The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕37
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ☠43☠

32.1K 374 24
By kellylee0101

SAM's POV:

Just like that, nawala na lang basta lahat.

Just like that, wala na lang pala bigla at ganun na lang niya kabilis kayang bitawan ang lahat.

Pagkababang pagkababa ng tawag mula sa kabilang linya, blangkong blangko ako sa nangyayari.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig...

Nalaglag mula sa kamay ko ang phone ko at kasabay nito ay bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko dahilan para basta na lang ako mapasalampak sa sahig.

“No-----------no-------” Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Napapailing ako sabay hawak sa dibdib ko habang magkauyam ang mga kamay ko sa harap nito. “No----no----hindi pwede-----hindi----hindi totoo 'to------no-----” Bigla na lang nag-unahang magpatakan ang mga luha ko.

“No---please---no----”

Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na hindi pwede, hindi 'to totoo, na mali 'to, na hindi niya kayang gawin sakin 'to..

Pero ang kaninang simpleng pagpatak lang ng luha ko, hindi kalaunan naging hagulgol na dahil sa tindi ng nararamdaman ko.

Para akong isang batang basta na lang inabandona sa gitna ng kalsada matapos pagsawaan.

Para akong bigla na lang naging ulila at iniwan ng walang dahilan..

Parang nilulukot ang buong pagkatao ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang sa sobrang sakit nito, parang kaya ko pa ngang gawin ang lahat para mawala na lang basta ang sakit na nasa loob ko.

Pagkatapos ng lahat basta na lang ganito?

Basta na lang over the phone iiwan niya ko?

Habang patuloy ang mga luha ko sa pag-agos hindi ko naman ma-contain ang sarili ko. Feeling ko mababaliw ako sa sobrang sakit, feeling ko basta na lang nanakawin ang katinuan ko.

Dahan-dahan, tumayo ako at gumapang papalapit ng kama ko, paglapit ko naman sa bedside table ko nasanggi ko ito dahilan para malaglag ang babasaging lampara na nakapatong dito.

Yumuko ako sa tabi ng kama, niyakap ko ang mga tuhod ko saka ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

____________

A/N:

Guys, kung pwede sana i-imagine na lang muna natin na nag-kokorean/English si Il woo sa ibang parts dito, nakakaubos din minsan ng English eh hahaha. Tyaka hindi ko kasi gaano ma-express kung ano yung gusto ko iparating eh. Neh? Ngayon lang 'to. Labyu all. J

____________

IL WOO’s POV:

After my appointment, I decided to stop by at Sam’s place para mayaya ko sana siyang mag-breakfast. It’s 6am pa lang kasi and I know na nag-morning jog yun every 5am kaya malakas ang loob ko na gising na siya ng ganitong oras.

Pagdating ko ng hotel niya agad ko naman isinuot ang usual get up ko; Shades and mask. At dahil kilala ako ng may-ari ng hotel na ‘to binigyan niya ako ng spare key sa room ni Sam. Gusto ko kasi sana siyang i-surprise sa pagpunta ko tyaka may gusto kasi sana akong sabihin.

Pagkapasok ko ng lobby, derecho akyat agad ako sa floor kung saan ang room niya.

Pagtapat ko sa kwarto niya, nag-ayos muna ako ng sarili at huminga ng malalim.

*TOK TOK TOK*

I knocked thrice but no one answered.

I immediately think, ‘was she still sleeping?’ bago ‘to ah? Araw-araw kasi yun nagja-jogging. Napailing ako at kumatok ulit sa pinto niya.

*TOK TOK TOK*

“Room service!!!!”

I shouted out loud but then again nobody answers.

It took me a while bago ko na-realize na may spare key nga pala ako. Pero napaisip pa rin ako kung gagamitin ko nga, baka kasi naliligo siya or something kaya naghintay pa ulit ako ng 15minutes outside her room.

Ilang beses akong nag-attempt na kumatok ulit pero hindi ko na ginawa baka kasi puyat siya, naliligo o ayaw lang talaga magpa-istorbo.

