Cinderella Shaine II

By CindyWDelaCruz

487 1 0

Second part of Cindrella Shaine I Sabi nga nila pag hindi ka pa masaya, hindi pa ito ang huli ng istorya. A c... More

Chapter One - HEART BROKEN
Chapter Three - HEART BROKEN
Chapter Four - DREAMS
Chapter Five - DREAMS
Chapter Six - DREAMS
Chapter Seven - DREAMS
Chapter Eight - DREAMS

Chapter Two- HEART BROKEN

9 0 0
By CindyWDelaCruz

Mula nang araw na iyon, hindi na niya inimik ang dalawa. Nagtataka siya dahil parang kay Justin kampi ang mga dalawa. Teka, wala naman siyang ginagawang masama ah! Kaya di dapat siya malungkot. Tinuon na lamang niya ang pansin sa ibang bagay. Isang araw, pumunta si Justin sa Catherine Cafeteria. "Magisa lang kayo sir?" magalang na tanong ni Ella sabay labas ng paa at ballpen.

"Cinderella, don't call me sir." Napalunok si Ella nang marinig ang pangalang dati nang sinasambit ni Justin.

"Sorry, Justin. You're alone?"

"Obviuos ba?"

"Malay ko ba." Bulong ni Ella. "So anong order mo?"

"I need to talk you."

"Uh, oh. I think I'm in trouble" ani Ella sa isip. "Sorry, may trabaho pa kao eh. I'm busy. Sige, tawagin mo na lang ako kung may order ka na-" Hinawakan siya sa braso ni Justin.

"Importante 'to." Seryosong sambit nito.

"Sabing may trabaho pa ako eh!" Pumalag si Ella kay Justin. "Naiintindihan mo?"

"Importante 'to." Seryosong sambit nito.

"Sabing may trabaho pa ako eh!" Pumalag si Ella kay Justin. "Naiintindihan mo?"

Pauwi na sana si Ella nang salubungin siya ni Justin sa labas ng cafeteria. "Ano bang problema mo?" nahihikab na tanong ni Ella. Pagod na talaga siya at walang balak patagalin ang usapan.

"Magkagalit ba kayo ni Trisha?"

"Hinde.", sagot nito. "Yun lang ang tanong mo?"

"Pwede ba Ella? Magpakatino ka munang kausap." Naiinis na angas ni Justin.

"Look, pagod ako-"

"Pag di ka tumigil pagsisisihan mo 'to."

"At anong gagawin mo ha?" tinatamad na tanong ni Ella.

"I'm going to kiss you." Justin replied indignantly. Dinukot naman agad ni Ella ang pellet gun sa bag niya at tinapat kay Justin. Dala na niyang iyon palagi saan man siya magpunta.

"Don't you dare, Mr. Howell." Tinaas ni Justin ang dalawang kamay.

"Okey, okey.", napangiting surrender ni Justin. "Gusto ko lang naming magka-ayos kayo-"

"It's none of your business, okey?"

"Pero di kayo naguusap-"

"Apektado ka?"

"Well, yes. Best of friends kayo."

"Some things change." Tugon ni Ella.

"Ba't ka ba nagkakaganyan?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil ba kay Shiena?"

"Absolutely! Paano mo nalaman?" sabi ni Ella sa sarili pero iba ang sinabi niya. "ang kapal ng mukha mo, Justin. For your information, my world doesn't revolve around you. And besides I love Tristan. You understand? Isaksak mo yan sa makitid mong utak! Stop thinkong that I am your business! Get out of my life, would you? Maganda ang girlfriend mo, kung lalake lang ako, aagawin ko siya sayo-" Biglang hinalbot ni Justin ang braso niya. At sa likod niya ilang layo mula sa kanya, may dumaan na sasakyan. Napanganga si Ella. Hindi niya alam na habang nagsasalita siya, umaatras siya. Stupid! Sigaw ni Ella sa sarili.

"Now, naiintindihan mo kung bakit kailangan mo ko?" Nakahawak si Justin sa baywang ni Ella at magkalapit ang mga mukha nila.

"If I know, may balat ka sa pwet at ako ang minamalas pag malapit ka sa akin." Sarkastikong sagot ni Ella. "Get off me." Utos nito na sinunod naman ni Justin. Nagsimula nang lumayo si Ella.

