at nakita niyang nasa tabi niya si Kent.

"Gising ka na pala!" sabi ni Kent.

"Pwede ka ng bumalik sa classroom Kent, ambait mo naman at nagmagandang loob kang dalhin siya dito." Sabi ng doktora.

Pero hindi umalis si Kent, tumayo lang ito sa may pader habang nakikipagusap ang doktora kay Phoebe.

"Hija, wala ka namang fever kanina nang dalhin ka dito. Nagda-diet ka ba?" 

"Hindi po."

"May sakit ka ba? Anemic ka ba?" Tanong ulit ng doktora.

"Wala po akong alam na sakit ko."

"Baka naman buntis ka?" tanong ulit nito.

"HINDI PO!!!" sabay na sabi ni Kent at Phoebe.

Nagpabalik-balik ang tingin ng doktora sa kanilang dalawa. Pagkatapos ngumiti ito at pinagpatuloy ang pagtatanong.

"Nahimatay ka na ba dati?"

"Dati pa po eh. Bata pa ako."

"Bakit? May sakit ka ba nung bata ka?"

"Wala po hindi lang po ako kumain nun, kasi... kasi..."

Naalala ni Kent na hindi nagkakakain si Phoebe nung panahon na namatay ang mga nanay nila.

"Oh sige, kung ayaw mong sabihin ang dahilan, okay lang... Eh ngayon kumain ka ba?"

Naalala ni Phoebe na hindi pa nga pala siya nakapagbreakfast at dahil hinihintay niya si Kent, hindi pa rin siya nakakapag-lunch.

"Di pa po ako kumakain ngayong araw. Pero nahilo po ako nung bigla po akong tumayo kanina"

Mula kasi sa pagkakatungo, bigla siyang tumayo kaya nakaramdam ng hilo at nauwi sa pagkawala ng malay.

"Baka kaya ka hinimatay. Okay ka na ba?"

"Okay na po ako... " 

Akmang tatayo na si Phoebe.

"Kumain ka muna bago ka bumalik sa class. I'll give you an excuse slip naman eh."

"Sige po. Thank you po."

Nang bigyan siya ng excuse slip ng doktora, lumabas na si Phoebe at pumunta ng canteen. Hindi nagsasalita si Kent pero nakasunod ito sa kanya. Walang tao sa canteen dahil tapos na ang lunch break pero nakatingin sa kanila ang mga concessionaires. 

Bumili lang siya ng sandwich dahil wala na rin naman siyang gana. Kumakain lang siya dahil sabi ng doktor.

Ginagawa nito dito ngayon? Kaasar siya! Dahil sa kanya ngayon lang ako magla-lunch!

Sa isip ni Phoebe ng makitang bumibili din ng pagkain sa Kent. Umupo siya sa isang table sa sulok.

Nakita niyang papunta na sa kanya si Kent matapos nitong bumili ng sariling pagkain. Tumingin siya sa ibang direksyon ng tumingin ito sa kanya.

Napansin niyang dalawang rice meal ang binili ni Kent.

Takaw naman nito! Naisip niya.

Nagulat na lang siya ng biglang kinuha nito ang sandwich niyang kinakain.

"Ano bang problema mo? Pagkain ko yan eh!" di na napigilan ni Phoebe na magsalita.

Nilagay ni Kent ang isang rice meal sa harap niya.

"Hwag kang mag-sandwich lang. You're so weak." 

Naiinis siya. Manlalait pa!!!!. Hindi niya ginagalaw ang pagkain sa harap niya. Bugnot na talaga siya.

Nagsalita ulit si Kent.

"Kumain ka na." maikling sabi ni Kent habang kumakain.

So ganun na lang yun? Parang walang nagyari? Uutusan na lang akong kumain. Inis pa rin si Phoebe kay Kent. Nagmomonologue pa rin siya sa utak niya.

"Phoebe naman. Kainin mo na yan kung ayaw mong subuan pa kita." Sabi ulit ni Kent.

Matigas ang ulo ni Phoebe.

Tumayo si Kent.

Akala ni Phoebe sumuko na ito sa kapipilit sa kanya. Nagulat na lang siya ng hilahin siya nito.

"Saan tayo pupunta?

"Uuwi na tayo, kung ayaw mong kumain dito, kakain ka sa bahay"

"Pero may klase pa..."

Hindi siya pinansin ni Kent. Hinawakan nito ang kamay niya.

Siya pa may karapatang magseryoso noh? Nalilito na naman ako. Bakit niya naman hinahawakan ang kamay ko. Eh kanina lang ibang kamay ang hawak niya.

Pero hindi niya tinanggal ang kamay niya.

Magkahawak kamay silang pumunta ng parking.

Pumasok na siya sa kotse nito. Papalabas na sila ng parking ng makita nila ang guard sa may gate. Bawal lumabas dahil hindi pa tapos ang klase.

"May shooting ako." Sabi ni Kent sa guard.

Sumaludo lang ang guard kay Kent at pinabayaan silang umalis.

Nakalabas sila ng maayos.

Kakaiba talaga pag artista... Tsss. Sa isip-isip ni Phoebe

Naguguluhan siya. Gulat pa rin siya, nasasaktan, at naguguluhan sa mga pangyayari. Pero ngayong hawak ni Kent ang kaliwa niyang kamay habang nagmamaneho ito gamit ang isang kamay, hindi na naman siya makapagtanong.

Sa isip ni Phoebe, galit siya, pero inisantabi niya na lang yun muna dahil ngayon lang hinawakan ni Kent ng ganun ang kamay niya. Again, for a moment, she wanted to forget all her heartaches.

Sa bahay promise... itatanong ko sa kanya lahat. Lahat-lahat. Magtutuos tayo Ken Tomas Fuentabella. Kaya mo yan Phoebe! Fight!

*later*

Note: This material is posted in August 2, 2011 and is never edited. Please reflect on what date you're reading and go easy lol.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 13.3K 97
Pare-parehas silang tanga sa pag ibig. [ FINISHED] [ WILL EDIT IT SOON] Title: Stupidly In Love By; roosseeey Date Started: May 7 2020 Date Finished:...
7.9K 414 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
25.5K 903 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014