The Art of Loving You

By patriciaxo

102K 2.8K 755

Serendipity Series II (TAoLG book two): Aly's choice has been nothing but pure bliss. But when love is not en... More

Start
Step - 1.
Step - 2.
Step - 3.
Step - 4.
Step - 5.
Step - 6.
Step - 7.
Step - 8.
Step - 9.
Step - 10.
Step - 11.
Step - 12.
Step - 13.
Step - 14.
Step - 15.
Step - 16.
Step - 17.
Step - 18.
Step - 19.
Step - 20.
Step - 21.
Step - 22.
Step - 23.
Step - 24.
Step - 25.
Step - 26.
Step - 27.
Step - 29.
Step - 30.
Aly.
Enz.
Kiel.
Final Step
Alternate Ending

Step - 28.

1.7K 61 6
By patriciaxo

Ilang linggo na rin ang nakalipas. Pinipilit kong maging okay dahil ito ang dapat kong gawin para sa sarili ko.

Kailangan kong tanggapin na may mga bagay at tao akong kailangang pakawalan kahit na gusto ko pa itong ilaban. Dahil may mga bagay kang kailangang ipatalo para sa taong mahal mo. At kung ang pag-iwas ko ang hinihingi niya, gagawin ko. Para sa kanya. Dahil mahal ko siya.

"Aly, hold this," inabot sa akin ni Cip ang isang one-fourth illustration board kung saan may nakasulat na free hugs sa malalaking letra gamit ang black marker.

"What?! No! Ikaw ang may idea n'yan, you do it," tanggi ko agad.

"Gagawin ko rin 'yan," sabi niya naman at pinagpilitan niyang hawakan ko ang illustration board. "Lahat tayo may ganyan, hindi lang ikaw."

The whole Psychology department was randomly divided into four teams: yellow, green, red and blue. These teams are required to put up a booth together with us, the officers, as a part of the celebration of our Psychology week which starts today.

"Bantay na lang ako sa booth," sabi ko pa pero umiling lang siya.

"The year level representatives will do that. But as for you, Miss Vice President-External, sasama ka sa amin. Napag-usap na natin 'to sa meeting, 'di ba?"

Ang theme ng booth namin, Random Acts of Kindness kung saan pwedeng bumunot sa fishbowl ng kindness ideas.

This is to pay homage for the International Random Acts of Kindness week and also, to make other people happy in simple ways that we can do.

This 'free hugs' campaign is also a part of this project because according to Cip, 'sometimes, when you don't know what to say, a hug says enough'.

Ito rin ang first project namin as the new batch of officers dahil tapos na ang term namin nina Kuya Cent. Actually, to run for a higher position (or to run for another term) is not in my plans but I have to support Cip.

Isa pa, last week ng January ang campaign period and I saw that opportunity as a good way to distract myself.

"Ate Aly, isipin mo na lang na for a good cause naman 'to, na makakapagpangiti tayo ng mga tao. You can do it," sabi naman ni Jam, ang auditor namin.

"Isa pa, Valentine's na sa Sabado, you know..." itinaas baba pa ni Eunice ang kilay niya. Siya naman ang partner ko, ang vice president-internal.

"Malay mo makahanap ka ng date mo," dagdag pa ni Cip.

"Hindi naman ako naghahanap. Tama na muna sa love love na 'yan," iling ko. "Fine, I'll do it. Just enough with the love life talks," sabi ko pa at pumwesto na kami sa Plaza Mayor.

Humiwalay ng location sa university ang iba sa amin kaya iilan lang kaming naiwan dito.

"Free hugs!" pangunguna ni Gabe na nasa kanan ko.

Nakangiti siya at kitang-kita ang dimples niya habang may ilang babae na lumapit sa kanya para yumakap. Kay Sue rin na nasa left side ko, may mga lumapit na. Mostly guys.

"Aly, kaunting effort naman para bumenta ka. Smile!" biro ni Cip na nasa likod ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Leche!" asar kong sabi at ibabato ko na sana ang hawak ko pero may kumalabit sa akin kaya napalingon ako.

"Pa-hug naman," sabi niya nang magkaharap na kami kaya excited ko siyang niyakap.

"Kiel!" ngiti ko at sinuklian niya rin naman ang yakap ko.

Binuhat niya ako at inikot-ikot kaya tawa ako nang tawa. Tinutukso na kami ng mga kasama ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Anong ginagawa mo rito? Ba't hindi mo sinabi na pupunta ka?" tanong ko.

Lately, sobrang effort ang ginagawa ni Kiel para lang mapangiti ako kahit ilang beses ko na siyang ipinagtulakan palayo.

But I am done pushing him away. Ayaw ko nang itulak palayo ang mga taong nand'yan para sa akin at gusto akong pasayahin.