"Cinderella, sa tingin ko uulan. You need this!" sabay abot ni Justin ng payong.

"No, thanks."

"Ihahatid kita."

"No thanks."

"Are you sure?" Biglang bumuhosang ulan.

"NO, THANKS!" At mabilis na tumakbo si Ella pauwi sa bahay nila. Habang tumatakbo siya ay naiisip niya ang mga sinabi ni Justin. Lumakas ang buhos ng ulan pero pinilit niyang makarating sa bahay nila. Hindi. Hindi niya kailangan ng tulong ni Justin. Sa lakas ng ulan, siguradong basa na ang mga libro niya sa loob ng bag niya.

"Ella, um-absent ka muna ngayon sa trabaho." Ani Tita Mabelle. Kararating lang ni Ella sa cafeteria at magbibihis na sana siya nang salubungin siya ni Tita Mabelle.

"B-bakit po?" nagtatakang tanong ni Ella.

"Umuwi ka muna, okey? Magpapatulong ata sayo si Rio sa project niya. Pwede ba iyon? Ako muna bahala dito. Delikado eh, baka bumagsak siya sa subject na iyon." Hindi na nagtanong pa si Ella. Agad niyang kinuha ang bag.

"Sige po, aalis na ako." At kumaripas na siya sa pagalis. Matagal na rin niyang hindi natutulungan si Rio sa mga project nito. Mula kasi nang nagka-trabaho siya. Palagi na siyang abala. At labing limang minuto pa lamang nasa harap na siya ng bahay nila. "Rio?!!" tawag ni Ella mula sa labas. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Bakit malakas ang kabog ng dibdib niya? Na para bang may kakaiba sa mga pangyayari. Napatingin siya sa sapatusan. Wala doon ang sapatos ni Rio o ang sapatos ni Tito Michael. Sino ang nagbukas ng pinto? Dahan-dahang inangat ni Ella ang mukha. Teka, kilala niya ang lalakeng ito at isang taon na mula ng huli niya itong nakita. Tulad ng dati ng ganoon pa rin ang height nito. Nakasuot ito ng amerikana. Kuminis ang balat nito at lalong naging gwapo. May konting pagbabago sa buhok nito pero ganoon pa rin ng kulay tsokolateng mga mata nito. Matamis itong ngumiti. "Tristan!!" At matapos ang ilang saglit na titigan, nagyakap ang dalawa.

"How are you, princess?" sambit ni Tristan, magkayakap pa rin sila. "You're prince charming have come back."

"Am I dreaming?" tanong ni Ella.

"No.", tugon ni Justin. "You want to proof?" Hindi na sumasagot si Ella. Pumikit siya at hinihintay ang sunod na mangyari. Ilang sandali lang narandaman na niya ang paglapat ng mga labi ni Tristan sa mga labi niya. It is a soft, smack kiss.

"Now I know," nakangiting sambit ni Ella. "I'm not dreaming!" At niyakap niya uli si Tristan habang buhat siya nito patungo sa loob ng bahay nila. "Yahooo!!!"

"I'm really surprised , Tristan!" Di pa rin makapaniwalang sambit ni Ella habang nagtitimpla ng juice. Pagkatapos ay nilagay niya ang dalawang baso sa mesa. Si Tristan naman ay nakaupo sa berdeng sofa sa sala.

"Well, kailangan ko pang i-kunchaba si Tita Mabelle." Ani Tristan. Kaakbay na niya si Ella sa sofa at hinahalikan ang ilong nito. Nang biglang may nag-register sa utak ni Ella. A glimpse of Justin at lahat ng nangyayari sa kanila dahil dito. Everything that happen. Bahagyang lumayo si Ella at inabot ang sariling juice. "I really want to surprise you. School break namin ngayon sa Paris. Grabe, ang ganda pala talaga doon. Everything, may tatak na French!"

"Oh, talaga? Napapanood ko lang iyon sa tv o nababasa sa magazine. So, nakita mo na ang Eiffel tower?"

