The Art of Loving You

By patriciaxo

102K 2.8K 755

Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not en... More

Start
Step - 1.
Step - 2.
Step - 3.
Step - 4.
Step - 5.
Step - 6.
Step - 7.
Step - 8.
Step - 9.
Step - 10.
Step - 11.
Step - 12.
Step - 13.
Step - 14.
Step - 15.
Step - 16.
Step - 17.
Step - 18.
Step - 19.
Step - 20.
Step - 21.
Step - 22.
Step - 23.
Step - 24.
Step - 25.
Step - 26.
Step - 27.
Step - 28.
Step - 29.
Aly.
Enz.
Kiel.
Final Step
Alternate Ending

Step - 30.

2.1K 59 13
By patriciaxo

"Kuya Tim, Ate Alex... thank you for dropping me," sabi ko nang bumaba ako sa sasakyan. Today's the last day of our college week and our last event is our college night.

Sina Mama't Papa dapat ang maghahatid sa akin pero may surprise celebration si Papa kay Mama sa bahay kaya si Kuya Timothy na lang ang nag-volunteer.

Along the way lang naman daw sa restaurant kung saan sila mag-de-date ni Ate Alex ang hotel kung saan gaganapin ang college night kaya hindi naman hassle.

"Enjoy, Aly!" nakangiting sabi ni Ate Alex habang nakaupo siya sa shotgun seat at nakababa ang bintana ng sasakyan.

"Thank you, Ate."

"What time should I pick you up later?" tanong naman ni Kuya Timothy na sumingit sa tabi niya at sumilip din.

"Hindi na. I can manage," ngiti ko. "Sige na, enjoy your night as well, love birds!" sabi ko pa at muli akong kumaway bago tuluyang makalayo ang sasakyan ng pinsan ko.

"Aly!" tawag sa akin ni Cip pagkatapos kong mag-sign sa registration.

Pinasadahan ko siya ng tingin at agad ko siyang inasar dahil lalaking-lalaki siya sa suot niyang black suit.

"Ang pogi mo ngayon!" ngisi ko at hinampas niya ako ng mask na hawak niya pagkatapos niyang mag-sign sa registration.

The theme for tonight is masquerade party. And since we have to personalize our masks, Cip's mask is painted in black and white while mine is covered with a white lace cloth to match my white tutu dress and silver heels inspired ballet shoes.

"Tigilan mo ako, Aly. Maganda ako, hindi pogi," umirap pa siya sa akin bago niya ako inalalayan maglakad papasok sa hall.

Elegante ang ayos ng venue. Nangibabaw ang gold at black motif sa ayos ng ceiling. May ilang malalaking masks din na nakalagay sa background ng stage at mga balloon arrangements sa paligid.

"Uy, sama naman kami sa picture!" salubong ko sa mga kaibigan namin nang makita namin sila ni Cip.

May sariling table ang mga officers pero babati muna kami kina Lyn, Dian, Yza, Mikee, Weng, Trixie, Quincy, Ann, James at Jaypee na nasa gilid at panay ang group shot. 

"Nandito na pala kayo. Oh, tara!" aya ni Yza na may hawak ng phone kaya tumabi na kami sa kanila para sumama sa pictures pagkatapos naming mag-beso.

"Uy, ang ganda ng ayos mo," puri sa akin ni Lyn pagkatapos ng picture session namin.

Nakalugay ang mahaba kong buhok na may soft curls sa ends at light makeup lang ang ginawa ng stylist sa mukha ko dahil gusto ko ng simple lang.

Si Mama ang nag-asikaso ng lahat dahil ayaw ko na sanang mag-effort ngayon pero pinilit niya ako. Dapat daw mukha akong presentable dahil ako ang vice president ng department namin.

"Ikaw rin, puks. Bagay sa'yo ang braids," puri ko at ngumuso ako kay Riley na isa rin sa mga officers. Katabi siya ni Lyn habang kausap niya sina James, JP at Cip. "Nanliligaw na ba?" mahina kong tanong at ngumiti naman siya.