Ngumiti na lang ako sabay tiningnan ang spare key na nasa palad ko sabay ibinulsa ito at naglakad palayo. Pagtapat ko ng elevator bigla itong bumukas at bumungad sakin ang isang humihingal at takot na takot na isang lalaki na mukang familiar sakin. Sa palagay ko, yun yung handler and manager ni Sam. Hinayaan ko lang siyang makalabas ng elevator saka naman ako sumakay dito.

Hindi pa man sumasara ang elevator ng marinig kong nagsisisigaw ang lalaking nakasalubong ko.

“Sam! Sam! Sam! Anong nangyayari sayo?! Open the door!”

Malalakas na paghampas niya sa pinto nito.

Bigla akong kinabahan sa nangyayari. Papasara na sana ang elevator nang bigla akong tumalon papalabas nito. Agad akong napatakbo sa harap ng kwarto ni Sam.

“What’s happening here? What happened to Sam?!” Pagyuyugyog ko sa lalaking nagpapanic sa harap ng pinto niya.

“I---Ah---” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Naglabasan na rin ang ibang guest ng hotel dahil sa commotion na nangyayari.

“Why? What happened to her?!!” Sigaw ko sa kanya.

“Kase I’ve been calling her since this 4am pero walang sumasagot! Originally kasi, we have an appointment toattend this 7am and we have to prepare early for so many things that’s why I’m trying to call her out. But I’ve got no answers from her phone and she’s not getting out since then..Nag-aalala na ko sa kanya! Please help me!!”

Nagsisisigaw na sagot niya sakin habang pumapatak ang mga luha niya at kitang-kita ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya.

“Call the ambulance! Call 119!” I immediately shouted him back.

Panic all over me took place, hindi ko mahugot sa bulsa ko ang susi na kanina lang ay nilagay ko. Hirap na hirap ang loob ko sabayan mo pa ng takot kaya wala akong nagawa kundi sipain na lang ang pinto hanggang sa magbukas ito.

“SAM! SAM! SAM!!!”

Sigaw ko matapos kong mabuksan at masira ang pinto. Hinanap ko siya agad sa kama at doon nakita ko siyang nakayakap sa tuhod niya.

“Sam! Are you crazy?! Bat hindi ka sumasagot!! Nandyan ka lang pala!” Galit na galit na sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa noo ko sabay hawak din sa dibdib ko.

 Papalapit na ko sa kanya nang mahalata kong may mga dugo sa sahig pati na rin sa katawan niya.

Napanganga ako sabay tinanggal ko ang shades ko pati na rin ang mask ko. Doon lang nag-register sa utak ko na duguan si Samantha and fragments of broken lamp are surrounding her.

“Shit!!!!” Napasigaw ako at napatakbo agad sa tabi niya.

Tinanggal ko siya sa pagkakayuko niya at doon tumambad sakin ang isang napakaputlang si Samantha. Hindi ko na ininda ang mga bubog sa paligid at agad na binuhat si Sam papalayo sa kama niya.

“Oh my God!! Samantha!!!!!!” Nagtitili ang lalaking kakilala ni Samantha.

“Did you call the ambulance?!” Agad kong tanong sa kanya.

“Ye---yes----they’re now downstairs---” sabay turo niya palabas ng room.

Agad namin dinala si Sam sa pinakamalapit na ospital para agad siyang mabigyan ng first aid.

 _____________________________

AFTER 4HOURS

SAM’s POV:

Nanakit ang katawan ko kaya napadilat ako. Napapangiwi ako sa sobrang sakit na hindi ko naman malaman kung saan ang eksaktong lugar kung saan nagmumula ang sakit.

Pagdilat ko, isang hindi pamilyar na lugar ang gumulat sa pag-gising ko. Inilibot ko ang paningin ko at sinubukan na tumayo nang makaramdam ako ng may mabigat sa kaliwang kamay ko.

Si Mama.

Si Mama nga ba ‘to? Tama ba ang nakikita ko? Anong ginagawa niya dito?

Si Mama nga at mukhang nakatulog siya sa tabi ko habang hawak ang kamay ko.

Unti-unti akong napabangon at tinapik ng marahan ang ulo ng Mama ko.