"Oo, at para makarating sa tuktok no'n. Merong elevator at hagdanan. The view is breath-taking! Kitang-kita ang buong Paris. Feeling ko, I'm on the top of the world!" masayang pagkukuwento ni Tristan. "Don't worry, hindi magtatagal, dadalhin kita doon! I promise."

"Really?"

"Oo naman. Doon tayo magtatayo ng castle natin eh!" Natawa na lamang si Ella.

"I'll be counting on that, okey?" At nagyakap ang dalawa na para bang wala ng bukas. Kinuwento ni Tristan ang buhay sa Paris at kinuwento naman ni Ella ang mga pangyayari sa buhay niya that just take her thirty minutes. Hindi niya kasi alam kung dapat ba niyang ikuwento ang mga "importanteng" nangyari tulad ng: Na-attract siya kay Justin at sobrang self-control siya na huwag nang lumala ang nararandaman niya dito. Kinuwento niya ang tungkol sa pagaaral; ang pagkalason niya noong debut ni Fella; ang mga improvements sa buhay ni Tita Mabelle; ang pagdating ni Tito Michael sa buhay niya; ang pangyayari noong birthday niya excluding Justin's gifts; ang pagpunta niya sa boracay kasama sina Trisha at Annie excluding yung pagsulpot ni Justin kahit saan siya magpunta at ang masayang pagtratrabaho niya sa Catherine Cafeteria. Summary lang naman ang sinabi niya. Si Tristan naman ay halos tatlong oras sa pagkukuwento buhay niya: ang bagong buhay niya sa Paris. Maya-maya lang ay humikab na si Ella sa pagkukuwento niya.

Alas-diyes na ng gabi nang makarating si Ella sa kwarto niya. Wala naman siyang masyadong ginawa dahil um-absent siya sa trabaho pero pakirandam niya kailangan na niyang matulog. Galing siya sa isang French Restaurant. Kasama ang buong pamilya at si Tristan. Puno ng kwentuhan ang mesang kinainan nila at puno rin ng masasarap na French food. Papatayin na sana niya ang ilaw nang may mapansin siyang kulay itim na paper bag sa tabi ng side table niya. May tatak itong Dior. Isa itong mamahaling brand ng bag. Kumislap ang mga mata niya nang makita ang nasa loob nito. It is a light brown shoulder bag na may tatak na Dior sa harapan. "Oh my God!", ang nasambit niya. Ito ang madalas niyang nakikita sa mga fashion magazine. Muntik na siyang himatayin buti na lang naagaw ng atensyon niya ang sulat na nasa loob ng bag. It's from Tristan.

Hi Honey,

I guess I have surprised you again. I hope you like it! I love you, my princess. Frog Prince!

Napahalkhak si Ella. Tila nawala ang antok niya. Nilagay niya ang bag sa balikat niya at nag possing sa harap ng salamin. "Kailangan kong mag thank you." Sabi ni Ella sa sarili. Kaya bumaba siya sa sala para kunin ang phone. She dialed Tristan's number but it's busy on the other line. She tried again after five minutes pero busy pa rin. "Sino bang gumagamit ng phone?!!" Limang beses pa niya uli sinubukan before falling asleep on the green couch. Not to mention, still holding the Dior bag.

Kinabukasan, masayang pumasok si Ella sa school gamit ang Dior bag. Masaya niyang ibinalita kay Alicia na dumating na ang boyfriend niya galling Paris. Masaya naman ito para sa kanya. Kaya lang she feel peculiar about it. Dapat kina Annie at Trisha niya iyon unang ibabalita. She miss her friends so badly. Kaya lang, panay ang iwas nila sa isa't isa. Para bang may "Great Wall of China" sa pagitan nila. Nang maisip niya iyon, biglang nagiba ang mood niya. Hindi na siya ulit nagsalita.

Paglabas ni Ella sa huling klase niya, nakita niyang naghihintay si Tristan sa may lobby. Maluwag itong ngumiti sa kanya. Kumaway naman si Ella. "Siya ba?", tanong ni Alicia. Tumango siya. "Ang gwapo." Anito. Sinalubong ni Tristan si Ella sabay halik sa pisngi nito.

"Tristan, this is Alicia, classmate ko." Pagpapakilala ni Ella kay Alicia. "Alicia, this is my boyfriend, Tristan."