"Nagtanong na kung pwede pero hindi pa ako sumasagot," bulong ni Lyn.

"Nako, I am so happy for you! Parang dati lang, naghahanap ka pa!" sabi ko naman at tumawa kaming dalawa.

"Oo nga. Pero hindi pala dapat hinahanap. Dumadating na lang bigla," sabi niya naman at lumambot ang ekspresyon sa mukha niya nang tumigin siya sa mga mata ko. "Ikaw ba? Kumusta?"

"Okay naman ako. Don't worry about me," I assured her at nakisali naman si Cip sa usapan.

"Aly, may hindi ka sinasabi sa akin," sabi naman niya at tumingin naman ang mga kaibigan namin sa direksyon niya. "Sino ang plus one mo? Nakita ko may nilista ka sa separate sheet." 

"Ah," sabi ko naman bago ko siya sinagot. "Si Kiel."

Umingay naman ang table dahil sa tukso ng mga kaibigan ko pero tinawanan ko lang sila. Wala namang ibig sabihin 'yon. Nagkataon lang na wala siyang gagawin ngayon kaya in-invite ko na.

"Nasa'n na? Ba't hindi ka sinundo?" tanong naman ni Ann. "Dapat ngayon siya nagpapa-impress sa'yo kasi single ka na."

"May pupuntahan lang daw sandali. Hindi naman ako nag-demand kasi okay lang naman. Hinatid naman ako ng pinsan ko," paliwanag ko. "Magdadalawang buwan pa lang akong single. Parang hindi naman tama kung magpapaligaw agad ako sa kanya or to anyone for that matter."

"D'yan din naman kayo pupunta ni Kiel. Ang dalas ka niyang sunduin at madalas pa kayong magkasama," sabi naman ni Wendy.

"I'm not closing my doors but right now, I don't want to think about it," sagot ko.

This is me finally admitting the fact to myself and to everyone that I am not closing the possibility of me and Kiel. Pero sa ngayon, wala muna talaga. Ayaw ko pa.

"What's important is that we're friends and we're enjoying each other's company. Naiintindihan niya 'yon," dagdag ko pa.

"Ang taray! Akala mo artista," nakatawang biro naman ni Mikee.

"Kasi naman, you guys opened the topic," tawa ko. "Enough with this. Let's enjoy the night!" sabi ko pa.

Nag-aya naman silang magpunta sa bar na nasa gilid para makakuha kami ng ilang cocktail drinks habang hindi pa nagsisimula ang program.

"Aly, ba't ang tagal ni Kiel? Magsisimula na ang program wala ka pang partner. Tignan mo sina Tara, Eunice, Sue at Jam. May dala ring plus one," bulong sa akin ni Cip habang magkatabi kami at naghihintay na isa-isa kaming tawagin.

Ang officers ang mauuna sa paglalakad sa red carpet at susundan kami ng mga students per year level. It's either solo or with by pairs.

"He texted. He's gonna be late," maikli kong paliwanag. "I guess something came up. I'm not sure. Basta susunod daw."

"Sabay na lang tayong maglakad, okay?" alok ni Cip at tumango naman ako.

Ako lang kasi ang walang partner sa lahat ng babaeng officers. It's not a big deal to me, anyway. I can do it alone.

"Wala pa rin si Kiel?" tanong sa akin ni Eunice pagkatapos naming maglakad sa red carpet.

Nakaupo na kaming lahat sa long table na assigned for officers. Nagsisimula na ang program at nagsasalita na ang dalawang emcees sa stage.

"On the way na. May importante lang daw kasi siyang inasikaso," sagot ko at inabala ko na lang ang sarili ko sa pictures kasama si Cip na nasa right side ko.

Paminsan-minsan, tumatayo rin kaming mga officers para magbigay ng awards sa mga nanalo para sa mga events at contests nitong nakaraang week.

Habang may program, nag-umpisa na ring i-serve ang five course meal para sa dinner. Pagkatapos, i-o-open na ang dance floor para sa sayawan.