"Surprise," nakangiti niyang sabi pagkatapos niyang kumaway kay Cip na panay ang tawag sa kanya. Sumenyas naman ako na sandali lang kaya umirap siya sa akin at tinawanan lang siya ni Kiel. "Si Cip talaga."

"Hayaan mo siya. Excited lang 'yan kasi nandito ka," sabi ko naman. "Oh ano nga, wala ka bang pasok? Sana nagsabi ka na pupunta ka para nahintay kita sa gate," sabi ko pa.

"Eh surprise nga," sagot niya. "Free cut kasi namin. Naisipan ko na puntahan ka kasi nabanggit mo na college week niyo ngayon."

"Ah. Kaya pala," tango ko. "Kumain ka na?" tanong ko at umiling naman siya.

"Ikaw ba?" balik niya.

"Hindi pa. Eleven pa lang naman. Twelve pa ang lunch," sagot ko. "Sabay ka sa amin mamaya. Mag-la-lunch out kami nina Cip. Pati, ipapakilala na rin kita sa iba pang officers."

"Ayaw raw ng usapang love life pero may bago pala siyang love life," rinig kong tukso sa akin ni Tara na kasama ni Cip sa likod.

"Malisyosa," nakatawang sabi ko at nahihiya naman akong bumaling kay Kiel. "Pasensya ka na sa kanila, ha? Mahaharot lang talaga ang mga 'yan."

"It's okay," he assured me.

"Anyway, mamaya pala, daan tayo sa booth nina Lyn," pag-i-iba ko ng usapan. "Kinukumusta ka niya pati si Tito, nabanggit ko kasi sa kanya 'yong tungkol do'n."

"Sige," sagot niya at may itinuro siyang mga babaeng naglalakad palapit sa direksyon namin, hihingi yata ng free hugs. "Trabaho na, Aly," biro pa niya kaya siniko ko siya.

"Pwede pong pa-hug?" tanong ng petite na babae.

Tatlo silang magkakaibigan at mukhang galing sila sa lower year. Tumango naman ako pero umiling siya sa akin.

"Ate, sa kanya po sana. Okay lang po?"

Tumawa si Kiel sa tabi ko at pinagbigyan niya naman itong magkakaibigan na lumapit sa amin. Nakipag-selfie pa ang isang naka-pony tail kaya kilig na kilig silang naglakad palayo pagkatapos silang i-accommodate ni Kiel.

"Ikaw na," pabiro pa akong umirap sa kanya at naghalukipkip.

"Yayakapin din kita. 'Wag ka nang magtampo," ngiti niya at agad niya niyakap. Gigil na gigil siya sa akin at natawa lang ako.

"Ang harot mo!" tukso ko pa sa kanya.

"Hoy, hindi na 'yan free hug. PDA na 'yan!" nang-a-asar na sita sa amin ni Eunice. "Aly, pakilala mo naman kami, 'wag mong solohin," sigaw niya pa dahil medyo malayo siya sa amin.

"Mamaya. Sa lunch," sagot ko at napailing na lang ako. "Issue talaga kayo, nako."

One hour kaming nakatayo sa gitna ni Kiel. Tinabihan niya lang ako all-throughout at sa kanya na napunta ang ginagawa ko dahil mas marami ang nag-re-request ng free hugs galing sa kanya. Minsan, may selfie pang kasama.

"Uy, bisita ko 'yan. Hindi 'yan officer," pabirong saway ko sa bagong batch ng lower years na lumapit kay Kiel.

Isa-isa niya silang niyakap at sa tuwing matatapos siya ay yumayakap siya sa akin. Sira ulo.

"Kiel, ano ba. Hindi ako humihingi ng free hug, ha?" saway ko at hinampas ko ang braso niya. "Kanina ka pa. Chansing na 'yan, uy!" biro ko pa.

"Ang haba na ng nguso mo kasi, eh. Para hindi ka nagtatampo."

"Sus!" I made a face at pinisil niya naman ang ilong ko.

"Ang cute niyo po. Boyfriend mo siya, Ate Aly?" tanong sa akin ng morena.

"Manliligaw pa lang ako," singit ni Kiel at nilakihan ko siya ng mga mata. "Kung papayag siya. Pero sa ngayon, umaaligid na pogi muna ang status ko."

"Yieee," tukso naman nila sa amin. "Sige po, good luck. Sana pumayag si Ate Aly kasi ang pogi mo po," sabi pa nila at natawa na lang si Kiel.

"Mukha mo," sabi ko naman nang makaalis na ang mga lower years at pinitik ko pa ang noo niya. "Baka maniwala 'yong mga bata, sige ka."

"Ano namang masama kung maniwala sila? Nagsisinungaling ba ako?" seryosong sabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Kiel, alam mo naman, 'di ba? Hindi pa pwede..."