"Wow, ang gwapo mo pala talaga!" ani Alicia habang nakikipag-shake hands ditto.

"Nice meeting you, Alicia." Tila nahihiyang tugon ni Tristan. "Ella, kumain nab a kayo?"

"Ako, tapos na." sabat ni Alicia. "Etong si Ella ay hindi pa. Kaya uuwi na ako, okey?"

"Are you sure?" ani Ella pero kindat ang sinagot nito sa kanya. Somehow, nagugustuhan na rin niya ang ugali ni Alicia. Mabait naman ito at maaalalahanin. Siguro, she have just got the wrong impression.

"Sige Tristan, see you next time!" pagpapaalam ni Alicia. "Ililibre mo ko ha, pag nagkita tayo." Dagdag pa nito habang papalayo.

"She's quite funny." Komento ni Tristan nang magkasarilinan sila. "Pareho kayong kulot."

"I like her." tugon naman ni Ella na sa wakes ay napansin rin ang bago niyang hair style.

"Siya ba ang idol mo sa hair style mo?" Kumunot ang noo ni Ella. What is he talking about? "Ooops, joke lang."

"You're joke isn't funny." Bulong ni Ella sa sarili pero hindi na niya isinatinig iyon. "Where are we going?" tanong na lamang ni Ella.

"You want to watch a movie?"

"A date?"

"Uh-hmm." Sumangayon naman si Ella. Buti na lang pinayagan siyang mag leave ni Tita Mabelle for one week. Kaya nagtungo sila sa Pearl City, isa sa mga kilalang mall sa Spring Trail. Nanood sila ng sine. Lover's seat ang kinuha ni Tristan kaya magkatabi silang nanood. At tulad ng dati, magkaakbay sila habang nanonood. No more than that. Buti na lang horror ang piniling panoorin ni Ella. Hindi niya alam pero parang naiilang siya kay Tristan.

Pagkatapos ay pumunta sila sa isang chicken restaurant. "How's the food?" tanong ni Tristan nang maka-isang subo si Ella sa roasted chicken na in-order ni Tristan para sa kanya.

"Masarap." Tugon naman ni Ella, habang ngumunguya.

"Ella, I'm really happy that you're here with me now." anito habang hawak ang kamay niya.

"Me too." Sagot ni Ella. "Kailan ka nga pala babalik sa Paris?" pagiiba ni Ella sa usapan.

"Siguro two weeks from now." Malungkot na sagot nito.

"A-ang bilis naman..." pagiiwas ng tingin ni Ella. She really mean it. Kahit papaano, masakit pa rin iyon para sa kanya.

"Huwag kang magalala, sasabihin k okay Mama na mag extend pa kami ng ilang lingo."

"Ilang linggo...At pagkatapos ay iiwan mo uli ako. Okey lang sanay na rin naman ako eh"

"No, that's not what I want to happen."

"What do you mean?"

"Napansin ko mula kahapon na naiilang ka sa akin."

"Ano?"

"Ella, meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" napalunok si Ella. Anong ibig niyang sabihin? Masyado ba siyang halata?

"I'm sorry, but I don't know what you are saying."

"Oo nga." Sagot ni Tristan. "Maybe I'm just imagining. Ano ba naman 'tong pinagsasasabi ko. Ilang linggo na nga lang uli tayo magsasama. Nilalason ko pa ang sarili kong isip. I'm sorry."

"Wala 'yon." Tugon ni Ella. "Just enjoy the food. Sayang, masarap pa naman."

Palabas na sila ng Pearl City nang may nakita siyang pamilyar na mukha. Lumakas ang kabog ng puso niya nang makita niyan si Justin iyon. Pakiarandam niya binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niyang hindi ito nagiisa. Kasama nito si Shiena. Magkaakbay. Nagtagpo ang mga mata nila. At nabigla siya sa nakita niya sa mga matang iyon. Nakita niyang may galit Agad siyang nagiwas ng tingin. "Uhm... Tristan, ihatid mo na lang ako sa sasakyan."

"No way. Ihahatid kita sa bahay niyo para sigurado akong you're safe and sound. Mag taxi na lang tayo."