"Aly, baka naman hindi sisipot kaya wala pa," sabi naman ni Tara pagkatapos naming kumain.

Ready na silang sumayaw sa dance floor kasama ang kanya-kanya nilang partners at inaaya nila ako pero tumanggi ako dahil hinihintay ko pa si Kiel.

Isa pa, romantic slow dance ang unang kanta kaya pang-couple lang talaga 'yon. Mamaya na lang siguro ako sasama kapag party songs na.

"Sige na, go ahead. Malapit na ra—oh, anong nangyari? Bakit ganyan hitsura mo Cip?" tanong ko dahil lahat sila, parang may tinitignan sa likod ko.

Lumingon ako at muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong wine glass. What the hell?

"E... Enz?"

"I'm Kiel's proxy for tonight," sabi niya habang bakas sa mukha ko ang pagtataka. "May I have this dance?" tanong niya pa at inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

What is this? Naglolokohan ba kami rito?! Hindi ko siya maintindihan! Hindi ko alam kung bakit nandito siya at kung ano na naman ba itong ginagawa niya.

"Please, Aly..." pakiusap niya.

Tumingin ako kay Cip at tumango naman siya sa akin kaya ibinigay ko ang kamay ko kay Enz. Alam kong ginawa 'to ni Kiel para makapag-usap ulit kami. Pero para saan pa? Malinaw naman na sa akin na ayaw na ni Enz.

Inalalayan niya ako papunta sa dance floor. Hindi ako makatingin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa nangyayari.

Nakita ko pa sina Dian na nakatingin sa akin at parang nagtataka kung bakit si Enz imbis na si Kiel ang kasama ko. Alanganin na lang akong ngumiti at diniretso ko ang tingin ko sa mga taong nasa dance floor na.

Parang akong tanga nang iharap ako ni Enz sa kanya. Humihinga ako pero parang hindi. Parang mabagal ang lahat, parang mabigat sa pakiramdam.

Nangangatog kong hinawakan ang kanang balikat niya at ang kaliwang kamay niya. Napapikit ako at huminga ng malalim nang hawakan niya ang dalawa kong kamay para ilipat sa balikat niya.

Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin at para akong nakaramdam ng kuryente nang hawakan niya ang baywang ko para hilahin ako palapit sa kanya.

You're in my arms,
and all the world is calm
The music playing on for only two ♪

"You look so beautiful," puri niya sa akin habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.

So close, together
And when I'm with you,
so close to feeling alive ♪

"Why are you doing this?" mahinang tanong ko nang salubungin ko ang tingin niya.

He looks dashing in his dark blue suit and white shirt. Bagong shave rin siya at naka-style ang buhok niya. Damn!

A life goes by,
romantic dreams must die
so I bid mine goodbye
and never knew ♪

"I'm so sorry for everything," sincere niyang sabi habang nagsasayaw kami. I can feel his nose brushing with mine kaya iniwas ko ang mukha ko palayo. "I miss you..."

So close, was waiting,
waiting here with you ♪

"Stop it," pakiusap ko pero nagpatuloy kami sa pagsasayaw dahil ayaw kong gumawa ng eksena. "Please."

And now, forever, I know
All that I wanted
to hold you so close ♪

"I love you," sabi niya at isinandal niya ang noo niya sa akin. "I love you, Aly."

So close to reaching
That famous happy end ♪

"I don't want to hear those words from you anymore," mariing sagot ko. "You ended us."

Almost believing
this one's not pretend ♪

"I love you," pag-ulit niya sa pangatlong beses. "I'm sorry. I love you."

Now you're beside me,
And look how far we've come
So far... we are so close ♪

"You don't mean that," seryoso kong iling habang tumutugtog ang mahabang instrumental ng kanta.

Mas dumami na ang taong nagsasayaw pero parang si Enz lang ang nasa harap ko ngayon.