“Sorry Mama..” Bulong ko sabay may maliliit na patak ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ko.

“….Mmmmmm…” Biglang napagalaw si Mama kaya napasinghot agad ako sabay punas ng luha.

“Nako anak, gising ka na pala..” bungad niya sakin.

“Ano pong ginagawa niyo dito? Tyaka ano pong lugar ‘to?” Nagtataka kong tanong kay Mama.

“Nasa ospital ka iha. Nag-collapse ka daw sabi ng Doctor dahil sa sobrang kapaguran.” Sabi ni Mama sabay hawak sa pisngi ko. “Anak, alam mo naman na hindi mo kailangang gawin lahat ‘to diba? Pero dahil pangarap mo ‘to hinahayaan kita, pero kung ganito naman na aabusuhin mo ang sarili mo parang hindi ko na yata gusto ‘to..”

Wala sigurong alam si Mama sa nangyayari kaya niya nasasabi ‘to. Hindi pa siguro nakakarating sa kanya na wala na kami ni Chase at sa tingin ko hindi dahil sa pagod ang pagko-collapse ko kundi sa sobrang pagod kakaiyak.

Itataas ko sana ang kanang kamay ko ng makaramdam ako ng pananakit mula dito.

“Ano pong nangyari sa kamay ko?” Tanong ko kay Mama ng makita kong naka-gasa (gauze) ang mga ito pati na rin ang ibang parte ng katawan ko.

“May nakita kasing mga basag na piraso ng lamp sa tabi mo ng makita ka nila, pano ba nabasag yun anak?”

“Na—nasanggi ko po yata, yun po ang tanda ko..” maikling sagot ko sabay inisip kung ano nga bang nagyari pagkatapos kong mabasag ang lamp na yun at kung paano ko nakuha ang mga galos na 'to, wala kasi akong matandaan.

“Anak may problema ba?”

“Problema? Wala po..” mahinang sagot ko sa kanya.

“Sakin ka pa ba maglilihim?” Sabay hawak niya sa mga kamay ko.

“Sorry Mom, I'm so sorry…” at bigla na lang napabuhos ang luha ko.

After I let out all my hurt, doon ko na naisipan na ikwento ang lahat kay Mama. Ayoko kasing magsinungaling sa kanya pati para maintindihan din niya kung ano ang pinagdadaan ko.

Matapos kong ilahad sa kanya ang kwento ko, wala siyang ibang ginawa kundi sabihin ang salitang..."Parte yan ng pagmamahal masasaktan ka talaga. Pero dahil naman dyan Summer anak, tatatag ka, lalakas ka at kaya mo ng sabihin sa sarili mo na pagsubok lang 'to at lalampasan ko 'to. Yung mga susunod na pagsubok sayo ni God? Sisiw. Tatawanan mo na lang kasi alam mo sa sarili mo na kaya mo ng i-handle ang kahit anong problema.."

I felt relieved after maikwento ko lahat sa kanya, pakiramdam ko sa isang libong tinik na nakabaon sa puso ko, isa dito ang nahugot ko.

“Magpahinga ka na mahal kong prinsesa at bukas na bukas magpapa-book na ako ng flight para the next day iuuwi na kita sa Pilipinas.” Sabi ni Mama habang tinulungan akong humiga sa kama.

Binuksan ni Mama ang TV at bago ko pa man ipikit ang mga mata ko isang pamilyar na mukha ang nakita ko sa news.

 SBS NEWS HEADLINE: 

‘EXO/EXO-K rookie group member - Kai’s girlfriend was rushed to the nearest hospital due to over fatigue..’

Kai? Sabi sakin ng utak ko.

Napabangon ako bigla sa higaan sabay turo sa TV..

Kai??? Eh diba si Il Woo yung nasa TV? Kelan pa naging Kai ang pangalan niya at kelan pa siya napasama sa EXO?

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sakin si Il Woo na nakayuko.

 _______________________________________________

TO BE CONTINUED....

Continue Reading

You'll Also Like

47.9K 2.5K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
11.7K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
5.6K 280 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
5.4K 330 24
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...