"Okay."

Bago umalis si Tristan, Ella gave him a kiss on the lips. "Pasensya ka na kung medyo weird ang kinikilos ko ha. Siguro naghahahalo-halo lang ang emosyon ko kaya naapejtuhan ang pagkilos ko."

"It's alright, Cinderella. It's not your fault."

"I promise bago ka bumalik ng Paris, lulubusin natin ang mga araw na nandito ka. I sthat okay? Tulad noong bago ka umalis last year. We enjoy every moment, right?" Tumango si Tristan. "Mayibang bagay lang akong iniisip. Wag kang magalala, maaayos din natin 'to."

"I'm here to help you kung may problema ka. I'm sorry din kung minsan iba na ang lumalabas sa bibig ko." Tungkol ba ito sa pagpapakulot niya? "Cinderella, you are really beautiful." Natawa si Ella.

"You like my hairstyle?"

"Of course, yes! You look so free and wild!"

"Wild?"

"But very seductive."

Sa loob ng isang linggo, kung saan-saang mall o pasyalan pumunta sina Ella at Tristan. Sa mga amusement parks, restaurants, malls or museums. At muli, narandaman niya ulit ang kasayahan. Para bang gumaan uli ang pakirandam niya. Ito ang panahon na sobrang nakapag relaxed siya. Panahong nakalimot muna siya sa mga bagay na dati ay pinoproblema niya. She feel inspired in school at bumalik na rin ang dating sigla niya sa pagpasok. This time, kahit sobrang busy siya, she feel so energized, that she has a lot of caffeine instored inside of her.

Minsan ay naaalala niya si Justin. Even Annie and Trisha. But as the old saying goes, things just have to change. Kahit si Steven, ang close friend niya 'dati' have just gone out of her life. Everything just happen eventually. Ngayon, she have Alicia and Tristan.

"May problema, Ella?" tanong ni Tita Mabelle. Nasa terrace sila sa labas ng bahay nila. Madalas silang umupo doon for hours para mag star gazing Na-realize ni Ella na kanina pa siya tulala.

"Wala po, medyo napagod lang." Galinfg kasi sila ni Tristan sa isang gallery of arts museum. Mahilig din kasi si Tristan sa Art. Napangiti si Ella. The only thing that didn't change is her family. Tita Mabelle, Tito Michael and Rio. Masaya siya pag kasama ang mga ito at kapag sinasabi niya dito ang mga problema niya, agad silang nakakahanap ng solusyon. "Tita Mabelle, may itatanong ako."

"Ano iyon?"

"Walang permanente sa mundo dib a?"

"Oo naman. There should be changes and sometimes it's for the better."

"For the better?" tanong ni Ella iniisip kung talagang 'for the better' ang pagkawala ng pagkakaibigan nila ni Annie, Trisha, Steven o si Justin.

"Well, sometimes, tayo ang gumagawa ng changes sa buhay natin. And sometimes, we just choose the wrong changes." Ani Tita Mabelle habang nakatingin sa kabilang terrace kung saan naguusap sina Rio at Tito Michael. "Buti na lang pinili ko ang pagbabagong alam kong mas makakabuti." Dagdag nito. Tumango naman si Ella. Alam niya ang ibig sabihin nito.

"Tita Mabelle, will you always be my family?" tanong ni Ella. "Will you always be there for me?"

"I know and you know we would. Mahal ka namin Ella. Para na kitang tunay na anak. Kulang na lang ay ako ang magluwal sayo sa mundong ito." Paliwanag ni Tita Mabelle. "But I wish we could always be there for you. Kung sakaling dumating ang oras na kailangan mo kami at wala kami doon, look for us okey? Perhaps, we need you." Napangiti si Ella.

"I will." Lumapit si Ella kay Tita Mabelle at niyakap ito.

"Well, I can sense some drama here." Sabat ni Tito Michael mula sa likuran. Kasama nito si Rio. "Mind if I join too?" Nakisama ito sa yakapan.

"That's so corny." Sabat ni Rio na napatingin sa langit. "Oh, look! May shooting star!"

"Make a wish Ella." Bulong ni Tita Mabelle. So Ella close her eyes and mumbled something to her heart.


Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...