Oh how could I face the faceless days
If I should lose you now? ♪

"I wish I don't," diretso niyang sabi at mas inilapit niya ako sa kanya. "But I do."

We're so close to reaching
that famous happy end ♪

"You're confusing," frustrated kong sabi. "One minute you're telling me that you're letting me go, that you're walking away to save yourself. And now you're telling me that you love me. Are you playing with me?"

And almost believing,
this one's not pretend ♪

"No, Aly. You know it's not that," iling niya at hahawakan niya dapat ang pisngi ko pero umiwas ako. "I'm doing this because we both need this."

Let's go on dreaming
for we know we are... ♪

"You decided that, Enz. I never had a say on this. Ikaw lang ang nagdesisyon na ito ang kailangan nating dalawa pero tinanong mo ba ako kung ito ang gusto ko?" mapait na balik ko. "You're so unfair. And until now you are being unfair because I want to move but I can't. Because you're here. Because you keep telling me that you love me and it's making me hope when I know I shouldn't."

So close, so close
and still so far... ♪

"You know what? You're too good to be true, Enz. I should've known better," disappointed kong sabi at mabilis ko siyang binitiwan nang matapos ang kanta.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng hall. I can't do this. I don't know how. Pinipilit kong maging okay pero ang sakit na naman. Ang sakit pa rin.

"Calm down, Aly. No, don't cry. Nakaya mong makipag-usap sa kanya nang hindi umiiyak. Don't cry now," bulong ko sa sarili ko.

Nang makalabas ako, agad kong hinubad ang heels ko dahil sumakit ang paa ko sa pagsasayaw namin.

"Aly, I am here so that we can talk..." rinig kong sabi niya. I can't believe that he still has the guts to follow me!

"Para saan pa, Enz? Bakit pa? Malinaw na sa akin! You broke up with me and you want me to let this go!" inis kong baling sa kanya. "And I did. I'm trying. What else do you want from me? I'm tired. Please leave me alone," dire-diretso kong sabi bago ko siya tinalikuran.

Mabilis naglakad pababa sa staircase. Buti na lang at nasa hall pa ang mga tao kaya kaming dalawa lang ang nandito.

"You deserve a proper closure," habol niya sa akin kaya muli ko siyang nilingon.

"I'm done, okay? Please! I've had enough! Tama na, Enz. Wala na akong gustong marinig galing sa'yo! Hindi ko kailangan ng closure kasi naiintindihan kong ayaw mo na. Hindi mo na 'to kailangang ipamukha sa akin!" galit kong sabi at marahas kong pinunasan ang pisngi ko nang maramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko.

"Oo, nasaktan ka! Nagkulang ako! Pero akala mo ba ikaw lang nahihirapan? Akala mo ba ikaw lang ang nagmahal dito?" sumbat ko. "Akala mo ba masaya ako? Akala mo ba hindi ako nasasaktan kapag sinasabi mong mahal mo ako pero tapos na tayo? Na mahal mo ako at mahal pa rin kita pero ayaw mo nang ayusin?! My god, Enz! I'm not happy! This is hurting me, too!"

"Aly, you don't understand..." habol niya sa akin nang lumabas ako ng hotel.

Nasa parking na kaming dalawa at patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.

"I do! I completely understand!" sagot ko. "Naiintindihan ko na hindi mo na ako kailangan sa buhay mo! Na tapos na tayo. Tama na!"

"No, Aly. Listen!" balik niya sa galit na boses kaya natahimik ako at tumitig lang sa kanya.

Napapikit siya at napakagat sa labi niya. Alam kong sinusubukan niyang kalmahin ang sarili niya pero kitang-kita ko ang pula ng mukha niya.

"You don't understand..." iling niya at seryoso niya akong binalingan ng tingin nang muli niyang idinilat ang mga mata niya.

"The first time I left you made me sick to my stomach," pag-amin niya. "I would look at you and know that I want you. That it's still you that I want despite the hurt. And even I'm confused, I'm sure that you're the only one I want. But I can't run back to you because we will only hurt each other."

