Chapter Seven - DREAMS

6 0 0
                                                  

           KRINGGGG!!! KRINGGGGG!!!

Napaungol si Ella sa tunog na iyon ng alarm clock niya.

KRINGGGGG!!! Nag ring ulit iyon, dinilat niya ang isang mata. Maliwanag na. Kinuha niya ang orasan at pinatay ang alarm. Alas siyete na pero tinatamad pa din siya bumangon. Kagabi kasi ay alas onse na siyang nakauwi. Nag over time siya sa trabaho niya bilang supervisor dahil may kinailangan siyang tapusin na report. Pinaghirapan niya ang presentation no'n dahil dito mababase kung siya ba ay mapro promote bilang manager.

Nag inat muna si Ella saka bumangon. Binuksan niya ang bintana at sumilay sa kwarto niya ang magandang sikat ng araw. Lalabas na sana siya ng kwarto nang masilayan niya ang pamilyar na litrato na naka pin sa dingding niya. Ang litrato ni Justin na limang taon nang nasa kanya. Hindi pa rin ito bumalik tulad ng nakita niya. Lumipas ang limang kaarawan, limang pasko at limang bagong taon, ni sulat, ni tawag ay wala siyang natanggap mula kay Justin. Sa puso niya ay gusto niyang magalit pero wala siyang magawa, naging busy din naman siya sa ibang bagay tulad ng career. At ngayon ay nakikita na niya ang bunga ng tatlong taon niyang pagtratrabaho sa isang malaking kumpanya sa Spring City. Meron na siyang second hand na kotse at account sa bangko, not to mention linggo linggo siyang nagsho shopping. Isa na rin siya sa mga sponsor ng Caroline's Home for the Orphans.

"Ella magalmusal ka muna bago umalis." yaya ni Tita Mabelle na ngayon ay napunta na sa forties nito, tumigil na din siya sa pagtra trabaho sa Catherine Cafeteria dahil gusto niyang maging housewife na lamang. "Kahapon nakalimutan mong mag almusal."

"Pasensya na po, kahapon po kasi ay male late na ako." magalang na sagot ni Ella.

"Masyado ka kasing workaholic eh, mag relax ka naman anak." sabi naman ni Tita Mabelle na kahit magfo forty na rin ay hindi pa rin nawawala ang kakisigan nito. At syempre ay hindi pa din nagbabago ang magandang trato nila kay Ella na para ng isang tunay na pamilya.

"Good morning!" bati ni Rio habang pababa ng hagdanan. Nasa kolehiyo na ito ngayon sa kursong Nursing at sa loob ng limang taon ay mas naging lalake ito. Pinagkakaguluhan nga ito ng lahat ng babae sa Universidad na pinapasukan nito pero wala pa itong nagiging nobya. "Anong almusal?"

"Yung paborito mo!" sagot ni Ella na medyo tumangkad pa, kulot na ang mahaba nitong buhok at lalong naging balingkinitan ang katawan niya.

"Wow fried rice and fried hotdog!" Excited itong umupo at sumubo. "Ang init!"

"Dahan dahan lang." sabi naman ni Tita Mabelle.

Matapos iparada ni Ella ang kanyang kotse sa parking lot ay dumiretso na siya sa loob ng isang International fashion company. Nag elevator siya papuntang 9th floor kung saan naroroon ang opisina niya. Nadatnan niya doon ang secretary ni Jared na si Faye. Mataba ito at kulot na kulot ang buhok, napabuntong hininga si Ella. Alm niya kung bakit ito nandito. "Ms Shaine, pinapabigay po ni Mr Cartney." sabay abot ng isang bouquet ng pulang rosas. Si Jared Cartney ang anak ng isa sa mga board of directors ng kumpanyang ito. Gwapo naman ito kaya lang hindi ito type ni Ella. Masyado kasi itong mayabang at arogante. Binasa ni Ella ang card na kalakip ng bouquet. Niyayaya siya nito mag dinner sa labas.

"Pakisabi hindi ako pwede."

"Ma'am naman, sige na naman po. Pumayag na kayo." pagmamakaawa ni Faye. "Pag hindi kayo pumayag ngayon, baka masesante ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ilang beses niyo na po siyang tinatanggihan, hindi niyo po alam pero sa tuwing tinatanggihan niyo siya ay ako po ang napapagalitan. In-explain ko na po sa kanya ng mabuti na wala talaga kayong interes sa kanya, pero hindi daw siya papayag."

Cinderella Shaine IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon