DATE POSTED: July 29, 2011
Chapter 18
Tuluyan nang pumasok si Elisa ng kwarto.
"What are you talking about? Tama ba ang narinig ko?" pabalik-balik ang tingin nito kina Kent at Harley.
"'Di ba Harley you said you have a girlfriend na? What are you guys talking about?"
"What is it??" Tanong pa ulit ni Elisa nang walang magsalita sa dalawa.
"Nothing."
"But I heard you. You said wife. What wife? "
Naglakad si Kent papuntang pintuan tinulak niya 'yun. Pero bago siya lumabas ng tuluyan, nagsalita siya.
"Narinig mo naman pala." Kent said with a hushed voice.
"What about it? You're married?" Elisa painted a smile on her face thinking it was a joke.
"Yes I am."
***
Naiwang nakatulala si Elisa dahil sa narinig.
Nagulat din si Harley. He didn't know it will be easy for Kent to say these things now. Especially to this girl who is to be his new love team.
"He's married? I don't believe it. Isn't he just 18?"
"Then, don't believe it." Sagot ni Harley.
"And you said you like his wife? How about your girlfriend? Talagang I would never believe it."
"You heard him right? And you heard me. So why are you still asking me again?"
"Is it true? Paano nangyari 'yun?"
"Basta..." Umiiling na nagsimulang maglakad na rin si Harley. "That's what it is."
"It's true then?"
"Paulit-ulit."
"You sound like you've known for a while. Why didn't you tell me?"
"Why should I tell you?" Harley answered with a scoff.
"Sino ba? Is she that girl na malandi kanina? Yung may gawa niyan sa mukha mo?"
"She... has a name."
"Hah! So siya nga! My god, I can't believe this. She's so ordinary. Kelan pa sila kinasal? Pero they weren't talking here at school ah! At paanong gusto mo siya? You're just new here. Kilala mo na ba siya dati?" Tuloy-tuloy na tanong ng babae.
"Basta, kasal na sila. How come you're suddenly interested into talking with me?"
"Paano sila kinasal?" Tanong ni Elisa na hindi pinansin ang mga huling tanong ni Harley. "Arranged marriage 'no?"
Hindi sumagot si Harley.
"I'm right." Elisa deduced herself. "So? He doesn't like her? Am I right?"
"I don't know! Maybe yes, maybe not. Pero one thing I know for sure, I like Isabelle."
'I thought you have a girlfriend! You said so on the phone! So you're just making me jealous ha, hindi pala totoo yun! So you also like playing games na rin ngayon? You even say it directly in my face that you like another girl? Honey, I know that kind of game. I play that way, too."
"I'm not playing games, Elisa. I really like her."
"Paano nangyari yun?"
"Maybe it's because of you."
"Me? So tama nga ako! Pinapaselos mo lang ako."
Harley chuckled.
"When you were bullying her, I felt like I wanted to protect her. At kung 'di magawa ni Kent 'yun, maybe, I can."
"So, it's still about your rivalry with Kent, huh?"
"Huh? Maybe, not."
Hindi maintindihan ni Elisa ang pinu-punto ni Harley.
"So ano ba talaga? If it's because of me, then tell me directly. Are you doing this because you want us to be back together?"
"Elisa, not everything is about you. And one more thing, huwag mong ipagkakalat ang mga alam mo."
"Sino ka naman para sundin ko." Nakabawi si Elisa sa lahat ng gulat niya. Nakaisip siya ng plano.
"Please." Taimtim na sagot ni Harley. "Maybe Kent's career will be wounded, and it will do mine good. But I think the one that will suffer the most is Isabelle."
"Oh really? That's what you care about?"
"Elisa, please."
"Come and let's go out again. And I'll not hurt your Isabelle."
"You are so crazy. Wala kang kahustuhan." Napailing si Harley. Nagsisisi na sinagot niya ang mga tanong ni Elisa. "Hindi ba't si Kent na ang gusto mo ngayon?"
"Can't I have both?" nakangiting sabi nito.
"But Kent is already married!"