Lumapit siya sa akin at inangat niya ang baba ko para magtama ang mga tingin namin. Hinawi niya ang ilang takas na hibla ng buhok ko bago niya hinawakan ang pisngi ko.

"You have to choose me, Aly. You have to choose me over your comfort zone. Over Kiel. But that's the thing. There's no certainty when it comes to you," malungkot niyang sabi. "And we both know that we cannot go down this road anymore because we both know how it ends."

"Enz, I've chosen you. You know I did. But I guess, it will never be enough. Kasi iniisip mo, ikaw lang ang nagbigay. Pero minsan ba... naisip mo, na kahit noong hindi pa ako buong-buo, ibinigay ko rin naman sa'yo lahat ng mayro'n ako? Lahat ng kaya ko," malungkot akong ngumiti at muli kong pinunasan ang pisngi ko. "I'm sorry. I'm so sorry if I wasn't enough for you. You deserve better and god! I badly want it to be me but I guess, it's just not meant to be."

"Are we really saying our goodbyes?" tanong niya at kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya. He's crying. We're both crying.

"Yes," matapang kong sagot at hinayaan ko nang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. "But maybe one day, we won't have to."

Iyak ako nang iyak habang naglalakad ako palayo sa hotel. Para siguro akong baliw dahil nakayapak pa ako at siguradong kumalat na rin ang makeup ko.

May ilang attendants sa labas na nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako pero umiling ako at nagdire-diretso ng lakad hanggang makalayo ako. Naupo ako sa gutter ng sidewalk para maghintay ng cab. Mukha akong kawawa habang nagpupunas ng mukha ko pero wala na akong pakialam.

"Hindi ko siya pinapunta para paiyakin ka," rinig kong sabi niya at nang i-angat ko ang tingin ko, nakita ko si Kiel. Nakasuot siya ng jeans, leather high-cut sneakers at v-neck shirt. All black. Favorite niyang kulay.

"Gago!" mura ko sa kanya at umiyak na naman ako kaya umupo siya sa tabi ko para punasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. "Nandito ka naman pala. Bakit si Enz pa ang pina-attend mo?"

"I thought it's going to make you happy," sagot niya habang nililinis ang mukha ko. "But you look miserable."

"It's nothing but a closure," sabi ko naman habang pinipigil ko ang paghikbi. "Wala na talaga..." mahina ko pang sabi.

"Then I guess he lost all his chances," seryosong sabi ni Kiel at tumingin siya sa mga mata ko. "Pwede na ba kitang angkinin?" sabi niya pa kaya inihilamos ko ang palad ko sa mukha niya.

"Sira!" sabi ko pa bago ko siya sincere n atinignan.

"But thank you, Kiel. Thank you for being here," duktong ko at hinawakan niya lang ang pisngi ko.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at napalunok naman ako. Napakurap ang mga mata ko at sa tingin ko, natauhan naman siya kaya lumayo siya sa akin.

"Halika na nga," sabi niya at tinapik niya ang likod niya. "Sakay. Uuwi na tayo."

Hindi na ako nagdalawang-isip na kumarga sa kanya dahil pakiramdam ko, pagod na pagod na rin ako. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.

"Thank you for saving me," ang huling sabi ko sa kanya bago ko ipinikit ang mga mata ko.

"That's all I ever wanted to do," rinig kong sagot niya at tuluyan na akong nakatulog sa likod niya.

Continue Reading

You'll Also Like

83K 2K 16
|SHORT BOOK 2 of Those Fourteen Days| Will another fourteen days be enough for them to finally have their happy ending? | ©2015 - Cover made through...
2.8K 108 6
Renzen and Tamara are childhood friends. They would always be there for each other without questions. Parang pamilya na ang turingan nila sa isa't-is...
922 33 12
In the prestigious halls of Delian Donegal Academy, six students from vastly different backgrounds find themselves drawn together by a shared curiosi...
235K 5.8K 33
Will those fourteen days be enough or never enough? | ©2014 - Cover made through CANVA