"Hey, look..." malambing niya akong hinila palapit sa kanya at hinawakan niya ang magkabila kong braso. "I know, okay? And I understand. I just want you to know that I'll wait until you're ready. For now, I am your friend. I know my boundaries. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo pero maghihintay ako."

Tumango ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin. Pagkatapos, inaya niya akong bumili ng cotton candy at sumama naman ako sa kanya.

"You want the yellow one, right? Your favorite color," sabi niya at inabutan niya ako ng cotton candy nang tumango ako. "Isa lang po, Manong. Magkano?"

"Libre mo?" tanong ko at ngumiti siya. "Thank you."

Hindi pa kami umaalis ni Kiel sa harap ng cotton candy cart dahil nagpadagdag pa ako ng milk powder sa tindero.

"Kuya, isa nga po," automatic akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses niya sa gilid ko.

"Ayaw ko n'yang yellow, Enz. 'Yong pink," turo ng katabi niya at naramdaman ko agad ang protective na hawak ni Kiel sa kamay ko.

Nasa kaliwa ko siya at sa kanan ko naman si Enz na parang hindi yata alam na magkatabi lang kami.

"Si Mei naman parang bata. Pare-pareho lang naman ng lasa 'yan," napailing na lang si Enz at ibinalik niya ang cotton candy na hawak niya. "Pink daw pala, Manong. Ito po ang bayad."

"Thank you, Enz," nakangiting sabi ni Mei sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit na kanina pa ako binubulungan ni Kiel na umalis na raw kami. Shit!

"Uy, Aly. Hello," bati sa akin ni Mei nang mapansin niya ang presence ko.

Tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung genuine ba ang pagbati niya sa akin o pinapamukha niya lang na magkasama sila ni Enz ngayon. Damn!

"Nandito rin pala si Kiel," sabi niya pa. She knows him because we were all included in Pam's cotillion de honor last year.

"Dinadalaw mo si Aly?" tanong pa ni Mei at bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak. "Courting stage na ba?" nakatawa niya pang dagdag at do'n lang kami nilingon ni Enz.

Nagtama ang tingin namin at nakita ko rin ang pagtiim ng bagang niya nang makita niya ang kamay ko na hawak ni Kiel. He's mad.

"Tara na, Aly," aya ulit ni Kiel sa akin at tumango naman ako. "We'll excuse ourselves. May ginagawa pa kasi si Aly para sa event nila," sabi niya pa at tinalikuran na namin sila.

"Hey, ang lamig ng kamay mo. Calm down," utos niya sa akin at muli akong tumango pero narinig ko ang pagtawag sa akin ni Enz.

"Aly!" habol niya kaya huminto ako pero hindi ko siya nilingon. "Wait," sabi niya pa at para akong na-estatwa nang iharap niya ako sa kanya.

"Naiwan mo 'to," ipinakita niya sa akin ang illustration board na isinandal ko kanina sa cart ng cotton candy habang bumibili kami ni Kiel.

Lecheng illustration board 'to, kanina pa eksena nang eksena. Fuck! Nakailang mura na ba ako mula nang makita ko si Enz na kasama si Mei?

Para kaming tanga. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya ang free hugs sign. Nakatingin lang din siya sa akin at parang nag-a-alangan siya kung ano ang gagawin niya.

"Aly..." tawag niya sa akin at umiling lang ako.

"I can't do this. Don't pretend that we're civil," mahina kong sabi at nagulat ako nang yakapin niya ako.

"It hurts to see you with someone else," bulong ko at isinandal ko ang noo ko sa balikat niya.

"Nasasaktan din naman ako," mahina niyang sabi at ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya. God, I missed this. I missed him so much.

"Why? You're the one who asked for this, Enz. Anong karapatan mong masaktan?" tanong ko.

Malungkot akong ngumiti nang humiwalay ako sa kanya. Kinuha ko ang hawak niyang illustration board at diretso ko siyang tinignan.

"I want to unlearn loving you, Enz. Paano ba? Paano ka ba hindi mahalin?" tanong ko at bago ko pa marinig ang sagot niya, tinalikuran ko na siya.

Si Kiel naman, naghihintay lang sa akin at agad niyang in-offer ang kamay niya na hinawakan ko naman. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko dahil sa nangyari kaya kailangan ko ng suporta.

"Ayaw ko na siyang mahalin," mahina kong sabi at hinalikan naman ni Kiel ang sentido ko. "Pero mahal na mahal ko pa rin siya. Ang daya."

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 638 35
"One day, you'll see a star shining in the sky, and it's me watching you from a far." Stella Emery Bautista was admitted on the hospital since she fo...
448K 20.5K 42
Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the only way for him to have the right for his...
83K 2K 16
|SHORT BOOK 2 of Those Fourteen Days| Will another fourteen days be enough for them to finally have their happy ending? | ©2015 - Cover made through...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...