"Ikaw na nga ang may sabi eh, arranged marriage lang yan. And you like her wife, why can't I like Kent? Lalo pa ngayon na magkakasama na kami lagi kapag start na ng shooting."
"And you still want us to date? Anong klase kang babae?"
"I just want to do what I want to do."
"And that's to play with us?" Napailing si Harley. "Hindi ako makapaniwalang nagkagusto ako sa'yo."
Ngumiti si Elisa bago lumabas ng classroom.
Matagal nakatulala si Harley sa pintuan bago nagtext.
See you at the school parking lot.
***
Problemado at seryosong naglalakad-lakad naman si Kent sa school.
"Gwapo!!! Si Kent!!! Dumadaan"
"Picture-an mo!"
"Ang hot kapag seryoso! Woot woot!"
"I love you Kent!!!"
Di na nasanay ang school sa kanya. Palagi pa ring ganun ang reaksyon kung saan siya dumaan.
Nalagpasan niya nap ala ang clinic. Pero naalala niyang nandun pala si Phoebe.
Bumalik siya at pumasok sa clinic.
"Ahh-ah! Hi Kent! May sakit ka?" starstruck naman yung nurse sa kanya.
"Head ache lang" hinawi niya ng kamay ang buhok niya.
Para namang magha-hyperventilate na yung nurse.
"Pwede ka dito. Bibigyan na lang kita ng pain reliever, pwede kang mag-nap sa ward. Isa lang naman tao dyan eh, okay lang sayo?"
"Okay lang sa akin"
Kinuha niya ang pain reliever sa nurse at dumerecho siya sa ward.
Nagkunwari lang siyang ininom ito.
Nakita niyang natutulog si Phoebe sa may sulok. Nakatalikod ito sa view nya at nakataas din ang harang sa kama nito.
Katok talaga. Nasa sulok na sulok. At itinaas pa ang harang NG KAMA. Parang bata, ang likot kasi matulog.
Pinili niya ang kama sa tabi nito.
Ano bang nagustuhan sa'yo nung Harley na yun? Gusto niya lang ba talaga agawin lahat ng sa akin?
Biglang umikot si Phoebe ng higa.
Nakaharap na ito sa kanya. Pinagmamasdan niya si Phoebe ng bigla itong magsalita.
"ent... "
Hahaha. Engot talaga. Nananaginip at nagsasalita. Umagang-umaga. Ano naman kaya yung ent?
Nagsalita na naman ito.
"Kent... "
Kent? Napapnaginipan mo ako? Hanep ah. Sabi ko na eh. Tsk.
"love you..."
Para siyang kinakabahan sa naririnig niya.
Mahal niya ako?Seriously?Ano bang napapanaginipan nito?Kung hindi nahuhulog sa kama nanaginip naman.
Bumangon siya at umupo. Pinagmasdan niya si Phoebe
Mahal mo na ako? Bakit di mo sinasabi? Engot ka talaga! Dati wala na akong narinig sa'yo kundi tukso na puro "payatot" at "palito". That's why I hated you when we were kids. Lagi mo na lang akong tinutukso. Bobo ka talaga Phoebe. Ngayong nagbago na ang itsura ko tska mo ako mahal?
"Kiss me."
Nagiinit mukha niya. Nagsasalita si Phoebe ng ganun pag natutulog.
Ang ingay mo Phoebe. Kahit natutulog pahamak ka talaga. Sa bahay ka magsalita ng ganyan hindi dito. May pagnanasa ka talaga sa akin kahit sa panaginip hahaha.
Lumapit siya dito. He fulfilled her wish. Hinalikan niya ito. Pero sa cheeks lang.
Saktong nagising si Phoebe.
"Kent?!" sabi nito habang umuupo.
Ang galing naman ng timing magising. Akala ko ba mantika ka matulog?
"Ikaw ang nagsabi na kiss me Kent eh!!" paliwanag ni Kent
"Ano?"
Dahil nahihiya na rin si Kent. Umalis na siya. Narinig niya na ding nag-bell.
"a-a-alis ka na Kent?" kabado na naman yung nurse
"Yes thank you. Okay na yung headache ko."
Lumabas na siya ng narinig niyang tumili yung nurse sa loob. Napailing na lang siya.
***
Si Phoebe ay naiwang naguguluhan sa clinic. Okay na ang pakiramdam niya pero kinikilig siya. Sa panaganip niya kasi, hahalikan na siya ni Kent. Nagulat na lang siya ng maramdaman niyang may humalik nga sa pisngi niya.
Kinurot-kurot pa niya ang pisngi niya na parang hindi makapaniwala.
Ano yun? Inception ba to? Bakit nandito si Kent sa clinic at hinalikan niya pa ang pisngi ko? Gusto niya na rin ba ako?
Tinignan ni Phoebe ang cp niya.
Wow nagtext si Harley? Red na Jaguar? Yaman!!
Bumalik na rin si Phoebe sa classroom.
***
Pumasok na si Kent sa classroom nila at ramdam niya ang tension between the three of them.
Minsang napapansin niyang nakatingin si Elisa sa kanya, minsan naman si Harley.
Natapos ang klase at agad lumabas si Harley. Susundan sana ito ni Kent pero pinigilan siya ni Elisa. Dalawa na lang sila sa classroom ng magsalita ito.
"Let's go out! Date?" masiglang sabi nito.
"Are you deaf? Hindi mo ba narinig na may asawa na ako?"
"I know... I know..."
"So anong sinasabi mo?"
"Do you want me to tell everyone that you have a wife? Let's put it into this way. Maaring masira ang career mo, pero with all your fans, I'm sure marami pa ring susuporta sa'yo. Pero si Isabelle---"
"Don't call her Isabelle!"
"Ha? O kung sino man siya. Kayang kaya ko siyang bigyan ng maraming anti-fans. People will detest her, lalong lalo na ngayon na narinig kong hit ang love team natin for the upcoming movie."
"So anong sinasabi mo?" naguguluhan siya.
"What I'm saying is, Hindi ko ipagkakalat na mag-asawa kayo, as long as we date. As long as we tell everyone we are dating"
"Ha!? Parehas kayo ni Harley, blackmailer!"
"Bahala ka! Anyway, diba sabi ko sayo may script reading tayo later tonight? Sasabay ako sa'yo ha!"
"Don't you have a car?" galit na sabi ni Kent, alam niyang naiipit siya sa sitwasyon.
"Nasiraan daw kami sabi ng driver ko. Sige na ha! Yes papayagg na yan!!!"
"Bahala ka" yun na lang ang nasabi ni Kent.
"Haha that's why I like you eh, ang suplado mo" at natuwa pa si Elisa.
Di na ulit sumagot si Kent. Naglakad na siya at alam niyang sinusundan lang siya ni Elisa. Napatigil sila sa may parking ng makita ang red na Jaguar. Kilala niya ang kotse nito. Minsan niya lang makitang gamitin pero alam niyang kay Harley yun.
Sumakay na siya sa kotse at sumakay din si Elisa sa shotgun seat. Wala siyang kaimik-imik ng dumetso sila sa tv station. Di siya nakatiis. Kinuha niya ang celphone niya at nagtext.
|Phoebe. You're not going to believe anyone, except me. Understand?"|
Hindi niya alam na nasa loob ng sasakyan ni Harley si Phoebe at nakita sila nito ni Elisa na papasakay ng kotse.
***
Inis na inis si Phoebe. Kanina lang hinalikan siya ni Kent sa pisngi, ngayon kasama nito sa kotse si Elisa. Pupunta lang sana siya kay Harley para idecline ang date nila tonight. Kinikilig na kasi siya kay Kent. Pero dahil sa nakita niya, mukhang papayag na talaga siyang makipag-date.
Natanggap niya ang text ni Kent
Believe niya mukha niya. Eh kasama nya nga si Elisa sa kotse eh. Babaero!
"What's the problem?" tanong ni Harley
"Wala. Let's go?" Matabang na sagot ni Phoebe. Payag na talaga siyang maki-pagdate kay Harley.
*later*